May Isang Mandaraya…teacher pa!

MAY ISANG MANDARAYA

….TEACHER PA!

Ni Apolinario Villalobos

 

Ano pa nga ba at sa panahon ngayon

May mga pandarayang nangyayari

Sa lahat na halos ng pagkakataon;

Malakas ang loob ng mga gumagawa

Mukha’y makapal at matatapang pa

Pati ang konsiyensiya’y di alintana.

 

Paano kaya kung teacher ang gagawa?

Katulad ng nangyari sa isang bayan

Na maunlad, tahimik at mapayapa;

Nagpatimpalak, ginanap upang matuwa

Mga estudyante sa isang eskwelahan

At ang mga hurado ay mga maestra.

 

Nguni’t ng masaklap ay nakalusot pala

Ang isang hurado ng contest na ito

Dahil ang isang kasali ay nephew niya!

Itong teacher itinuloy pa ang  paghusga

Ganoong pinag-uusapan na ang isyu

Na kapalmuks siya at walang hiya talaga!

 

Dahil sa pangyayari, ano pang tiwala

Ang maipapakita sa mga teacher natin

Na dapat sana ay pagmamalasakitan?

Paano pa silang sundin ng mga kabataan

Kung katarantaduha’y ipinapakita nila

Kaya’t sila’y nililibak, sa halip na tularan?

 

ANG RESULTA….NANALO ANG PAMANGKIN NIYA!

 

Ang Pagnanakaw

ANG PAGNANAKAW

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Madalas kong marinig sa iba kong kaibigan na hindi daw dapat pagkatiwalaan ang mga nangangalakal o scavengers dahil ang iba sa kanila ay nagnanakaw kapag nagkaroon ng pagkakataon. Sinong tao ba ang hindi nagnakaw sa tanang buhay niya?….yan ang pinang-boldyak ko sa kanya dahil sa inis ko. Tinanong ko rin kung hindi ba siya nangopya noong estudyante pa siya o di kaya ay nangupit sa pitaka ng nanay niya upang may pangbili ng sigarilyo kahit nasa high school pa lang, kaya ngayon ay naging chain smoker na siya.

 

Kung hindi bibigyan ng dahilan ang mga taong magnakaw, ibig sabihin ay akitin sila, mawawalan sila ng pagkakataong gawin ang katiwaliang ito. Ang problema ay ugali ng iba na burara at mayabang….nagdi-display ng cellphone na tig-30 thousand; binabalot ang katawan ng ginto kaya aakalain mong may hepatisis kahit mamalengke lang; pinapatugtog ng malakas ang stereo at TV upang mapansin; nagkukuwento ng kanilang karangyaan kesyo malaki ang sweldo ng mister; iniiwang bukas ang bag upang masilip ng katabi sa jeep ang lamang mga gadgets; iniiwang bukas ang gate kung aalis ng bahay; etc.

 

Hinuhusgahan ng iba ang mga kapus-palad na magnanakaw, pero hindi nila isinasaalang- alang ang pagnanakaw na ginagawa ng mga edukadong opisyal sa gobyerno na dapat ay nagbibigay proteksyon sa mga mamamayan kaya sila ibinoto. Hindi rin nila naisip na ang pagnanakaw ay hindi lang tungkol sa kaperahan dahil maraming empleyado ang nagnanakaw ng oras na laan dapat sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng sinasadyang pagpapatagal ng lunch break. At, ano ang masasabi nila sa “Monday/ Friday sickness” na sinasadyang dahilan ng mga empleyado upang pumalya sa pagpasok kaya naapektuhan ang operasyon ng kanilang opisina? Ang pagsira sa tiwala ng asawa, hindi ba isang uri rin ng pagnanakaw? Ang “plagiarism” na madalas nang gawin ngayon ng mga estudyante sa pamamagitan ng pag-copy/paste ng mga nire-research nila kuno sa internet upang may maipasa sa kanilang propesor na tamad mag-check, hindi ba pagnanakaw ng kaalaman ng iba?

 

Para sa akin, lahat ng mga gawain na may kinalaman sa kawalan ng katapatan at pagkawala ng tiwala ay pagnanakaw…kaya pasok din ako diyan dahil noong maliit pa ako ay nagnakaw ako ng balimbing at lagas na sampalok sa kapitbahay namin para ibenta sa eskwela at nang may maipambili ng mga gamit; kasama ang barkada ay nagnakaw din ng mga malalaking bayabas ng mga madre ng katabing high school; nagnakaw din ng tuba kasama pa rin ang barkada sa Agdao (Davao) tuwing kabilugan ng buwan….etc.

 

Kaya yong mga ipokritong mahilig manghusga, tumahimik na lang dahil kung ikumpara ang mga ninakaw ng mga hinuhusgahan nilang mga kapus-palad, wala pa sa katiting ang mga ito ng mga ninakaw at ninanakaw pa ng mga walang modong nasa gobyerno – ibinoto man o mga ordinaryong empleyado, pati na ang mga nasa pribado na oras naman ang pinagdidiskitahan. Kung sabihin naman ng mga ipokritong ito na ang isyu dito ay ang “act” o ang “paggawa” na pagnanakaw….pag-isipan din nila ang intensiyon ng pagnakaw. Ang mga kapus-palad ay nagnanakaw upang may makain kahit isang beses isang araw o para may ipambili ng gamot o gatas ng anak, samantalang ang mga “big-time” na magnanakaw ay nagnanakaw sa kadahilanang sila ay TALAGANG SAGAD SA BUTO ANG PAGKA-GANID…na pagpapakitang walang epekto ang mga pinag-aralan nila sa mga high-end na kolehiyo at unibersidad!

 

 

Ang Pulitika ay naging Salot na Sumisira ng Lipunan

ANG PULITIKA AY NAGING SALOT NA SUMISIRA NG LIPUNAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa lipunang may demokrasya at pinapatakbo ng sistema na pinili ng mga mamamayan ay kailangang magkaroon ng tinatawag na “fiscalizer” o tagapuna ng mga maling ginagawa ng mga nakaupo sa puwesto. Maganda sana ang ganitong sistema upang mabalanse ang mga pangyayari sa isang bansa. Ang karamihan sa mga “fiscalizer” ay  mga talunan sa eleksiyon kaya bumabatikos sa mga ginagawa ng mga nanalo. At, ang iba naman ay mga may adbokasiyang bumatikos sa mga maling gawain sa iba’t ibang larangan. Maganda sana ang layunin subalit ang “fiscalizing” ay inabuso nang makulapulan ng maruming pulitika dahil ginagamit ng mga talunan upang gumanti sa mga nanalo.

 

Ang demokrasya at eleksiyon ay kinonsepto ng mga pantas noong unang panahon at may magandang layunin para sa mga mamamayan. Ginamit ito ng maraming bansa, subalit ngayon, ito ay pinaitim at pinalapot ng korapsyon. Sa halip na makatulong sa isang bansa, ang pulitika na sana ay isang demokratikong paraan ay naging salot na ng lipunan. Ginamit na itong tuntungan at instrumento ng mga may tiwaling iniisip pag-upo nila sa puwesto, na nakasentro sa pagpapatagal ng kapit sa kapangyarihan at pagpapayaman sa anumang paraan.

 

Sa kasamaang palad, pati ang pinakamababang baytang ng sistemang pulitikal ng isang bansang tulad ng Pilipinas, ay naging korap na rin, sa diretsahang pagsabi. Ang tinutukoy ko rito ay ang barangay, munisipyo, at lunsod. Nakakalungkot dahil sa halip na magtulungan ang magkakapitbahay na gustong mamuno, sila ay nagsisiraan at nagpapatayan pa!…nagbabatuhan ng putik! Magmumukha akong tanga at ipokrito kung sasabihin kong walang perang kikitain sa mga puwestong pinaglalabanan. Pinagpupundaran ng pera ang pagtakbo na dapat ding mabawi sa anumang paraan kapag nanalo….ganoon lang. Ang hirap lang sa iba ay naging sobra ang pagnanasa. Okey na sana kung “sapat lang” ang hinahangad, subalit lumalampas sila sa hangganan na itinakda upang hindi umabot sa pagkagarapal. Tanggap na rin naman na hindi talaga nawawala ang kumisyunan sa gobyerno….kaya dapat sana ay hinay-hinay lang sila upang hindi masyadong obvious.

 

Sa ganang ito, ang ibang nag-aambisyon nang patago o tahimik lang….yong pangiti-ngiti na animo ay inosente at mabait ay sa loob pala ang kulo. Tulad ng isang tao na ikinuwento ng isa kong kaibigan. Ito raw ay aktibo sa simbahan, maka-Diyos wika nga. Subalit nang alukin upang tumakbo sa isang puwesto ay hindi magkandaugaga at tila nawawala sa sarili sa pagpapapel “loud speaker” sa pagpakalat ng paninira sa magiging kalaban sa eleksiyon. Nakalimutan niyang siya ay isang “taong simbahan” kaya inaasahang “maka-Diyos” ang pagkilos niya at pananalita. Nakakalungkot, dahil sa ambisyong makapasok sa pulitika ay nawala sa sarili ang taong ikinuwento ng kaibigan ko, ganoong wala naman daw itong napatunayan bilang lider. Hindi rin daw naisip ng taong ito na ang ikinakalat niyang paninira ay hindi niya personal na napatunayan kaya pwede siyang mademanda ng sinisiraan. At, hindi rin niya naisip na dapat ay pairalin niya ang delikadesa sa pamamagitan ng pag-resign sa maka-Diyos niyang responsibilidad….subalit hindi niya ginawa. Saan napunta ang itinuro sa kanya noong maliit pa siya na ang Diyos ay nakakakita ng lahat…kasama na diyan ang ginagawa niya?

 

Dapat isipin ng taong ito na kung hindi naman niya kilala ang taong sinisiraan ay para lang siyang itinutulak tungo sa kumunoy ng intriga na hindi na niya matatakasan. At, higit sa lahat, paano kung gantihan rin siya ng mga nagmamalasakit sa taong sinisiraan niya dahil sa “Golden Rule” na nagsasabing “huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”? Baka ang mga huling araw niya sa mundo na dapat sana ay mapayapa dahil sa tinatawag na “retirement” ay magiging masalimuot!

 

Mali ang diskarte ng taong ikinuwento ng kaibigan ko dahil dapat ay ipinilit niya ang pagkamaka-Diyos niya upang makatulong sa grupong sasamahan niya. Sana ay pinanaig niya ang kanyang adbokasiya na maka-Diyos (nga ba?) at hindi nataranta dahil sa ambisyong makapasok sa pulitika. Sana ay pinayuhan niya ang kanyang grupo na iwasan ang paninira sa mga makakalaban nila. Subalit kung talagang nabulagan siya kaya ganoon siya kadaling “bumaligtad” ng panuntunan sa buhay, paano pa siyang pagkakatiwalaan ng mga taong hihingan niya ng boto? Magtitiwala pa ba ang mga botante sa kanya na sa kabila ng tagal na panahon niyang pagsuot ng kuwentas na may malaking krus ay biglang nanira ng ibang taong hindi naman niya kilala…dahil lang sa pulitika?

 

Kung ayaw  magbago ng diskarte ng taong ikinukuwento ng kaibigan ko dahil nuknukan daw talaga ng kayabangan ang taong ito….bahala na ang Diyos niya sa kanya! Nakakagimbal din ang desisyon niyang ipagpalit ang Diyos niya sa pulitika!….ang buhay nga naman!

 

 

Ang Iba’t-ibang Kasilbihan sa Buhay ng Tao…nagtatanong lang naman

Ang Iba’t- Ibang Kasilbihan sa Buhay ng Tao

…nagtatanong lang naman

Ni Apolinario Villalobos

 

Ano ang silbi ng magaling na abogado kung ang kanyang kaalaman ay binabayaran ng mga tiwali sa pamahalaan, mga big time drug dealers, illegal recruiters, landgrabbers, at iba pa upang maabsuwelto sa mga kaso, o di kaya ay binabayaran ng mga talagang may kasalanan upang ang walang sala na walang pambayad sa isang abogado ay makulong?

 

Ano ang silbi ng katalinuhan ng isang tao kung gagamitin niya ito upang manloko ng kapwa, o di kaya ay upang makapasok sa larangan ng pulitika kung saan ay nagmimistula na siyang demonyo dahil sa walang tigil na pagyurak sa karapatan ng kanyang kapwa na nagluklok sa kanya sa puwesto upang sana ay makatulong, subalit, kabaligtaran ang ginawa?

 

Ano ang silbi ng naaaaapaaakahabang dasal, ganoong ang gusto lang namang hingin ng nagdadasal ay yaman “pa more”, di kaya ay kapahamakan ng kapwa na sinasabayan pa ng pagtitik ng kandila?

 

Ano ang silbi ng dasal na maganda pa ang pagka-kuwadro sa mga facebook na nila-like at sini-share, kung ang gumagawa ng mga ito ay hanggang doon lang ang gusto – ang mag-admire lang sa prayer na maganda ang pagka-layout at may background pa, at ang iba ay may accompanying music pa kung i-like, sa halip na bigyan ito ng buhay sa pamamagitan ng paggamit ng nakasaad sa sinasabi? (maski ilang milyong beses pang mag-share ng “love your neighbor” ang isang taong hindi nagbabago ng masamang ugali, wala ring silbi ang ginawa niya).

 

Ano ang silbi ng malalaking simbahan kung may araw na sarado ang pinto nila dahil ang mga nangangasiwa sa mga ito ay nag day-off?

 

Ano ang silbi ng mga sinasabi ng bagong santo papa ng Romano Katoliko para sa pagbabago ng ilang mga “pastol” o mga pari kung hindi naman sila sumusunod?

 

Ano ang silbi ng K-12 program na nagdudulot ng bangungot sa mga magulang kung hanggang  Grade 9 lang ang kaya nilang tustusan, kaya bagsak pa rin ang mga anak nila sa mga contractual na trabaho na sumusweldo ng 200-300 pesos sa isang araw? (nagsayang lang ang mga bata ng dalawang taon na ginugol sa Grade 7- 8, na dapat sana ay katumbas na ng diploma ng high school).

 

Ano ang silbi ng Kongreso at Senado kung hindi rin lang sila makapagpasa ng mga batas na “angkop” sa mga kasalukuyang sitwasyon at pangangailangan, dahil mga batas lamang na nakakatulong sa pagtagal nila sa poder ang kanilang inaapura?

 

Ano ang silbi ng demokrasya kung mismong mga namumuno ay pasimuno sa pag-abuso ng mga karapatan ng mga mamamayan?

 

 

Dapat Magkaroon ng Inventory ng mga Relief Goods na hindi pa Naipamudmod

Dapat Magkaroon ng Inventory ng mga Relief Goods
na hindi pa Naipapamudmod
ni Apolinario Villalobos

Ngayon pa lamang, dapat ay magkaroon na ng inventory ng lahat ng mga relief goods na nakaembak sa mga bodega ng DSW at local government units, na hindi pa naipapamudmod. Mahalaga ding i-check ang mga ginagamit na bag kung may pangalan o mukha ng mga lokal na opisyal na dapat ay bawal. Ang mga listahan ay dapat ilathala sa mga pahayagan upang malaman ng mga tao. Mahalaga ang hakbang na ito upang hindi magamit ang mga relief goods na pang give-away o regalo ng mga ganid na opisyal na tatakbo sa darating na halalan. Ang ganito ay maaaring mangyari upang masupurthan ang mga kandidato ng administrasyon. Ang imbertaryo ay dapat gawin ng COA.

Ang isa pang dahilan kung bakit kailangan imbentaryuhin ang mga relief goods ay ang kumakalat na balitang sa ilang bayan sa Mindanao, may mga binebenta daw na murang mantika, asukal, at iba pang mga items na madalas isinasama sa mga relief bags. Kung matatandaan, mayroong karinderya noon sa Tacloban na nabistong bumili ng ilang sakong bigas na dapat sana ay para sa mga disaster victims ng bagyong Yolanda. Sinundan ito ng balitang “ninakaw” daw ang mga relief goods na nakaembak sa isang bodega sa Cebu, at na-video pa nga. Wala na ring balita sa resulta ng imbestigasyon kung may natanggal dahil sa kapabayaan o kutsabahan.

Sa Cebu pa rin noon, pinagbawalan ang mga reporter na kumuha ng retrato ng mga dumarating na relief goods galing sa ibang bansa…bakit? Nabulgar din na nililipat ang mga relief goods galing sa mga international donors dahil pinapalitan ng mga local na mga relief items…pero buong tapang na pinabulaanan pa rin ng mga ahensiyang pinagdudahan tulad ng DSW.

Kung gusto ng gobyerno na mabawasan man lang ang pagdududa ng taong bayan tungkol sa bagay na ito, dapat ay huwag na itong maghintay na kalampagin pa bilang paalala ng mga grupong nagbabantay sa kapakanan ng bayan at mga Pilipino….isang bagay na nakakahiya!

Ang Lason sa Pagkain ng Tao at iba pang Nagkontrol sa pagdami niya sa Mundo

Ang Lason sa Pagkain ng Tao at iba pang
Pangkontrol sa pagdami niya sa Mundo
ni Apolinario Villalobos

Nang minsang mamalengke ako nang maaga, nadaanan ko ang mga sariwang isda na nasa banyera at balde – galunggong, dalagang bukid, isdang lapad, belong-belong, karpa, tilapia at dilis. Ang iba sa kanila ay frozen, subalit ang nakatawag sa aking pansin ay ang kulay ng tubig na pinagbababaran nila. Tulad ng sa galunggong na kulay dark blue, at sa dalagang bukid na kulay pula. Nakita ko naman ang isang tindera na may pulbong inilagay sa balde na binababaran ng belong-belong at karpa. Nang tanungin ko ang tinderang may-ari ng mga isda, ang sagot niya ay kulay daw talaga yon ng mga isda. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil ayaw kong masira ang araw ko. Alam ko naman talagang may ginagawa ang mga tindera at tinderong ito sa mga binebentang mga isda upang magmukhang sariwa at matigas sa buong maghapon.

Napabalita noon pa man na gumagamit pa nga raw sila ng formalin o yong gamot na ginagamit sa bangkay ng tao upang hindi ito maagnas agad. Pati tuyộ ay hindi pinalampas dahil ginamitan din ng formalin upang maging makintab at magmukhang malinis ang kaliskis. Mabibisto lang na may formalin dahil, kapag pinirito na ay may amoy at sumasabog ang laman. May nagsabi sa akin, na dyubos (pangkulay ng sapatos) naman daw ang ginagamit upang mapanatili ang sariwang kulay ng mga isda, kaya iba’t iba ang kulay depende sa natural na kulay ng isda.

Kamakailan lang napabalitang dahil sa katusuhan ng ibang nag-aalaga ng mga baboy, hinahaluan daw nila ang pagkain ng mga nito ng gamot ng tao para sa asthma upang hindi kumapal ang taba nila at magandang tingnan ang karne sa kabuuan nito. Ang masama lang, kapag nakain ng tao ang karne ng baboy na ginamitan ng gamot, hindi na siya tatablan nito sa panahong kailangan na niyang uminom dahil sa sakit na asthma.

Ang mga gulay ay “ini-embalsamo” na rin ng mga nagtitinda. Ang langka na panggulay, talong, kalabasa, kamatis, patola, at sitaw ay binababad na rin nila sa isang klase ng gamot na magpapasariwa sa mga ito nang kung ilang araw, kaya ang talong na tinapyasan ng bulok na bahagi kaya na-expose ang laman at langkang nahiwa o tinadtad na ay hindi nangingitim, ganoon din ang kalabasang nahiwa na at binabalot sa plastic bag kasama ng iba pang gulay na pang-pinakbet; ang kamatis ay hindi lalambot agad; ang patola ay hindi mangungulubot sa loob ng ilang araw, pati na ang sitaw. Natuklasan ko itong masamang gawain nang minsang magluto ako ng langka na mapait ang lasa at kahit mahigit isang oras na ay hindi pa rin lumalambot, ganoon din ang talong na kahit nadurog na ang ibang gulay na kasama sa tagal ng pagkakagisa, ito ay matigas at amoy sariwa pa rin. Ang sabi ng ilang nakausap ko, tawas daw ang ginagamit na “gamot” para sa gulay.

Noon, napabalitang walang pakundangan ang pag-spray sa mga NFA rice na iniimbak sa mga bodega, ng gamot na panlaban sa bukbok, bigas kuto, at iba pang kulisap na sumisira dito. Subalit, ang masamang epekto naman ay napupunta sa tao – masama na ang lasa, may amoy pa. Kawawa naman ang mga mahihirap na Pilipino dahil nakakakain nga maski paano ng murang bigas, may lason naman pala! Bandang huli, dahil sa pagkabulgar nitong hindi magandang gawain, ay siniguro na yata ng ahensiyang responsable na ang bigas ay talagang ligtas na makakain ng mga Pilipino. Subalit hindi man NFA ang bigas, kahit ang mga pangkaraniwang lokal na klase ay hindi rin ligtas dahil upang masiguro na hindi sila mapeste, ini-espreyhan din sila ng insecticide, kaya hindi maaaring wala silang nasipsip upang mapasama sa mga butil.

Ang mga gulay bukid na itinuturing na ligaw at nabubuhay sa palayan at tabi ng pilapil tulad ng kangkong, lupộ, at apat-apat, na masustansiya sana ay halos hindi na rin ligtas kainin dahil sa mga fertilizer na inii-spray sa mga palay na humahalo sa tubig kaya nasisipsip ng nabanggit na mga gulay. Pati ang kuhol at tulya na nakukuha sa linangan at gilid ng mga kanal ng arigasyon o patubig ay may mga deposito na ring lason sa kanilang laman.

Ang mga prutas tulad ng saging at mangga ay inii-espreyhan na rin, kaya kahit pa sabihing binabalatan muna sila bago kainin, hindi maaaring walang nasipsip na insecticide na humalo sa laman. Ang saging na pinapadala sa ibang bansa ay binababad sa isang klase ng kemikal upang maantala ang paghinog nito. Pati ang mga itinuturing na prutas-gubat tulad ng durian at mangosteen ay tinatanim na sa mga orchard at inii-espreyhan na rin. Ang tubo na pinagmumulan ng asukal ay kailangan din ispreyhan habang lumalaki upang siguradong hindi mapeste o di kaya ay ginagamitan ng abuno upang tumamis ang katas, kaya ito ay may bahid na rin ng lason.

Ang mga halamang gamot ay may bahid na rin ng lason na galing sa hangin dahil sa dumi nito. Kaya maski pa sabihing gamot sila at organic ang sistema ng pag-alaga sa mga green house, may posibilidad pa rin na may lason sila.

Ang ibig kong ipabatid sa isinulat kong ito ay: nagsi-self liquidate o pinapatay ng tao ang sarili, gamit ang mga ginawa o inembento niya. Iyan ang halaga o katumbas ng pag-unlad. Sa madaling salita, sariling karunungan ng tao ang pumapatay sa kanya. Hindi man idaan sa pagkain ang paliwanag, ibig kong sabihin, mismong mga gamit na magpoprotekto sana sa kanya na inimbento niya, tulad ng baril, itak, at bandang huli, granada at mga bomba, ang pumapatay din sa kanya.

Idagdag pa rito ang kasakiman na umaabot sa pag-abuso sa kalikasan tulad ng walang patumanggang pagto-troso at pagmimina na nagiging sanhi ng baha at pagkasira ng normal na takbo ng panahon. Dito lumalabas ang katalinuhan ng Diyos…dahil sa mga ganitong pangyayari, nakokontrol ang “pag-apaw” ng tao sa mundo!

Nakakadismaya si Coco Pimentel

Nakakadismaya si Coco Pimentel
Ni Apolinario Villalobos

Nakakadismaya ang parunggit ni Coco Pimentel na hindi dahil maraming pera ang isang tao sa bangko ay dapat pagdudahan na. Nangyari itong parunggit nang lumabas ang balita tungkol sa pag-freeze ng lahat ng mga asset ng mga Binay at mga dummies nila na nagkakahalaga sa kabuuhan ng mahigit sa Php11B, at nakapaloob sa 242 bank accounts.

Noon pa man, marami na ang nakakaalam na hindi dating mayaman ang mga Binay bago pa pumasok ang pinaka-ama ng pamilya sa pulitika at ang unang naging puwesto ay pagka-mayor ng Makati. At kahit pa doktora na noon si Mrs. Binay, hindi rin nangangahulugan na aabot sa nakakamanghang dami ang mga deposito nila sa mga bangko. Dahil dito, marami ang nagtaka at nagtanong kung saan nanggaling ang yaman nila.

Ang mga katanungan ay tila nasagot paunti-unti nang magsulputan ang mga kaso ng pangungulimbat nila sa kabang-yaman ng Makati, at sa mga gawaing may kinalaman sa mga puwestong hinawakan ng Bise-Presidente.

Ang nakakagulat lang ay nang malaman ng publiko na malapit pala sa mga Binay ang tatay ni Coco Pimentel, na dating senador din, si Aquilino Pimentel. Nabisto kasi sa isang hearing ng Senado tungkol sa katiwalian sa pagpagawa ng University of Makati, na ang tatay ni Coco Pimentel ay isa sa mga Board Members nito. Matapos ang pagkabulgar, napansin na parang nawalan na ng lakas ang mga salita ni Coco laban sa mga Binay, at lalong napansin ito nang magsalita siya tungkol sa malaking perang nakaembak sa mga bangko at hinihinalang may kinalaman sa mga kasong binibentang sa mga Binay.

Philippine Election: A Choice between the Devil and the Deep Blue Sea

Philippine Election: A Choice between the Devil
and the Deep Blue Sea
by Apolinario Villalobos

The murky Philippine politics is such that the Filipinos are always left with a choice between the proverbial devil and the deep blue sea…both bad enough, at the onset of election. The worse that can happen is inaction or abstinence on the part of the voters, which robs them, on the other hand, of their right to exercise their ultimate authority as citizens.

The eager candidates who are currently holding sensitive positions in the government who already want to earn mileage of exposure at the earliest allowable time, shamelessly use these to their advantage. The opposing parties on the other hand, move heaven and earth to demolish their reputation by bringing into light past graft cases or build new cases against them, based on allegation of cohorts. As a result, the valuable time of these officials are charged to the taxpayers while seemingly endless self-serving investigations go on, although, they reveal helpful information, at the same time. What is glaring is that both the investigated and the investigators have shares of guilt.

Part of the dirty tactic during election that has become a traditional practice is vote buying which made running for any position very expensive as those interested need to have millions to spare during the campaign period. Those lucky enough to get favorable results in this venture, try hard to recover whatever they have spent and even more. This gave rise to the popular adage that the easiest way to get rich is for one to enter politics. This could be true because those who joined the race and got blessed with overwhelming votes become rich even after just a couple of years in their position.

My statements may be general, although I know that there are still some in the political arena, very few who try hard to maintain a clean image. These are those who do not survive the rigorous occupation eventually, hence, bow out after just one term…I have talked to them.

Binola Daw Siya ni Napenas…sabi ni Pnoy…..owww, talaga?

Binola Daw Siya ni Napeῆas…sabi ni Pnoy
…owww, talaga?
Ni Apolinario Villalobos

Ang isang libro ay may “preface” o “introduction”, ito ang nagpapaliwanag sa pinakamaiksing paraan kung ano ang aasahan ng mambabasa. Sa libro ng kuwento tungkol sa Mamasapano massacre ay mayroon din – ang talumpati o “paliwanag” ni Pnoy sa “prayer meeting” sa Malakanyang kahapon, March 9, 2015. Sa kanyang talumpati ay lalo niyang idiniin si Napeῆas na siyang may kasalanan, kaya kahit hindi niya diretsong binanggit, parang inabsuwelto na niya si Purisima na nakialam kahit suspendido. Sa naunang blog ko tungkol sa isyung ito binanggit ko na upang malubos ang paghuhugas-kamay niya sa pagbitaw kay Purisima, dapat idiin niyang lalo si Napeῆas, na dapat ay lumabas na ultimate na may kasalanan ng lahat….na ginawa na nga niya sa “prayer meeting”.

Maaaring ang “prayer meeting” sa Malakanyang na ang magbibigay “linaw” kung bakit na-delay ng tatlong beses ang report ng Board of Inquiry (BOI). Sa pinakahuling pangako ng Board na may tunog paniniguro ay sa Lunes o kahapon, March 9, 2015, na nila isa-submit ang report na gagawing isa sa pagbabatayan ng conclusion ng mga hearing ng Senado at pagsisimula na naman ng hearing ng Congress, subalit hindi nangyari at humingi uli ang BOI ng matagal na palugit. Inamin ng BOI na mga “facts” lamang ang kanilang ire-report. Ibig sabihin ay isa-“summarize” lamang nito ang mga resulta ng kanilang mga inquiries…walang analysis upang makagawa sila ng conclusion. Kung ganoon lang pala ang mangyayari, bakit natatagalan ang BOI sa pagsumite?

Hindi maiwasan ang speculation na dinodoktor ng Malakanyang ang mga “facts” upang mapalabas na walang kasalanan si Pnoy, kaya ito (Malakanyang) ang sinasabi ngayon na nasa likod ng pagka-delay ng pagsumite ng BOI summary. At, upang hindi mabigla ang taong bayan, nag-organize ang Malakanyang ng “prayer meeting” na magsisilbing “venue” ni Pnoy kung saan ay ilalahad niya ang lahat ng nalalaman niya – kuno. Kaya maituturing na talumpati niya ang magsisilbing “introduction” o “preface” ng BOI summary. Lumabas man ang “summary” report ng BOI, tanggal na ang mga “facts” na mag-uugnay kay Pnoy. Dapat kasing tumugma ang BOI “summary” sa mga sinabi ni Pnoy sa “prayer meeting” kaya dapat mauna ito kaysa BOI summary. Dahil sa nangyari, asahan nang sisentro ang BOI summary sa paninisi kay Napeῆas …na dasal ng mga taga-Malakanyang ay mag-aabsuwelto kay Pnoy at kay Purisima!

Subalit nakalimutan yata ng Malakanyang ang tungkol sa unang recorded investigation na ginawa kay Napeῆas ng mga representatives ng PNP, AFP at ni Roxas. Ginawan ito ng report ng ABS-CBN, at doon ay ibang-iba ang mga sinabi ni Napeῆas sa mga sinabi ni Pnoy sa “prayer meeting”. Ibig sabihin ay naunahan ni Napeῆas si Pnoy sa paglahad ng “katotohanan” sa likod ng Mamasapano massacre. Kaya hindi dapat umasa si Pnoy na 100% siyang paniniwalaan ng taong bayan. Ang isa pa, makailang beses nang nagsinungaling si Pnoy at mahilig maghugas ng kamay, kaya sa pagkakataong ito, paniniwalaan pa kaya siya ng taong bayan?

Kawawa si Pnoy dahil para siyang nakatayo sa kumunoy at ang mga salita niya ang nagbibigay ng bigat sa kanya, kaya habang nagsasalita siya tungkol sa kahit anong bagay ay lalo lamang siyang lumulubog. Baka, bago sumapit ang 2016, ay sisinghap-singhap na siya!
Maganda sana kung lumapit din si Napeῆas sa mga kamag-anak ni Pnoy upang humingi ng tulong…o di kaya ay sa asawa ni Clooney na isang international human rights lawyer, tulad ng ginawa ni Gloria Arroyo….wild suggestion lang ito. Ang dapat gawin ni Pnoy ngayon ay huwag niyang isama sa mga paninisi niya ang asawa ni George Clooney na international human rights lawyer, tuwing sisihin niya si Gloria Arroyo. Malay natin, baka after 2016, humingi din ng tulong si Pnoy kay Mrs. Clooney, at kung bakit, hindi ko na babanggitin…wild speculation lang din ito!

Wanted: Honest-to-goodness Community Service of Civic Organizations and Students

Wanted: Honest- to- Goodness Community Service
Of Civic Organizations and Students
By Apolinario Villalobos

With the onset of the school summer break in the Philippines and the official declaration by the weather bureau, PAGASA, of the start of summer season, expected are the “visits” of student groups and civic organizations to the shores of Manila Bay and the city esteros, to purportedly undertake “clean up drive”. While the civic organizations do it for the promotion of their groups to let the people know that they are active in community projects, the students do it to earn scholastic credits and enthusiastically, too, for photo opportunities – something for uploading on facebook. Aside from the facebook, expect community and academe sections of the broadsheets to splash “action” photos, in their weekend edition.

How can these supposedly concerned Filipinos be expected to do an “honest-to-goodness” community service with their tight-fitting denim pants, white shirts, and jogging shoes? They look more like going on a picnic in their attire. Their sight reminded me of a lady senator whose supposedly advocacy is about ecology, nature, trees, and who was shown in a photo, gingerly holding on to a shovel while in the act of planting a sapling… prettily attired in white long sleeves blouse, slacks, a pair of walking shoes, earrings, necklace, and bangles!

As regards the students who brave the sun with sunblock, why can’t the schools base the merit system on the number of bags of garbage collected at the end of the day? At least, the credit is fairly measured, rather than use a notebook to record their attendance. And, for the adult civic organizations, why can’t they just collect contributions from the members to come up with a substantial amount that can be paid to a couple or more “real” garbage collectors? In this way, aside from getting a real result, they have also helped the needy, unless, of course their real aim is just to pose while holding on to a broom, to perpetuate their “contribution” to the community – something that can be shown proudly to their grandchildren later on, and of course, for uploading also on facebook!

Not only is the country suffering from the never-ending corruption and dishonesty of lawmakers and officials, but also from hypocrisy of its young citizens whose training in school is questionable, as well as, the adults who boastfully show the youth, their own kind of hypocrisy. We should no longer wonder why the country never ever had a chance to recover from the infection of dishonesty that continually deteriorates its culture. So with the exit of the senior corrupts later, the questionably trained youth enters the scene….a never ending cycle. From here… where are you going, poor and helpless Mother Philippines?