Incidents in my Life that Make Me Believe in Fate and Destiny…and GOD

Incidents in my Life that Make Me

Believe in Fate and Destiny…and GOD

By Apolinario Villalobos

 

I may not have a religion but I believe in God. As I am moving toward the threshold of my life, a simple assessment of what have been happening to me made me realize that my God is basically responsible for everything and HE even used other people, too. At this juncture of my life, I cannot deny that my decisions at times have negative effects in my life due to the abused excuse…human frailties.

 

Today, I am really feeling the “purpose” that HE gave me. My having been born in a poor family, orphaned at an early age that resulted to more deprivations did not prevent me from finishing my education. HE made go out of my birthplace when I worked with Philippine Airlines and was even made to choose a far-off station of the said airline, Tablas in Romblon, as my first assignment. HE prepared me for the PAL job by exposing me to office work when I was hired by the Department of Social Welfare when I was about to graduate from college. HE made me finish my college despite the impending odds, as after our batch of less than a hundred that represented four courses, the college department of Notre Dame of Tacurong closed down.

 

A guy, I did not personally know, being just a friend of my friend, and who was working with PAL in General Santos station was instrumental in my “entry” to the said airline by sending me a telegram with just my nickname on it but with my office address to tell me about their recruitment. Out of almost a hundred applicants coming from prestigious colleges in Koronadal City and Cotabato City, only four of us were able to hurdle the preliminary interview. At the General Santos station, my documents were lost but HE made me go through the final interview in Davao station based on the trust of the interviewers from Manila…with an arrangement for my documents to be submitted later. HE made me work for an airline despite my AB course intended for teaching.

 

HE prepared me for my writing which could have been my real purpose in life. When I was in first year High School, I was made to edit the high school organ, THE GREEN EMBER, although, while in elementary, I was already composing poems and “tula”. I used the skill to work my way through my difficult journey along the corridor of PAL, with the editorship of the company’s TOPIC Magazine as another junction of my career. I went around the country because of the job exposing me to different realities of life.

 

My writing made me express what I saw and experienced while living in Manila. An important episode of my career in PAL was having been absorbed by the International Sales department , the airline’s flagship with offices located along Roxas Boulevard in Ermita…the “red district” of Manila. I made the area as my base as I explored the “other side” of the big city that brought me to Divisoria and the slums of Tondo. In those places, HE showed me the disgusting faces of poverty. HE made me realize that poverty is more of a result of corruption and exploitation, than indolence.

 

Along Avenida of Sta. Cruz, streets of Ermita and the dark nooks of Roxas Boulevard, HE showed me the various faces of prostitution etched on the faces of the juvenile males and females to the heavily made up faces of matrons with advancing age of as old as 60! HE showed me the various faces of poverty suffered by new-born infants to the dying emaciated bodies on sidewalks.

 

HE made me write against corruption, exploitation….expound on the causes of poverty, prostitution and drug addiction. HE made me write about the neglected communities whose members fled from the unrest and hunger in their birthplace in Jolo and Tawi-tawi…the Badjaos. HE made me expose to the world the aspiration of those who want to have a better life and the desire of others to reach out to HIS other creatures.

 

But I still feel inadequate despite all that I have been doing for HIM and my fellowmen….I still feel that I owe HIM a lot for my life…for which a “Thank you, Lord” is not enough.

28105-praying-prayer-manpraying-man-prayingoutside-sunrise.1200w.tn

Mga Pangyayaring Muntik nang Maging Kamalasan at Kamatayan Ko

MGA PANGYAYARING MUNTIK NANG

MAGING KAMALASAN AT KAMATAYAN KO

Ni Apolinario Villalobs

 

  1. Noong hindi pa ako nag-aaral sa elementary, habang natutulog ako sa ilalim ng mesang kainan ay natumbahan ako ng bangko at swak pa sa gitna ng noo ko kaya ngayon ay may maliit na parang hiwa o “canal” dito. Naalimpungatan lang ako at maski bukol ay wala kahit yari sa solid na tabla ang bangko na mahaba. Hindi rin ako nakaramdam ng pagkahilo o sakit.

 

  1. Dahil sa pagiging malikot ay ilang beses akong nahulog mula sa mataas na puno at nawalan ng hininga at malay pero ilang sandali lang ay nagigising din. Mahilig din kasi akong maglambitin sa sanga na ang naka-angkla lang ay nakatiklop kong mga tuhod.

 

  1. Noong nasa elementaray na ako (grade 2) ay mahilig din akong maligo sa irrigation canal na para na ring ilog dahil malaki ito at malakas ang agos at isang beses ay muntik na akong malunod dahil hindi pa ako marunong lumangoy noon. Parang may nagtulak sa akin papunta sa mga kumpol ng talahib na nahawakan ko kaya hindi ako natangay ng malakas na agos.

 

  1. Noong nasa Grade Six ako at pinupuntahan ko ang nanay namin sa isang baryo kung saan siya nagbukas ng maliit na tindahan pagkamatay ng tatay namin, ay nakikisakay ako sa mga “pick-up” na sasakyan. Isang beses, nang gusto ko nang bumaba ay hindi narinig ng driver ang sigaw ko kaya tumalon na lang ako…todong lagapak ang inabot ko una ang tagiliran kaya nawalan na naman ako ng hininga at hindi ko matandaan kung paano akong nasaulian nito.

 

  1. Noong second year high school ako ay sa Davao ako nag-aral. Nakitira ako sa pamilya ng kapatid ko sa Ipil, Lanang, na nasa tabing dagat. Kahit “floating” lang ang alam ko at langoy-aso ay naglakas-loob akong sumama sa mga nangingisda tuwing madaling-araw. Nataranta ako nang minsang pumailalim ako sa isang malapad na balsang yari sa kawayan at hindi ko alam kung paanong lumangoy palabas hanggang mawalan ako ng malay. Hindi ko alam kung paano akong napadpad sa tabi ilang metro ang layo mula sa balsa.

 

  1. Noong mag-apply ako sa PAL sa branch nito sa General Santos, nakapasa nga ako pero iniwala naman nila ang mga papeles ko kaya nang magkaroon ng senior panel interview sa Davao ay wala akong naipakita dahil akala ko ay ipo-forward nila ang na-submit ko kaya hindi ako nagdala ng duplicate. Ganoon pa man ay nakalista ang pangalan ko sa talaan ng mga iinterbyuhin kaya tinawagan pa ang General Santos para ma-verify. Natuloy din ang senior panel interview kaya hindi nasayang ang pamasahe ko.

 

 

  1. Nang mag-apply ako sa Tours and Promotions Office ng PAL upang makalipat mula sa Tablas ay na-misplace din ng Administrative Officer ng Regional Office, na si Mr. Salvador Caburian ang mga papeles ko. Malaking pasasalamat ko sa manager ng Tours and Promotions na si Mr. Victor Bernardino nang interbyuhin pa rin niya ako at pinagawa na lang uli ng bagong resume kahit pasado alas singko na.

 

  1. Noong tumira ako sa isang boarding house sa Baclaran, sa sobrang galit ko sa isang mayabang na co-boarder na mahilig umuwi ng madaling araw kaya naiistorbo kami ng pangangalampag niya sa gate, ay muntik ko na itong saksakin, pero di ko alam na may dala rin pala siyang patalim. Mabuti na lang at natalisod siya sa kadena ng asong bumalagbag sa daraanan niya nang susugurin na niya ako. Muntik na niyang masaksak ang sarili niya. Sa sala siya pinatulog ng landlady namin ng gabing yon at kinabukasan ay pinaalis agad siya.

 

  1. Nang umakyat kami (kasama ko ang PAL Mountaineering Club) sa Mt. Hibok-Hibok sa Camiguin Island kahit Biyernes Santo ay gumulong ako pababa nang ilang metro habang nagkanda-untog ang ulo ko sa mga bato. Nakigaya kasi ako sa ibang kasama kong nagpadausdos sa makapal na magkahalong buhangin at abo mula sa tuktok ng bulkan.

 

  1. Noong pasyalan ko ang isang kaibigan sa Baseco Compound, Tondo, inabot ako ng gabi dahil nag-inuman kami sa barung-barong niya. Sarado ang bintana na nasa likuran ko. May narinig akong parang humaging at nakaramdam din ng parang hangin sa bandang kaliwa ng tenga ko. Nang sundan ko ang direksyon ng naramdaman ko ay nakarinig ako ng tunog ng parang bagay na itinusok. Nilapitan ng kaibigan ko ang nakatusok sa dingding na nasa harap ko….palaso (arrow) pala ng ”Indian pana” na lumusot sa bintanang sarado….isang kaso ng “stray arrow”.

 

  1. Nang tumira ako sa Cavite at nagda-drive pa ng kotse (Beetle) ay may inihatid akong inaanak sa inuuwian niyang subdivision. Nang pauwi na ako ay nataranta ako nang makita ko ang isang trak na sumasalubong sa akin kaya wala sa isip kong tinapakan ang selenyador ng gasolina sa halip na preno, at biglang kinabig ang manibela sa kanan kaya tumama ang kotse sa mataas na rampa habang mabilis ang takbo. Nagdilim ang paningin ko, at nahimasmasan ako nang marinig ko ang katok sa salamin ng bintana, ng isang nagmalasakit na nakasaksi. Nakaharap na ang kotse sa malawak na palayang may tubig pero ang binagsakan ng kotse ay nakapagtatakang makapal na bunton (pile) ng uhay ng palay kaya hindi nalubog sa tubig. Tanggal and diver’s watch ko at mga sapatos, pero ang hindi ko maintindihan ay wala akong kahit maliit na gasgas, yon nga lang ay mahigpit pa rin ang pagkahawak ko sa manibela. Ayon sa mga nakakita ay ilang beses daw umikot ang kotse sa ere pero himalang bumagsak nang maayos, at akala nila ay patay na ako.

 

  1. Noong nag-drive pa rin ako ng kotseng tinukoy ko sa #11 mula sa opisina namin sa S&L Building (PAL), hindi ko namalayang naputol pala ang tubo ng brake fluid habang binabayabay ko ang Roxas Boulevard hanggang sa tapat ng Aristocrat Restaurant. Nang pumula ang ilaw ng stop light, saka pa lang ako nilapitan ng humahabol na lalaki upang sabihang may tumutulo mula sa kotse. Pagbaba ko ay nakita ko ang napakahabang “linya” na basa….break fluid pala. Kung hindi nag-red light sa tapat ng Aristocrat Restaurant ay siguradong nadisgrasya ako dahil sa kawalan ng preno.

 

  1. Noong namamasyal ako sa bagong bukas pa lang na resettlement area sa Dasmariἧas, Cavite ay may nakilala akong “runner” ng mga nagbebenta ng marijuana, pero gusto nang magbago kaya panay ang payo ko sa kanya lalo pa at may isa siyang maliit na anak. Tuwing nasa “Area 1” ako ay palagi siyang nasa tabi ko at inihahatid din niya ako sa sakayan ng mga jeep. Pumupunta ako doon dahil sa mga project na pantulong sa mga naging kaibigan ko galing sa Tondo. Noong bumalik ako nang ilang beses ay hindi ko na siya nakita, subalit biglang lumutang sa bahay na pinuntahan ko dahil pista….nagtago pala dahil hinahanting daw ng mga pulis. Nang ihahatid na niya ako sa sakayan ay hinarang kami ng tatlong lalaking mga pulis pala at kinilala ang kaibigan ko sa pamamagitan ng retratong dala nila, pero todo pa rin ang tanggi niya. Mabuti na lang at namukhaan ako ng isa sa mga pulis kaya’t hindi ako isinama. Ang pulis na nakakilala sa akin ay pinsan pala ng kumpare kong madalas kong tulungan. Nang makaalis na sila sakay ng kotse ay bumalik ako sa pinanggalingan kong bahay, subalit hindi pa ako nakakarating ay nakarinig na ako ng mga putok. Ayon sa mga taong nagpasalamat dahil hindi ako isinama ay “salvage” daw ang nangyari….at muntik na akong madamay.

 

Hindi ko lang alam ngayon kung may susunod pang kahalintulad na pangyayari….kung buhay pa ako, iba-blog ko.

Mga Panahon ng Buhay

Mga Panahon ng Buhay

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi lamang kalikasan ang may mga panahon na kung sa Pilipinas ay ang panahon ng tagtuyot o tag-init at panahon ng tag-ulan o tag-baha. Ang buhay man ay mga panahon na dumadating sa iba’t ibang yugto nito.

 

Ang mga yugtong dinadatnan ng iba’t ibang panahon ay nagbibigay ng magagandang kulay at nagsisilbing pagsubok sa kakayahan ng tao sa pagpupumilit niyang maabot ang kanyang layunin. Dahil dito, hindi lahat ng panahon ay kaiga-igaya…mayroon ding makabagbag-damdamin o nakakapanlumo.

 

Ang panahon ng kabataan ang pinakamaselang yugto ng buhay ng tao dahil sa panahong ito hinuhubog ang kanyang pagkatao. Malaki ang papel na ginagampanan ng magulang at kapaligiran sa paghubog ng kabataan. Kasama na rin dito ang mga guro at paaralan. Dito dapat natututuhan ng kabataan ang mga magagandang kaugalian lalo na ang paggalang. Para sa kanyang ispiritwal na aspeto, malaking bagay ang nagagawa ng pagiging maka-Diyos ng magulang o paaralan.

 

Mula sa pagiging bata, ang tao ay tutuntong sa yugto ng adolensiya o pagiging tin-edyer kung saan ay may mga pagkakataon na siya ay malilito kung kanino papanig – sa barkada ba na palagi niyang natatakbuhan at nakakaugnayan o magulang na maski nagbigay ng buhay sa kanya ay sa wari niya, hindi niya “mapagkatiwalaan” tungkol sa ilang bagay. Kung matibay ang pundasyon niya bilang bata, hindi siya basta na lang matitinag mula sa mga nakalakhan nang gawi na naaayon sa kabutihan. Subali’t kung naging pabaya ang magulang at mga guro o paaralan na nakalimot nang magturo ng mga magagandang asal, hindi malayong siya ay mahila ng kanyang mga barkada tungo sa daang baluktot.

 

Ang panahon ng pagiging nasa tamang gulang ay yugto kung saan ay gagawa ng maselang desisyon ang tao kung siya ba ay papasan na ng responsibilidad na maghahanda sa kanya bilang magulang na may sariling tahanan para sa darating na mga supling. Mabigat sa kalooban para sa iba ang basta na lang iwanan ang tahanan kung saan siya ay iniluwal at lumaki sa kalinga ng mga magulang at mga nakakatandang kapatid. Subali’t dahil sa sinusundang ikot ng buhay, hindi maaaring siya ay mag-atubili kung siya ay handa na rin lang.  Sa panahong ito maaalala ng tao ang hirap na dinanas ng magulang upang siya ay mapalaki ng maayos at hindi salat sa mga pangangailangan – dahil gagawin na rin niya para sa kanyang mga supling.

 

Ang panahon ng katandaan ay siyang naghahanda sa tao upang magpaalam sa mundo. Sa mga naniniwala sa Diyos na nagpapaalala na dapat putulin ang mga kaugnayan sa mga bagay na materyal habang nabubuhay sa mundo, abut-abot ang kanilang pamamahagi ng mga yamang naipon. Subali’t ang ibang hindi maatim na iwanan ang kanilang mga yaman ay nahihirapang magpaalam sa mundo dahil nadadaig sila ng panghihinayang sa kanilang pinaghirapan.

 

Ang mga panahong nabanggit ay nakukulayan ng saya o lungkot, depende sa pananaw ng tao. Kung ang tao ay hindi naghahangad ng luho, o masaya na sa kaunting kaginhawahan, lahat ng yugto sa buhay niya ay nakukulayan ng kasiyahan. Subali’t kung kabaligtaran naman ng nabanggit ang pananaw ng tao, dahil ang gusto niya ay umangat ang kanyang kabuhayan ng todo-todo para magkaroon siya ng pakiramdam na animo siya ay nakatayo sa isang mataas na tore, ano mang dami ng yaman ay hindi makakapagbigay sa kanya ng kasiyahan sa lahat ng panahon ng kanyang buhay.

 

Ang mga nabanggit na sumasaklaw sa lahat ng mga panahong dumarating sa buhay ng tao ang nagpapainog sa mundo. Kaya dahil may mga tao na gustong saklawan ang karapatan ng iba, masiyahan lamang, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ang resulta ay digmaan at mga maliitang girian. Kung alin sa dalawa ang iiral pagdating ng panahon ay walang makakapagsabi.

 

 

Ripples in the Stream

Ripples in the Stream

By Apolinario B Villalobos

I have always been fascinated

by the stream –

mesmerized by the murmur

that the flowing water makes

as a pebble is thrown into it,

and as the current hits a rock,

as if protesting the presence

that hinders

its smooth journey

along the crevice of the earth.

The gentle touch of a dragonfly,

the sudden appearance of a fish’s snout,

the splash of swimming children,

the soft touch of a falling leaf,

the sudden gust of wind,

the trickles of incessant rain –

cause the ripples that rupture

the earth’s gently flowing stream.

Now that I am old,

I realized

that God has reasons

for  everything,

so He gave us intelligence

to understand them all

without any misgiving.

Indeed, just like a stream

that gets dented with ripples,

challenges and trials

make us cry in anguish;

and like a stream

that just keeps on flowing

there is nothing we can do

but go on living…

If the stream can keep on flowing,

so should we  –

let our lives flow

along the crevice of destiny.