Ang Philippine National Police (PNP) ay may Mga Istasyon Ding Iskwater

ANG Philippine National Police (PNP)

AY MAY MGA ISTASYON DING ISKWATER

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang Philippine National Police (PNP) ay isa sa mga napabayaang ahensiya ng bansa mula pa noon subalit nabawasan kahit paano ang sama ng loob ng kapulisan nang umupo si Duterte…ganoon pa man, kailangan pa rin nitong tuparin ang kanyang mga pangako.  Ang unang napabayaan ay ang kanilang suweldo, pangalawa ay mga benepisyo, at ang pangatlo ay ang kalagayan ng mga istasyon.

 

Sa punto ng suweldo, maiibsan ang problema dito dahil sa pangako ni Duterteng dagdag, subalit kung tutuusin ay kulang pa rin dahil mas malaki pa ang kinikita ng ilang call center agents o mga nagtatrabaho sa mga BPO. Nagkaroon ng pabahay ang mga pulis-Manila na iniskwat naman ng mga KADAMAY members. Napag-alamang maliit lang pala ang sukat kaya halatang pinagkitaan lang ng mga tiwali o corrupt na mga opisyal dahil pinilit na ipagawa ang mga nakakalat na pabahay upang may batayan sa kickback o malaking komisyon. At, dahil hindi katanggap-tanggap ang sukat at uri ng pagkagawa ng mga unit, lumabas na hindi karapat-dapat ang mga ito sa itinakdang buwanang bayad,  napabayaan tuloy silang nakatiwangwang hanggang madiskubre ng KADAMAY kaya nagresulta sa iskwatan. Sa isang banda, parang “blessing in disguise” ang pagka-iskwat ng mga KADAMAY dahil nagkaroon ng mabigat na dahilan ang mga benepisyaryo sanang mga pulis upang hindi magpatuloy sa pagbayad sa mga para sa kanila ay mga “bulok” na mga housing unit…na tinawag pa nilang parang bahay ng aso.

 

Masuwerte ang mga sangay ng PNP sa mga bayan, lunsod o lalawigan na tinutulungan ng mga llocal government unit dahil may itinatalaga sa kanilang lupain o bahagi ng government center upang pagtayuan ng pasilidad para sa opisina at kulungan. Subalit, karamihan ng mga sangay, lalo na sa Manila, ang mga istasyon ay kalunus-lunos ang kalagayan – mga iskwater sa bangketa, sulok o di kaya ay mga bakante subalit pribadong lote kaya pagdating ng panahon ang iba ay nadi-demolish. Dahil sa kanilang kalagayan, kawawa ang mga pulis, lalo na ang mga detinadong suspek na nagsisiksikan sa kulungan. Isa siguro sa mga dahilan kung bakit malambot ang kalooban ng ilang pulis sa mga taong natutulog sa bangketa at mga iskwater ay dahil nakikita nila ang kanilang sarili sa mga taong nabanggit.

 

Pagdating naman sa mga benepisyo, ang isang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ay kung paano magiging mas epektibo ang mga pulis bilang tagapagpatupad ng batas. Magagawa lamang ito kapag mabilis ang kanilang pagkilos. At, ang malaking tulong para diyan ay pagkaroon nila ng sasakyang motosiklo man lamang na sana ay iisyu sa kundisyong 50-50 o ang halaga ay paghahatian ng PNP at pulis na makakatanggap, subalit sa kundisyon pa ring babawiin nang walang refund sa pulis kapag nagkasala ito habang aktibo sa serbisyo.

 

Mula pa noong panahon ni Diosdado Macapagal ay isyu na ang mga nagsisisiksikang kulungan at mga presintong iskwater sa mga bakanteng lote at bangketa, subalit walang ginawa tungkol sa mga ito. Idagdag pa diyan ang kakarampot na mga suweldo noon kaya hindi maiwasan ng ilang pulis na mangupahan ng maliit kuwarto sa mga iskwater na lugar upang magkasya ang kanilang suweldo. At ang resulta pa ay ang hindi maiwasang maging korap ng ilan sa kanila na naakit na gumawa ng masama upang madagdagan ang kinikita. Sa masamang palad ay nagkaugat ng malalim ang mga “sideline” tulad ng pagba-body guard sa mga mayayamang negosyante kung off-duty na sila at ang pinakamasaklap ay ang pagbenta ng mga tinaguriang “police ninja” o ng mga “asset nila ng bahagi ng mga drogang nakumpiska.

 

Sana ay pagtuunan ng pansin ni de la Rosa habang nakaupo si Duterte ang paglagay sa tamang kaayusan ng lahat ng mga presinto sa buong bansa. Magagawa lamang ito kung i-review niya lahat ng mga kinatitirikan ng mga presinto at ang kalagayan ng mga kulungan. Pagdating naman sa aspeto ng kulungan, maaari siyang makipag-coordinate sa DILG at Bureau of Corrections (BUCOR) nito upang magkaroon ng “synchronization” ang kanilang mga proyekto dahil magkakapareho lang, at nang sa ganoon ay madaling mag-justify ng budget para sa kanila.

 

 

Ang Iba’t Ibang Uri ng Kahirapan

ANG IBA’T IBANG URI NG KAHIRAPAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakakakita na ngayon ng iba’t ibang uri ng kahirapan dahil sa internet. I-google search lang image of poverty o slums ay lalabas na ang mga larawan. Subalit iba ang aktuwal na nakikita…iba ang epekto. Dahil sa mga karanasan ko, masasabi ko na ang kahirapan ay mayroong iba’t ibang uri or mukha, tulad ng sumusunod:

 

  • Mga nakatira sa bangketa at kariton na palipat-lipat
  • Mga nakatira sa iskwater pero ang bahay ay pinagtagpi-tagping karton
  • Mga nangungupahan ng maliit na kuwarto
  • Mga nangupahan ng maliit na bahay pero walang permanenteng kita

 

Hindi lahat ng naghihirap ay nanlilimahid ang ayos. Kahit ang mga nakatira sa bangketa o kariton ay nagpipilit na maging malinis. Ang mga hindi naglilinis ng katawan kaya nanggigitata dahil sa animo ay “grasa” na naghalong pawis at alikabok ay ang mga nawalan ng katinuan ng pag-iisip dahil nalipasan ng gutom. Nakakabili na kasi ngayon sa ukayan ng mga damit sa halagang Php10 kaya kahit naghihirap na namamasura ay may kakayahang bumili.

 

May nai-blog ako noong mag-ina na ang nanay ay nagtitinda sa bangketa at doon na rin siya natutulog nang nakaupo. Ang anak namang dalagita na nag-aaral sa kolehiyo ay sa maliit na kuwartong inupahan nila sa di kalayuan. Sa sobrang liit ng kuwarto na 6feet by 10feet, halos mapuno na ito ng mga gamit nila. Halos hindi na rin makagalaw ang anak na babae sa loob ng kuwarto kung siya ay magbibihis. Single mom ang nanay.

 

Ang nakakabilib ay malinis ang ayos ng mag-ina, makinis ang kutis ng anak dahil alaga niya ang kaniyang katawan, lalo pa nga at siya ay estudyante, kahit wala siyang ginagamit na pampakinis ng balat. Kinunan ko sila ng retrato pati ang inuupahang maliit na kuwarto at ang puwesto nila sa bangketa.

 

Sa halip na matuwa dahil sa kuwento ng buhay nila na puno ng pagsisikap, ang isang kaibigan na nakakabasa ng blogs ko at madalas magpadala ng tulong ay nagtanong kung talaga bang naghihirap sila dahil “mukha namang maayos ang kanilang hitsura”….na ikinabigla ko dahil marami akong ini-post na larawan pati ang kuwarto at puwesto sa bangketa. Para bang hindi nag-iisip ang kaibigan ko. Ang gusto yata niya, basta mahirap, dapat ay nanlilimahid na o marumi ang katawan at yan ang dapat batayan sa pagbigay ng tulong. Ibig sabihin, kung “maayos” ang hitsura ay hindi na deserve ang tulong. Ang mga sumunod na padala ng kaibigan ko ay hindi ko na tinanggap.

 

Maraming taong tulad ng nabanggit kong kaibigan. Sila yong naghahanap ng kadamay sa kanilang pagdurusa. Dahil sila ay nalulungkot, ang gusto nila ay malungkot din ang mga kaibigan nila o ibang tao. May problema sa buhay ang kaibigan ko…iniwan ng asawa dahil sa kayabangan kaya mahilig mamintas o manglibak. Nang marinig ng asawang nilibak nito ang magulang niyang “no read, no write” iniwan siya at binitbit pa ang kanilang mga anak!

Ang Paglobo ng mga Lunsod sa Buong Mundo

Ang Paglobo ng mga Lunsod sa Buong Mundo

Ni Apolinario Villalobos

Sa internet ay naglipana ang mga retrato ng iba’t ibang lunsod ng mundo na puno ng nagtataasang building at squatter areas o kung sa bagong katawagan ay depressed areas. Kahit na ang mauunlad na bansa tulad ng Japan, China at Amerika ay hindi ligtas sa ganitong pangyayari – paglobo ng populasyon ng tao sa mga lunsod. Hindi na ako lalayo pa, dahil sa Manila mismo ay dati nang may mga depressed areas at nadadagdagan pa sa pag-usad ng panahon, at mga kumpol-kumpol na condo buildings.

Para sa mga sakim na local officials at pulitiko ng Pilipinas, ang tingin nila sa mga taong nakatira sa mga squatter areas ay boto, kaya sila mismo ang humaharang sa pag-relocate ng mga ito…kabawasan kasi sa boto pagdating ng eleksiyon. Ang mga sindikato naman na nagpapagalaw ng malakas pagkitaang prostitution at organized crime, minahan ang tingin nila sa mga lugar na ito, dahil dito sila kumukuha ng mga taong gagamitin upang maisakatuparan ang kanilang mga masamang layunin.

Ang ibang datihan nang nakatira sa lunsod at maayos ang pamumuhay ay nililibak ang mga taong nakatira sa mga iskwater areas, dahil pampagulo lang daw sila. Tingin nila sa mga taong nakatira sa mga lugar na ito ay magnanakaw, puta, lasenggo, sugarol, patay-gutom, parang aso’t pusa na walang alam gawin kundi magpadami ng anak….mga batik ng lipunan.

Hindi lang mga squatter areas ang dumadami, pati na rin ang mga condo building na tinitirhan ng mga may-kaya sa buhay. Ang isang lote na ang sukat ay isang libong metro kuwadrado lang ay maaaring patayuan ng isang condo building na matitirhan ng mahigit isang libong katao, kaya hindi masyadong halata ang dami nila dahil hindi pansinin, hindi tulad ng palapad or palawak na mga tirahan, na kita agad ang dami ng tao. Ang mga ganitong mga klaseng komunidad naman ay may pangangailangan ng malalim at malawak na septic tank, at kung ilang libong tangke ng malinis na tubig araw-araw.

Batay sa binanggit kong mga sitwasyon, ang limang magkakatabing condo building na umuukupa lang ng limang libong metro kuwadradong lupa, halimbawa, ay katumbas na ng isang malawak na depressed area o iskwater, o mahigit pa. Sa dami ng mga nakatira sa mga condo na nagsulputan, hindi nakapagtatakang nagkaroon ng matinding problema sa trapiko ang Manila, kung tatantiyahing ang nakatira sa bawa’t unit ay may isang sasakyan man lang. Sa mga depressed areas naman ay talamak ang nakawan ng tubig na nagiging dahilan ng pagtagas ng mga tubo. Ang pagkakabit naman ng “jumper” upang makanakaw ng kuryente ay nagiging sanhi ng sunog.

Sa pagdami ng mga itinirik na tirahan, mapa-condo building man o barung-barong, nahirapan na rin ang drainage system, na simula pa noong panahon ng mga Amerikano ay hindi halos nabago o napalakihan. Ang mga daluyan ng tubig galing sa mga building at squatter areas ay bumabagsak sa mga estero na dumidiretso naman sa malalaking ilog na napunduhan na ng makapal na burak o sediment sa tagal ng panahon kaya bumabaw. Ang pagbabaw nila ay dahilan ng pagbaha agad kung may malakas na ulan. Dagdag pa rito ang impormasyong siyentipiko, na bumababa ang lupang kinatatayuan ng Manila taun-taon.

Yan ang kalagayan ng metro Manila na bundat at halos pumutok na sa dami ng tao. Subali’t parang wala lang sa gobyerno, dahil ang pag-relocate ng mga iskwater sa mga maayos na tirahan ay hindi naman tuluy-tuloy o consistent. Magri-relocate lang ang gobyerno kung may magrereklamong may-ari ng lupa na iniskwatan, o di kaya ay kung panahon ng pagpapapogi, kung kaylan ay naglilinis kuno ng mga estero ang mga opisyal. At ang masaklap pa, pabagu-bago ang sistemang ginagamit, depende sa mga opisyal nasa poder o may hawak ng kapangyarihan.

Sa mga iskwater na napuntahan ko, kaswal kong tinanong ang mga kaibigan ko kung may balak pa silang umuwi sa pinanggalingan nilang probinsiya. Iba’t iba ang mga sagot, tulad ng: kapag may naipon nang pamasahe; ayaw na dahil wala namang mapagkikitaan sa pinanggalingan nila; ayaw dahil palaging nagkakaputukan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde; ayaw dahil wala naman daw asenso’t nakatali sila sa utang sa may-ari ng lupang sinasaka nila; ayaw dahil mas masarap ang buhay sa lunsod – maraming mall at pasyalan. Yong mga nag-komento naman sa mga blog ko noon na may ganitong tema, sabi ng iba ay uuwi daw talaga sila pagdating ng takdang panahon at mamumuhay na lamang ng matiwasay gamit ang interes ng pera nila sa bangko. Matindi ang komento ng isang magbabasa na ano man ang mangyari ay hindi siya uuwi sa probinsiya nila, kahit sa Pilipinas man lang, at ang dahilan ay ang korap na gobyerno. Sa Amerika kasi siya nakatira ngayon at may “green card” na. Sabi ko na lang sa kanya…good luck!

A Glance at how the Impoverished Filipinos are Neglected by the Government

A  Glance at how the Impoverished Filipinos

Are Neglected by the Government

By Apolinario Villalobos

When impoverished Filipinos are born, their normal and healthy growth stops at a point where their mothers ceased to produce breast milk. Due to poverty, parents cannot afford infant milk, so they resort to feeding their babies from bottles that contain rice soup. As they are living in depressed areas crammed with makeshift homes of cardboard, scrap plywood, and leaky tin roof, children are practically exposed to the elements. Most likely, they get infected with skin diseases, their guts becoming home to parasites, and they slowly grow with weak respiratory system. Picture the impoverished children with bloated stomach, bulging eyes, and runny nose.

In a big urban area like Manila, the parents try to eke out a living from dump sites where thrown refuse sometimes yield recyclables that they collect and sell to junk shops. Some though, end up in their home to be used further. Some wake up at past midnight with their children and standby at dumping areas for reject vegetables in Divisoria to salvage what can be trimmed of unwanted parts, cleaned and sold. At six, after earning a few coins, the children go home to change their clothes for school, walking to which, they do without even a sip of warm coffee. Fathers peddle their service as stevedores, or pedal tricycles for a measly fare. And, still some brave the searing heat of the sun and sudden downpour, as they roam around the city pushing carts to collect junks from garbage bins.

In agricultural provinces, families suffer every time drought or flood occurs. Rice fields become useless so they resort to borrowing money from loan sharks. If there are pockets of forest still standing nearby, they resort to cutting of trees, even the premature ones, to be made into charcoal. As a result, they eradicate what could have been a watershed and protection of the topsoil that erodes with the onset of rain.

Those living along the seashores depend on fair weather for their fishing ventures out in the open sea, but the erratic weather system prevailing today, prevents them from doing this dangerous kind of livelihood most of the time. The worst scenarios are during the typhoon or monsoon seasons during which they have no choice but stay home. For their subsistence, they borrow from loan sharks.

It is true that the situations mentioned are similar to other impoverished countries. But what is glaring in the Philippines is the government’s neglect of the country as being agricultural. Lands are converted into quick money-making ventures such as real and industrial estates.   Also, instead of having its God-given natural endowments made use to the fullest by Filipinos themselves, these are practically offered to foreigners. The Filipinos are deprived of God-given opportunities by the very government that is supposed to protect them.

The government claims that its concerned agency, the Department of Social Welfare has programs for the impoverished families, one of which is the 4P’s, but this is shrouded with suspected corruption. Reports even prove that the program is not effective, as it just exacerbate the idleness of parents. Also, where are the social workers while children are sniffing rugby in street corners to stave off hunger? Where are the social workers while families living in carts are drenched by heavy rains?

As with the educational system, for so many years now, loopholes that have been shown by parents and concerned sectors are not plugged by the Department of Education. Today with the K-12 program, the parents are further pushed further down the mire of financial difficulty. Such ambitious program will eventually produce a new a generation of dropouts as impoverished parents can no longer afford to spend for their children’s education beyond Grade Six. The situation for inadequately- schooled Filipino children has just gotten worse than before, in which dropping out happens after graduating from high school.

The government refuses to acknowledge its inadequacies, and instead, it proudly shows a perfect image of the country that keeps its pace towards progress, which is a blatant lie!