The Supreme Court Decision in favor of Former President Arroyo is the Result of a “Due Process”

THE SUPREME COURT DECISION IN FAVOR OF FORMER

PRESIDENT ARROYO IS THE RESULT OF A “DUE PROCESS”

By Apolinario Villalobos

 

NOW THAT THE SUPREME COURT WENT THROUGH THE “DUE PROCESS” AND ABSOLVED THE FORMER PRESIDENT, GLORIA ARROYO, WHAT CAN SENATOR DE LIMA AND OTHER HUMAN ADVOCATES, SAY?

 

THE HIGHEST JUDICIAL BODY OF THE LAND HAS SPOKEN BY VIRTUE OF THE HIGHEST AND SUPREME JUDICIAL AUTHORITY IT HOLDS…THE FORMER PRESIDENT ARROYO WHO IS ACCUSED OF PLUNDER IS INNOCENT….SO, THERE GOES THE PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM!

 

A PLEAD FOR RECONSIDERATION IS OUT OF QUESTION BECAUSE THE DECISION OF THE SUPREME COURT IS OVERWHELMING, HENCE, WOULD JUST BE FUTILE AND A FALSE HOPE. THOSE WHO ARE RESPONSIBLE FOR THE CHARGE SHOULD JUST PREPARE THEMSELVES FOR THE COUNTER-STRIKE FROM THE FORMER PRESIDENT….AND IT COULD BE NIGHTMARISH! EXPECT CASES OF PLUNDER, GRAFT, AND IMMORALITY TO PROSPER AGAINST THOSE WHO WERE WITH THE AQUINO ADMINISTRATION AND RESPONSIBLE FOR ALL THE TRAVAILS THAT SHE SUFFERED.

 

NOW THAT DE LIMA, ET AL, HAS TASTED THE BITTER TASTE OF THEIR OWN MEDICINE, WHAT CAN THEY SAY? I HOPE THAT AT LEAST A THIN STREAK OF LIGHT SHALL ENLIGHTEN THEM ON WHY THE AUTHORITIES GET DESPERATE AS THEIR EFFORT TO PUT THE CRIMINALS BEHIND BARS ARE SET FREE BECAUSE OF THE “DUE PROCESS” BY VIRTUE OF THE PHILIPPINES’ UNIQUE “JUSTICE SYSTEM”.

 

THE FILIPINOS HAVE NO CHOICE BUT RESPECT THE DECISION OF THE SUPREMENT COURT WHICH SHOULD BE VIEWED AS THE “VICTORY” OF THE “DUE PROCESS” THAT HUMAN ADVOCATES KUNO ARE FIGHTING FOR….BUT, IT SEEMS THAT DE LIMA AND COMPANY FEEL OTHERWISE.

Kaya Pala “Nagsisipag” noon si MMDA Chariman Tolentino at DOJ Secretary de Lima…may ambisyon sila

Kaya Pala “Nagsisipag” Noon si MMDA Chairman Tolentino

At DOJ Secretary de Lima…may ambisyon sila

Ni Apolinario Villalobos

Malinaw na ang dahilan kung bakit noon ay kapansin-pansin ang pagsisipag nina Tolentino at de Lima – ang ambisyon nilang pumasok sa pulitika. Akala ko noon, normal lang na palagi silang iniinterbyu ng media, yaon pala ay talagang sinadya nila for media mileage.

Si de Lima ay “eager beaver” o sobrang maliksi kaya plano pa lang ang mga gagawin kahit maselan o dapat ay confidential dahil hindi dapat malaman ng “kalaban”, nagpapatawag na siya ng presscon kung saan ay nagbibitaw pa ng banta na pananagutin niya ang mga tiwali. Dahil sa ginagawa niya, ang mga dapat hulihin ay nakakatakas. Ang plano niya noong pagbisita sa Bilibid Prison upang mag-inspection dahil pumutok ang bentahan ng droga ay ibinrodkast kaya pagdating niya sa “loob”, halos wala nang nadatnang ebidensiya maliban sa mga ginawang mga kubol na aircon. Wala mang resulta, natanim naman sa isip ng mga tao na aktibo siya, masipag. Dinagdagan pa ng ibang broadcasts na lalong nagpahaba ng mileage. Yun pala, may ambisyong maging senadora!

Nadulas pa sa pagsabi noon si de Lima na ipapasa niya sa papalit sa kanya ang susunod na batch ng mga may kaso na may kinalaman kay Napoles, dahil siguro sa planong pag-resign dahil sa kandidatura niya. Subalit maraming pumalag, lalo na ang mga naunang sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile, kaya napilitan din siyang ihain na ang kaso. Ganoon pa man, marami pa ring kaso ang hindi nabigyan ng malinaw na direksiyon tulad ng SAF 44 Massacre o Mamasapano Case, at Maguindanao Massacre na kinasasangkutan ng mag-aamang Ampatuan. Takot kaya siyang sagasaan ang mga supporter ng mga Ampatuan na namamayagpag pa sa Mindanao? Mga boto din nga naman silang mabibilang kung sakali. Ngayon naman ay sumawsaw sa kaso ng Iglesia ni Cristo ganoong ang daming mahahalagang kasong nakapila!

Si Tolentino naman noon, halos araw-araw noon ay may interbyu, nagpapakita pa na nagmamando ng trapiko….lahat na ng mga gawain tungkol sa pag-ayos ng trapik ay ginawa na, kahit umuulan. Dahil sa mga nakita ng mga tao, inakalang bukod-tangi ang kanyang kasipagan, kaya may mga nagsabi pang mas magaling siya kaysa pinalitan niya. Subalit bandang huli ay hindi na nakita at nagkagulatan na lang ng malamang kasama pala siya ni Pnoy, Roxas at de Lima sa Cebu, samantalanag nagmumurahan ang mga morista at MMDA traffic constables sa Manila. Nang bumandera ang retrato ng isang Obispo na nagtatrapik, malakas ang loob ni Tolentinong mag-imbinta ng media dahil magtatrapik din daw siya! Matindi siya…maaga pa lang ay nagpapakita na ng pagka-trapo. Kung sabagay, bago siya naging Traffic Czar ay galing naman talaga siya sa larangan ng pulitika sa Tagaytay.

Walang masama sa pagkaroon ng ambisyon upang umangat sa larangan ng pulitika, subalit huwag naman sa paraang garapal…dahil nalalagay sa alanganin ang kapakanan ng sambayanan!

Ang Kababawan ni de LIma

Ang Kababawan ni de Lima
Ni Apolinario Villalobos

Pagkatapos ma-disable ng pamahalaan sina Enrile, Revilla at Estrada, sa pamamagitan ng mga patung-patong na kaso na ikinasadlak nila sa kulungan, heto si de Lima at titigil na raw sa pagsampa ng mga kaso sa iba pang mga tiwaling opisyal na nabistong mga kaalyado pala ng pangulo. Idinahilan ni de Lima ang marami pa daw niyang “priorities”kaya hindi na kaya ng schedule, lalo pa at siya ay magbibitiw na. Ganoon lang? Hindi ba mahalaga ang mga kasong may kinalaman sa pagnanakaw sa kaban ng bayan kaya nagkandahetot-hetot ang Pilipinas na lalong ikinasadlak ng mga Pilipino sa hirap at gutom?

Sa napakaagang pagkakataon ay ipinakita ni de Lima ang kanyang pagka-iresponsable bilang inaasahan sanang hepe ng isang mahalagang ahensiya na siyang aalalay sa mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga tiwaling opisyal upang makamit ang hustisya. Ano ang sinasabi niyang mga “priorities”?… ang pagbibiyahe upang magpakilala sa mga tao bilang isa sa mga kakandidato para sa senado? Kung yon ang dahilan, lalo siyang lumalabas na iresponsable at hindi maaasahan o mapagkakatiwalaan dahil hindi siya marunong magtimbang ng mga “priorities”.

Ang dapat sana niyang ginawa ay madaliin ang pag-file man lang mga mga kaso, upang maitala sa record ang pangalan ng mga taong sangkot at ang mga ibinibintang sa kanila ng Commission ng Audit. Kung hindi man umabot sa mga deadline dahil sa nalalapit na eleksiyon, saka na lang niya ipamana sa papalit sa kanya. Ang masama, nagpaka-obvious siya sa paghugas ng kamay dahil kaalyado ng kanyang boss ang mga taong dapat sana ay kakasuhan na.

Ang ginagawa kaya niya ay bahagi ng alituntunin ng boss niya sa pagtahak sa “tuwid na daan” daw?

Nang Araw na Marami ang Napatulala… (isyu pa rin ng pork barrel)

Nang Araw na Marami

Ang Napatulala…

(Isyu pa rin ng Pork Barrel)

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi yata matutuldukan ang pork barrel –

Isyu na sa maraming kaso ay nagpadiskarel

Sa tagal ng panahon lagi itong bumalandra

Sa anumang klase at porma ng mass media.

 

Subali’t wala na yatang isyu na mas hihigit pa

Sa isang araw nang magpa-presscon si de Lima

Iyan ay noong bago operahan si Janet Napoles

Di makalimutang araw – isang araw ng Martes.

 

Ang sabi ni de Lima, ilang oras din silang nag-usap

At  sa loob nito ay marami din daw siyang nakalap

Mga impormasyon na talagang sobrang  kailangan

Upang kaso ng pork barrel ay tuluyang matuldukan.

 

Napakaraming namangha, marami ding napatulala

Nang si de Lima ay nagbroadcast ng maiinit na balita

Sabihin ba naman niyang mahaba ang lista ng sangkot –

Kaya asahan… isyung pork barrel ay lalong sasalimuot.

 

Si Panfilo Lacson, may listahan din daw na hinahawakan

Bigay ng Napoles group ilang araw pa lang ang nakaraan

Subali’t sabi ni Miriam Santiago, bahagi ito ng istratehiya

Upang malito sa isyu ng pork barrel ang Pilipinong madla.

 

Mga original whistle blowers naman, lahat sila’y nag-alala

Na sa mga sinabi nila, pagsipot ni Napoles ay makakapinsala

May punto nga naman, dahil isang pagsalungat na masasabi –

Hihina, kasong matagal pinaghirapan upang  mabuo’t mahabi.

 

Ano pa nga ba at sa harap ng magugulong pangyayari’t drama

Buong bayan nga ang nalilito at nasasadlak sa kahirapa’t dusa

Dahil hilahod sa kahirapan ang mga Pilipino… ang buong bayan

Kakayanin pa kaya  ang pagtahak sa sinasabing tuwid na daan?

 

 

 

Mga Palpak na Sistema ng Gobyerno

Mga Palpak na Sistema ng Gobyerno

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa nasobrahan na yatang pagbo-broadcast ng kaso ng showbiz personality na si Vhong Navarro, hindi na raw mahagilap ang mga nasangkot dito na si Cedric Lee at iba pa…paano ba naman, hindi pa nailalabas ang warrant of arrest sa kanila, ay nagpaistaring na ng interview si de Lima at mga pulis tungkol sa nasabing mga warrant na ni hindi pa nga napipirmahan ng huwes. Sino ang tanga na magpapaaresto para sa kasong walang piyansa? Kaya ayon, nakatingin sa kawalan ang mga warrant officers.

 

Isang maliit na kalye sa Maynila, sa panulukan ng Recto, na kung tawagin ay Arranque ang kilala na noon pa na bagsakan ng mga nakaw na gamit. Subali’t may mga nagbebenta rin ng mga gamit na hindi naman nakaw kundi yong buraot –  mga junks o mga “kalakal” na mapapakinabangan pa, mga napupulot sa mga basurahan. Malalaman sa isang tingin pa lang ang lehitimong mga taong yagit na nagbebenta ng mga ito na nakalatag sa bangketa. Ang masama lang, kinukumpiska ng mga pulis ang mga junk na paninda – dinadala sa presinto para “ipatubos”, at ang dahilan ay nakakasagabal daw sila sa daloy ng “trapiko”. Anong trapiko ang sinasabi nila, ganoong, ang tinutukoy na lugar ay sidestreet, at sa bangketa nakalatag ang mga paninda? Ang mga kawawang yagit ay lalong nagmumukhang kawawa dahil sa pagkawala ng kakarampot na kabuhayan nila. Ang inaasahang baryang kikitain para pambili ng maski isang kilong bigas at gamot ay nawala at hindi na nila inaasahang makukuha pa o “matutubos” sa napakalaki daw na halaga. May nagsabi na bago daw itinatapon ng mga pulis ang mga “kalakal” ay pinipilian muna ng mapapakinabangan nila. Sa kabila ng “kahigpitan” ng mga pulis, bakit hindi nila masawata ang mga hantarang “snatching” o pang-aagaw ng mga alahas at ibang gamit? Ilang araw lang ang nakaraan, mismong asawa ni Ping Lacson ang naagawan ng hikaw sa Divisoria. Ilang sandali lang, “nahuli” na raw ang mga magnanakaw? Bakit kung hindi kilala ang ninakawan, sori na lang ang inaasahan?

 

Sa isyu ng kurodo at iba pang produkto ng langis, alam na maski ng mga bata na kaya hindi makontrol ang pagsirit palagi ng mga presyo ay dahil sa “oil deregulation law”. Bakit hindi ito ang tumbukin ng gobyerno? Bakit hindi ibalik sa gobyerno ang pagkontrol sa presyo ng langis?  Dahil may mawawalan ba ng komisyon? May mga pondo naman palang magagamit pero hinahayaan lamang nakawin ng mga tiwaling mga opisyal at mga mambabatas.  Ang isa pang ayaw bigyan ng pansin ng gobyerno ay ang mga alternatibong mapagkukunan ng enerhiya na magagamit maski sa pailaw at mga gamit pambahay, hindi bale na ang gasolina o krudo para sa sasakyan. Ito ang kailangan ng mga liblib na lugar sa ating bansa. Ang tinutukoy ko ay mga panggagalingan na tulad ng araw at hangin. Ano ang silbi ng mga naimbento nang mga paraan at gamit para dito kung hindi rin lang mapapakinabangan? Hanggang piktyuran na lamang ba ang Department of Science and Technology? Ang nakakahiya, may mga liblib na mga baryo at isla ang nabibigyan ng mga gamit na solar lights subalit ang mga ito ay proyekto ng mga banyaga at mga misyonaryo.

 

Sa isyu ng pagpapaayos ng mga kalye sa Maynila, palagi na lang hindi nasusunod ang iskedyul sa pagtapos ng mga ito. Maski noong panahon na wala pang cellphone, alam na ng lahat ang mga kapalpakan ng mga ganitong klaseng proyekto. Subali’t palagi na lang nagtuturuan ang mga ahensiya ng gobyerno kung sino ang pumalpak. Ang mga kontraktor naman na sangkot, tuwang-tuwang pumapalakpak dahil hindi man lang sila napapatawan ng karampatang parusa.

 

Sa mga aksidente sa kalsada…kapag nabangga ng trak ang isang motorcycle na animo ahas sa paglusot sa trapik, ang maysala ay ang driver ng trak. Kapag nasagasaan ng kotse ang isang taong desperado na kusang nagpasagasa, ang may sala ay ang driver ng kotse. Kapag nasagasaan ng tren ang isang taong lasing na nakahiga sa riles, ang may sala ay ang operator ng tren. Kapag nahulog ang isang bus sa isang bangin kahit na mabagal ang takbo, ngunit dahil sa kawalan ng babala sa tabi ng daanan, ang maysala ay ang driver ng bus. Paanong madidisiplina ang mga driver ng mga motorcycle na walang respeto sa batas trapiko kung sila ang papanigan palagi maski sila ang maysala sa isang aksidente? Paanong masawata ang mga sindikato na kunwaring nagpapasagasa upang makapangikil sa mga driver ng kotse kung walang batas para dito? Nasaan ang budget na para sana sa pagpapaayos ng mga highway, kasama na ang mga paglalagay ng mga harang at mga reflectorized warning signs sa mga delikadong highways sa mga gilid ng kabundukan  at tabi ng mga bangin? At, paanong mawawala ang mga aksidente sa mga riles ng tren kung sa tabi ng kahabaan nito ay may mga iskwater pa rin?

 

Kung ililista ang mga kapalpakan sa gobyerno, hindi lang siguro isang aklat ang magagawa. Dahil sa kawalan ng isang centralized na coordinative system, ang mga ahensiya ay nagtuturuan kung sino ang may sala kapag may pumutok na problema. Tuluy-tuloy ang nakakalungkot na mga pangyayaring nakakasuka. Kung may ginagawa man, ay hanggang imbestigasyon na lamang dahil sa excitement na dala nito kaya palaging may nakaumang na mga kamera ng TV at mikropono ng media. Walang napaparusahan kaya tuloy ang ligaya ng mga salot sa lipunan at mga kawatan na alam na natin kung saan-saang panig nakaluklok! Sila yong mga kawatan na hindi nahihiyang magsabi sa madla na wala silang kasalanan.