Ang Pagmamahal ng Ina sa Anak…para kay Miguel Kurt Padua

Ang Pagmamahal ng Ina sa Anak

(para kay Miguel Kurt Padua)

Ni Apolinario Villalobos

Mula sa sinapupunan niya nang ito ay sumibol

karugtong na ng kanyang buhay

ang anak na walang kamalay-malay

at sa marahang pagpintig ng puso nito

ramdam ng ina’y ligayang hindi matanto.

Nagmamahal nang walang pasubali, yan ang ina

na lahat ay gagawin para sa anak

nang ito’y lumigaya’t ‘di mapahamak

gumapang man at magtiis, o maghirap

matupad lang para sa anak, ang pangarap.

Ina lang ang kayang magtiis sa mabigat na pasakit

kakayanin ang lahat para sa anak

na sa mundo’y iniluwal na may galak

biyaya ng Diyos, sa kanya’y ipinagkaloob

kaya, pagmamahal niya’y taos, marubdob!

Sarah Jane (for Sarah Jane Salazar)

Sarah Jane

(for Sarah Jane Salazar)

By Apolinario Villalobos

 

Are there other women like you

Who walked the earth in bare innocence?

Are there other women like you

Who bore on their shoulders heavy burden?

 

Robbed of blessings and happiness

That should have molded your gay youth

Not knowing that it was sheer poverty

Though for you, that’s life, as you thought.

 

Despite all those, Sarah, you persisted

Still hoping, you would grow through them

And still with that sweet smile on your lips

The better life you wished, remained a dream.

 

(Sarah Jane Salazar was the first HIV-AIDS Filipino victim who came out in the open. She admitted that poverty drove her to work in beer joints even at a young adolescent age. She died of the disease without blaming anybody.)

 

 

 

Ang Kagitingan ng Babae

Ang Kagitingan ng Babae

Ni Apolinario Villalobos

Kung babasahin ang Bibliya, nakatala doon sa sinasabing alamat ng paraiso, na ang dahilan ng pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos ay babae, si Eba. Kung sinasabi din na silang dalawa ay binigyan ng malayang kaisipan, ang ginawa ni Eba ay ang paggamit nito dahil sa kagustuhan niyang mahigitan ang kaalaman ng Diyos. Masisisi ba natin siya? Kung ang kaisipang ibinigay ng Diyos sa mga una niyang nilalang ay hindi malaya, hindi sana nagpatukso si Eba sa ulupong, at si Adan ay hindi nagpadala sa pangbubuyo ni Eba. Sa ginawa ni Eba, pinairal niya ang kanyang saloobin, kaya pati ang Manlilikha ay nakaya niyang suwayin. At, kung hindi napalayas ang tatlo (kasama ang ulupong) mula sa paraiso, hindi sana nagkaroon ng pagkakataon ang tao na masubukan ang kanyang katatagan sa harap ng mga pagsubok na ibinigay ng Diyos.

Sa kasaysayan, maraming mga Ebang nagpakita ng kanilang katapangan, katatagan at kagitingan. Unahin na natin si Maria na sinasabing ina ni Hesukristo. Nagpakita siya ng katatagan sa pagharap sa nakasisilaw na anyo ng anghel nang pagsabihan siya nito na dadalhin niya sa kanyang sinapupunan ang manunubos ng mundo. Hindi siya nalito at natakot, sa halip ay tinanggap niya ang anunsyo ng buong puso at katatagan, at sa kabila ng posibilidad na mai-eskandalo ang nakatakda nilang pagsasama bilang mag-asa ni Jose.

Marami na rin ang mga naging bayaning babae, at ang isa sa pinakamatunog na pangalan ay si Santa Juana (St. Joan) ng Pransya, na maski sa kaliitan ay nagawa pa rin niyang pangunahan ang isa sa pinakamadugong pag-aklas laban sa mapanupil na hari noong kapanahunan niya na humantong sa pagsunog sa kanya habang nakatali sa isang tulos. Sa kasaysayan ng Pilipinas, mababanggit si Gabriela Silang at si Tandang Sora. Sa makabagong panahon naman, ang isa sa pinakarespetadong pinuno ng bansa ay si Indira Gandhi ng India, na hanggang ngayon ay itinuturing na simbolo ng katalinuhan ng mga kababaehan.

Sa Inglatera, nagkaroon din ng babaeng pinuno, si Margaret Tacher, na kinilala sa kahusayan niya sa pagharap sa mga bantang pinakita ng kalapit nilang mga bansa. Sa Pilipinas, naman ay merong Corazon Aquino na sa kabila ng kakulangan ng kaalaman sa pagpapatakbo ng gobyerno ay buong tapang na umako ng mga responsibilidad sa ngalan ng kalayaan.

Marami pang mga kwento ng kagitingan ang umiinog sa katauhan ng mga babae, mga matatawag na ring bayani at martir na pilit nilabanan ang lungkot dahil sa pansamantalang pagkakalayo mula sa mga pamilya, kumita lamang ng maayos sa ibang bansa. Sila ang mga binubugbog at pinagsasamantalahan ng mga amo, at kung malasin ay isinasakay sa eroplano bilang cargo dahil nasa loob na ng kabaong, maiuwi lamang sa Pilipinas. Sila ang mga babaeng halos pigilan ang mga kamay ng orasan, magkaroon lamang ng mahabang pagkakataon upang kumita sa pinapasukang beerh house bilang receptionist o mananayaw. Sila ang mga babaeng maghapong nakatayo sa mga mall bilang mga dispatsadura. Sila rin ang mga babaeng hanggang ngayon ay nasa kabundukan at pilit na pinaglalaban ang mga karapatan ng mga inaapi. At sila ang mga babae na halos maputol ang hininga sa pag-ere, mailabas lamang ang isang buhay mula sa kanilang sinapupunan.

Sila ang ating mga anak, asawa, kapatid, pinsan, tiyahin, pamangkin, ina, lola, kapitbahay, kasambahay – mga nilalang na malimit hindi maunawaan, kaya kung minsan, ang tanging paraan upang mabawasan ang sama ng loob, ay ang pag-iyak na lamang. Subali’t hindi na ngayon, dahil unti-unti na ring kinikilala ang kanilang kagitingan at dahil diyan, nagkakaroon na rin ng imahe na dapat igalang.