Ang Trahedya ng DAP

Ang Trahedya ng DAP

 

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Nagsimula sa kung tawagin ay “masaganang” PDAF

Na nagdala kay Napoles sa kulungan pero nagla-laugh

Sino ba naman ang hindi, eh ang iba’y mugto ang mata –

Sa pagpuyat, hanap ng mga ebidensiya laban sa kanya!

Akala ng iba, dahil nagrorosaryo na’t nag-iisa si Napoles –

Doon sa Sta. Rosa kung saan nakulong din ibang herodes

May isa pang trahedya na nagpakalog sa ating mga isla

Nang isang araw nag-privilege speech si Jinggoy Estrada.

 

Banat dito, banat doon ang kanyang ginawa, safe naman kasi

Kaya’t mga kalaban walang magawa kundi manggagalaiti

Maraming nagtaas ng kilay sa binulatlat niyang mga sikreto

Ng mga akala mo mga santong tao sa kongreso at senado.

May mga binunyag na kinulimbat sa bayan ay nakakakilabot

Mga halagang pangarapin man ni Juan ilang beses di maabot

Pati siya ay umamin din na may malaking perang natanggap nga –

Pag-aming kasama siya sa tropang ibinoto nguni’t namantala.

 

Sa kanyang pagtatalumpati na tumagal at puno ng suspense

Mukha ng mga senador sa TV nakita, mukhang walang defense

Iisang mukha ang nakita sa mabunying mga taong ito sa senado –

Kung paano sila makahabi ng makatotohan at makulay na kwento.

Ilang oras lang pagkatapos ng talumpati ni Jinggoy na nakangiti

Hinagilap ng mga reporters ang mga taong nabanggit sa talumpati

Pilit hiningan ng paliwanag kung ang narinig ay may katotohan –

Katotohanang dapat malaman ng nagmamaktol na taong bayan.

 

Si Abad simpleng umamin, meron ngang perang naipamahagi

Subali’t hindi suhol sa mga senador at kongresman sa pagkampi

Ang tinutukoy niya ay ang kaso ni Coronang mabilis nahusgahan

Na sa gobyerno ay di na makakapagtrabaho  magpakaylan man.

Ito daw ay “Disbursement Acceleration Program” o di kaya ay DAP

Mabuti’t mabuti, yon lang ang nabuo, hindi ang salitang HOLDAP!

Ano ito? tanong ng iba, eh di pundong magpapabilis ng mga proyekto –

Yon sabi ni Abad, na nakakalito yata tingnan man sa lahat ng anggulo.

 

Kung ang gusto lang ay mapabilis ang mga proyekto ayon sa Pangulo

Dapat tukuyin ay mga aktibo, naantala’t nakatiwangwang na proyekto

Dapat itong DAP ay ginamit na isang kautusan, isang memo ng pangulo

Dahil maliwanag, gusto nito, “bilisan ang mga proyekto”, hindi labas-pondo!

Sa ating mga Pilipino, trahedyang maituturing itong masalimuot na DAP

Hindi maiintidihan ni Juan na bumagyo man o bumaha, pilit nagsisikap

Makabili man lang ng NFA rice na nangangamoy ng pampatagal na gamot

Upang sa noo ay mawala ang iginuhit ng gutom at pagod – na pangungunot!

 

The DAP and “Government Savings”

The DAP and “Government Savings”

By Apolinario Villalobos

 

It looks like the Disbursement Acceleration Program (DAP) is a result of budget juggling in which the Department of Budget Management (DBM) is an expert. The DBM and just lately, the President himself, in a press conference told the world that the DAP is needed to bolster the seemingly lagging economy of the country, hence, “acceleration” is necessary, and another hence, more expenditures are needed. What!?!?

 

By its name alone, the DAP with “acceleration” in the middle is supposed to be a mandate. It would look better if presidential instruction is given to implementing Agencies and LGUs to “accelerate” or hasten or speed up or rush up or quicken existing projects for which budgets have already been allocated because as found out, the problem is the unreasonable pending of projects despite the allocated budgets which is a case of fund malversation on the part of implementing Agencies and LGUs.  The DAP as the name suggests does not call for “release” of more budgets which unfortunately DBM did just lately resulting to questions from the different sectors.

 

On TV, Abad mentioned that although there are purported budgets, these are actually appropriations. He must be referring to the DAP and Malampaya Fund. Does he mean, budget on papers? No cash available? If so, why were the legislators given millions months after the Corona case? – the money found to be from DAP. On Malampaya fund, he said that portions of the fund were used to purchase a patrol boat for the Navy and helicopter in view of the Spratlys/West Philippine Sea issue, and added, equipment for PAG-ASA. But what happened? And worse, though, still under investigation, how did  Napoles dip her fingers into it? Why are the Chinese are still happily constructing facilities within our territory? Why are the PAG-ASA people still complaining about their unpaid incentives and hazard pay? As a final statement to defend the President, he said that it is necessary for the latter to have a standby fund that he can use for emergencies. So there, he implied the discretion of the President in the disbursement of the fund – a pork with another face, that Malacanang vehemently denies.

 

As to the “savings”….how can all government agencies, for that matter, ever have savings when their budgets for the coming fiscal year is based on the budgets of the previous year? Reason dictates that previous spendings are supposed to tell the budget guys of the agencies that they need more money instead of having saved some. In fact, due to progressive needs of agencies, they are supposed to be in need of budgets for unexpected projects, therefore, not included for the current fiscal year. Simply put, for instance, the FY 2010 budget is prepared based on FY 2009 expenditures which may show sometimes, necessary additional budget for other projects that were not expected during the previous year or FY 2009. In this view, the 2010 budget is supposed to have a bigger amount in their proposal. During the presentation of 2010 budget, haggling is done resulting to reduction of the budget in some cases. Very seldom are submitted budgets approved as they are. In this example, it is expected that the upgraded 2010 budget as requested based on the  previous fiscal year will have been exhausted by the end of the fiscal year or the report may show some red due again to unexpected necessary projects. Therefore, how can agencies accumulate savings?

 

But sadly, as agencies are actually scrimping to incur savings because they expect their savings to be given back to them as incentive at the end of the year, this effort could result to the sacrifice of service quality and deficient procured equipment. It is now up to the agencies to make use of the incentive, whether to enjoy them as bonus for employees or procurement of additional equipment. So, this is how some of people’s money is spent.

 

The Philippine government as a republic has been in existence for so many years now. Since the day one of its being a republic, it must have identified projects that are necessary for its development in the name of progress. Why not come up then  with a list of these projects to which standardized budgets are assigned. For a example, a bridge with so much length should be assigned a budget, a school building with such a number of rooms and other facilities should be assigned appropriate budget, a national road with so much length should be assigned appropriate budget, etc. In other words a ceiling is necessary to prevent overpricing. The budget must be checked against current material costs to effect regular updating, then appropriately recorded as future reference. If a certain government agency was able to come up with a thick book of list of government positions complete with functions and salary grade/rate, then why can’t DBM come up with a similar reference? If there is already one, why are scandals on misappropriations still happening? What is DBM as an agency to “manage” government funds and budgets for?

 

It has been admitted by DBM that the DAP is where the savings went. Also, this “program” is the source of “incentives” for the agencies that incurred these savings, but why include the legislators who will serve as conduits for the disbursement in the implementation of their supposed projects? Why not appropriate the fund directly to the implementing Agencies which are supposed to coordinate with LGUs for “accelerated implementation of the projects? Why add a corner (legislators) in the flow of budget when it can just slow down the process? One need not be a university graduate to sense this flaw or loophole. Are the economist and technocrat advisers of the President doing their jobs?

 

With the scandals going on involving government agencies, is there any attempt NOW to take a closer look at HOW the government with ALL its agencies, LGUs and the two houses of legislators “operate”? There should be an overall homogenous operation. The Philippines is a republic and not federal. But the way the agencies and the two legislative houses do their acts, it is as if, each is on its own. Their operations must be inter-related to each other to ensure a smooth flow of actions on all issues. Information technologists call this as flow chart. Such operational chart will show what agency is doing on what issue and what action has been taken and what next action is expected from another agency and so on. Government people should pick it up from there. By all means, all actions must be explained and indicated in the flow.

 

The Philippines does not have that many projects so that the DBM has no reason why it cannot monitor where the people’s money goes. Projects in answer to the needs of the Filipinos practically concern the same areas: for education – school building, salaries for teachers, scholarship, research for educational program upgrades, etc.; for infrastructure – government roads and highways, bridges, etc.; for agricultural development – farming technology development, irrigation, silos, farm equipment, etc,.; health – hospitals, clinics, medicines, trainings of medical staff, etc. This is the only way to standardize the appropriation, so that questions shall not be asked why expenditure on a certain project in Mindanao is bigger than the same project in Luzon. 

 

But then, unless the Filipinos will not mature politically, corruption will still be with us. There can never be a “best”, “strong”, “intelligent”  leader for a throng of people in disarray because of selfishness….not even a dictator.

 

 

Ang Tuwid na Daan, Nababagtas na Ba?

Ang Tuwid na Daan…

Nababagtas na Ba?

 

ni Apolinario Villalobos

 

 

Nang si Pnoy Aquino ay naupo bilang Pangulo ng Pilipinas, ang hindi makalimutang binigkas niya ay ang “tuwid na daan”.  Hindi lang malinaw kung ang sinabi niyang ito ay pangarap o nandiyan na at tatahakin na. Ang sinabi lang niya ay samahan natin siyang tumahak sa tuwid na daan. Mas maganda sanang pakinggan kung sinabi niya na samahan natin siyang tumahak sa daang baku-bako man at maraming balakid ay matatawid din natin kung tayo ay magtutulungan. Hindi niya binanggit ang katotohang ang Pilipinas ay napapaligiran ng baku-bako at mabatong  mga daan. Kung sa payak na pananalita, marami ngang baryo na wala nito, maski na baku-bako dahil ang pondo na laan para dito ay ibinulsa ng mga gahamang opisyal ng pamahalaan.

 

Kung ilang taon na siyang naglilingkod sa pamahalaan. Kahi’t na noong hindi pa man siya senador at ngayon ay Presidente na,  alam na niya ang mga hindi magandang kalakaran at mga pangyayari sa ating pamahalaan at bansa sa kabuuhan. Siguradong noon pa man ay alam na niya ang tungkol sa mga katiwalian sa pamahalaan, sa mga mambabatas na halang ang mga bituka, sa mga opisyal na kasing itim na ng uling ang kaluluwa dahil sa pagkagahaman, sa mga kahirapan ng karamihan sa ating mga kababayan – mga sakit ng ating lipunan na nagpapabulok sa pagkatao ng Pilipino bilang isang natatanging lahi sa Asya, ng mundo.

 

Siya ay matalino. Siya ay makatao. Yan ang sabi nila. Nasaan ang kanyang pang-unawa at pagkilala sa mga tunay na mga pangyayari sa kasalukuyan? Baki’t hinayaan niyang talunin ng mga nagdudunung-dunungang mga taong nakapaligid sa kanya ang kanyang mga panununtunan? Ang nangyari tuloy, sa pagtahak niya sa sinasabi niyang “tuwid na daan”, dapȃ dito, dapȃ doon ang kanyang inabot!

 

Kung hindi sa kaso ni Janet Lim Napoles, hindi nabisto ng buong bayan ang mga tunay na nangyayari kung paanong kamkamin ng mga tiwaling opisyal ang perang pinaghirapan ng taong bayan na halos ay pigain ng BIR upang makabayad ng buwis gamit ang kakarampot ng kita mula sa mga trabahong kontraktwal. Mayroon pala namang “naipong” pondo na naibalik sa DBM, bakit hindi ginamit ito upang maipagpatayo ng maayos na paaralan ang mga kabataan sa mga liblib na lugar ng ating bansa? Bakit hindi ibinili ng mga gamot para sa mga baranggay? Bakit hindi ginamit para matulungan ang mga matatalinong kabataan upang makaraos sa pag-aaral? Bakit hindi ginamit sa mga proyektong makakatulong sa mga taong kakarampot ang sweldo? Bakit kailangan pang idaan ang paggastos sa mga senador na pinagdududahan na sa paghawak ng pondo para sa mga proyekto? Bakit hindi diniretso sa mga ahensiyang dapat na nagpapatupad ng mga proyekto para maayos ang pagmanman sa paggastos? Mayroon palang pondo mula sa Malampaya na para sa mga proyektong pang-enerhiya, bakit hindi ginamit ito para magastos sa pagpapatayo ng mga alternatibong panggagalingan ng enerhiya para hindi tayo masyadong umasa sa inaangkat na langis? Bakit hind ginamit ito sa pagsubsideya sa krudo na ginagamit ng mga sasakyang pangmasa upang hindi tumaas ang pamasahe?

 

Naglagda siya ng batas para sa karagdagang sweldo ng mga empleyado. Magkano? Ayaw ko nang banggitin dahil baka ako’y mapaluhȃ. Ang mga nagdudunung-dunungang opisyal ng gobyerno na siyang namamahala sa bagay na ito, gumawa ng pagtuos, ang masama, binatay sa presyo ng mga bilihin “noong panahon” na may nabibili pang tinging mantika sa halagang beinte sentimos. Ang nakita sa TV, babaeng mataba, buong husay na nagpapaliwanag na ang ginawa niyang lista ay siyang naaangkop sa araw-araw na pagkain ng Pilipino – mas mataas kaysa ibinigay na dagdag sweldo! Ang tanong, saan kukuha ng pambayad sa kuryente, sa tubig, sa upa ng maliit na kuwarto, sa pamasahe, sa damit, sa gamot? Ang inilista niya ay talbos ng gulay, ilang pirasong isda, tinakal na kanin – yon na! Isa pang tanong, kumakain din ba siya nito? Duda ako dahil sa hitsura niya, hindi yata alam ang lasa ng kangkong. Ang matindi, inamin ng matabang babae na binatay niya ang kanyang lista sa report na mahigit limang taon na ang nakaraan! Nasaan ang makatotohanang pagtugon sa pangangailangan ng taong bayan – ang “boss” ng Presidente?

 

Kung sinabi ng nanay ni Presidente Pnoy na “tama na, sobra na”, na ang tinutukoy ay mga katiwalian noong kapanahunan ni Marcos, ngayon ang sigaw ng taong bayan ay “tama na, sobra na” na ang tinutukoy ay ang pambobola sa taong bayan!

 

Marami tuloy ang hindi makaiwas sa paghambing kay Marcos sa mga pumalit sa kanya mula kay Cory Aquino hanggang ngayon. Marami ang nagpasalamat na dahil kay Marcos ay nagkaroon tayo ng Cultural Center, Philippine Conventions Center, Folk Arts Theater, Philippine Heart Center, Kidney Institute, napaayos na Philippine General Hospital, Coastal Road na nagpagaan ng biyahe papuntang Cavite, at marami pang iba.  Nakilala tayo sa mundo at nirespeto dahil kay Marcos. Hindi ako maka-Marcos. Nagsasabi lang ako ng totoo.

 

Mula kay Cory Aquino hanggang ngayon ano ang mga nagawa at nangyari? Mga nagawa meron din maski papaano – binuksan ni Presidente Ramos ang Pilipinas sa lahat ng mga airlines ng buong mundo (open skies policy), nagbenta ng dating Fort Bonifacio sa mga korporasyon na may koneksyon sa mga banyaga,  nagsakal ng mga labasan ng mga estero sa pamamagitan ng pagtambak sa Manila Bay upang mapatayuan ng negosyo ng mga banyaga kasama na ang casino, nagbigay ng lisensiya sa mga banyaga para makapagnegosyo sa bansa kaya pati toothpick ay galing sa Tsina, nagsapribado ng Philippine National Bank, nagsapribado ng serbisyong tubig at kuryente kaya walang mgawa ang mga gumagamit ng mga ito tuwing tataas ang singil, at marami pang iba. Mabuti na lang at naagapan ang pagbenta ng Manila Hotel, isang makasaysayang institusyon sa grupo ng mga banyaga. Mabuti na lang at nabulabog ang planong pagsasapribado ng Philippine General Hospita, Philippine Heart Center at Kidney Institue. Ang dahilan ng may balak? Upang mapaayos daw ang mga gamit.

 

Kung sa mga nangyari, marami din naman – maraming proyektong hanggang papel lang, maraming itinatag na mga kooperatiba at mga Foundation na ginawang dahilan para makakurakot ng pera ng bayan, maraming mga kalsada na kalahating lane lang ang nagawa, maraming sinirang sementado at maayos na kalsada para gamitan ng aspalto na walang binatbat ang kalidad kaya nagkandalubak-lubak maski ambon lang ang inabot, maraming basura ang natambak sa mga estero, maraming namahay sa mga lupang nakatiwangwang maski gilid ng mga daluyan ng tubig pero hindi sinita ng mga lokal na mga opisyal dahil itinuring silang boto pagdating ng elesyon, maraming namatay sa sakit dahil hindi kayang magpa-ospital or bumili ng gamot, maraming sidewalk vendors ang umiyak dahil ang paninda nila ay walang habas kung kumpiskahin ng MMDA sa dahilang sila ay nakakaabala, may mga proyektong ginawa nguni’t hindi naman pinag-isipan kaya pagkatapos ng kuhanan ng retrato, nawalan na ng silbi.

 

Nasilip ng mga matalino nguni’t tiwaling opisyal sa gobyerno ang mga kahinaan sa pagpapatakbo ng mga ahensiya, kaya kanya-kayang kurakutan ang nangyari! Tadtad ng katiwalian ang maraming ahensiya kaya yong isang presidente nagsa-pribado ng mga government assets para hindi na raw nag-aasikaso ng mga katiwalian ang gobyerno. Kung iyan ang dahilan, bakit hindi na lang din isa-pribado ang gobyerno?!!!!

 

Hindi madali ang mamuno. Hindi rin madali ang makisama sa mga taong akala ay makakatulong. Ang madali ay ang makiayon sa mga taong ito maski sila’y tiwali dahil sa takot ng namumuno na baka siya ay iwanan bigla. Nangangahulugan lang ito ng kahinaan ng isang namumuno dahil kung siya ay matatag at nakikitaan ng katigasan sa pagpapatupad ng kung ano ang tama, walang mangingiming siya ay bibigyan ng karampatang respeto na may kaakibat na paniniwala, pagtitiwala at taos-pusong pakikipagtulungan.

 

Sana ang ipangako ay makatotohanan at kayang gawin. Huwag sanang mangarap ng matayog na paglipad para kung bumagsak man ay hindi masyadong matindi ang lagapak!

 

Sa huli, pilitin nating isigaw maski sa paos at mahinang tinig dahil sa kagutuman…MABUHAY ANG PILIPINO!