Lines For Valentine

Lines for  Valentine

By Apolinario Villalobos

 

Ah!, Valentine…

Yes, everyone can’t help but  feel and sniff  it –

For, not only does it give everyone excitement

But also makes the eyes see pink, red and gold –

A day of great love stories and legends of the old.

 

Ah!, Valentine…

Yes, everyone just gets buoyed by the great feeling

That on Cupid’s Day, the world shall burst with love

All hearts shall throb as one,  stun the dreaded hate

Fill lovers with sublime lust, a passion, just ultimate.

 

 

Sa Pagsapit ng Valentine’s Day

Sa Pagsapit ng Valentine’s Day

Ni Apolinario Villalobos

 

Marami ang excited sa pagsapit ng Valentine’s Day

May nagbabadyet na ng panggastos come what may

Pagdiriwang na halaw sa nakaugalian ng mga pagano

Na nagpaigting naman sa pagkakaisa ng mga Kristiyano.

 

Maraming alamat ang nakatha dahil sa araw ni Kupido

Na ang gamit sa pagbuklod ng two hearts ay isang palaso

May kapilyuhan pa mandin kung ito’y kanyang pakawalan

Tungo sa mga pakay na pusong, kung  tusuki’y dalawahan.

 

Si  lalaki, kalimitan ay bulaklak ang bigay kay gandang babae

Subali’t may iba namang  can afford kaya ang bigay, tsokolate

Ang ibang kapos, wala mang maiabot ay nakakaisip ng gimik –

Ito’y pagsuyong may kasamang  init ng yapos at tamis ng halik.

 

Isang beses sa isang taon kung itong inaasam na araw ay sumapit

Isang araw ng pag-ibig, ng mga puso at  yakapang napakahigpit

Pero tanong ng ilan, baki’t hindi gawing araw-araw na lang ito?

Upang ang magsing-irog hindi na pasulyap-sulyap pa sa kalendaryo!