Ang Pakikinig…sining at kakayahang nawawala na

Ang Pakikinig

…sining at kakayahang nawawala na

Ni Apolinario Villalobos

Ang pakikinig ay isang sining at kakayahan, subali’t sa panahong kasalukuyan, nawawala na ang mga nabanggit na pantukoy  dahil ang mga tao ay nagkakanya-kanya na ng mundo…halos wala nang panahong makipag-usap sa isa’t isa. Kung makipag-usap man, nagmamadali kaya hindi pa man umiinit ang puwet sa inupuan ay nakatayo na agad at nakaakma nang umalis.

Siguro ginawang dalawa ang tenga ng tao upang para sa mga ayaw magtago o magtabi ng mga napakinggan ay pwedeng palabasin ang mga ito sa kabilang tenga. Mayroon din sigurong mga tengang hindi nililinis palagi upang matanggalan ng tutule kaya ang mga sinasabi sa kanila ay hindi nakakapasok. At mayroon pa rin sigurong maraming liku-liko ang loob ng tenga kaya hindi naiintindihang masyado ang sinasabi sa kanila, kaya iba ang mga ginagawa sa mga dapat ay pinapagawa.

Ang isa pang dapat mangyari ay manimbang ang isang nakarinig ng mga kuwentong hindi maganda kung ito ay ipaparating sa iba o sarilinan na lamang niya. Kung minsan, ang kawalan ng panimbang ang nagiging dahilan ng mga kaguluhan dahil naikakalat ng isang nakarinig ang mga kuwentong dapat ay tumigil na sa kanya. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ang gamit ng tenga ay magbigay ng balanse sa ating katawan. Dapat malaman na ang isang dahilan kung bakit naduduleng o tabingi ang pagtayo o paglakad ng isang tao ay dahil may diperensiya ito sa tenga.

Ang pinakamasaklap ay ang kusang hindi pakikinig ng isang taong nangako pa naman sa simula ng panunungkulan – with a smile!….yan si Pnoy. Ang sinabi niya noon na: “kayo ang boss ko…hindi maaaring hindi ako makikinig sa inyo”, ay walang nangyari. Sa dami ng mga sinabi sa kanya tungkol sa pagka-inutil ng mga tauhan niya, kahit isa ay wala siyang pinakinggan. Ang napapansin ng mga Pilipino ay ang mistulang ugali niya na “sige na lang” kapag Ombudsman ang kumilos tulad ng ginawa nito kay Purisima at nitong huli ay kay Vitangcol. Sa Ingles, ang tawag sa kanila ay mga “sacrificial lamb”, naubusan na kasi siya ng dahilan upang pigilan pa ang desisyon na naibulgar na.

Mahalagang i-angkop sa uri ng kausap ang mga bagay na pag-uusapan…mas mabuti kung magaling tayong tagapakinig

Mahalagang i-angkop sa uri ng kausap ang

mga bagay na pag-uusapan

…mas mabuti kung magaling tayong tagapakinig

ni Apolinario Villalobos

May mga pagkakataon na sa kagustuhan nating makibahagi ng ating nalalaman, nakakalimutan natin ang uri ng taong ating kausap, kapag mamalasin, para tayong nakikipag-usap sa hangin dahil maaaring mangyari na wala silang  interes sa mga sinasabi natin.

Tulad halimbawa noong inimbita ako ng isa kong kaibigan sa kanila. Akala ko dahil updated siya sa mga pangyayari lalo na ang tungkol sa korapsyon, okey lang pag-usapan namin ang paksang ito. Nang ibahagi ko sa kanya ang mga alam ko, tiningnan lamang niya ako at ang narinig ko ay, “ah, ganoon ba?” Kalaunan ay nagsalita din siya upang mag-share, pero ang ibinahagi niya ay tungkol sa mga taong nakita niya sa loob ng casino at kung paano siyang nanalo ng ilang beses sa slot machine. Nag-react naman ako maski papaano sa pagsabing, “eh, di ayos!”. Nang palagay ko ay mabuburyong lamang ako sa bahay niya, nagdahilan akong may pupuntahan pa.

Mahalaga ang pag-angkop ng mga paksang pag-uusapan sa uri ng ating mga kausap upang hindi magkasawaan sa paulit-ulit na pagsabi ng mga one-liner na sagot bilang reaksyon. Hindi dapat ipilit na iparinig sa kanila ang ating nalalaman dahil may mga taong walang pakialam maski genius man tayo. Kung mahahalata nating gustong bumangka ng ating kausap, pagbigyan siya. Makinig na lang na mabuti at baka may mapupulot tayong leksiyon.

Lapitin ng tao ang mga magaling makinig dahil lumalabas na maunawain sila. Ganoon pa man, hindi naman nangangahulugang hanggang sa pakikinig na lamang ang gagawin natin, dahil basta may pagkakataon, dapat din tayong sumingit ng ating mai-aambag upang sumigla ang usapan.

Ang pinakamagandang sitwasyon ay kung katugma natin ang ating mga kausap dahil kahit abutin ng maghapon, ay hindi nagkakaubusan ng paksa. At ang pinakamahirap namang sitwasyon ay kung magkita ang magkakaibigang magkaiba ang hilig, siguradong labo-labo ang resulta. Nangyayari ang huling nabanggit kung minsan sa mga pagkikita-kita ng magkakaibigan sa isang tanghalian o hapunan. Dahil sa magkakaibigang paksa, kadalasan ay hindi nagkakarinigan ang mga nag-uusap, lalo pa at mayroong mga ayaw magpatalo.

Ang pinakamagandang gawin natin ay palaging maghanda ng mga kwento na may iba’t ibang paksa, at kung maipit sa isang usapang labo-labo, ay manahimik na lamang at mag-enjoy sa pakikinig.

Piso, pambili ng kausap…at ang mga pilosopong kausap

Piso, pambili ng kausap
…at ang mga pilosopong kausap
Ni Apolinario Villalobos

Ipokrito ako kung sasabihin kong sa lahat ng oras ay kaya kong kontrolin ang sarili ko kung ang kausap ko ay pilosopo kahit na pinipilit kong ibalik sa ayos ang aming pag-uusap, tuwing ito ay madiskaril dahil sa kanyang pamimilosopo. Ang ganitong sitwasyon ay nadadanasan ko lalo na kung ang kausap ko ay walang balak na magbago ng ugali o talaga lang makitid ang isip.

Halimbawa na lang ay ang isa kong kumpare noon sa Paraῆaque, na tamad na ay lasenggo pa. Naisip ko tuloy na kaya niya ako kinuhang ninong ng kanyang anak ay upang may mautangan siya palagi na siya ngang ginawa hanggang sa matauhan ako. Tuwi na lang may sasabihin akong magpapahiwatig ng kanyang mga pagkakamali, mayroon din siyang sagot na baluktot.

Nang minsang sinabihan ko siyang nangangailangan ng tauhan ang isang intsik na kaibigan ko upang magbantay sa bodega nito, sinabihan niya akong may pilay siya sa balikat, na alam ko namang hindi totoo. Nang mapansin kong dalawa sa mga anak niyang magkasunod ay sukob sa isang taon, pinayuhan kong maghinay-hinay sa pagbuntis sa asawa niyang may sakit na hika at mahina ang puso, subalit sinagot ako nang “lasing kasi ako, pare” o di kaya’y, “kaysa iba naman ang mabuntis ko, pare”.

Nang payuhan ko namang sanayin ang mga anak niya sa mga gulay at isda na masustansiya na ay mura pa, hindi tulad ng hot dog at instant noodles, ibinato ang sisi sa kumare ko na hindi daw marunong magluto. At, nang sabihan ko na bawasan na ang pagto-tong its niya, lalo na at wala naman siyang regular na trabaho, sinagot ako ng “paminsan-minsan lang pare”.

Lahat nang iyon ay kinaya ko pang pagtimpihan, subalit hindi ako nakapagpigil nang minsang nakihalo siya sa isang seryosong pakikipag-usap ko sa isang grupo na pinapayuhan ko tungkol sa mga halamang gamot at pagtitipid. Panay ang patawa niya sa pamamagitan ng pagsingit ng mga walang kabuluhang bagay, kaya inabutan ko siya ng piso. Nang tanungin niya ako kung para saan yon, sabi ko, gamitin niya sa pagbili ng kausap. Napahiya siya at natauhan. Hindi ko na muna siya kinibo dahil mas importante noon ang ginagawa kong pakikibahagi ng kaalaman tungkol sa mga nabanggit na paksa.

Para sa akin, hindi masama ang maging tapat o prangka sa isang tao kung kailangan upang matauhan siya. Isa sa paniniwala ko ay ang pangangailangan natin ng ibang tao upang magsabi sa atin ng mga mali nating gawi na hindi natin napapansin. Inaamin ko na ilang beses na ring nangyari sa akin ang pagpuna ng iba dahil sa maikli kong pasensiya, na taggap ko naman. Palagi kasi akong nagmamadali na akala ko ay tama sa lahat ng pagkakataon, at ang masama ay hindi ko agad napansin na naapektuhan pala ang iba na inakala kong mabagal sa pagkilos.

Sa isang banda naman, may mga pa-pilosopo tayong sinasabi kung minsan dahil sa hangarin nating magpatawa. Subalit, mahalaga ang “timing” at paggamit ng tamang patawa na aangkop sa pinag-uusapan para hindi ma-out of tune, wika nga. Kaya kung sa tingin natin ay talagang seryoso ang pinag-uusapan, iwasan ang magpatawa upang hindi mabigyan ng piso.

Listen more…than talk

Listen more

…than talk

By Apolinario Villalobos

Ever wondered why normal persons have two ears and just one tongue? Perhaps, God wanted us to listen more, than talk. Unfortunately, some people talk more, than listen, that is why they commit blunder after blunder, because they did not listen first so that they can have the basis for what they will say afterwards. This is how “miscommunication” happens. And, this has developed a wise saying, “less talk, less mistake”.

Some people love to dominate conversations, even go to the extent of interrupting others and finish the latter’s statement. Some people are sometimes in a hurry to be understood, an effort which more often proved futile, instead of being helpful. Rather than be understood, their objective is not appreciated, making them a turn-off, instead.

I admit, it happens to me, sometimes. I mean, in my haste, I talk fast and when someone interjects to clarify something, I fail to acknowledge it. At the end, nothing happened to my effort to be understood. Sometimes, too, to show my interest in a topic, I would butt in, to what a friend says, and finish his statement, with my own judgment although, with a question mark, in an effort to get his affirmation. As a result, instead of getting a nod, I would just elicit an irritated reaction.

I have realized all the mistakes that I committed after seeing my friends doing the same! The mistakes they incurred, made me see my own. As I have learned my lessons, I have tried my best to behave, since then.