Fun and Fulfillment in Switching Jobs…just don’t be choosy

Fun and Fulfillment in Switching Jobs
…just don’t be choosy
By Apolinario Villalobos

This is about enjoying any kind of job that comes our way. I am sharing my actual experiences which may not apply to new snooty graduates, especially, those from exclusive schools and universities, who expect managerial position in their first job.

Contractualization is a big labor issue today as it smacks of exploitation. It practically douses the job applicant’s quest for job security. While all labor groups are moving heaven and earth to convince the government and employers to scrap it, those looking for jobs, in the meantime should not sulk, but instead, try to make do with any job that they may find, albeit, temporarily. They should console themselves with the thought that somehow, the stint could fill the space on their bio-data that asks for work experience.

I earned my first salary as a laborer in a home-based “factory” where I washed empty bottles to be filled with soy sauce and vinegar. When I was in first year college, I was a working student (today, student assistant), assigned to clean eight rooms and a playground. While in third year college, I was hired as a contract employee by the Department of Social Welfare and Development. I did the various jobs wholeheartedly – with fun. They became my strong foundation when I was hired by an airline company, as they prepared me physically, emotionally, and mentally.

I did not think twice when I was told that my assignment as a ticketing/freight clerk was in the far-flung Tablas island of Romblon. My colleagues in the batch of new hires were assigned either in Davao, Manila, Legazpi and Zamboanga. I did no stay in Tablas for long because I was relocated to Manila to edit our department’s black and white travel magazine. From that job, I moved on to do field sales. Much later, I was moved to another job, this time administrative management in nature, assisting the Vice President of the whole Philippines and Guam Region.

I accepted all assignments without complaint, not even scared despite my limited course which was Bachelor of Arts in English and History. I just enjoyed what I was doing and did my best in learning whatever was necessary to enhance my performance every time a new assignment was given. After leaving the company, I switched again to other jobs to keep me going. I developed operations and training manuals, packaged tours for travel agents, did editing and translation, composed poems posthaste for special occasions, wrote speeches, and accepted commitments as resource person in tourism seminars.

But the ultimate joy I feel is in doing a special kind of “field work” – in slums that some people fear to visit. Proudly, I can say that those I meet in these places which for some are God-forsaken, made me realize more, that indeed, life is like a book filled with diverse and colorful stories of struggle. I am not asking others to do the last mentioned that I am doing, though.
Each one of us has a different kind of advocacy in life which we can enjoy if we treat it as a continuing process and just have fun in what we do.

Pag-asensong sa Statistics Lamang

Pag-asensong Nasa Statistics Lamang

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi nakakatuwa  ang  pinagyayabang  ng gobyerno na umaasenso na ang Pilipinas at ang patunay dito ay ang mga numero sa  istatistiko, mga report at mga resulta daw ng surveys na ginawa.  Kamangha-mangha ang mga report!

 

Kaylan lang ay may lumabas na ibang report naman na mahigit sampung porsiyento ang walang trabaho ngayon kung ihambing sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Bilang pagbawi sa kahihiyang tinamo, napagdiskitahan ng gobyerno ang tatlong kalamidad na magkasunod na humagupit  sa bansa. Hindi naman mangmang ang Pilipino para maunawaan na ang sitwasyon na may kalamidad man o wala, talagang walang mahanap na trabaho ang maraming mga Pilipino na ang hanay  ay nadadagdagan bawa’t taon ng mga bagong gradweyt ng mga kursong walang pakinabang.

 

Ang palaging sinasabi ng gobyerno, maraming trabaho hindi lang tugma sa mga kurso. Siguro ang tinutukoy ng mga magagaling na nagpapatakbo ng gobyerno ay mga trabaho sa export processing zones – mga factories na ang tinatanggap  ay puro kontrakwal na panglimang buwan lamang. Tinutukoy din siguro nila ang mga call centers na ganoon din ang patakaran sa pagtanggap – kontrakwal. Kung meron man, bibihirang mga kumpanya na ang tumatanggap ng mga empleyadong gagawing regular. Marami akong nakausap na nursing ang tinapos, ang trabaho kung hindi sales girl sa mall, ay bilang drug store attendant. Mayroon  pa ngang Medtech ang tinapos pero ang trabaho, announcer sa bingo parlor o delivery agent ng pizza parlors. Matindi ang mga graduate ng management course na bumagsak sa pagwi-weyter. Yong isa, BS Tourism ang natapos, ang trabaho ngayon, nagtitinda ng mga cellphone cards sa labas ng mall. Sabagay bilib ako sa mga taong nakausap ko, dahil nagsisikaps ila at hindi nahihiyang bumanat ng buto – mga dapat tularan.  Kung pagtugma ng kurso satrabaho ang gusto ng gobyerno, bakit hindi nito kausapin ang mga nagpapatakbo ng mga eskwelahan upang matigil o di man kaya ay mapalitan ng mga angkop na kurso ang mga walang pakinabang?

 

May TESDA nga at maganda ang layunin, subali’t ganoon din ang nangyari – binaha ng mga kursong pang-abroad tulad ng pagwi-weyter, bartendering, hotel management at housekeeping, pati pang-construction tulad ng pag-welding,  paghalo ng semento at pangangarpintero, subali’t ilan ang nakaalis?  Ang problema kasi, walang pambili man lang ng passport ang mga manggagawa! Kaya ayon, ang mga certificate, nakasabit sa dingding.

 

May mga desperado na umutang sa “mobile banks” – mga Bombay,  20% interest sa loob ng 35 days. Pinamuhunan sa negosyong pambangketa dahil ito lang ang kaya ng inutang na pinakamalaki na ang 5 thousand pesos. Yong iba, sa bilao nilagay ang mga kalakal. Pero, nangawala din dahil sa mga habulan tuwing may sidewalk clearing operation ng MMDA!

 

Sa istatistika, ang tinitingnan lang yata ng gobyerno ay ang pumasok na puhunan mula sa mga dayuhan– malaki nga, pero tinitingnan din kaya nila ang kinita ng mga ito na  kanilang inilalabas ng bansa upang ilagak o ipamuhunan sakani-kanilang bansa? Paano kung biglang nag-alsa balutan ang mga  namumuhan at nag-goodbye sa Pilipinas? Kawawa  naman ang Pilipinong maiiwang nakanganga!

 

May mga natural resources ang Pilipinas, pero sino ang mga nakikinabang? Iilang opisyal sa gobyerno, ang iba mga mambabatas pa na umaming may mga logging concessions maski ipinagbabawal na ang mga ito. Nitong huling mga araw, pumasok ang  mga   nagmimina ng itim  na  buhangin sa hilagang panig ng Pilipinas at hayagan kung sirain nila ang mga dalampasigan makakuha lang ng itim  na buhangin na hinahakot ng mga naghihintay na mga barge o barko nila. Ang matindi, ang dating pinagkukunan ng lamang dagat ng mga kababayan natin na ilang oras lang ang layo mula sa kanilang bayan ay inaangkin na rin ng isang makapangyarihang bansa, ang Tsina, at sa harap nitong problema, walang magawa ang ating gobyerno.

 

Nakaka-high blood ang katotohanang pumunta sa mga bulsa ng mga tiwaling may  katungkulan sa gobyerno ang mga pondong dapat ay magamit para sa kapakanan ng mga Pilipino. Ang mga magsasaka na dapat kumita ay nasasapawan ng mga nagpupuslit ng bigas. Ang pondo ng Malampaya na pwede sanang magamit upang maisulong ang paggawa ng mga paraang pagkukunan ng alternatibong power supply ay nakukurakot. Ang perang dapat sana ay magamit para sa pagpapatayo ng mga  kooperatiba at pagsasanay ng ilan nating kababayan ay pinaghahatian ng mga sindikatong nagpapatakbo ng mga pekeng NGO at ilang mambabatas.

 

Di  hamak na mas angkop marahil kung ang i-report ng gobyerno ay ang                           istatistika ng mga nagugutom at walang trabahong Pilipino para kapani-paniwala, o para lahat ng Pilipino ay maniwala – wala nang magtataas ng kilay dahil talagang totoo naman!