The Animosity Between the Philippine Military and National Police

The Animosity Between

the Philippine Military and National Police

by Apolinario Villalobos

 

The professional jealousy between the Philippine National Police (PNP) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) is very obvious. No amount of cover-up can hide it. I have talked to a retired military officer and he told me that there is a popular impression in the AFP that the police is apparently pampered not only on the aspect of pay but benefits as well. My friend added that while the AFP soldiers who are exposed to the elements and danger of fired bullets from the enemy line in the field, the police field personnel comfortably commute to their posts on expensive motorcycles or stay in air-conditioned offices.

 

On the other hand, when I talked to a police friend, he told me that compared to the military, they are more “professional”, as they are degree holders, some even are lawyers, so they deserve appropriate compensation.

 

The Mamasapano massacre is one instance during which this animosity was manifested. Although, on papers, the two national security agencies are supposed to be “closely coordinating” with each other, in actual practice, there is much to be perceived. The two parties practically pointed accusing fingers at each other, for alleged negligence that led to the gruesome massacre of SAF44 at Tocanalipao, Mamasapano, Maguindanao Province (Mindanao). Until the re-opened Mamasapano hearing in the Senate has finally wrapped up, late in the afternoon of 27 January, 2016, the AFP and PNP are viewed as far from being reconciled.

Ang Mga Hambingan at Magkapares subali’t magkasalungat

Ang mga hambingan at
magkapares subali’t magkasalungat
Ni Apolinario Villalobos

Upang lumutang ang mga panlabas na katangian ng isang bagay, kailangang ihambing ito sa iba. Sa salitang kalye ang tawag sa paghambing na yan ay “tagisan” o kung sa Ingles naman ay “contest” o “competition”. Kaya upang may isang manalo, dapat marami ang kasali, o di naman kaya ay kahit dalawa lamang. Sa isang beauty contest halimbawa, paanong masasabing pinakamaganda ang isang contestant kung wala siyang katunggali? Pwede siguro kung isabotahe ang contest sa pamamagitan ng pagpakain ng pagkaing nakaka-LBM ang mga contestants, maliban sa nag-iisang gustong papanalunin….siguradong panalo siya by deafault!

Kahit may ganitong katotohanan, hindi dapat malungkot ang nag-aakalang sila ay pangit, dahil kung hindi dahil sa kanila, walang maganda sa mundo. Ganoon din ang mga pandak, maitim, atbp. (kasama na ako diyan). Hindi dapat malumbay dahil mahal ng Diyos ang nagpaparaya o nagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba pagdating sa hambingan…maliban na lang kung pangit, pandak at maitim na nga ay masama pa ang ugali, maitim ang budhi, at nanlalamang ng kapwa!

Ganyan din sa buhay ng tao….dahil may mahirap na madaling apihin, ay lumutang din ang maraming korap na nang-aapi at nanlalamang; dahil may maaalipin, marami ang nang-aalipin; maraming drug pushers dahil marami ang gustong maging adik na mababaw ang kaligayahan, at marami pang ibang magkapares subalit magkasalungat na pagkatao.

Ang paghahambing ay bahagi na ng buhay ng tao. Sa paghahambing umiikot ang ating buhay, dahil hindi natin malalamang tayo ay tama kung walang paghahambingan na dapat ay lumabas na mali. Kaya nalalaman natin halimbawa, na may mga taong mala-anghel ang ugali, ay dahil inihambing sila sa ibang mala-demonyo naman ang ugali.

Sa pagkakamali naman, madali sanang magdiin sa nagkamali kung hindi dahil sa mga butas ng mga batas. Itong mga butas ng mga batas ang ginagawang dahilan ng mga malinaw nang guilty upang magpalusot, o di kaya ay magpaikot-ikot pa, basta magaling lang ang abogado nila. Ang madalas gamitin ng magagaling na abogado naman ay ang aspetong teknikal, at ang panuntunang, “hangga’t hindi napapatunayang nagkamali, ay dapat inosente ang isang tao”. At yan ang pinaglalaban ng mga Binay….na pinupulitika lamang sila upang lumabas na guilty! Clean daw sila…walang bahid ng kasalanan, kaya busilak sa ka-inosenthihan!…sagot naman ni Mercado…”umamin ka na, dahil umamin na ako, pareho lang naman tayong may kasalanan!”.

Bilang panghuli:
ang pangarap na nakatuntong sa nakaw na yaman –
babagsak, madudurog, kakalat, at lalangawing parang basurahan!

Ang Survival of the Fittest sa Ibabaw ng Mundo…umiiral pa rin at lalong tumitindi

Ang Survival of the Fittest sa Ibabaw ng Mundo
…umiiral pa rin at lalong tumitindi
ni Apolinario Villalobos

Hanggang sa panahon ngayon, para sa tao, umiiral pa rin ang kalakarang survival of the fittest o matira ang matibay, sa kabila ng mga tinatawag na “sistema” na gumagabay sa sibilisadong pamumuhay. Kahit tayo’y nasa panahon na ng tinatawag na sibilisasyon, nasa paligid pa rin natin ang mga banta na dulot ng iba pang mga nilikhang nasa mababang antas o lebel ng buhay – ang mga mababangis na hayop, at mga pesteng kulisap. Nagbabanta pa rin ang lakas ng kalikasan, at ang pinakamatinding banta ay mula sa kapwa-tao natin mismo.

Ang survival of the fittest ay hindi dapat na pantukoy lamang sa mga hayop na nakatira sa kagubatan at nakikipagtagisan ng bangis sa isa’t isa, upang pagkatapos, ang mananaig ay kakain sa natalo, o mga halamang gubat na nag-aagawan ng sikat ng araw, kaya ang pinakamataas na may pinakamayabong na dahon at sanga ay may malaking pag-asang mabuhay. Ang survival of the fittest ay angkop din sa tao.

Sa sibilisadong mundo ng tao, ang digmaan ay isa lamang sa mga makakapagpatunay kung anong bansa ang matibay. Upang mapatunayan ang lakas, may mga bansang gumagamit ng pinakamalakas at pinakabagong sandata. Gumagamit din sila ng mga istratehiya upang makakuha ng maraming kaalyadong bansa. Ang mga istratehiya ay ginagamit din ng malalaking bansa upang makapanlinlang o makapag-bluff, o hindi kaya ay makapanindak ng maliliit na bansa na balak nilang kontrolin.

Pagdating naman sa ekonomiya, kung anong bansa ang may maraming pera na dinadagdagan pa ng katusuhan, ay siyang may malaking tsansang makakontrol ng mga negosyo sa buong mundo. Ang katusuhan ay ginagamit sa pinapairal na mga patakaran sa pangangalakal, upang maging one-sided ang mga ito at papabor sa malalaking bansa. Dito ay mababanggit ang isyu halimbawa, ang “globalization” na ang mga patakaran ay pabor sa mga malalaking bansa, at sumisira naman sa industriya at agrikultura ng mga maliliit na bansa na nasindak at nalinlang, tulad ng Pilipinas. Subali’t kung minsan, sa bagay na ito, mismong mga opisyal ng gobyerno ay sangkot sa ganitong panlilinlang ng sarili nilang bansa dahil kahit alam na nilang hindi makabubuti ang mga pinasok na kasunduan ay may kabulagan pa rin nilang itinutuloy.

Sa relihiyon, ang tibay at lakas ay pinapakita sa pamamagitan ng sipag at tiyaga sa pangangalap ng mga miyembro. Ang ibang grupo ay bumibili ng airtime sa TV at radyo upang magkaroon ng regular na programa. Ang iba ay nagkakasya sa paglilibot at pagmumudmod ng mga babasahin, na sinasabayan ng pakikibahagi ng mga Salita ng Diyos. Ang ibang grupo na gustong makapagpa-impress agad ay naninira o nanlilibak ng mga kakumpetensiya. Subali’t ang pinakamatinding paraan ay ang ginagawa ng Islamic State group, isang ultra-tradionalist group ng mga Muslim sa Gitnang Silangan na namumugot ng mga kaaway o lumalabag sa mga patakaran nila.

Sa larangan naman ng pulitika, bihirang bansa ang may malinis o hindi korap na sistema. Ang pinakamakatotohanang halimbawa ay ang pulitika sa Pilipinas na sa ngayon ay parang gubat kung saan ay naglipana ang mga halos nauulol sa pagkagahaman na mga pulitiko – nagpapakapalan ng hiya o apog sa mukha. Matira ang matibay – tibay ng sikmurang may halang na bituka….tibay ng hiya dahil kumapal na sa mukha….at tibay ng pagsisinungaling dahil kung magbanggit sila ng mali ay animo nagbabasa ng Katotohanan mula sa Bibliya.

Sa Pilipinas pa rin, pagkatapos ng hagupit ng mga kalamidad, makikita ang mga matitibay – mga nakaligtas, subalit patuloy pa ring hinahagupit ng mga panloloko ng mga taong itinalaga ng gobyerno upang tumulong sa kanila. Ang mga manlolokong ito ang namamahala ng mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa pagpamudmod ng mga relief goods subalit hindi maayos ang pagpapatupad ng mga tungkulin. Ang mga taong nakaligtas sa hagupit ng kalamidad ay hinahagupit rin ng mga pulitikong gumagamit sa kanila upang makapagpalapad ng papel – makapagpakodak habang namimigay kuno ng tulong, o di kaya ay makapagpa-interview sa mga reporter upang makaipon ng puntos na kailangan nila pagdating ng eleksiyon.

Pero hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sa harap ng mga pangyayari, dahil kung matibay ang pananampalatayang nakatanim sa ating puso, hindi naman siguro tayo pababayaan ng Nag-iisang pinakamakapangyarihan sa lahat. Ang nakikita at nadadanasan nating mga pangyayari ay hanggang sa ibabaw lamang ng mundo…at magtatapos din sa ibabaw ng mundo dahil may hangganan. Subali’t ang tibay na ipapakita ng may masidhing pananampalataya sa Kanya ay panghabang-buhay….walang hangganan…hanggang sa kabilang buhay!

Don’t Be Flattered by the Praise, nor be Discouraged by a Fault

Don’t Be Flattered by the Praise
Nor Be Discouraged by a Fault
By Apolinario Villalobos

Praise and fault should both be viewed as inspirations. One should not stop where praise is given nor be discouraged when a fault has been committed. It should be remembered that living is a continuous striving for the better. When praise is given, it means that one is being encouraged to aim for a higher level of accomplishment. When one commits a fault, it means that he should employ another means to attain his goal, and not for him to cease from striving.

Satisfaction is never a one hundred percent result based on impression. That is why in competitions there are judges. And, even though there is a so-called unanimous decision from the judges, there are still dissatisfied spectators in the audience. The elected government officials are not given a one hundred percent support by the constituents. Even Jesus did not please every Jew. And, God does not get one hundred percent devotion from His creatures as the world abounds with heretics – the ungrateful ones.

So, the next time you are praised, keep your feet on the ground, and just be nonchalant about it. On the other hand, if you commit a fault, admit it, and exert more effort and do your best the second time around.