Cristina Toledo Cabanayan Packs Food for Prison Inmates

Cristina Toledo Cabanayan

Packs Food for Prison Inmates

By Apolinario Villalobos

 

I came to learn of the advocacy of Cristina Toledo Cabanayan when I took my brunch in their roadside food stall along Camba St. in Divisoria….she packs food for some inmates in Manila City Jail. It all started when her son (name withheld upon request) who was detained asked her to include his newly found friends, in the lunch pack that she prepares for him during visitation days. Her son found out that his friends have not been receiving visitors for a very long time, hence, depended on the meager and strictly- budgeted meals served by the jail administration.

Div Cristina Bermudo OK

 

Soonest as she heard their stories, she did not hesitate to pack meals taken from what she sells along Camba St. of Divisoria district for her son and his friends. The pack meals are brought by her grandsons to their father who is thirty six years old. The day I took my brunch, a Saturday, was a visitation day for the Manila City Jail inmates.

 

I learned, too, that Cristina’s altruism also benefited Lagring, who was adopted by her family when she found her living in the area alone, after having been abandoned by her family. Cristina nurtured Lagring back to her health, and today she helps in the operation of the roadside eatery by taking charge of everything that needs to be washed – eating utensils, pots, pans, etc. Though she is still noticeably skinny, she is back to her former spritely self. I found her washing pots and plates when I dropped by the food stall.

Div Cristina Bermudo 1 OK

The husband of Cristina is a retiree with a frail health, making it necessary for him to stay at home, where he does the easy chores while the rest of the members are doing their share in the food stall. Miracle, Cristina’s daughter, though with a family of her own, helps her mother run the small business. The cooperation among the family members spared Cristina from hiring extra hands which is what food stall owners normally do.

Div Cristina Bermudo 2 OK

The food stall is the source of the family’s livelihood, the blessing from which they also share with others in the best way that they can afford, but despite such, they are able to make both ends meet, as a proverb goes. They do not even know for how long they can hold on to their roadside space that accommodates their pushcart laden with foods. Despite such apprehension, Cristina, a typical Filipino, is fatalistic though in a positive way. She grew up in the same area and had her own share of ordeals that made her tough as a person.

Mga Kayamanang sa Iba ay Basura…tulong sa Inang Kalikasan kung pakikinabangan pa

Mga Kayamanang sa Iba ay Basura

…tulong sa Inang Kalikasan kung pakinabangan pa

Ni Apolinario Villalobos

Nang minsang papunta ako sa Tondo, may nadaanan akong tambakan ng mga basura at napansin ko ang malaking tumpok ng mga tarpaulin na pinagtabasan. Nang busisiin ko ay malalaki pala ang mga sukat at maaaring pagtagpi-tagpiin. Pumasok agad sa isip ko ang mga nakatira sa bangketa na wala man lang banig at ang mga nagkakariton na ang tanging pananggalang sa init at ulan ay mga punit na plastik. Mabuti na lang at may dumaang traysikad at nagpatulong ako sa drayber nito upang matupi nang maayos ang mga tarpaulin. Tinanong ko ang bata kung may alam siyang mananahi, tiyempo rin na may alam din siya pero tatawid kami ng Recto dahil malapit ang mananahi sa Bambang market kung saan ay matatagpuan din ang original na “ukay-ukay” sa Maynila. Pagkalipas ng halos dalawang oras ay nakayari kami ng 14 na tarpaulin na ang sukat ng bawat isa ay 4 feet by 6 feet, pagkatapos na pagtagpi-tagpiin ang mga retaso!

Minsan naman, may nadaanan akong namamasura na nag-aayos ng kanyang mga kalakal sa isang tabi. Napansin kong maraming mga notebook. Pumasok agad sa isip ko na malamang maraming pahinang wala pang sulat, na tama nga. Nakiusap ako sa nangangalakal na tulungan akong ipunin ang mga pahinang malilinis pa at babayaran ko siya ng doble sa inaasahan niyang halaga kung ipapatimbang niya sa junkshop ang mga notebook. Nang makatapos kami sa pagpilas ng mga malilinis na pahina, nakaipon kami ng mahigit dalawang dangkal na malilinis na mga pahina! Walang problema sa paghati-hati at pag-staple dahil may malaki akong stapler sa bahay. Para ang mga ito sa mga batang halos hindi makabili ng gamit sa eskwela na nakita ko sa bangketa ng Divisoria. Tamang-tama rin dahil may ipinadalang mga lapis naman ang isang kaibigan ko na nasa Amerika.

Sa tambakan naman ng basura sa tabi ng isang bodega, may nakita akong mga gomang tsinelas. Maayos pa ang karamihan ngunit nangitim lang dahil sa pagkakaimbak. May mga sapatos din na goma, maayos pa rin subalit bakbak na ang mga disenyo at marka. Naalala ko ang mga batang nakita ko na nakapaa habang namumulot ng mga lantang gulay sa Divisoria at kung pumasok sa eskwela ay nakatsinelas lang. Mabuti na lang at may isang tindahan sa hindi kalayuan na nagtitinda ng bigas, kaya may nabili akong dalawang basyong sako na pinaglagyan ng mga naipon kong tsinelas at sapatos.

Kung panahon ng baha, maraming matitiyempuhang itinapong binahang mga damit. Hindi rin ako nahihiyang ipunin ang mga maaayos at pinalalabhan ko sa asawa ng nakaibigan kong nakatira sa tabi ng Ilog Pasig, upang maipamigay naman. Yong mga kaibigan nila na gustong magkaroon, hinahayaan kong pumili, basta sila na ang maglaba. Ang mga natuyo na natira pagkatapos nilang pagpilian ay binibigay ko sa iba kong kaibigan.

Ang mga ikinuwento ko ay maaari ring gawin ng iba basta ang itanim lang sa isip ay, maliban sa makakatulong sa iba… nakakabawas pa ng matatambak sa basura. Isa sa mga paalala ng mga grupong maka-kalikasan sa Pilipinas ay “may yaman sa basura”, na para sa iba ay tumutukoy sa mga piraso ng bakal, tanso, at plastik. Subalit hindi dapat limitahan sa mga nabanggit ang pagtukoy sa yaman, kundi pati na rin sa iba pang bagay na direktang mapapakinabangan tulad ng mga napulot ko.

Isa sa dahilan kung bakit nasisira ang normal na sikulo ng panahon ng mundo ay ang walang patumanggang pagtapon ng basura, kaya ang iba’t ibang mga bansa ay nagkanya-kanya sa pagpanukala ng “recycling program”. Obligasyon ng bawa’t mamamayan ang makiisa sa ganitong uri ng panawagan na ang makikinabang ay buong sangkatauhan at malaking tulong din kay Inang Kalikasan.