Dapat Magkaroon ng Inventory ng mga Relief Goods na hindi pa Naipamudmod

Dapat Magkaroon ng Inventory ng mga Relief Goods
na hindi pa Naipapamudmod
ni Apolinario Villalobos

Ngayon pa lamang, dapat ay magkaroon na ng inventory ng lahat ng mga relief goods na nakaembak sa mga bodega ng DSW at local government units, na hindi pa naipapamudmod. Mahalaga ding i-check ang mga ginagamit na bag kung may pangalan o mukha ng mga lokal na opisyal na dapat ay bawal. Ang mga listahan ay dapat ilathala sa mga pahayagan upang malaman ng mga tao. Mahalaga ang hakbang na ito upang hindi magamit ang mga relief goods na pang give-away o regalo ng mga ganid na opisyal na tatakbo sa darating na halalan. Ang ganito ay maaaring mangyari upang masupurthan ang mga kandidato ng administrasyon. Ang imbertaryo ay dapat gawin ng COA.

Ang isa pang dahilan kung bakit kailangan imbentaryuhin ang mga relief goods ay ang kumakalat na balitang sa ilang bayan sa Mindanao, may mga binebenta daw na murang mantika, asukal, at iba pang mga items na madalas isinasama sa mga relief bags. Kung matatandaan, mayroong karinderya noon sa Tacloban na nabistong bumili ng ilang sakong bigas na dapat sana ay para sa mga disaster victims ng bagyong Yolanda. Sinundan ito ng balitang “ninakaw” daw ang mga relief goods na nakaembak sa isang bodega sa Cebu, at na-video pa nga. Wala na ring balita sa resulta ng imbestigasyon kung may natanggal dahil sa kapabayaan o kutsabahan.

Sa Cebu pa rin noon, pinagbawalan ang mga reporter na kumuha ng retrato ng mga dumarating na relief goods galing sa ibang bansa…bakit? Nabulgar din na nililipat ang mga relief goods galing sa mga international donors dahil pinapalitan ng mga local na mga relief items…pero buong tapang na pinabulaanan pa rin ng mga ahensiyang pinagdudahan tulad ng DSW.

Kung gusto ng gobyerno na mabawasan man lang ang pagdududa ng taong bayan tungkol sa bagay na ito, dapat ay huwag na itong maghintay na kalampagin pa bilang paalala ng mga grupong nagbabantay sa kapakanan ng bayan at mga Pilipino….isang bagay na nakakahiya!

The Commission on Audit Admits its Inadequacy in Checking Government Projects

The Commission on Audit

Admits its Inadequacy in Checking

Government Projects

By Apolinario Villalobos

Listening to the Commissioner of COA during the latest Senate hearing on the Philippine Science High School Building (November 18), makes one conclude that it is a useless agency of the government. Something is wrong with its mandated responsibilities. To a layman’s knowledge, an audit is supposed to be conducted to know if a certain project is in order or not. There is not even a complete transparency on how it operates. The COA is supposed to provide the check and balance, so that it is shocking to know that the agency has no capability to assume such role due to so many inadequacies, including the budgetary constraint. This helplessness of the agency gave corrupt agencies and local governments to skirt rules in funding projects, out of which they can derive scandalous commissions, as payments are based on their recommendation

The honesty of the COA Commissioner is commendable in admitting the agency’s handicaps so that the Senate can finally legislate rules to help it effectively operate. In other words, the agency has been wanting for support that was denied it. Instead of considering their latest proposed budget, for instance, it was drastically slashed. The additional budget that was disapproved was supposed to have been used for the needed logistics such as construction of offices so that its auditors shall no longer plead for a table space or cubicle in town or city halls, as well as, other government agencies where they serve as in-house auditors.

The Commissioner revealed that their system is not even hi-tech, and that they make use of boxes for their other files, thereby, endangering their confidentiality. She admitted that some important documents were lost because of their inadequate filing system, to which one Senator added, that because of lost documents some cases have been dismissed due to technicalities involving original documents.

The COA is supposed to be a formidable government agency tasked to assess if acquisitions and projects of the government are in order. The agency is an important check against graft and corruption. Unfortunately, its inadequacy has become a big loophole which dishonest officials and politicians have exploited to systematically rob the government coffer of people’s money.

Nagsalita na ang Commission on Audit (COA)

Nagsalita na Ang Commission of Audit (COA)

By Apolinario Villalobos

Sa pagsimula pa lamang ng hearing sa Senado, umaga ng October 2, 2014 tungkol sa anomaly ng Makati City Building 2, nagpahiwatig na agad ang abogado ng mga Binay ng pagtutol sa pagpatuloy nito, subalit hindi pinagbigyan at kaya pala ngmadaling umalis ay dahil pinareserba ang kwartong katabi lang pinagdadausan ng hearing para naman sa gagawing presscon na ini-arrange ni Senador Nancy Binay, para sa nasabing abogado. Gustong sabayan ang hearing upang mahati ang atensiyon na binibigay sa huli.

Malinaw ang intensiyon ng mga Binay na ayaw nilang mabulgar pa ang ibang mga korapsyon ng pamilya dahil nagkawing-kawing na nga, lalo pa at ang tampok sa hearing ng komite ay si Heidi Mendoza, ang bagong hirang na kosmisyoner ng COA, na ang pinasabog ay ang “kahindik-hindik” na overpricing ng mga gamit para sa Ospital ng Makati noong kapanahunan ni Mayor Elenita Binay, ang asawa naman ng Bise Presidente Jejomar Binay. At hindi lang overpricing ang nabulgar, kundi pati na rin ang pagbili ng mga itinigil na sa pagbentang mga equipment dahil nakitaan ng mga depekto, at pagmamadyik ng mga dokumento sa pamimili.

Kung magbabalik-tanaw, matagal na panahon bago naging komisyoner si Mendoza, halatang may humaharang. Ito din yong panahong dinidinig ang kaso ni dating Mayor Elenita Binay na may kinalaman sa overpricing ng mga gamit sa Ospital ng Makati. Noong panahon na yon, hindi na nga nako-confirm si Mendoza ay may nilooban pa ang kanyang bahay hanggang sa may mawala…ang original copy ng mg dokumento na nagdidiin sa dating mayor Elenita Binay sa kaso. Nangyari ang mga pagraransak sa bahay niya nang napilit siyang sabihin sa hearing ang kanyang address na sa umpisa ay pinakaingat-ingatan niya dahil natatakot siya sa kanilang seguridad. Nang malaman kung saan siya nakatira, nangyari ang pinangambahan niya. Nang nawala ang mga original na mga dokumento, saka pa lamang siya na-confirm bilang komisyoner ng COA!

Sa mga hearing ngayon, hindi na dapat pang nagbanta pa ang komite na ipapabusisi ang mga bank accounts ng mga pinaghihinalaang dummies pagkatapos nilang malaman na may mga massive withdrawals daw sa mga account ng mga taong unang nabanggit na pinaghihinalaang mga dummy at sangkot. Sa nangyaring pagbrodkast ng banta, by the time na pumasok ang investigating team upang mag-check ng mga accounts, sarado na ang mga ito – wala nang laman…sisihan na naman.

Tulad ng inaasahan, pilit na pinagtakpan ng mga resource speakers na involved sa construction ng Makati building ang dating mayor na si Jejomar Binay. Napulaan tuloy ang University of Sto. Tomas kung saan nagtapos ang engineer na nagdesign ng building dahil ang sagot ay tulad din ng iba na “wala akong alam”. Sabihin ba naman ng building designer na hindi daw niya alam kung ang ginawa niyang design ang sinunod sa construction ng building. Kapag kasi walang makuhang impormasyon sa kanya, magkakaroon ng gap o patlang ang mga testimonya. Ang nagagawa nga naman ng pera…! Hindi naman puwedeng pagtaasan ng boses ng mga nag-iimbistiga dahil baka hindi na bumalik.

Sa pagsalita ng mga taga-COA, ano na naman kayang kontra-bintang ang bibitiwan ng mga Binay? Sasabihin kaya nila uli na pinupulitika lamang sila?

Panahon na sigurong suriin din ang mga record ng mga foundation na matatagpuan sa Makati City dahil malamang na ginamit silang conduit ng mga pinatalsik na mga pondo. Subali’t ang nakakalungkot, hindi yata ito ginagawa hanggang ngayon. At kung sakali mang gawin “pagdating ng panahon”, dissolved na ang mga foundations at hindi na rin mahahagilap ang mga taong dapat kunan ng statements…sisihan na naman. Ang personal secretary ni Bise Presidente, hanggang ngayon hindi mahagilap, pati ang isang bunyag na bunyag na dummy.

Ang problema sa mga imbestigasyon sa Pilipinas, palaging huli ang mga nararapat na aksiyon. Inuuna ang pagbulgar sa media ng mga gagawin nilang hakbang, na nagbibigay tuloy sa mga taong sangkot upang gumawa ng mga karampatang hakbang at makaiwas sa imbestigasyon. Kaya kadalasan, ang mga taong akusado ay nakakapuslit palabas ng bansa, ang mga nakaw na perang inilagak sa mga accounts na labag sa anti-money laundering law ay nawi-withdraw, at marami pang iba.

Ang kunswelo na lang ng taong bayan sa nagaganap na hearing ay hayagan itong ginagawa kaya nalalaman agad ng mga Pilipino. Yon nga lang, kung isang beses isang linggo ang hearing, at kung aabot hanggang kalagitnaan man lang ng 2015, lamog na lamog na si Jejomay Binay at malabo na ang tsansa niya na maging presidente ng Pilipinas sa 2016. Maliban na lang kung magpapamudmod ng limpak-limpak na salapi na dati na rin namang ginagawa tuwing election campaign saan man sa bansa, pero sa pagkakataong ito, siguradong nakakahilo ang halagang mai-involve!

Bilib ako sa nagaganap na Senate hearing laban sa mga Binay, subalit malinaw din ang pakay ng mga nangunguna sa pag-akusa na sina senators Cayetano at si Trillanes dahil sila man ay interesado sa pinakamataas na dalawang puwesto ng Pilipinas – ang Presidente at Bise-Presidente.

Yan ang Philippine politic Olympics na ang nakasangkalan ay mga kawawang Pilipino!

Nakalimutan Yatang Ipa-Lifestyle Check ang Mga Binay

Nakalimutan Yatang Ipa-Lifestyle Check

Ang Mga Binay

Ni Apolinario Villalobos

Ang pinakamabilis na paraan upang malaman kung may ginawang pangungurakot ang mga Binay, ay ipa-lifestyle check silang lahat – ang Vice-President, ang senador, ang congresswoman, ang mayor ng Makati at pati na si Mrs. Binay. Ipabulatlat ang mga bank records mula noong sila ay namumuhay ng simple sa isang simple ding bahagi ng Makati. Kung may kulay ng honesty sa mga sinasabi ni Senator Nancy at Vice-President Binay na sila ay pinupulitika lamang, i-volunteer na nila ang pagsiwalat ng kanilang bank records. Isama na rin ang ang pag-imbistiga sa mga bank account ng mga taong malapit sa kanila na baka ginamit na dummy upang mapaglagakan din, na normal nang ginagawa ng mga magnanakaw sa kaban ng bayan. Subali’t bakit walang bumabanggit nito?

Marami kasi ang nagsasabi na hindi galing sa mayamang angkan ang sinuman sa mag-asawang Binay. May klinika man noon si Mrs. Binay, hindi naman siguro milyones ang kinikita nito. May negosyo sila noon pero hindi naman kalakihan. Kaya nagkagulatan kung paanong biglang yumaman ang pamilya. Noon pa man marami nang mga dating kaibigan ang Vice-President Binay dahil mula daw nang maging mayor ng Makati, halos hindi na siya matanaw dahil sa dami ng nakapaligid na mga bodyguard! Marami rin ang nagulat nang ipakita ang mansion na may elevator ni Mayor Junjun Binay, na hindi basta-basta ang halaga. Paano niyang nakayanang bilhin ito? Kung ang inaasahan lang niya ay ang legal na sweldo bilang mayor, hindi daw siya makakaipon ng napakalaking halagi para ipambili ng bahay na ang may kakayahang bumili ay multi-milyonaryo! Ganoon na ba kalaki ang perang naipon ni Mayor Junjun Binay, at kung meron man, saan ito galing?

Hindi dapat balewalain ang mga sinabi ng mga whistle blowers sa pagpagawa ng Makati City Hall II na pinagkitaan daw ng todo at kung paanong mag-distribute ng perang nakasilid sa mga bag para sa ilang miyembro ng pamilya at sa dating secretary ni Vice-President Binay.

Ang problema sa pagpa-lifestyle check ay kung mag-boomerang sa mga nag-iimbistiga, dahil alam ng lahat, na maliban kay Senador Poe, at ilang baguhan sa Kongreso, yong iba ay nabatikan na rin ng korapsyon. Kung paano silang naambunan ng grasya ay malalaman lamang ng seryosong lifestyle check ng Commission on Audit (COA).

Ang problemang malaki, pati ang COA ay may bahid na rin! Dapat siguro ay kumuha ng audit firm mula sa Hongkong tulad ng ginawa para sa MRT…na ang audit team ay galing sa Hongkong. Wala itong pinagkaiba sa paghanap ng third party upang maging tagapamagitan sa mga maseselang usapan, tulad ng nangyari sa Mindanao na may third party na kinuha. Pagbabadya na yan na dahil sa mga kahindik-hindik na nakawan sa kaban ng bayan, at kawalan ng tiwala taong bayan sa mga opisyal, pati sa mga mambabatas, baka mabuti pang magpa-administer na lang tayo temporarily sa isang banyagang bansa…o di kaya ay United Nations….wild imagination lang!

The Futile Efforts of the Philippine Government

The Futile Efforts of the Philippine Government

By Apolinario Villalobos

 

Lately, the Commission of Audit, (COA) admitted the difficulty in checking the flow of donations for the victims of the typhoon Yolanda, after finding out their unsystematic handling, from the day they are received until the day of distribution. As expected, there is no admission even  for a single fault among the agencies involved. And to think that this is just one among the many discrepancies in the administration of the Philippine government that are waiting to be assessed.

Since the time that the Philippines was weaned from the protection of foreign governments, leaders who have diverse calling in life tried to effectively steer the country towards progress, to no avail. It is a general perception that lawyers are good government leaders, this is proven wrong several times, hence, the Filipinos tried an ordinary housewife, whose administration, unfortunately just bred more corrupt officials.  Then  came,  a general,  an actor,  an expert in public administration and management, yet, corruption just got worse. Now, a supposedly brilliant guy is holding the reins, but it is a public knowledge that he does not listen to suggestions. On TV, this kind of character has been emphasized by no less than a senator

My wild and desperate idea is to give a cleric the chance to run the government – regardless of religious affiliation. Since a charismatic leader did not deliver as expected, perhaps, a religious one this time may be able to use the threat of hell in cleansing the government of corruption. Being a religious gives him the clout to shout a warning to corrupt officials to change their ways if they do not want to suffer in hell.

Seriously, for as long as there are corrupt people who walk the corridors of government agencies, no hope is in sight for the country. These people will always find ways and means to jumble smooth systems of operations within the agencies that will further jumble the overall process of the government. These pests will continue to beleaguer the government due to  the resounding NOTHING as an answer to the following questions:  What results can we expect from investigations of corruption cases conducted by corrupt officials?  What can we expect from a government that has already identified loopholes in inter-agency operations but refuses to plug such holes, because party colleagues are in the way? What can we expect from government agencies that hold press conferences to broadcast their actions even before concerned parties are properly informed, and blame each other if confusion ensued?