Mula’t Sapul Hindi na Maayos ang Pamamalakad ng COMELEC

Mula’t Sapul Hindi Na Maayos ang Pamamalakad

Ng COMELEC

Ni Apolinario Villalobos

 

Kahit kaylan ay palagi na lang nakukuwestiyon ang kredibilidad ng COMELEC, tulad na lang sa isyu ng paggamit ng makina sa pagbilang ng boto. Kung gagamitin lang sanang maayos ng ahensiyang ito ang makinang gagamitin sa pagbilang ng boto, kung saan ay kasama ang pag-isyu ng resibo, wala na sanang problema. Ang sinasabi nilang gagamitin sa dayaan lalo na sa bilihan ng boto ang resibo ay malabo dahil may resibo man o wala, noon pa man kahit wala pa ang makinang ginagamit, ay talagang may bentahan o bilihan na ng boto…noon pa man ay talamak na ang kawalang-hiyaan ng mga kandidato na habang lumalaon ay lalong lumalakas ang loob sa hantarang pagbili ng boto.

 

Ang resibo ay dapat iniisyu ng makina dahil bahagi ito ng tamang paggamit dito. Kasama ang pag-print ng resibo sa sistemang binili ng malaking halaga kaya hindi pwedeng hindi gamitin. Pera ng mga Pilipino ang ginamit sa pagbili ng makina at sistema kaya dapat gamitin sa kabuuhan nito, at hindi pera ng mga opisyal ng COMELEC.  Hindi dapat idahilan ang kawalan ng training ng mga poll inspectors sa pagsubo ng resibo, o di kaya ay inaasahang paghaba ng proseso ng pagboto. Kung ganyan ang mga dahilan ng COMELEC ibig sabihin ay nagpabaya ang mga opisyal nito sa kanilang tungkulin…isang malinaw na paglabag sa tungkuling itinalaga sa kanila na may kaakibat na kaparusahan! Nagkaroon ang ahensiya ng panahon upang paghandaan ang eleksiyon 2016 subalit nagpabaya sila at ipinipilit ang sarili nilang kagustuhan.

 

Dapat isipin ng COMELEC na bukod tanging kopya lamang ng resibo na hahawakan ng botante ang magpapatunay kung sino ang binoto niya at maaari niyang gamiting ebidensiya kung sakaling magkaroon ng protesta. Napatunayan nang hindi mapapagkatiwalaan ang COMELEC dahil sa “hello Garci” scandal noong panahon ni Gloria Arroyo, kaya paano pang paniniwalaan ang ipinipilit nito na ang ebidensiya daw ng boto ay nasa “memory” ng makina at makikita din ng botante habang binabasa ang balotang ginamit niya, kaya okey lang maski walang printed copy? Paano kung may nag-utos na “kalikutin” itong memory? Dapat tandaang ang mga taong involved noon sa “hello Garci” ay nasa COMELEC pa rin! Kasalanan ng COMELEC kung bakit nasa balag ng alanganin ngayon ang seguridad ng eleksiyon, lalo na at siguradong tatakbo si Grace Poe na sa simula pa lang ay marami na ang may gustong madeskwalipay. May inaasahan na naman kayang “milagro”? …o di kaya ay magiging dahilan ang problemang ito ng pagkaanatala o postponement ng eleksiyon?

 

Kung may problema sa pagpapatupad ng mga patakaran sa panahon ng pangangampanya, palaging sinasabi ng COMELEC na wala silang “police power” kaya hindi nila kayang patawan ng parusa ang mga pulitikong nangangampanya nang wala sa ayos. Bakit hindi sila humingi sa Kongreso at Senado ng mga batas na magbibigay sa  kanila ng “kamay na bakal” at “pangil” noong-noon pa man? At, ang dalawang kapulungan namang ito, bakit hindi rin manguna sa paggawa? Bakit pa nagkaroon ng COMELEC kung wala rin lang pala itong kapangyarihan sa pagpapatupad ng mga patakaran upang magkaroon ng maayos na botohan?… at lalong, bakit nagbubulag-bulagan ang kongreso at senado sa problemang ito?

 

Kung may natalo namang kandidato na naghain ng reklamo, inaabot ng siyam-siyam bago maglabas ng resulta, at palagi na lang ilang buwan bago matapos ang termino ng inireklamo, kaya wala ring saysay ang pag-upo ng talagang nanalong kandidato. Ganoon kabagal ang COMELEC sa pag-aksiyon, lalo na kung kontra-partido ng administrasyon ang inirereklamo, dahil mabilis pa sa kidlat ang paglabas ng desisyon tulad ng ginawa nila kay Ejercito sa Laguna noon.

 

Sa isyu naman ng allowance ng mga itinatalagang titser upang tumulong tuwing panahon ng botohan, palagi na lang lumulutang ang mga reklamo na halos kalahati na ng taon ay hindi pa nila natatanggap ang ipinangakong allowance na hindi pa nga sapat sa ibang itinalaga sa mga delikadong lugar. Palaging sinasabi rin ng COMELEC na na-“release” na daw nila ang pera, ganoong naririnig ang ingay ng reklamo. Tinitipid pa ang allowance ng mga titser ganoong tuwing italaga sila sa mga polling precincts ay animo nasa hukay ang isa nilang paa dahil sa nakaambang panganib sa kanilang buhay.

 

Nakakatawa din ang naging reaksiyon nila sa desisyon ng Supreme Court sa kaso ni Grace Poe, na nirerespeto daw nila pero hindi katanggap-tanggap. Huwag nilang sabihing bobo ang siyam na mahistrado ng Supreme Court na gumawa ng desisyon pabor kay Grace Poe. Sa reaksiyon ng COMELEC sa isyung ito, may hindi maganda silang pinapahiwatig na lalong nagdidiin sa kanila upang mawalan ng respeto sa kanila ang taong bayan.

A Question on COMELEC’s Credibility

A Question on COMELEC’s Credibility

by Apolinario Villalobos

In the Philippines, it is disheartening to note that offenses are seemed tolerated or allowed to circumvent laws. Also, despite the strong indications of misdeeds, these are let pass due to the absence of laws, but no effort is being made for their formulation.

For instance, the obvious and early campaigning of those who are interested to run during the 2016 election is not considered an offense against electioneering because they have not filed their respective candidacy, yet, and what they are doing is not within the campaign period. How can the Commission on Election be so naïve not to understand what is happening, when even an ordinary Filipino knows that what these people are doing is plain and simple campaigning?

If COMELEC has to maintain its image as “guardian” of honest elections in the country, why can’t it come up with a policy or enhance its already existing ones to put a stop to the mentioned fraudulent practice which is making a fool of the Filipino people? How can COMELEC maintain obsolete rules that tolerate unbecoming practices that smack of deception?

The Filipinos also cannot understand why the COMELEC fail to come up with their judgments against erring overspending candidates immediately after every election when all that its people need to do is tabulate the expenses of candidates to check the total against what is allowed. To say that they are undermanned is foolishness, as this kind of hectic activity is anticipated, hence, budget for such is supposed to be appropriated for contracting auditors which is necessary. What is irritating is that their findings are released as the questioned officials are nearing the end of their term!…or when another election is forthcoming! Worst, COMELEC waits for an interested party to lodge a complaint before conducting an investigation, when it is holding on to the basis for election frauds! If that is the rule, why not change it?

Finally, while the COMELEC as an agency has a mandate, the big question is if the people who are administering it are capable and trustworthy!

Mapapagkatiwalaan pa ba ang COMELEC?

Mapapagkatiwalaan pa ba ang COMELEC?
Ni Apolinario Villalobos

Ang Commission on Election (COMELEC) ay itinuturing na tagapamahala ng pinakamakapangyarihang karapatan nating mga Pilipino – ang pagboto. Ang ganitong kapangyarihan ay naipapatupad lamang natin tuwing panahon ng eleksiyon kung kaylan ay pumipili tayo ng mga iluluklok sa mga puwesto.

Subalit ang nakakalungkot, itong ahensiya na inaasahan at pinagkakatiwalaan natin ay ilang beses nang ginamit ng mga tiwaling presidente, at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring napaparusahan….napo-promote pa. Magkaputukan man ng mga balita tungkol sa mga gamitang ito…hanggang doon na lang. Kunwari ay may magsasalitang mga mambabatas at mga opisyal, pagkatapos ay susundan na ng katahimikan. May mga “resulta” at “naipapatupad” tulad nang nangyari kay Coco Pimentel. Subalit, walang ginawa ang COMELEC sa mga tauhan nitong gumawa ng katiwalian…nandiyan pa rin sa mga puwesto nila.

Ang malaking eskandalo ng botohan nang tumakbo si Fernando Poe, Jr. ay sumentro sa “Hello Garci” scandal. Na-zero si Fernando Poe sa mga Muslim communities, isang napaka-imposibleng pangyayari at nakakatawa, dahil idolo ng mga Muslim ang actor. Ang gumawa ng pandaraya ay hindi gumamit ng isip niya, kaya madaling nabisto. Wala na ang military na si “Garci”, subalit ang taga-COMELEC ay nandiyan pa rin, at na-promote pa daw.

Kung ibabatay sa kasaysayan, lumalabas na balot ang ahensiya ng mga eskandalo, subalit ang nakaupong presidente ay walang ginagawa tungkol dito. Bakit? …anything can happen.

Matagal nang isyu ang mga computer at sistema na ginagamit sa eleksiyon, subalit hanggang ngayon ay parang wala pa ring malinaw na direksiyon. Bakit?…anything can happen.

Dahil sa kagustuhan ng sambayanang Pilipino na magkaroon ng eleksiyon, kung sakaling walang mapipiling kumpanya ng computer na magagamit dahil talaga namang gahol na sa panahon, siguradong gagawa ng “remedyo”, matuloy lang ang elesksiyon….yan ang nakakapangamba dahil “magagamit” na naman ang COMELEC…. “mauutusan”na naman! Siguradong may mabubusalan na naman ng pera!….talagang sa Pinas, anything can happen!