“Crazy” Ideas para maka-Survive (Crazy Ideas for Survival)

“Crazy” Ideas para maka-Survive (Crazy Ideas for Survival)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang title ng blog ay para sa mga taong hindi maka-relate sa kahirapan kaya matatawag nilang “crazy” ang mga isi-share ko, pero para sa mga taong ginagawa ang lahat para makaraos lalo na sa isang lunsod tulad ng Maynila, maaaring makakatulong ito. (The title of this blog concerns viewers who may not be able to relate to poverty, hence, they may call this share as “crazy”, but those who are in this situation, may find the ideas necessary in order to survive in cities like Manila).

 

Ang mga sumusunod ay maaaring gayahin ng may malakas na loob, pero sa mga taong wala nito…mamangha o magulat na lang, sabay taas ng kilay at magsambit ng, “OMG!”: (the following may be emulated by others, but others may not be able to control themselves from raising their eyebrows in amazement, punctuated with an “OMG!”):

 

  1. Makakagawa ng dalawang putahe ng ulam gamit ang isang maliit na lata ng sardinas. Gamitin ang sarsa na panggisa sa anumang gulay na magugustuhan tulad ng petsay, repolyo at iba pa. Ang lamang sardinas ay pwedeng gawing sauce ng spaghetti o pampalasa ng anumang uri ng pansit. (A single small tin of sardines can be cooked into two recipes. The sauce can be used to sautế vegetables such as pechay, cabbage, etc. The sardines can be prepared into a sauce to flavor pasta such as spaghetti, or different dry oriental noodles locally known as “pancit”.)

 

  1. Kung nirarasyon ang tubig, maligong nakatayo sa loob ng malaking batya upang hindi masayang ang tubig na ibinuhos sa katawan dahil pwedeng ipunin para pang-flush ng inuduro. (When using rationed water in taking a bath, stand inside a big basin so that the water poured over the body can be saved and used in flushing the toilet.)

 

  1. Upang makatipid sa mga panggisang rekado tulad ng sibuyas, kamatis at bawang, bumili ng maramihan (tumpok) para mura, igisa lahat at hatiin sa maliliit na plastic container at ilagay sa freezer, upang magamit “by batch”. Maglabas lang ng isang container mula sa ref kung gagamitin na. (To save on ingredients such as onion, tomato and garlic, buy the cheap ones that are sold by pile. Saute them in oil, apportion in small containers and store in the freezer. Take one container as needed.)

 

  1. Kung magluto ng pasta (macaroni o spaghetti), gumamit ng dami ng tubig na tantiyadong masisipsip ng pasta habang kumukulo hanggang maging “al dente” o tama lang sa kagat, hindi lamog. Kung “al dente” na ang pasta, ihalo ang tomato sauce at iba pang pampalasa. Sa ganitong paraan, hindi na nagtatapon ng tubig na pinaglagaan. Ang sistemang ito ay parang “nagsasaing” ng pasta. (When cooking pasta (spaghetti or macaroni), use just enough water that can be absorbed, until it becomes “al dente” or just right to the bite, to avoid draining. Add the sauce and other ingredients, as the pasta has absorbed all the water, and cook for a few more minutes until the noodles have absorbed the flavor.)

 

  1. Huwag itapon ang ulo at tinik ng daing na isda pagkatapos kainin ang laman. Ipirito uli ang mga ito upang lumutong at dikdikin ng pino upang magamit na pampalasa sa igigisang gulay o fried rice. Ang tinik at ulo ng isda ay maraming sustansiya. (Don’t throw the head and bones of the fried fillet dried fish after consuming the “meat”. Fry them again till brittle and pound into powdery consistency to be used later in flavoring fried rice and vegetable broth. The fish bones and head contain minerals needed by the body.)

 

  1. Ang nakukuhang sustansiya sa paa ng manok o “adidas” ay “collagen” na gamot sa arthritis at pampalambot din ng balat ng tao. Ilaga ang mga paa at kung malambot na ay hanguin. Ang tubig na pinaglagaan ay paglutuan ng papaya o ibang gulay para maging “vegetarian tinola”. Ang pinalambot namang mga paa ay ilutong adobo. (The chicken feet have collagen which is necessary for the arthritis, and in helping our skin recover its suppleness as we grow old. After boiling the chicken feet, remove them from the pot and set aside. Add vegetables such as green papaya or other vegetables to the water, to come up with “vegetarian tinola”. On the other hand, cook the boiled chicken feet in soy sauce, vinegar, garlic, ginger and other desired spices to come up with “adidas adobo”.)

 

  1. Kung iisa lang ang lutuan sa bahay at gustong maglaga ng monggo, pwedeng isingit ang paglaga dahil hindi naman kailangang tuloy-tuloy ang paglaga nito upang lumambot. Kapag kumulo na, pwedeng tanggalin sa lutuan upang makaluto ng iba. Kapag naluto na ang iba, pwedeng ibalik ang monggo upang pakuluan uli, at pwedeng tanggalin uli sa lutuan upang makaluto  ng iba pa rin. Sa ikatlo o ikaapat na pagkulo sa pasingit-singit na ginawa sa monggo, lalambot na ito. Sa huling salang ng monggo, pwede nang haluan ng kung anong gustong pangsahog na gulay. Kung buto-buto, pata, o langka ang ihahalo sa monggo, isabay sila sa paglaga. (If using only one stove but there is a need to boil “monggo” [mung beans], let it boil first then remove from stove so that another food can be cooked, after which, the pot of the monggo can be returned to the stove to let it boil again…do this, routine to give way to other foods to be cooked. On the third or fourth boiling, the monggo should be soft, and already be prepared as desired. When cooking it with beef bones, pork legs, or young jackfruit, boil the monggo with any of them, to save on cooking gas and time.)

 

  1. Ipunin ang mga nalusaw at lumiit na sabon panligo at balutin ng face towel upang magamit na scrub sa katawan. (Collect the remnants of bath soaps and wrap them with face towel to be used as body scrub.)

 

  1. Kapag namili sa grocery o department store, unang puntahan ang bargain section. Kung walang magustuhan, saka pumunta sa regular section. Tandaan na pagdating sa kasuutan, hindi kailangang mahal dahil ang magdadala nito ay ang katawan na binabagayan. Huwag magmukhang trying hard sa pagsuot ng mahal na kasuutang hindi naman bagay sa iyo. Huwag isipin na dahil nakita ang isang uri ng damit na suot ng idol na artista, ang isinuot niya ay babagay din sa yo. Sa pagkain, hindi dahil imported ay masarap na, lalo na yong galing sa Tsina na baka peke o may lason. (When shopping, check first the bargain section for items that you might need, before going to the regular section. Take note that apparels need not be expensive to look nice on one’s body. Never assume that what you saw your showbiz idol was wearing would also look good on you. For food, imported ones are not necessarily always the most delectable, especially, those coming from China which could be fake or laced with ingredients that are harmful to man.)

 

Sa panahon ngayon, ang kailangan ay pag-iisip na praktikal upang makaraos sa kahirapan. (At this trying time, we need to be practical-minded in order to survive.)

 

Ang Paglobo ng mga Lunsod sa Buong Mundo

Ang Paglobo ng mga Lunsod sa Buong Mundo

Ni Apolinario Villalobos

Sa internet ay naglipana ang mga retrato ng iba’t ibang lunsod ng mundo na puno ng nagtataasang building at squatter areas o kung sa bagong katawagan ay depressed areas. Kahit na ang mauunlad na bansa tulad ng Japan, China at Amerika ay hindi ligtas sa ganitong pangyayari – paglobo ng populasyon ng tao sa mga lunsod. Hindi na ako lalayo pa, dahil sa Manila mismo ay dati nang may mga depressed areas at nadadagdagan pa sa pag-usad ng panahon, at mga kumpol-kumpol na condo buildings.

Para sa mga sakim na local officials at pulitiko ng Pilipinas, ang tingin nila sa mga taong nakatira sa mga squatter areas ay boto, kaya sila mismo ang humaharang sa pag-relocate ng mga ito…kabawasan kasi sa boto pagdating ng eleksiyon. Ang mga sindikato naman na nagpapagalaw ng malakas pagkitaang prostitution at organized crime, minahan ang tingin nila sa mga lugar na ito, dahil dito sila kumukuha ng mga taong gagamitin upang maisakatuparan ang kanilang mga masamang layunin.

Ang ibang datihan nang nakatira sa lunsod at maayos ang pamumuhay ay nililibak ang mga taong nakatira sa mga iskwater areas, dahil pampagulo lang daw sila. Tingin nila sa mga taong nakatira sa mga lugar na ito ay magnanakaw, puta, lasenggo, sugarol, patay-gutom, parang aso’t pusa na walang alam gawin kundi magpadami ng anak….mga batik ng lipunan.

Hindi lang mga squatter areas ang dumadami, pati na rin ang mga condo building na tinitirhan ng mga may-kaya sa buhay. Ang isang lote na ang sukat ay isang libong metro kuwadrado lang ay maaaring patayuan ng isang condo building na matitirhan ng mahigit isang libong katao, kaya hindi masyadong halata ang dami nila dahil hindi pansinin, hindi tulad ng palapad or palawak na mga tirahan, na kita agad ang dami ng tao. Ang mga ganitong mga klaseng komunidad naman ay may pangangailangan ng malalim at malawak na septic tank, at kung ilang libong tangke ng malinis na tubig araw-araw.

Batay sa binanggit kong mga sitwasyon, ang limang magkakatabing condo building na umuukupa lang ng limang libong metro kuwadradong lupa, halimbawa, ay katumbas na ng isang malawak na depressed area o iskwater, o mahigit pa. Sa dami ng mga nakatira sa mga condo na nagsulputan, hindi nakapagtatakang nagkaroon ng matinding problema sa trapiko ang Manila, kung tatantiyahing ang nakatira sa bawa’t unit ay may isang sasakyan man lang. Sa mga depressed areas naman ay talamak ang nakawan ng tubig na nagiging dahilan ng pagtagas ng mga tubo. Ang pagkakabit naman ng “jumper” upang makanakaw ng kuryente ay nagiging sanhi ng sunog.

Sa pagdami ng mga itinirik na tirahan, mapa-condo building man o barung-barong, nahirapan na rin ang drainage system, na simula pa noong panahon ng mga Amerikano ay hindi halos nabago o napalakihan. Ang mga daluyan ng tubig galing sa mga building at squatter areas ay bumabagsak sa mga estero na dumidiretso naman sa malalaking ilog na napunduhan na ng makapal na burak o sediment sa tagal ng panahon kaya bumabaw. Ang pagbabaw nila ay dahilan ng pagbaha agad kung may malakas na ulan. Dagdag pa rito ang impormasyong siyentipiko, na bumababa ang lupang kinatatayuan ng Manila taun-taon.

Yan ang kalagayan ng metro Manila na bundat at halos pumutok na sa dami ng tao. Subali’t parang wala lang sa gobyerno, dahil ang pag-relocate ng mga iskwater sa mga maayos na tirahan ay hindi naman tuluy-tuloy o consistent. Magri-relocate lang ang gobyerno kung may magrereklamong may-ari ng lupa na iniskwatan, o di kaya ay kung panahon ng pagpapapogi, kung kaylan ay naglilinis kuno ng mga estero ang mga opisyal. At ang masaklap pa, pabagu-bago ang sistemang ginagamit, depende sa mga opisyal nasa poder o may hawak ng kapangyarihan.

Sa mga iskwater na napuntahan ko, kaswal kong tinanong ang mga kaibigan ko kung may balak pa silang umuwi sa pinanggalingan nilang probinsiya. Iba’t iba ang mga sagot, tulad ng: kapag may naipon nang pamasahe; ayaw na dahil wala namang mapagkikitaan sa pinanggalingan nila; ayaw dahil palaging nagkakaputukan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde; ayaw dahil wala naman daw asenso’t nakatali sila sa utang sa may-ari ng lupang sinasaka nila; ayaw dahil mas masarap ang buhay sa lunsod – maraming mall at pasyalan. Yong mga nag-komento naman sa mga blog ko noon na may ganitong tema, sabi ng iba ay uuwi daw talaga sila pagdating ng takdang panahon at mamumuhay na lamang ng matiwasay gamit ang interes ng pera nila sa bangko. Matindi ang komento ng isang magbabasa na ano man ang mangyari ay hindi siya uuwi sa probinsiya nila, kahit sa Pilipinas man lang, at ang dahilan ay ang korap na gobyerno. Sa Amerika kasi siya nakatira ngayon at may “green card” na. Sabi ko na lang sa kanya…good luck!

Tsaa

Tsaa

Ni: LOUIE JOHN M. SALDA

Habang akoy umiinon ng mainit na tsaa,
Akoy napaupo sa aming bakanteng sala.
Halimuyak ng mga magagandang bulaklak sa labas,
Dalay kasiyahang walang katumbas.

Sa aking pag-inom,
Ako’y may kakaibang napansin.
Ako’y may hinahanap na panlasang kaibig-ibig,
Sa kakaisip ko ay aking napagtanto,
Kulang ito sa kalamansing nasa harap ko.

Ang bawat patak ng kalamansi dala ay ligaya,
Sa bawat higop dala ay habag.
Oh anong tuwa ko habang ikay iniinom,
Dahil napawi ang pighati ng damdaming sawi.

Ako ang tsaa at ikaw ang kalamansi,
Kung ika’y wala ay walang kasing-pait.
Buhay ko’y sadyang nagpupumilit,
Na ikaw ang hanap kahit gaano kasakit.

Bakit ngaba ika’y inibig,
Na ako lamang ang may alam sa aking pag-ibig.
Tila sadyang mapagbiro itong si tadhana,
Dahil puso’t isip ikaw ay laging hanap hanap.

Alam kong ikaw ay may mahal at ibang gusto,
Bakit di mo na lng ako prangkahin ng diretso.
Wag ka ng mag-aksaya ng paanhon na hanapin ako,
Dahil alam kong di ako ang tasa ng tsaa mo.

Tanggap ko na siya ang iibigin mo,
Sana siya ay mamahalin at iingatan mo.
Di bale na lng akoy paiyakin mo,
Huwag lang tumulo ang luha nya ng dahil sayo.

Dito ko na lang idadaan sa aking tula,
Mga salitang di ko maibigkas.
Tawagin mang akong BITTER ng iba,
Ako ay di na aasa para huwag matawag na HOPIA.