Mga Kuwento ng Tagumpay at ang Inutil na Educational System ng Pilipinas

Mga Kuwento ng Tagumpay at ang Inutil na

Educational System ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Dahil sa pagputok ng balita tungkol sa disgrasyang inabot ng mga estudyanteng patungo sana sa Tanay (Rizal), kanya-kanya na namang hugas-kamay ang mga ahensiyang may kinalaman sa edukasyon. Sa tindi ng pagkawalang puso ng may-ari ng eskwelahan, nagsalita pa ang isa sa kanilang opisyal na ipagpapatuloy pa rin daw ang sinasabi nilang leadership training. Mabuti na lang at may kumilos upang ito ay mapigilan dahil sa tindi ng ngitngit ng mga magulang ng mga namatay, nasugatan, at mga nakaligtas.

 

Wala na talagang pinagbago ang CHED at DepEd dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang ginagawa upang matigil na ang walang silbing mga field trip at kung anu-ano pang kataranduhan ng mga private schools na hatala namang ginagamit lang para sa junket. Pwede namang gumamit ng documentary films na kuha sa aktwal na pasilidad na gusto nilang pasyalan, bakit hindi nila gawin? Ang sinasabi ng iba ay nakakalibre daw ang ilang titser at opisyal ng eskwelahan sa pagsama sa mga estudyanteng gumagastos ng kung ilang libong piso para lang “makapasa”. At ang matindi, ay ginagamit pa ito ng ibang eskwelahan upang pagkitaan! Kung pinatigil man ang mga walang silbing “field trips”, ito ay PANSAMANTALA na naman!

 

Walang silbi ang diploma sa panahong ito dahil karamihan ng meron nito ay wagas na nagsasabing pampayabalang lang daw naman nila, at sa pag-apply ng trabaho, bahala na daw kung may makita o wala . May alam akong walang interes sa pag-apply kaya apat na taon mula nang makatapos ay istambay pa rin. Kung babae naman, nagkandalosyang na sa kapapanganak ay ni hindi man lang nakapasok maski probationary job. Ang kailangan sa panahong ito ay tiyaga at sipag na maaaring dagdagan ng diskarte. Yong iba ay namumuhunan lang ng laway o “sales talk”, pero kumikita….pero wala silang diploma. Hindi nangangahulugang ayaw ko nang mag-aral o makapagtapos ng kurso ang mga kabataan. Ang ibig kong sabihin dito ay baguhin ang pananaw tungkol sa edukasyon at ang sistema upang hindi mahirapan ang mga estudyante at mga magulang…hindi yong eskwelahan lang ang kumikita.

 

Merong mga eskwelahan na sumisingil ng “security fee”, pero wala naman silang security guard. Ang para naman sa mga magulang, kung hindi kaya ang gastos sa kolehiyo halimbawa, bakit hindi ipasok ang anak sa TESDA? Ang masaklap pa dito, dahil sa K-12 program, sa halip na 4 na taon lang ang high school at pagkatapos ay pwede nang mag-vocational school na mura, nagkaroon pa ng dagdag na gastos sa extended high school na tinawag na “senior high school” na bukod sa mahal na tuition ay halos wala ring napapag-aralan ang mga bata.

 

May isa akong kaibigan na nagkuwentong ang nanay nila ay hanggang Grade Four ang inabot subalit naging matagumpay bilang negosyante na ang inumpisahan ay isang maliit na sari-sari store. Lahat silang pitong magkakapatid ay nakapagtapos ng mga matataas at mamahaling kurso tulad ng “Engineering”. Noong nasa elementary pa daw siya, tinuturuan niya ang nanay nila kung paano isulat ang tamang spelling ng mga pangalan ng produktong tinitinda. At, ang nakakatuwa, madalas daw umutang sa kanila ang principal ng kanilang eskwelahan…at lahat ng mga titser niya! Ang sabing pabiro sa kanya ng nanay niya minsan, “….kita mo na, kung naging principal ako, hindi ko kayo napag-aral lahat…”.

 

Yong isa ko pang kilala, hindi rin nakatapos ng high school kaya nagtanim ng palay at mais at namili pa ng mga ito, pati bigas bilang negosyo. Ngayon, may gilingan siya ng palay at mais at dumami na rin ang mga taniman ng palay, at may international resort pa na sikat sa internet!

 

Yong nakausap kong babae sa isang karinderya sa Sta. Cruz (Manila), akala ko ay katulong, yon pala ay may-ari. Hanggang Grade Two ang inabot subalit may karinderya pa sa Blumentritt, Cubao, Pasay at Baclaran. Yong isa namang akala ko ay driver ng isang SUV na mamahalin, yon pala ay mismong may-ari at ang malaking junk shop sa di-kalayuan ay kanya….hindi rin siya nakatapos ng high school.

 

Masama mang sabihin, pero karamihan sa mga kabataan ngayon ay lulong o adik sa mga gadget at barkada kaya maski simpleng report na gagamitan ng English ay hindi magawa….at karamihan ay mayayabang pa.  Makapag-submit man ng project na ni-research daw ay kinopya pa pati tuldok (period) at kudlit (comma) sa internet. Kaya pagkatapos gastusan ng magulang, pagkakuha ng diploma at maisabit sa dingding, balik uli sa mga bisyo – barkada, basketball, lakwatsa, at gadgets. Ang mga masisisi diyan ay mismong mga magulang at ang inutil na educational system ng Pilipinas!

 

 

The Government should Review the Performance and Relevance of the Commission on Higher Education (CHED)

The Government should Review the Performance

and Relevance of the Commission on Higher Education (CHED)

By Apolinario Villalobos

There is an observed saturation of related courses in the colleges and universities which is the cause of unabated soaring of unemployment of yearly graduates in the country. Experts wonder what are causing the phenomenon which is a precursor of distress among the present generation. They look around, but failed to see the educational breeding grounds – the colleges and universities with their redundant courses.

When tourism boomed, for instance, there was an immediate scramble of colleges and universities in coming up with courses such as BS Tourism, Hotel and Restaurant Management, Airline Secretarial, and many others. All of them four-year courses, when all that the industry needs are people who can communicate well in different languages, especially, English, Japanese and Chinese. Hotels and restaurants need only waiters, bar tenders, cooks, front room personnel. Airline companies need only secretaries who are computer-literate, adept in filing and knowledge in office courtesy. Tour operators and agencies need only tour guides who are proficient in languages, as well as, office staff who can prepare tour packages, answer phoned-in queries, cut tickets, and make bookings. So why the tedious and expensive four years, then, when all the required skill can be had in two-years and several hours of on-the-job training?

The saturation of useless courses offering of colleges and universities is a clear sign that these institutions are not sensitive to what are happening in the country, especially, on the issue of unemployment. They just refuse to acknowledge the fact that their graduates languish in pitiful state of unemployment, after spending hard-earned money and time for four years. I wonder if the “intelligent” guys who run these diploma mills ever make simple analysis about the situation that even a simple cigarette vendor on the street understand. Yet, these institutions proudly display on tarpaulins outside their campuses, photos and names of their graduates who passed board and bar examinations….but beyond that, what?

Surveys are made about unemployment, but again, they never touch the source of unemployed graduates who have been idle for so many years and the shocked newly-graduates to find out why. The government mentioned something about “mismatching” of courses with the requirements of employers…and, the “concern” if ever it can be called such, ends there. Is the government so helpless, such that it cannot even issue mandates to colleges and universities to put a stop to their money-making ventures in the form of useless and redundant courses?

As a last recourse, why not just do away with CHED so that the money saved can be used in enhancing the programs of the Department of Education (DepEd) and TESDA?

All that the DepEd needs is a division or two to handle higher education or collegiate concerns which are all but, as mentioned, useless and redundant courses, while TESDA programs can be expanded to include specializations that may include trainings for flight attendants, cruise crew, flight ticketing personnel, airport check-in staff, reservations agents, tour package specialists, multi-lingual tour guides, in addition to what it already offers such as hotel servicing, development of building construction skills, and computer-related short courses. On the other hand, the colleges and universities should be mandated to streamline their course offerings that should jive with the demands of the current job requirements.

If “productivity” is what the government wants for the college and university graduates, then, a thorough review should be done if CHED is really doing its job or not. Unfortunately, it seems that such call is impossible under the present administration, as the latter is all praise to the agency for its “reports” that beautifully punctuate the SONAs of Pnoy.

Ang Pagtanggal ng Pambansang Wika mula sa mga Aralin dahil lamang sa K to 12 program ng CHED

Ang Pagtanggal ng Pambansang Wika mula sa mga aralin
dahil lamang sa K to 12 program ng CHED
ni Apolinario Villalobos

Umaabot na sa sukdulan ang pagkasira ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas dahil sa balak ng CHED na pagtanggal ng Pambansang Wika mula sa mga aralin ng mga estudyante dahil lamang sa pagpapatupad ng K to 12 program na tinututulan ng mga magulang, kabataan, at pati na ng maraming titser.

Nakakagulat ito dahil nawawala na yata sa porma ang mga namumuno ng ahensiyang dapat ay naghuhubog ng kaisipan ng mga kabataang Pilipino. Bakit isasakripisyo ang Pambansang Wika na dapat ay ituring na pinakadiwa ng ating kultura? Kung papansinin, marami pa ngang dapat matutunan ang mga estudyante na sa katigasan ng ulo ay ni hindi mabigkas nang tama ang letrang “R” kung magsalita sa Pilipino, dahil pinipilit ng mga ito ang bigkas-Amerikano, kaya pilit na pinapalambot ang nabanggit na letra.

Dapat ay tutukan din ng CHED ang kahinaan sa pagtuturo ng mga paaralan na hindi man lang matawag ang pansin ng mga estudyanteng lumilihis sa kagandahang asal dahil din sa hindi na nila pagturo ng tradisyonal na “Good Manners and Right Conduct”.

Ang elementarya ay napakakritikal na yugto sa paglinang ng pagkatao ng isang estudyante. Ang yugtong ito ay dapat matatag dahil dito itutuntong ang isa pang yugto na kinapapalooban ng mga dapat matutunan sa kolehiyo upang mabuo ang kaalaman tungo sa napiling propesyon. At, ang lubos na kaalaman sa Pambansang Wika ay magpapatibay sa pagkatao ng isang estudyante bilang Pilipino.

Ang nakakabahala pa sa inaasal ng CHED ay ang matunog na kawalan ng kahandaan ng mga paaralan upang maipatupad ng maayos ang pinipilit na K to 12 program. Dahil lang sa panggagaya sa ibang bansa, asahan na ang malaking bulilyaso ng CHED – gagastos ng malaki sa isang programang walang kahihinatnan.