Ipaubaya sa Iba ang Hindi Kayang Gawin, at Huwag Kaiinggitan ang Tinamo nilang Tagumpay

Ipaubaya sa Iba ang Hindi Kayang Gawin,

at Huwag Kaiinggitan ang Tinamo nilang Tagumpay

Ni Apolinario Villalobos

Marami sa atin ay kakambal na yata ang inggit. Ito ang mga taong ang gusto ay kilalanin sila na pinakamagaling kahit wala naman napatunayan o di kaya ay hanggang salita lang ang kayang gawin. Sila rin yong halos ay dapaan ang mundo, dahil lahat ay gustong gawin, at ayaw magbigay ng pagkakataon sa iba. At sila pa rin yong mga taong mahilig mangpuna o mag-criticize pero wala namang nakahandang suhestiyon.

Dahil sa utak na taglay, lahat ng taong normal ay may kakayahang gumawa ng iba’t ibang bagay subalit ang antas ng kagalingan at tagumpay ay hindi pareho, kaya nga sa bokabularyo ay merong mga katagang naghahambing. Inggit ang dahilan kung bakit ayaw tanggapin ng ibang mayroong mas magaling sa kanila. Ang tao ay may kakayahang magsikap upang makaakyat sa mga baytang ng buhay at marating ang tugatog ng tagumpay. Pero hindi lahat ng tao ay may kakayahang gumawa nito, katotohanan na dapat ay tanggapin. Hayaan na ang ibang makapagpatuloy dahil sa kakayahan ng kanilang talino at yaman. Huwag silang kaiinggitan, sa halip ay pagsikapang makagawa ng mga paraang angkop sa inabot na baytang ng pagsisikap. Halimbawang ang kaya lang na negosyo ay isang sari-sari store, at hindi big time na grocery, pagkitaan na lang na mabuti ang sari-sari store at pagpursigihin ang pag-ipon, sa halip na umutang upang maging grocery ang maliit na tindahan. Applicable ang “no guts, no glory” sa mga angkop na larangan, hindi sa lahat, kaya piliing mabuti kung saang larangan ka magaling at doon mo patunayan ang kasabihang yan, sa halip na isiping kung nagawa ng iba ay kaya mo ring gawin.

May mga tao namang hindi nakakaalam kung sa aling larangan sila magaling kaya kailangan nila ang payo ng iba bilang pag-alalay sa kanila. Kapag nagtagumpay sila sa ini-suggest na gawain, sila mismo ay nagugulat at nagsasabing hindi nila akalain na kaya pala nila. Kabaligtaran ang nabanggit, ng ugali ng ibang Pilipino na mahilig magsabi ng, “kaya ko rin yan”, kahit alam nilang hindi nila kayang gawin ang ginagawa ng taong kinaiinggitan. Sa isang banda,  ang ibang Pilipino ay mahilig ring magsabi ng “nakakainggit ka” na hindi maganda ang dating. Sa halip, ang sabihin dapat ay “nakabibilib ka, gagayahin kita”.

Tulad na lang ng kuwento tungkol sa isang nanay na mahilig maiinggit sa kanyang mga kaibigang magaling magluto, at ang expression ay, “nakakainngit ka”. Ang isang sinabihan ay napuno na kaya binara siya ng “gumaya ka!”. Puro salitang inggit kasi ang palaging lumalabas sa bibig ng nanay na ito sa halip na gayahin ang magandang ginagawa ng iba, kaya hanggang sa nakapag-asawa ang mga anak, ay hindi man lang natutong magluto ng adobo! Kung makita namang maayos ang hitsura ng mga kaibigan dahil marunong mag-manage ng oras, kaya may panahong maligo at maglinis ng katawan, siya namang tamad maglinis man lang ng bahay ay burara pa sa katawan, kaya sa tingin pa lang ay mabaho na!

May isa namang kakilala lang ang tahasang nagsabi sa aking, “kaya ko ring gumawa ng tula”. Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi naman ako nagbabanggit sa kanya ng ginagawa kong blogging. Siya ang nagpasimula ng usapin tungkol sa mga tula na nababanggit pala sa kanya ng mga kakilala naming nakakabasa ng mga isinulat kong ina-upload ko sa facebook. Inisip ko na lang na talagang magaling siya dahil taal siyang “Tagalog”, taga-Batangas kasi, samantalang ako ay hindi dahil taga-Mindanao. Upang hindi na humaba ang usapan, sinagot ko siya ng, “okey lang…trying hard lang naman ako”. Inimbita ko siyang magbigay ng isang tula upang ma-ipost sa mga sites ko….mag-iisang taon na ngayon, ni isang talata ng tula ay wala siyang naibigay sa akin. Mataas ang puwesto niya sa isang kumpanya, kaya feeling niya, dahil sa kanyang trabaho, walang ibang dapat lumamang sa kanya – sa lahat ng bagay, pati na sa paggawa ng tula. Kawawa naman ang tula, ginamit sa walang kapararakang naramdamang inggit!

Hindi magandang pairalin ang inggit dahil nakakahila ito pababa ng ibang taong nagsisikap na mabuhay nang maayos sa abot ng kanilang makakaya. Lalong maganda sana na yong mga nakakaangat na sa buhay, na may napansing nagsisikap na kaibigan o ibang tao kahit hindi kilala, dapat ay tumulong sa pamamagitan ng pagtulak sa mga ito upang mapadali ang kanilang  pag-angat o pagsulong. Ang pagsisikap ng mga taong ito ay hindi naman nakakasakit ng kapwa nila tao, at ang layunin lang nila ay upang magkaroon ng marangal na pamumuhay at upang maiwasan nilang umasa sa limos ng iba!

Kaya bilang pangwakas, sa halip na maiinggit, tanggapin ang mga kahinaan, o kung hindi kayang tanggapin ay doblehin ang pagsisikap sa abot ng makakaya…makipagtulungan sa magagaling na nakakatulong naman sa kapwa at bayan…at, higit sa lahat, tumulong sa pag-asenso ng iba, sa halip na manghila, upang hindi sila makadagdag sa bilang ng mga taong binibigyan ng limos!

My Personal Encounters that Proved, “God will Provide”

My Personal Encounters that Proved, “God Will Provide”

By Apolinario Villalobos

Though I take pride in my unquestionable faith, there is still a bit of skepticism left in me when it comes to solving personal problems due to my fatalistic attitude at times. Just like the rest of most Filipinos, I always leave the result of my efforts to fate after having done my best. I did not have the heart to depend always on God because my personality is rooted in the principle on personal endeavor without depending on anybody else, thus, the saying that “God will provide” has always been out of my mind. But my attitude changed due to observable “proofs” that indeed, God does not leave us in times of need.

When I was a Boy Scout in Grade 5, I was only using one white collarless t-shirt to go with my also, lone short khaki pants. There was always a problem if scouting activities were done in two or more consecutive days for as soon as I arrive home, I must wash my t-shirt and pants immediately to be hung-dry overnight. I was then, a drummer in our drum and bugle corps. I could not tell my parents about my problem because I might be told by my mother to just leave scouting. Fortunately, one Saturday, our neighbor and playmate gave me two sets of his old scout uniform. Since then, I stood out in the corps due to my loose t-shirt and khaki shorts because the donor was bigger than I.

When I was in high school during which I became a complete orphan due to the death of my mother, eight months after that of my father, I had no polo shirt of my own. For special occasions in school I had to borrow my elder brother’s. I had a problem when my brother’s shirt was not available as he was scheduled to wear it also on the same school occasion. Fortunately, when I accompanied a cousin-in-law to Davao city, she surprised m with a pre-cut polo fabric with just the right color and design that I wanted.

When I was called for a job interview by an airline company, I was caught by surprise…and, worse, I was without extra money for fare. On my way home that afternoon, I met along the way a relative whom I loaned money, but which I forgot in time. She paid me back right there, and then went on her way after profusely thanking me.

When I underwent an operation in a Makati hospital, I was told by a neighbor that our house was burglarized and my son was also almost abducted. It was the day after my operation, and I expected my attending physician not to allow me to go home even for a quick check of our home, especially, because I am a “bleeder”. My fresh wound might give in to the pressure of travel. Fortunately, a colleague in the office, “Ed”, dropped by for a visit.  After knowing my problem he immediately persuaded my attending physician and nurse to allow me to go home, but he signed some kind of a guarantee for my immediate return. To make sure that I would do it, I was driven by his driver, while he took a taxi back to the office.

During one of my random sharing sorties in Tondo/Divisoria area, I gave all the remaining cash content of my wallet to a family that lived on the sidewalk. As I was on my way home, I thought that the coins in my purse would be enough for fare all the way to Cavite. I was wrong. As I counted the coins when I took a jeepney, what I had was only enough until Zapote in Las Piἧas which is more than five kilometers from my home. I was resolved to walk my way home from Zapote but when I alighted at the jeepney stop, a neighbor driving his car and who was on his way home, saw me and offered a ride.

One time, when I thought that all plans would push through as regards the sending home of a family to their province in Leyte, my expected “professional fee” as editorial consultant was not remitted in time, and worse, my client texted me to request for an extension of one week. I was crestfallen by the unexpected kink. Meanwhile, the excited family which was among the victims of typhoon Yolanda, was all ready to go home the following day as planned. As a last resort I decided to sell  some of my precious collections to cover the cost of the project. Fortunately, just before noon, a follower of my blogs texted me about the money he sent via a remittance center, in reaction to my blog about the victims of Yolanda, temporarily living in Tondo and who collected vegetable trimming in Divisoria to earn a living. What he sent was more than enough to cover the cost for the mentioned family. A significant amount was left for the next family who was scheduled to go home two weeks after. A week later, I received an email from another follower in Canada about her remittance for the same project.

About a month ago, the stock of diapers of a friend whom I, together with the rest of his former colleagues had also been helping, was almost depleted. The supply was bought using the pooled donations from our friends but which was also exhausted. Just then, I received an fb message from another friend, “Manny”, who had been monitoring updates about our ward, telling me that he will call as soon he arrives from the States. He further stated that he will donate to the “diaper fund”. Three days ago, I personally went to see him to receive the money, plus other food items.

I wrote about an elderly couple in Quiapo. The husband had a stroke and the wife was eking out a living out of her small food stall. The husband was sleeping on the cold concrete floor of his former single-chair barber shop, using only a thin mat. They wanted to go home to their town in Antique, as expenses in Manila were mounting especially for the medicines of the husband who was more than eighty years old. However, I felt that the man was dying as he had been refusing to eat solid food for several days. I did not tell them about my plan of raising fund to raise fund for them. An “angel” from California who read my blog about the couple e-mailed me a short message, “….I am remitting $…..for the couple in Quiapo”.

Those mentioned are just a few of the many incidents that point to the veracity of God’s indirect benevolence.

Dapat Ituring na Inspirasyon ang mga Hadlang sa Pagsisikap

Dapat Ituring na Inspirasyon
ang mga Hadlang sa Pagsisikap
Ni Apolinario Villalobos

Para sa isang taong nagsisikap ng taos sa puso, ang mga balakid na nakabalandra sa kanyang landas na tinatahak ay itinuturing niyang ispirasyon. Ang mga karaniwang itinuturing na hadlang sa pagsisikap ay kahirapan, pagkawala ng mga mahal sa buhay, at pagkakaroon ng pisikal na kapansanan.

Marami na tayong nakitang mga taong nakakapagpinta o nakakapagdidibuho pero walang mga kamay, kaya ang ginagamit ay mga daliri sa mga paa o bibig na pang-ipit ng paint brush. Merong mga naka-wheelchair na nagtitinda ng mga kendi at sigarilyo, may mga nagtatrabaho sa mga pagawaan ng piyesa na naka-wheelchair din, may Olympian runner na ang gamit ay mga artipisyal na paa, mayroon ding mga swimmer na iisa ang kamay.

Nagulat ako isang araw nang sa paghinto ng sinasakyan kong dyip sa kanto ng Aguinaldo highway at Niyog, sa Bacoor, Cavite, ay may lumapit na binatilyo at nagsisi-senyas sa mga taong nakatayo at nag-aabang ng masasakyan at itinuturo ang dyip na sinasakyan kong maluwag pa. Barker pala siya o tagatawag ng pasahero ….pero pipi! Sa halip na sumigaw upang makatawag ng pansin, ang gamit niya ay mga kamay na kinakaway. At, ang nakakatuwa pa ay panay ang kanyang ngiti, kaya ang mga pasahero ay natutuwa, lalo na ang mga driver ng jeepney na hindi nag-aatubili sa pagbigay sa kanya ng maraming barya bilang suhol.

Hindi kalayuan sa nasabing lugar ay may isa namang pilay, iisa ang paa at ang saklay na ginagamit ay isang ordinaryong sanga ng kahoy, ang lumalapit sa mga jeepney na humihinto upang magtinda ng sigarilyo at kendi. Kapag naka-stop na ang traffic light, siya ay lumalapit sa mga jeep. Hindi awa ang nararamdaman ng mga tao para sa kanya kundi pagkamangha at pagkatuwa, kaya dahil sa tindi ng kanyang pagsisikap ay marami ang bumibili ng kanyang paninda.

Maliban sa mga nabanggit kong may kapansanan, ang hindi ko maaaring kalimutan ay ang mga batang nakatira sa mga barung-barong sa Baseco compound at bangketa na nakilala ko, na sa kabila ng kahirapan ay nagpipilit na pumasok sa klase. Upang magkaroon ng baon, gumigising sila sa madaling araw upang mag-ipon ng mga reject o itinapon na mga gulay sa Divisoria upang maibenta hanggang ika-anim ng umaga, kung kaylan ay saka pa lang sila magbibihis ng pampasok sa klase.

Ang nag-top sa 2014 Bar Exam para sa mga abogado, si Irene Mae Alcobilla ay biktima ng bagyong Yolanda at nawalan ng mga mahal sa buhay. Sa kabila ng lahat ay hindi siya nawalan ng pag-asa at sa tulong ng mga kapatid niyang OFW ay nairaos ang kanyang pag-aaral at naging topnotcher pa sa pagsusulit.

Ang mga pagsubok sa buhay ay hindi dapat ituring na balakid sa tinatahak nating daan. Dapat silang ituring na inspirasyon at lakas upang lalo pa tayong magpursige sa pakikibaka upang magkaroon ng maayos na pamumuhay sa abot ng makakaya. At, sa halip na sisihin ang Diyos kung bakit tayo binibigyan nito, dapat ay magpasalamat tayo dahil nalilinang ng mga bininibigay niyang “pahirap” ang ating pagkatao upang lalo tayong tumibay.

Ang mga nabanggit ko ay sinabi ko rin sa isang anak ng kumpare ko na walang ganang magpatuloy sa pag-aaral gayong mayaman naman sila. Ang dahilan lamang niya ay ang pagtampo niya sa kanyang ama na ayaw siyang ibili ng kotse!

Imelda

Imelda

(para kay Maria Imelda’Baby” G. Moll)

By Apolinario Villalobos

Ang mamuhay sa mundo’y maraming kaakibat –

Pakikipagkapwa na sa pagmamahal ay di salat

Pagmamahal sa kalikasan na turing nati’y ina

At pagpapatatag ng tahanan, lalo na ng pamilya.

Ang mga nabanggit, lahat ay nagawa ni Imelda

Ibinuntong hiningang reklamo, di marinig sa kanya

Kung mayroon mang himutok, kanyang sinasarili

Mga tugon sa problema, di niya ipinagbabakasakali.

Tulad ng iba, si Imelda ay mayroon ding ambisyon

Tugatog ng tagumpay, maabot pagdating ng panahon

Tulad din ng iba, kapalaran niya’y naudlot at nahatak

Sa biglang pag-asawa, si Imelda ay doon napasadlak.

Itinuring na guhit ng palad, lahat ng mga nangyari

Wala siyang sinisi, iba mang tao o kanyang sarili

Ang paghakba’y itinuloy subali’t iba nang nilalandas –

Maaliwalas ang mukhang nakatingin sa bagong bukas!

Kinabuhi/ Life

Inspired by Bogz Jamorabon…

with his comment “KINABUHI” to an earlier blog about NDTC.

Kinabuhi/ Life

(Hiligaynon and English and versions)

Ni Apolinario Villalobos

Ang kinabuhi, daw sapa, nagailig

Kon padulhog gani, ini madasig

Ang katinong, ginabuka sang bato

Kag labusaw sang mga isda kag tawo.

Amo man ina ang tawo sa kalibutan

Nagalakat sa dalan nga indi matapan

Damo matapakan, mga buho kag tunok

May mga hilit-hilit pa nga makahaladlok!

Life is like a stream that flows –

Fast, if the terrain tilts or slopes

Boulders break its tranquil course

But not easing a bit its resolute force.

Man, a mere dot in the universe

Treads potholed paths – all diverse

Some are thorny, some yet, are stony

With dark corners, foreboding and dreary!

Paglalakbay sa Karagatan ng Buhay

Paglalakbay sa Karagatan ng Buhay

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi madali ang maglakbay sa karagatan ng buhay

Kailangang ang bangkang sasakyan ay dapat matibay

Dapat handa sa mga sasalungating alon na ga-bundok

At ihip ng hanging ‘di malaman kung saan galing sulok.

 

Ang paghahanda sa paglakbay ay hindi madaling gawin

Mayroong mga alituntuni’t gabay na dapat laging sundin

Dahil sa munting pagkakamaling ‘di na talaga mababawi

Kapahamakan o kamatayan, ang napakasakit nitong sukli.

 

Ganyan ang buhay na kung ituring ay isa na ring karagatan

Malawak na’y maalon pa, maraming badyang kapahamakan

Mga pagsubok kung wariin  minsa’y ‘di kayang malampasan

At kung nakaya, galak na nadarama’y halos walang pagsidlan.

 

Pagpapasya’y atin, direksyon ng timon ay kung saan ipapaling

Kung mabuo man, dapat lang siguraduhing talagang magaling

Dahil mahirap kung ang sinundang direksyon ay hindi mabago –

Hindi makaya ng mahinang katawan, sa timon ay magkambyo.

 

Mga desisyon sa ating buhay, dapat ay pinag-aaralang mabuti

Hindi patumpik-tumpik na pagsisisihan lamang sa bandang huli

Tulad ng karagatan, ang buhay ay nabubulahaw din ng mga unos

Mga pagsubok na harapin ma’y buong tapang at ‘di padalos-dalos!