Hilong-hilo na ang mga taga-Malakanyang sa Pagdepensa sa Pangulo sa Paglabas ng Report ng BOI

Hilong-hilo na ang mga taga-Malakanyang Sa Pagdepensa
sa Pangulo sa Paglabas ng Report ng BOI
ni Apolinario Villalobos

Sinasabi ko na ngang masisira na naman ang porma ng Malakanyang kung hindi aayon sa kanya ang report ng BOI. Kaya sa paglabas ng report ng Board of Inquiry (BOI) halos wala na sa ayos ang mga sinasabi ng Malakanyang sa kapipilit nilang depensahan ang pangulo na nadikdik ng nasabing report. Ang sabi ni Lacierda, hindi man lang nakosulta ang pangulo at wala naman daw “chain of command” sa PNP kaya hindi dapat gamiting batayan sa “paglabag” ng pangulo.

Una, hindi bingi ang taong bayan upang hindi marinig ang sabi ng BOI na hindi sila pinagbigyan ng Malakanyang sa kanilang hiling na makunan ng pahayag ang pangulo, subalit sila ay hindi pinagbigyan. Pati nga daw si Purisima ay hindi mahagilap. Pangalawa, sa isyu ng “chain of command”, mismong matataas na opisyal ng militar at mga opisyal ng gobyerno na ang “chain of command” na isang prinsipyo ay isa lamang sa mga tawag sa pagdaloy ng responsibilidad at kautusan. Kahit saang ahensiya pribado man o publiko ay meron nito. At, pangatlo, dinig na dinig ang pagyayabang ng Malakanyang sa pagsabi na hindi na daw kailangang bigyan ng kopya ng report ang pangulo…ito ay nang lumabas na ang report pero hindi pa naipahayag ang laman, kaya walang nakaalam. Subalit nang mabunyag ang laman ng report na nagdidikdik sa pangulo – pumalag ang Malakanyang. Pang-apat, mismong pangulo ang nagsabi sa isa niyang talumpati na ang report ng BOI ay walang kinikilingan. Akala siguro nila ay papanigan ng BOI ang pangulo! Naputukan na naman ng bomba sa mukha ang mga taga-Malakanyang!

Naging literal na ang mga taga- Malakanyang sa kanilang mga pahayag na parang mga abogadong pulpol sa pagpaliwanag ng mga batas upang magpalusot ng mga kaso ng mga tiwaling tao na sa unang tingin pa lamang ay talunan na! Isa itong senyales ng pagka-desperado! Hanggang kaylan magsisinungaling ang mga taga- Malakanyang?…ang mga tauhan doon ng pangulo?….at ang pangulo mismo? Nagmumukha na siyang manika…walang damdamin, dilat ang mata habang nagsasalita! At ang sabi naman ng isang respetadong mambabatas na dati niyang kaalyado, ay para na lang siyang zombie ngayon! Naglalakad at nagsasalita nang wala sa sarili!

Ang mga ipinahayag ng BOI ay mga findings lamang, at kahit may mga rekomendasyon, ay walang conclusion. Subalit ang mga findings ay mga katotohanan….At sa palaging sinasabi ng pangulo na “the truth will set us free”, SIYA NA MISMO ANG NAGKANULO SA KANYANG SARILI …. TALAGANG TOTOONG UNTI-UNTI NANG NAKAKAALPAS SA TANIKALA NG PANLOLOKO NIYA ANG MGA PILIPINO DAHIL NAKIKITA NA ANG TUNAY NIYANG KULAY… ANG KULAY NG ISANG TAONG SINUNGALING!

Ang “Chain of Command”…wala daw nito ang PNP ayon kay Purisima!

Ang “Chain of Command”
…wala daw nito ang PNP ayon kay Purisima!
ni Apolinario Villalobos

Wala daw “chain of command” sa PNP ayon kay Purisima dahil wala ang mga ganoong salita sa Saligang Batas na tumutukoy sa Philippine National Police. Kung tinuruan siya ni de Lima at Lacierda, dahil halata naman sa masyado niyang confident na pananalita sa hearing, mali sila! Dahil sa paniwala ni Purisima na “civilian” ang PNP, para sa kanya ay wala itong “chain of command”, na ang tunog ay “military”. Mabuti na lang binara siya ni senadora Miriam.

Historically, ang PNP ay nag-evolve sa Philippine Constabulary, isang sangay ng Armed Forces of the Philippines. Hindi dahil kinonvert ang ahensiya upang magkaroon ng mukhang pangsibilyan ay nawala na ang nakagawiang alituntunin nito na may pagka-miltar. Ang salitang “chain of command” ay pang-military, kaya lumalabas na upang makalusot ang mga taga-Malakanyang, si de Lima, lalo na si Purisima ay kung anu-ano na lang ang ini-imagine na paliwanag, at iniangkla ang paliwanag sa pagka-sibilyan daw ng PNP. Hinanap nila ang mga salita sa mga provision ng Saligang Batas na tumutukoy sa PNP bilang sibilyan na ahensiya. Ganoon ang takbo ng isip nila…literal, kaya puro sila semplang…dahil sa ugaling palusot!

Ang “chain of command” ay hindi naiiba sa pangsibilyan na “chain of supervision” o “chain of authority”. Kung gusto ni Purisima ay palitan ang “chain” ng “flow” para talagang maging tunog “civilian” ito. Sa isang private organization o sa isang sibilyang ahensiya ng gobyerno, hindi ba may ranking, mula sa pinakahepe o simpleng puwesto na manager hanggang sa pinakamababang puwesto? Paanong dumaloy ang poder o authority? Hindi ba kung pababa ay mula sa manager hanggang sa mga clerk, at kung pataas ay mula sa mga clerk hanggang manager? Ang ganitong prinsipyo ay may kaakibat na respeto sa nakakataas at responsibilidad ng nakakataas sa nakakababa sa kanya. Kung hindi man ito binanggit na literal sa Saligang Batas, dapat nakalagay ito sa Operating Manual ng PNP, kung meron sila nito.

Sa usaping Mamasapano massacre, kung ihahalimbawa ang simpleng daloy ng poder na pangsibilyan, ang clerk ay si Napeῆas at ang pinaka-manager ay ang OIC niya sa PNP, at ang isa pang boss niya ay ang kalihim ng DILG. Sa ganoong sitwasyon, obligado si Napeῆas na magreport sa dalawa. Bakit hindi niya ginawa? Hindi naman si Purisima ang boss niya dahil suspendedo ito, para sundin niya ang lahat ng utos. Dahil ba dikit si Purisima sa pangulo?

Ang pagpapatupad ng responsibilidad ay may kaakibat na respeto sa nakakataas, ano mang organisasyon ang kinasasaniban ng isang tao. Ito ay isang prinsipyo na nakatuntong sa common sense. May unawaan na basta subordinate ay kailangang makipag-alaman sa nakakataas sa lahat ng pagkakataon kung ano ang ginagawa niya, dahil responsibilidad siya ng nakakataas sa kanya.

Binubulasaw ng mga taga-Malakanyang at mga tauhan ng pinaghihinalaang presidente, lalo na ni Purisima at de Lima ang mga simpleng alituntunin ng mga nanahimik na ahensiya. Nanggugulo sila gamit ang kanilang pagmamarunong at pagmamagaling upang mailusot si Purisima at ang pinaghihinalaang presidente. Kung ipipilit nilang walang alituntunin na sumasaklaw sa respeto sa nakakataas sa PNP, para na rin nilang sinabi na magkanya-kanya na lang ang mga pulis ng diskarte….tanggalan ng mga rangko…lahat puro “pulis” na lang…wala nang P01 o P02 o P03, SP01 o SP02 o SP03, etc. Kung ganoon ang pinipilit nila, aba’y hayaan nang magbarilan ang mga pulis kung feel nilang gawin halimbawang mainit ang ulo nila, dahil wala naman silang nirerespetong nakakataas! Dahil sa ganitong takbo ng isip nila, nagulo na nga ang administrasyon ng kinabibiliban nilang presidente!