The Unfairness of the BIR

The Unfairness of the BIR

By Apolinario Villalobos

The headlined statement of the Bureau of Internal Revenue (BIR) that it will not investigate the lifestyle of Gen. Allan Purisima, leaving such instead, to the National Police Commission (NAPOLCOM) and the Department of Interior and Local Governments (DILG), smacks of gross favoritism, and devious unfairness, not expected of a supposedly remaining lone and trusted agency of the perceived immoral government that overflows with personas whose venal desire for the people’s money is bottomless. The hardworking Chief of the said agency seems to have been suddenly doused with cold water in her almost untiring quest to corner tax evaders, most of whom are corrupt officials with their ill-gotten wealth. Was there an instruction given to her? From who?

It is a public knowledge that the Secretary of the DILG has greatly lost his credibility and so with the NAPOLCOM, what with police scalawags who still report to duties despite their conviction for cases that range from “hulidap”, “kotong”, absenteeism, as well as, the thick pile of other cases that are crying for attention. Now, she wants the two agencies with questionable repute to check on a colleague, not just smeared, but covered with a thick muck of dishonesty.

The BIR has the temerity to supposedly run after tax evaders…unfortunately, hardworking individuals whose faults are dots compared to the disgusting dishonest declarations of big corporations. The agency is opposing the exemption of the Christmas bonus of lowly employees from the regular tax deduction, despite its being their only consolation at the end of the year for teeny-weeny luxury to celebrate the season. And, its shallow reason is that, the exemption will “greatly” affect the revenue collection. Revenue that goes to the pockets of corrupt officials and politicians? The agency Chief’s lack of sympathy to the plight of the downtrodden Filipinos is just unthinkable. And, now with the loud and popular clamor for the investigation of General Purisima, with a twinkling glint in her eyes and matching smile, she declares a “hands off”…..

With her inhuman indifference, she added her own link to the chain that is continuously strangling the Filipinos who are now, pitifully chocking to death…

Ang Pagmamalabis ng BIR

Ang Pagmamalabis ng BIR

Ni Apolinario Villalobos

 

Marami na sana ang bilib kay Kim Henares, ang Komisyoner ng Kagawaran ng Rentas Internas o Bureau of Internal Revenue (BIR). Nakitaan siya ng kasipagaan na pinabigat ng katungkulan niya bilang tagahanap ng pera para sa bayan. Subali’t nasobrahan ang kanyang pagkamasigasig, dahil pati ang mga kawawang maliliit na namumuhanan ay pipigain niya para makakuha ng buwis. Pigang-piga na nga ang mga maliliit na tao dahil sa kawalan ng karampatang benepisyo mula sa pamahalaan at sa kaliwa’t kanang nakawan sa kaban ng bayan, lalo pa niyang pipigain. May mapapala pa kaya siya? Baka ang lumabas ay dugo na!

 

Ang sinasabi niyang nakangiti pa sa harap ng kamera ng TV, pare-pareho lang naman daw ang mga kumikitang Pilipino, maliit man o malaki – parehong kumikita. Hindi daw dapat  na mayayaman o yong may malaking kita lang ang dapat buwisan. Maski rin daw ang mga maliliit na tao. Ano naman kaya ang matatapyas niya sa mga kakarampot na kita ng mga may-ari ng maliliit na tindahan at karinderya na ang puhunan ay inutang pa sa Bombay?…sa mga barbero,  manikuresta, pedikurista?…sa mga labandera? …sa mga nagtitinda ng balut?…sa mga namumulot ng plastic at bakal? Oobligahin daw sila na mag-isyu ng resibo. Ano kaya ang isusulat ng tindera sa resibo kapalit ng nabiling dalawang kendi na ang kabuuhang halaga ay dalawang piso?…o ng isang pirasong sigarilyo?…ng isang takal na ulam na ang halaga ay Php30.00 at kanin na Php10.00? Kung ang mga wage earners na may nakatalagang halaga na kita sa isang araw, linggo, o kada kinsena ay nagrereklamo dahil sa kakapusan nito , ang iba pa kayang nabanggit na wala pa sa ikatlong bahagi ng minimum wage ang kinikita at  pahirapan pa?

 

Kusa ba itong napag-isipan ng Komisyoner? o may nag-utos sa kanya…Bakit hindi singilin ng tamang buwis ang mga malalaking kompanya na ang iba ay utay-utay pa kung magbayad? Bakit hindi ibenta ang mga nakatambak  na kumpiskadong kalakal sa Customs upang maipandagdag sa kita ng pamahalaan? Bakit hindi kumpiskahin ang mga sinasabing kinamkam na pera ng bayan mula sa mga opisyal na nagkakahalaga ng kung ilang bilyon?

 

Mabigat na pasanin ng mga Pilipino ang maya’t-maya na lang ay dagdag na buwis subali’t wala namang nakikita o nararamdamang benepisyo. Lalo pang nagpapasakit ang tuluy-tuloy na pagsirit ng presyo ng mga bilihin, lalo na ang bigas, na hindi na nakitaan ng halagang mas mababa sa Php30.00, maliban na lang sa NFA rice na nitong huling araw ay nagtaas na rin ng presyo. Sa kultura ng Pilipino, kung mapapansin, ang mga nagsitaasang presyo ay hindi na nababawasan o bumababa.

 

Okey lang sana ang mag-ambag ng buwis sa kaban ng bayan kung may mga benepisyong mapapala ang mga Pilipino, subali’t ang pinakamababang pension nga ng SSS ay hindi kayang ibili ng pang-maintenance na mga gamot ng mga retirado, at walang subsediya mula sa pamahalaan, hindi tulad sa ibang bansa, ano pang buwis ang aasahan? Walang libreng edukasyon at pati ang mga libro ng mga estudyante ay binibili din… hindi pa naipapasa sa mga nakababatang kapatid dahil ginawa na itong mga “work book”…maliwanag na pinagkitaan.  Ang sinasabing mga  libreng gamot sa mga barangay ay hindi mahagilap, kung meron man sa ibang outlet, halos pa-expire na.  May binabayaran din sa mga ospital na sinasabing libre.

 

Ang pinakamasakit ay ang pagpapataw ng iba’t-ibang buwis sa mga Pilipino at ipinapasok sa kaban ng bayan upang dukutin lamang ng mga tiwali sa pamahalaan! Kaya siguro, panahon na upang magmuni-muni ang pamunuan ng BIR, bago tuluyang mawala ang tiwala sa kanya ng taong bayan…masasayang lamang kung sakali, dahil sa lahat ng mga may katungkulan sa pamahalaan, siya lang ang tanging nakitaan ng “malinis” na imahe.  

 

Dapat alalahanin na maski gamot kung ginamit ng may kalabisan ay nakakamatay…maski pagkain na labis ay nakakaimpatso…at, maski ang kalabisang tubig sa katawan ay nakakasira ng ilang bahagi nito. Kaya, kung magpipilit ang BIR,  maaaring magresulta ito sa lalong pagkawala ng tiwala ng mga Pilipino sa pamahalaan. Karaniwang ugali ng tao ay ang lumaban kapag labis-labis na ang pagtulak sa kanya na humahantong sa pagkakubkob niya sa sulok. Sana hindi umabot sa ganito ang panggigipit…sana hindi natin danasin uli ang mga araw kung kaylan ay hugos ang mga tao sa kalsada at nagsisisigaw ng “tama na, sobra na!” 

Ang DOJ, DBM at BIR

Ang DOJ, DBM at BIR

 

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Nitong huling mga araw kung ilang beses ininterbyu ang pamunuan ng Department of Justice na nagsabing may mga resulta ng imbestigasyon tungkol sa PDAF at nagtuturo sa mga kakutsaba sa loob ng DBM. Ngayon lang nila nalaman? Noon pa man malinaw pa sa sikat ng araw na kung walang kakutsaba sa DBM ay hindi malalaman ng mga NGO at mga mambabatas na meron silang makukurakot na pera ng bayan. DBM lamang ang nakakaalam ng proseso sa pagpalabas ng mga pondo at kung magkano ang maaari nilang magamit sa mga proyekto. Sila rin ang nakakaalam kung paano mapadali ang pagpapalabas, at kung ano pang ahensiya ng gobyerno ang maaaring mag-implementa ng mga proyekto na dati ay diretso, pero ngayon ay idinadaan sa mga NGO.  Kaya siguro natatawa lang si Napoles at mga inaakusahan na mga mambabatas dahil alam nila na mahina ang mga ahensiyang humahawak ng kaso. Kung anu-anong flow chart ang pinapakita sa media para ipaalam marahil na ganoon sila ka-teknikal, pero hindi nila pinansin noon ang DBM na siyang nasa gitna ng lahat ng mga pangyayari. Ngayon nagkukumahog sila sa pagsabi na may kakutsaba sa loob ng DBM, patunay ang mga pekeng SARO na may kaparehong detalye ng mga nasa original na SARO. Simple lang: pag may “SARO” na, pwedeng “bayaran” ng PDAF broker tulad ni Napoles ang mambabatas ng “down payment”, kaya kailangan ang peke para makuha agad ang pera, at pag na-release na ang budget, saka ibibigay ang balance sa mambabatas – in cash. Sa puntong ito mapapalitan na ang pekeng SARO ng original na talagang pirmado na kaya nga nakapag-release na ng pondo. Sino ang pwedeng gumawa nito? EH di ang mga taga-loob ng DBM! At paano nga pala ang ginawa ng DBM na dalawang budget sa iisang SARO? Kaya halos umiyak yong kongresman na taga-Mindanaw (yong palaging nagba-bike pag pumasok sa kamara), dahil ang kakarampot niyang PDAF ay “isinakay” sa SARO ng isang ahensiya na bilyon perang tinutukoy kaya sa kanya na-reflect ang malaking halaga at nakaligtas ang ahensiya. Naghugas kamay ang DBM pagkatapos mabisto ang nangyari. May ginawa ba sa empleyado o mga empleyado na may kagagawan? Wala akong nalaman tungkol dito. Ngayon, sinasabi ng DOJ, may kakutsaba sa DBM…ganoon sila ka-“talino”!

 

Wala talagang binatbat pagdating sa common sense ang mga ahensiya ng gobyerno kaya naubos na ang buhok ng isang tao sa “itaas” sa kakakamot ng kanyang ulo. Tulad ng BIR na kung hindi ba naman pahamak, ay kung bakit itinayming ang kaso ni Pacquiao sa pag-uwi nito galing sa isang matagumpay na laban kay Rios. Inaadhika ni Pacquiao ang pagtulong sa mga nasalanta ng Yolanda, pero ito ang BIR, ini-freeze ang pera ng tao kaya tuloy nagkanda-utang ng perang pambili ng mga ibibigay sa mga biktima ng Yolanda. Dikta ng simpleng analisa at common sense ay kung hindi nagbayad ng tax si Pacquiao  noong dalawang taong tinutukoy ng BIR, hindi na siya dapat nagkaroon ng laban ng sumunod na taon (2010). Istrikto ang Amerika pagdating sa buwis kaya kung hindi  nagbayad si Pacquiao noong 2008 at 2009, dapat nasita na siya ng IRS ng Amerika noong 2010. Bakit pinagpipiltan ngayon ng BIR na hindi nga nagbayad si Pacquiao. May dahilan ba? Nakakawala tuloy ng respeto ang ginagawang ito ng BIR na idinadaan ang lahat sa pagngisi! Ngayon, yong tao sa “itaas” ang napagbubuntunan ng galit ng tao. Kawawa naman….