Kung “Asset” si BJ Sebastian, ayon kay de Lima…

KUNG “ASSET” SI BJ SEBASTIAN, AYON KAY DE LIMA

Ni Apolinario Villalobos

 

 

NGAYON, SINASABI NAMAN NI DE LIMA NA “ASSET” SI BJ SEBASTIAN, IBIG SABIHIN AY GINAGAMIT NG GOBYERNO UPANG KUMALAP NG MGA IMPORMASYON SA LOOB NG BILIBID TUNGKOL SA DRUG TRADE. KUNG GANOON,…

 

  • DAPAT AY HINDI NIYA PINAGYAYABANG ANG DAPAT SANA AY CONFIDENTIAL NIYANG PAKIKIPAG-USAP KAY DE LIMA; SA HALIP AY MAY KAYABANGAN PANG PINAPAKITA SA IBANG DETAINEE ANG PAKIKIPAGKITA SA KANYA NI DE LIMA SA KANYANG KUBOL NA INAABOT NG KUNG ILANG ORAS….LOW PROFILE LANG SIYA DAPAT AT HINDI NAKAPAG-UUTOS PA SA MGA TAUHAN NG BILIBID.

 

  • DAPAT AY ISINAMA SIYA SA GRUPO NG 19 HIGH PROFILE INMATES NA INILIPAT NANG PANSAMANTALA SA NBI DETENTION FACILITIES UPANG PATULOY SIYANG MAKAKAPAGMANMAN SA MGA KILOS NG MGA DRUG LORDS….SUBALIT HINDI GINAWA KAYA NANG MAIWAN SIYA SA BILIBID AY NA-SOLO DAW NIYA ANG DRUG TRADE.

 

  • DAPAT AY HINDI SIYA CONVICTED PERSONALITY, KUNDI GUMAGAMIT LAMANG NG SHAM O FAKE CONVICTION RECORDS DAHIL SIYA NGA AY “PLANTED” LANG.

 

  • DAPAT SIYA AY KONEKTADO BILANG EMPLEYADO NG ALIN MANG AHENSIYA NG GOBYERNO NA MAY KINALAMAN SA SEGURIDAD NG BANSA TULAD NG MILITAR O PULIS.

 

  • DAPAT AY LUMABAS NA SIYA NGAYON SA BILIBID PRISON UPANG TULUYANG PABULAANAN ANG MGA SINABI NG MGA WITNESSES LABAN KAY DE LIMA DAHIL SUMABOG NA ANG ISYU.

Dapat Huwag Ibalik sa Dating Puwesto ang mga Guwardiya ng National Bilibid Prison

Dapat Huwag Ibalik sa Dating Puwesto ang Mga Guwardiya

Ng National Bilibid Prison

Ni Apolinario Villalobos

 

Okey na sana ang planong pagtanggal sa puwesto ng dating mga guwardiya ng National Bilibid Prison upang ipasa-ilalim ng training. At, pansamantala ang papalit ay ang Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP). Subalit nang banggitin sa balita na ibabalik din pala sa dati nilang puwesto ang mga guwardiya pagkatapos ng kanilang training ay tila hindi maganda dahil ang mga sangkot sa mga katiwalian subalit hindi naaktuhan kaya hindi rin nakasuhan ay SIGURADONG babalik sa dati nilang ginagawa. Ano ang halaga ng “training” kung ikumpara sa libo-libong pisong pantukso ng mga detinadong drug lords sa mga guwardiyang ang tinatanggap kada buwan ay “suweldong gutom”?

 

Kung kamay na bakal ang paiiralin sa Bilibid upang mapaayos ang sistema, dapat gawan ng pagbabago ang mga panukala tungkol sa assignment ng mga guwardiya. Dapat isiping “operational” ang uri ng trabaho ng mga guwardiya kaya maaari silang ilipat ayon sa pangangailangan ng ahensiya. Ito lang ang paraan upang maging “patas” sa lahat ng mga guwardiya ang desisyon – sa mga tiwali man pero hindi nahuli, at ang mga “malilinis” pero ayaw makipagtulungan kaya tuloy sa pamamayagpag ang pag-operate ng mga drug lords kahit nasa loob sila ng kulungan.

 

Hindi tanga ang mga Pilipinong nagpapakahirap sa pagbayad ng buwis, upang pagpaniwalain na hindi alam ng LAHAT sa loob ng Bilibid ang mga nangyayari. Kaya bilang parusa sa mga guwardiyang ayaw makipagtulungan, nararapat lang ang paglipat sa kanila…na siyang inaasahan!

Nakakabilib ang Ginagawa ng BUCOR (Bureau of Correction)

Nakakabilib ang Ginagawa ng BUCOR (Bureau of Correction)

Sa Kasalukuyan

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno ni Ricardo Rainier G. Cruz III, nakakabilib ang ginagawa ng kagawaran sa kabuuhan upang magkaroon ng pagbabago sa National Bilibid sa abot ng kanilang makakaya. Nagpakita sila ng katapangan at katatagan sa maya’t mayang pag-raid ng mga selda, lalo na ang pagsira ng mga maluluhong pinagawa ng mga detinadong may kaya. Sinira nila ang swimming pool, ang animo ay condo, isa pang mala-hotel room, at marami pang iba.

 

Marami ang nasaktan noon dahil nadamay sa pagbatikos sa mga nakaraang pamunuan bunsod ng kalamyaan nila sa pagpatupad ng mga patakaran, kaya kahit na ang ginawa ni Secretary de Lima noong personal itong mag-inspection ay hindi naipagpatuloy. Hindi lahat ng nakatalaga sa National Bilibid ay masama, lalo na ang mga walang direktang kontak sa mga detinado. Sila ang mga inosenteng nakatalaga sa opisina ng nasabing pasilidad, kaya nabanggit ko noon na walang silbi ang pagpalit ng namumuno kung walang drastic o mapusok na pagbabago tulad ng total na pagpalit-palit ng mga direktang guwardiya upang maiwasan ang fraternal closeness sa pagitan nila at ng mga detinado.

 

Tahimik ang pag-upo ng bagong namumuno sa BUCOR kaya marami ang nagulat nang ma-interview siya sa isang radio station. Nagpapahiwatig na iba ang kanyang pagkatao – tahimik na ang layunin lang ay maisaayos ang kinakaharap na problema. Talagang mahirap ang kalagayan ng Bilibid dahil sa kakulangan ng budget, at dapat ding unawain na ang pagbabago ay imposibleng makakamit sa magdamag. Ganoon pa man, marami ang nagdadasal na sa pagkakataong ito, sana ay talagang magkaroon ng malawakang pagbabago sa loob ng Bilibid.

May Bagong Pinuno ang Bilibid Prison pero datihan pa rin ang mga tauhan…magkakaroon kaya ng pagbabago?

May Bagong Pinuno ang Bilibid Prison
pero datihan pa rin ang mga tauhan
….magkakaroon kaya ng pagbabago?
Ni Apolinario Villalobos

May bagong pinuno ang Bureau of Corrections na ayon sa balita ay ka-barilan daw ni Pnoy. Umiral pa rin pala ang buddy system. Ganoon pa man, nangako ang bagong pinuno na si retired General Ricardo Rainier Cruz III, na gagawin niya ang lahat para magkaroon ng pagbabago ang Bilibid. Ilan nang mga pinuno ng nasabing kulungan ang nangako subalit napakộ lang. Kaya hindi na siya dapat mangako pa kung ayaw niyang mapahiya lang.

Hangga’t hindi nagkaroon ng total overhaul ng mg tauhan sa Bilibid, walang pagbabagong mangyayari, dahil ang mga taong ito ang nagbabantay sa mga priso, at hindi ang pinuno. Sila ang kadupang-palad ng mga priso na dahil sa pera ay itinuring na mga “kabalyero”. Ang mga gwardyang ito na may kontak na direkta sa mga priso ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng katiwalian sa nasabing kulungan. Kaya kahit araw-araw man maglabas ng daan-daang kautusan na naka-memo pa ang pinuno, siguradong iismiran lang siya, pagtalikod niya.

Kung maaari nga lang ay palitan ang mga dating bantay ng military personnel na itatalaga sa nasabing kulungan on rotational TDY or temporary duty. Sa ganitong paraan lang mawawala ang aspeto ng “familiarity” na nadi-develop upang maging malapit ang mga priso sa mga bantay. At, wala na ring dahilan ang Bureau of Corrections, sa pagsabi na kulang sila sa personnel kaya hindi lahat ng priso ay nababantayan nila 24/7.

Napapansin din na wala man lang napaparusahan sa mga nahuling tiwaling mga guwardiya ng Bilibid. Iniisip tuloy ng marami na may kutsabahang nangyayari sa pagitan nila at kanilang mga superior. Nabisto rin na hindi lang pala droga ang pinagkikitaan sa loob kundi pati prostitution pa. Ano pa kayang anomalya ang maaaring umiral sa kulungang ito?

Walang pakundangan kung gumamit ng pera ang mga Tsinong drug lords sa loob upang makapagpatuloy sila ng operasyon. Napatunayan ding walang epekto ang pansamantalang pagkalipat nila sa kulungan ng NBI dahil doon ay nakapag-operate pa rin gamit ang ipinuslit na mga cell phone sa kanila, at sa pagkakataong ito, ang gumawa ay mga tauhan naman ng NBI!

Kaylan lang ay ibinalik na ang mga Tsinong drug lord sa Bilibid, kaya lalong sasaya na naman ang mga araw nila sa piling ng mga dating mahal nilang mga bantay!

Ngayon, ang bagong pinuno namang ka-barilan ni Pnoy ay nagpapakitang gilas, subalit hanggang kaylan?…tatagal kaya siya kahit wala na si Pnoy na sinasandalan niya?