The “Personal God” in the Bible and the “Personal Saints” of Today

The “Personal God” in the Bible

And the “Personal Saints” of Today

By Apolinario Villalobos

 

Passages in the Bible mention about personalities who “walked with their personal God”. The Israelites of the Bible are said to be “Chosen People”… by whom?…of course, their “personal God” who hated the rest of the peoples at the time so that “He” commanded the Israelites to eradicate them from the face of the earth, so that they could occupy their land. (That for me was the first case of LAND GRABBING to the highest level!). Of course, I will be contradicted by some viewers by saying that those people that the Israelites must exterminate were pagans, heathens, who did sodomy, etc…..fine. But if the “God” of Israel was really the “God” of all, being the “creator” of everything in the universe, why must “He” command the early Israelites to do the killing when all that “He” could have done was sweep them off with a strong and blinding desert sandstorm or torrential rain of fire? (SOME Filipino Catholic Church leaders and Christian human life advocates kuno must have missed the message of this legendary story – eradication of the heathen, the bad people…because they keep on attacking instead, the guy who wants to eradicate them….the guy is Duterte who wants to eradicate the bad drug personalities!)

 

The above-mentioned story is a clear indication of the ET (extra-terrestial) characteristics of what the Israelites of the Bible referred to as their “Lord”.  For me, the Israelites’ “Lord” could be the “messenger” of the true God. There are passages in the Bible about what some prophets allude to what we call today as space ships. I believe nothing is wrong with that if those “Lords” of the Bible were really the early missionaries of the true God, and who came to Earth… did several experiments using what they found when they landed, such as the uprightly walking apes and their (ET) own genes, until they succeeded in producing intelligent humans in their own image. The passage of the legend says “THEIR”, and not “HIS”, a reference in plural form….indication that the creation legend involves a group, not an individual. It is said that legends are basis of traditions that are oftentimes proved later on, to be credible. That is the reason why continued archaeological diggings have been proving the truthfulness in the passages of the Bible…and more are being done to show more truths.

 

Still on the “personal” thing…. if all saints are Godly and of course, good, why classify them according to “what they can do or heal?”. Why not just view all of them as “models” of what man should be, aside from helping him connect with God in times of his need? Why must a certain saint be good for a certain ailment, for instance? Why must some be treated as the “most effective” “go between” with God for some wishes? Why must there be personal saints? Are these saints expected to choose who to help among the living? If this practice among the Catholics is wrong, why is the Church tolerating it?

 

My personal view is that there is a massive misinformation about how man should “truly” live his life accordingly. The responsible guys just want to increase the number of their “flock” for the money that is involved. Everybody knows that for a dead to be blessed there are standard fees depending on where it is done – at home or house of worship, as do are baptizing and marrying couples. A fee is a fee as it involves money regardless of the amount and denomination. I do not view this as wrong if only the concerned guys are not hypocrite in denying the glaring facts. They need the money for subsistence, too, but for their God’s sake, they should be frank about it!

 

I appreciate the mushrooming of the new Christian Ministries to which the enlightened run to seek spiritual solace – to the Ministers who are honest about the tithes that they receive which are sincerely given for their support, tithes that are not necessarily  “love offering to the Lord”…but tokens of appreciations for their sacrifice.  I also appreciate the honesty of these Ministers regarding their status in life, such as being happily married and having children.

 

On the other hand, what I question is the breaking of promises made by the so-called “shepherds of the Lord” who prostrated themselves in front of the altar where they mumbled “vows” not to get married, but later molested innocent teenagers and unsuspecting widows…vowed not to amass wealth, but are driving cars. There is one guy at the Vatican who keeps on calling for the repentance of SOME of his “colleagues” who are very obvious in their wrongdoing. His voice must be hoarse by now and still, nobody among the CONCERNED listens to him!…poor Francis!

 

My calling the pope by his first name is not a sign of disrespect, but fondness as he himself expressed that does not want to be treated “royally” , but just like anybody else….unlike SOME of his colleagues who do not deserve even a teeny-weeny pinch of respect, yet, wanted to be addressed as REVEREND!

Survival and Free Will

Survival and Free Will

By Apolinario Villalobos

 

 

I just cannot help but notice that we seem to be reverting back to the days of the Old Testament….every race fighting for survival, and each having a “priest”. For the Christian soldiers, they have their “chaplain” who says Mass or whatever religious service that applies…soldiers are blessed with “holy water” or “prayed over” before they depart for battle. Islamic faithful have their Imams. And, just like in the Old Testament, hideous pagan practices have also proliferated which are viewed as part of the normal way of life.

 

Still, another opinion…there may not be a total cleansing of the world that will come, because, such cleansing could be happening right now – through epidemics, pockets of wars, calamities, inventions that prove more destructive than constructive, and famine. Practically, man is into self-annihilation. But, with the bad, there is the good which is about those who chose the Right Path, and who will remain standing at the end of the day!…that is how Free Will works!

 

Along this observation, my suggestion is that we should not compare our faith with that of others as the best way towards salvation, as it all depends on HOW we put our faith into practice. Also, we should tolerate “free will” to the fullest, for as long it will not harm anybody when put to practice by the one who made a choice which for him is right.

Simpleng Tanong na Ikinahihiyang Itanong ng Iba: May Loud Speaker o Sound System na Kaya Noong Panahon ni Moses

Simpleng Tanong na Ikinahiyang Itanong ng Iba:

May Loud Speaker o Sound System

Na Kaya Noong Panahon ni Moses?

Ni Apolinario Villalobos

 

Huwag sanang magalit sa akin ang makakabasa ng titulo lang. Hindi ako namimilosopo dahil ang tanong ko ay simple at maaaring kinahihiya lang na itanong ng ibang nagbabasa ng Bibliya dahil baka pag-isipan silang “simple minded”…o bobo. Hindi ko rin kinokontra ang Bibliya dahil isa ito sa pinakapaborito ko, pati Koran, Webster Dictionary, at National Geographic.

 

Kaya ako nagtatanong nito ay hindi ko maunawaan kung paanong narinig halimbawa si Moses ng libo-libong mga Israelitas na tumakas mula sa Ehipto at naglakbay sa disyerto sa loob ng 40 taon hanggang sa sila ay pumirmi sa “Pinangakong Lupain”. Hinati ang mga Israelita sa 12 na tribu noong nagreklamo si Moses sa tinawag niyang “Lord”. Nahirapan siya sa pamamahala sa kanila dahil sa katigasan ng kanilang ulo na humahantong sa maingay na pagreklamo. Upang mabawasan ang kanyang pasanin ay pinasailalim ang mga tribu sa kani-kanilang “prinsipe”. Subalit ito ay nangyari sa bandang huling yugto na lang ng kanilang paglalakbay sa disyerto. Ganoon pa man, kahit nahati na sila, malaking hindi hamak pa rin ang kanilang mga numerong daan-daang libo. Kung sa grupo ngang wala pang isang libo ang mga miyembro ay hindi na nagkakarinigan, paano na kung daan-daang libong katao pa?

 

May isinasaad sa Bibliya na gumamit daw sila ng tambuli at bawat tribu ay may kanya-kanyang uri ng tunog nito. May mga tunog ding naghuhudyat ng dapat nilang gawin tulad ng pagtigil sa paglakad, pagtayo at pagbaklas ng tent nila at ng tabernakulo, pagsimula uli ng lakad, etc., pero sapat na kaya ang tunog ng tambuli o trumpeta? Kung walang loud speaker, gumamit kaya sila ng “message relay system”, isang sistema na pagpasa ng mga mensahe mula sa nakarinig na nasa unahan at nagsasabi sa mga nasa likod nila, na pinapasa naman nila sa nasa likuran nila, hanggang makarating sa mga nasa pinakalikurang bahagi?

 

Kung ginabayan sila ng “pillar of fire” o sa literal na translation ay isang animo’y “nag-aapoy na haligi” kung gabi, at sa araw naman ay ulap na animo ay nagliliwanag….. ang mga ito kaya ang nakatulong upang magkarinigan sila…paano?

 

Noong nagsalita si Hesus sa isang burol kung saan ay nagkaroon ng milagro na pagkasya ng pagkain para sa mga libo-libong tagasunod niya mula sa iilang piraso ng isda at tinapay, gumamit kaya siya ng mikropono upang marinig ng lahat ang mga sinabi niya? Kung sumigaw man siya sa pagsalita, umalingawngaw kaya ang kanyang boses kahit walang mikropono upang marinig ng lahat?

 

Maraming sinasabing milagrong nangyari noong panahon ng Bibliya na pinaniniwalaan ng mga nanalig, subalit ang tila nakaligtaan ay ang aspeto ng komunikasyon, lalo na kung paanong magkarinigan ang mga daan-daang libong tao kung magsalita ang kanilang mga lider at nang panahong namahagi ng kanyang mga salita si Hesus.

 

Marami pa yatang sikreto sa archive ng Vatican ang hindi pa naipapamahagi sa mga nananampalataya upang hindi masira ang tiwala nila sa mga namumuno, lalo na sa santo papa.

Dapat nating isaalang-alang na hindi kawalan ng tiwala o pananampalataya ang pagtatanong bagkus ito ay nangangahulugan ng interes sa panig ng nagtatanong. Paano mo halimbawang mamahalin ang isang tao kung hindi mo lubusang kilala ang kanyang pagkatao? O di kaya ay, papaano mong masasabing ligtas na kainin ang isang pagkaing hindi pamilyar sa yo kung hindi mo aalamin kung ito ba ay nakaka-allergy, or nakaka-LBM (nakakatae o loose bowel movement), etc?

 

Ang Pagpapalaganap ng Pananalig o Pananampalataya

Ang Pagpapalaganap ng Pananalig o Pananampalataya

(tungkol ito sa “chain prayer” at iba pa)

Ni Apolinario Villalobos

 

Maraming paraan ang maaaring gamitin sa pagpalaganap ng pananalig o pananamapalataya sa Diyos. Subali’t magandang gawin ito sa paraang walang karahasan o pamimilit.

 

Ang isang halimbawa ay ang ginagawa ng ISIS sa Gitnang Silangan na gumagamit ng dahas upang maisakatuparan ang hangad nilang mapalawak ang pamumuno ng “Islamic Caliphate”. Inabuso din nila ang tunay na kahulugan ng “jihad” na ginamit nilang pangbalatkayo sa pulitikal nilang layunin.

 

Ang iba naman ay gumagamit ng “literal” na kahulugan ng mga sinasabi sa Bibliya upang ipakita na malawak na ang narating sa kababasa ng nasabing libro. Hindi man lang nila naisip na ang Bibliya ay may iba’t-ibang bersiyon na ginagamit ng iba’t- iba ring relihiyon. Ang matindi pa nga ay ang sinadyang pagkaltas ng ibang bahagi ng nasabing libro upang umangkop sa layunin ng mga namumuno ng relihiyon.

 

May mga taong sumasampa sa mga bus at jeep o di kaya ay nagtitiyagang magsalita sa matataong lugar tulad ng palengke. Ang iba naman ay naghahanap ng makikinig sa kanila kaya umiistambay sa mga mall at liwasan o park tulad ng Luneta. Karamihan sa kanila ay nag-resign sa trabaho upang bigyan ng halaga ang “nararamdaman” daw nilang utos sa kanila ng Diyos, kaya ang resulta….pagtigil ng pag-aaral ng mga anak, at kagutuman ng pamilya. Ang mga nasa palengke naman ay matiyaga din, at kadalasan ay grupo sila – habang ang isa ay nagsasalita o kumakanta sa harap ng mikropono, ang mga kasama naman niya ay nakakalat hanggang sa paligid ng palengke na hindi na abot ng loud speaker, lumalapit sa mga tao habang may hawak na lagayan ng “donation”.

 

Noong wala pa ang computer, ang tawag sa daluyan ng teknolohiyang hatid ng radyo at telebisyon ay “air wave”. Ngayon naman ay may mas malawak na daluyang kung tawagin ay “cyberspace”. Kung noon ay may “air time” na binabayan ang mga maperang pastor na kung tawagin naman ay “block timer” upang magpalaganap ng mga salita ng Diyos ayon sa kanilang paniniwala, ngayon ang napakasimpleng gagawin lang ng isang tao ay magbukas ng facebook account, at presto!…mayroon na siyang venue, o outlet, o labasan ng kanyang mga saloobin.

 

Ang “facebook” naman ay para lang sana sa mga larawan ng mga magkaibigan upang maipakita nila ang  aktwal nilang hitsura o mga ginagawa lalo na ng pamilya, na maaring samahan ng maikling bagbati. Subalit dahil nakita ang lawak ng inaabot ng facebook, naisip ng mga may malakas na pananampalataya na magpalaganap ng kanilang paniniwala sa pamamagitan ng paglagay sa “frame” ng mga dasal na ginamit sa “chain” o tanikala upang marami ang marating na kaibigan. Ang nakasama ay ang “babala” o warning na kung hindi ipagpapatuloy ng nakatanggap ay may mangyayaring sakuna o kamalasan sa kanyang buhay. Ang mga may mahinang pundasyon ng pananalig ay natataranta at natatakot dahil kung minsan ang natatanggap nila ay may warning na  “dapat ay sa 50 na kaibigan” ipaabot. Kaya ang mga kawawang nakatanggap na ang kaibigan sa facebook ay wala pa ngang 10 ay  hindi na magkandaugaga sa paghanap ng iba pang tao kahit hindi gaanong kilala upang umabot lang 50 ang kanyang padadalhan! Ang iba ay hindi makatulog dahil dapat daw ay ikalat ang dasal sa loob ng 24 na oras!

 

Sa isang banda, hindi dapat ipinipilit ang pagyakap sa isang paniniwala na mula’t sapul ay ayaw ng isang tao. Hindi dapat idaan sa “chain prayer” ang pagpapalaganap ng pananalig sa Diyos, kung mismong ang nagpadala ay hindi rin gumagawa ng dapat gawin ayon sa dasal na ikinakalat niya. Paano kung ang pinadalhan ay bistado ang ugaling masama ng nagpadala? Alalahaning hindi nakokontrol ang ganitong uri ng pamamahagi o sharing at hindi maiwasang magkakabistuhan ng ugaling “plastic”. Ang mangyayari niyan, baka libakin pa ang nagpada ng “chain prayer”, ng mga pinadalhan niya dahil sa kanyang pagkukunwari. Yan ang dapat pag-ingatan sa paggamit ng “social media” tulad ng facebook.

 

At, ang pinakamahalaga….dapat alalahaning, mas malakas ang internet sa “itaas”….iba ang gusto ni Lord na mangyari, ang ipakita sa gawa at kilos ang mga Salita Niya, hindi ipakalat sa facebook na may kasamang pananakot….dahil marami nang taong pagod sa mismong pananakot ng ibang relihiyon na ang gagawa ng masama ay “mahuhulog sa nag-aapoy na impyerno”!

 

Ang Tao Bilang Nilalang ng Diyos

ANG TAO BILANG NILALANG NG DIYOS

Ni Apolinario Villalobos

 

PAALALA: Ang blog na ito walang layuning magpasimula ng pagtatalo tungkol sa iba’t ibang paniniwala sa Diyos lalo na sa relihiyon at tradisyon, kaya WALANG KARAPATAN ANG IBANG KWESTIYUNIN ITONG MGA PANSARILI KONG PANANAW. Walang karapatang magbigay ng paalala ang mga nagmamaangan-maangang maka-Diyos daw. At, dahil wala akong binabanggit na relihiyon o tradisyon dito, ang pakiusap ko ay huwag ding magbanggit  nito ang sinumang gustong magkomento. Ituturing kong pansariling pananaw ng nagbasa ang komentong sasabihin niya, kahit hindi umaayon sa mga inilahad ko, kaya hindi ko rin dudugtungan ng tanong o komento. At, lalong ayaw kong ipilit sa iba itong mga pananaw ko.

 

  1. Ang haharap sa Diyos pagdating ng panahong mawala sa mundo ang isang tao ay ang kanyang ispiritu…HINDI ANG KANYANG KATAWANG LUPA. Pagdating ng kanyang kamatayan, HUMIHIWALAY ANG ISPIRITU SA KATAWANG LUPA. Kaya ang mahalagang gawin ng isang tao ay magpakabuti habang buhay pa upang mabawasan man lang ang kanyang mga kasalanan, nang sa ganoon, pagharap niya sa Diyos ay hindi siya mahihiya, at makaakyat siya sa langit kung meron man nito. Ang naiwang katawan na kini-cremate o nilalagay sa kabaong upang ilibing ay wala nang silbi subalit dapat respetuhin. Kahit bendisyunan o basbasan pa ito ay wala ring mangyayari kung ang iniisip ng iba ay makakatulong ang pagbendisyon upang mawala ang mga kasalanan niya, dahil ang katawan ay itinuturing bilang “lupa” na lamang, kaya sa Ingles, ang tawag sa bangkay ay “remains” – natirang bagay.

 

Sa pagkabulok ng bangkay, ito ay hahalo na sa lupa, hindi aakyat sa langit o magdudusa sa impyerno kung meron man nito. Ang Diyos naman ay maaaring “magtatanong” sa ispiritu kung ano ang pinaggagawa ng katawan niya noong buhay pa ito, at hindi magtatanong kung ang bangkay ba niya ay binendisyunan o binasbasan sa isang katedral, simbahan, kapilya, punerarya, bahay, Multi-purpose Hall, o bangketa kung saan ginawa ang lamay. Hindi magtatanong ang Diyos kung mahal ba o mura o donated ang kanyang kabaong, o di kaya ay diretsong inilibing ang kanyang bangkay, o sinunog ba, o kung marami ang nakipaglamay, o kung sino ang nagbasbas, o kung may videoke ba o nagpasugal nang gawin ang lamay upang makalikom ng pera.

 

  1. Ang mga ispiritwal na bagay ay may kaugnayan sa Diyos o pananalampalataya kaya hindi dapat ihalintulad sa mga maka-mundong gawain tulad ng pagpapatakbo ng negosyo, gobyerno, o organisasyon na magiging kadahilanan ng pagkapagod kaya kailangan ang isa o dalawang araw na day off. Hindi rin saklaw ng panahon ang mga ispiritwal na bagay kaya hindi dapat kinokontrol ng oras o araw, hindi tulad ng mga maka-mundong bagay o gawain. Ang pagpapahinga ng Diyos na sinasabi sa Bibliya tungkol sa “creation”, kung saan ay binanggit ang pagpahinga niya sa ika-pitong araw ay isang alamat o legend. Hindi ito dapat gamiting batayan upang magpahinga ng isang araw ang isang bahay-sambahan, sa pamamagitan ng pagsara ng kanilang “opisina” dahil nagagawan naman ng paraan upang maging tuloy-tuloy ang pagsilbi sa mga pangangailangang ispiritwal ng mga kasapi.

 

Kung ang namumuno sa isang bahay-sambahan ay magpupumilit ng patakaran tungkol sa araw ng pamamahinga at tatanggi sa mga suhestiyon bilang paraan kung may problema, lumalabas na siya ay makasarili o mayabang dahil gusto niyang manaig ang pansariling pamamalakad, kaya sa halip na makahikayat ng mga bagong kasapi ay magtataboy pa siya ng mga dati nang kasama…at ang gawaing nabanggit ay pagsalungat sa kagustuhan ng Diyos.

 

  1. Hindi nangangahulugang dahil namumuno na ang isang tao sa isang bahay-sambahan, ay marami na siyang alam at ang mga pinamumunuan niya ay wala o maraming hindi alam. Wala siyang karapatang kumilos na animo ay pantas sa larangan ng relihiyon, dahil ang kaibahan lang niya sa iba ay ang “diploma” lang naman mula sa eskwelahan ng pananampalataya kung saan siya kasapi. Sa makabagong panahon ngayon, marami nang paraan kung paanong mapalawak ng isang tao ang kanyang kaalaman sa anumang larangan, kasama na diyan ang tungkol sa Diyos at relihiyon, at hindi niya kailangang magkaroon ng diploma dahil dito.

 

SA MATA NG DIYOS, LAHAT NG KANYANG NILALANG AY PANTAY-PANTAY AT KUNG MAY MGA NAITALAGA MANG  “MAMUNO” KAYA KAILANGAN NILANG MAG-ARAL PA,  SILA AY HINDI DAPAT MAGYABANG DAHIL ANG MGA PINAG-ARALAN AY DAPAT GAMITIN SA TAMANG PARAAN UPANG MAKAHIKAYAT PA NG MARAMING KASAPI, AT ANG PAMUMUNO AY MAY HANGGANAN ….SA IBABAW NG MUNDO.

 

The “Overwhelming” Papal Power

The “Overwhelming” Papal Power

By Apolinario Villalobos

As every Christian knows, the Apostles spread themselves to proclaim the teachings of Jesus Christ. Congregations were addressed by authors of Epistles in the New Testament, and these messages contained instructions. Among these congregations were those located in Rome where, Christianity was supposed to have been planted after the Pentecost. Traditionally, the congregations had elders who served as administrators, but nobody among them acted superior than the rest. The elders acted with equal authority, during which time there was no so-called “bishop” or “pope”, yet.

The development of the “monarchial” leadership was during the second century. But the title “pope” was first used by the Bishop of Rome, Callistus, during the third century. Later, the title evolved as a firm official reference to the Bishop of Rome exclusively, as insisted by Pope Leo I. He also used the pagan title “Pontifex Maximus”, which is still used until today, although, such title was also used by the pagan Roman Emperors until the end of the fourth century. Leo I based his insistence on what Jesus said about Peter as the first among the Apostles, therefore, the St. Peter’s Church in Vatican should be the premier Church among the rest of Catholic Churches. With this basis, it was made clear that while “the emperor held temporal power in Constantinople in the East, the pope exercised spiritual power from Rome in the west”. Such authority was manifested when Charlemagne was crowned by Pope Leo III as the emperor of the Holy Roman Empire.

Governments around the world viewed the pope, as the “ruler” of a separate sovereign state – the Vatican City. In this view, the Roman Catholic Church unlike the rest of religions, has the privilege to send officials vested with diplomatic authority to duly recognized governments around the world. Among the titles of the pope are: Vicar of Jesus Christ, Successor to the Prince of the Apostles, Supreme Pontiff of the Universal Church, Patriarch of the West, Primate of Italy, Sovereign of the Vatican City. When attending official ceremonies, he is accorded with pompous honor, appropriate for the Head of a State.

Could the current pope, Francis, have realized the overwhelming papal power that he cringed with remorse, thereby, deciding to live in an “apartment” rather than the “palatial” official residence? Compassion is among his advocacies…and this can only be done if he lives among his “flock”.

Ang Arkilahan ng mga Kung Anu-ano

Ang Arkilahan ng mga kung Anu-ano
Ni Apolinario Villalobos

Sa ibabaw ng mundo, mula’t sapul ay nauso na ang arkilahan. Sa Tsina, isa sa mga bansa na may pinakamatandang kultura, mula pa noong unang kapanahunan nila, umaarkila na ng mga mangigiyak kung may patay. Ngayon, hindi lang mangingiyak ang inaarkila nila kundi mga halos hubad na mananayaw upang makaakit ng mga taong makikipagluksa. Kamakailan lang, sa Tsina pa rin ay may lumabas na web site para sa mga pwedeng arkilahang taga-bugbog ng mga nangbo-bully sa school at opisina.

May tinatawag na mersenaryo, o mga sundalong bayaran na may ibang nasyonalidad at lahi na pwedeng bayaran upang magamit ng mga bansang nangangailangan ng serbisyo nila. Itong gawain ay talamak kahit noon pa mang panahon ng mga tao sa Bibliya. Ayon sa mga komokontra sa isyu na naging alipin daw ang mga Hudyo (Jews) sa Egypt kaya inilabas ni Moses, ang totoo raw, binayaran ang kanilang serbisyo upang magtrabaho sa iba’t ibang proyekto, kasama na ang paggawa ng mga piramida (pyramid).

Uso din mula pa noon ang pag-arkila sa serbiyso ng mga mamamatay-tao. Isa ito sa mga negosyo ng Mafia sa Estados Unidos, at ng iba pang mga gang-style na samahan sa iba’t ibang panig ng mundo. At, siyempre kasama na diyan ang Pilipinas, kung saan ay napakamaraming inaarkilang mamatay-tao, lalo na ngayon, kaya nga may mga kuwento na sa halagang limang libo ay pwede ka nang magpatumba ng tao sa Pilipinas, basta tama lang ang koneksiyon.

Hind lang taong buhay ang inaarkila, lalo na sa Maynila. Kahit patay ay inaarkila ng mga sindikato na gustong magpasakla, lalo na sa mga squatters’ area. Kalimitan, ang pinapaarkila ay mga patay sa punerarya na naka-freezer habang naghihintay ng claimant. Ibig sabihin kasabwat ang mga tiwaling punerarya, para siguro mabawi ang ginagastos nila sa “freeze storage” na kumakain ng espasyo at kuryente. Sa ganitong gawain, naghahanap ang sindikato ng isang pamilya na talagang naghihirap upang maakit sa perang magiging bahagi nito mula sa kikitain ng sakla. Gagawa sila ng kuwento tungkol sa pagiging magkamag-anak ng patay at may-ari ng bahay. Upang malaki ang kita, kung minsan, inaabot ng hanggang dalawang buwan ang “lamay”.

Marami pang bagay ang inaarkila upang maging magamit pansamantala ng mga nangangailangan, kasama na diyan ang tirahan, mga gamit para sa party lalo na videoke, balloons, silya, mesa, at clowns o payaso, di kaya ay mga magicians. Ang mga sasakyan ay inaarkila din, pati mga gamit panluto.

Meron ding inaarkilang tagapagdasal sa labas ng malalaking simbahan ng mauunlad na lunsod tulad ng Maynila at Cebu. Sa Cebu, ang dasal ay may dagdag pang sayaw. Sa Quiapo ay dasal lang ang ginagawa habang nakikinig ang nagpadasal upang masigurong tama ang pangalang babanggitin – pangalan ng asawa na ipinagdasal upang mamatay dahil sumama na sa kerida. Ang ibang nagpapadasal naman ay sinasabayan ng paglusaw ng mga kandila.

Sa malalaking kumpanya at sa gobyerno, nauso na rin ang pag-arkila sa serbisyo ng mga “consultant”…mga may angking kakaibang talino. Ang ibang kumpanya ay nagkakasya sa iisa o dadalawang consultants. Subali’t ang gobyerno, lalo na sa Pilipinas, ang mga ahensiya ay halos mamutiktik sa mga consultants. Ang dami ng consultant ay nagpapakita ng kahinaan ng isang ahensiya, o gobyerno sa kabuuhan nito….at yan ang sitwasyon ng Pilipinas!

Ang Bibliya

Ang Bibliya
Ni Apolinario Villalobos

Dahil nadikit sa imahe ng relihiyong Kristiyano ang Bibliya, ang mga hindi naniniwala sa Diyos ay umiiwas dito. Tingin kasi nila dito ay animo nagbabagang kuwadradong bakal na umuusok sa sobrang init. Sa Bibliya nakasaad kung paanong nagsimula ang unang relihiyon ng tao sa disyerto ng Israel. Ganoon pa man, hindi dapat pangilagan ang Bibliya ng isang taong hindi Hudyo o Kristiyano, dahil kinapapalooban din ito ng interesanteng mga kuwento noong unang panahon, kahit pa sabihin ng iba na ang mga ito ay “alamat”. Sa isang banda, dahil sa mga tuluy-tuloy na pananaliksik na naging matagumpay, napatunayang ang mga sinasabing “alamat” ay may katotohanan pala.

Hindi ako pantas pagdating sa Bibliya at pag-aaral nito. Ang binabahagi ko ay batay lamang sa aking mga karanasan sa pagbasa nito at kung paano kong nagawang makakuha ng kasiyahan mula sa mga pahina nito. Ang sikreto ko ay pagturing sa Lumang Tipan na parang “National Geographic Magazine” dahil puno ito ng kasaysayan. Ang Bagong Tipan naman ay itinuturing kong “Reader’s Digest”, dahil sa mga makabago nitong kuwento ng buhay.

May mga kuwento sa mga pahina ng Lumang Tipan na ang pahiwatig ay hawig sa mga pangyayaring may kinalaman sa extra- terrestrial phenomena…pumunta lamang sa mga pahina tungkol kay Ezequiel. May mga pangyayari ding hindi nalalayo sa mga nangyayari sa kasalukuyan sa Gitnang Silangan, kaya parang nagpapatunay na umuulit ang kasaysayan.

Sa Bagong Tipan din nakapaloob ang mga kuwento na hawig sa mga nangyayari sa kasalukuyan tulad ng kaguluhan dahil sa corruption, paglutang ng ilang tao upang labanan ito pati na ang pagka-ipokrito ng ilan na ang turing sa mga sarili ay bukod-tanging mapupunta sa langit dahil literal na sumusunod sila sa “utos” nd Diyos.

Upang hindi umiskiyerda ang isip sa pagbasa ng Bibliya, laktawan ang hindi masyadong maunawaan. Iwasan ding magkaroon ng “missionary complex”, isang ugaling namumuo sa isang nagmamarunong sa mga Salita ng Diyos, kahit lilimang pahina ng Bibliya pa lamang ang nabasa. Buksan din ang isip sa mga diskusyon tungkol sa Bibliya, dahil may kasabihang “two heads are better than one”, eh di, lalo na kung marami ang nagbabahaginan ng kaalaman.

Itanim sa isip ang katotohanang may Diyos kahit hindi Siya nakikita, at siya ang gumawa ng lahat ng bagay sa sanlibutan…at pati na sa sanlibutan. Kahit pa sabihin ng iba na ang mga “extra terrestials” na nakita ng mga tao noong kapanahunan ng Bibliya ang unang mga “misyonaryo”, at inakala nilang Diyos, dapat itanim sa isip na may gumawa pa rin sa mga “extra terrestials” na ito, kaya talagang may Nag-iisang makapangyarihan sa lahat.

Hindi dapat pagtalunan ng mga tao na nagkakaiba ang pananampalataya ang kaalaman nila sa Bibliya. Dapat igalang ang paniniwala sa Diyos na ang batayan ay Bibliya. Kahit pa sabihing nagkakaiba ng bahagya ang iba’t ibang bersiyon ng Bibliya, ang laman ng mga ito ay tungkol pa rin sa Diyos. Upang maiwasan ang pagtatalo tungkol sa kaalaman sa Bibliya, dapat isaisip na lang na ang mga mensahe ng Bibliya ay tungkol sa pagmamahal sa Diyos at kapwa-tao.

Ang Bibliya ay Aklat ng Buhay…Salita ng Diyos, kaya pati ang ibang nilalaman ng Koran ng relihiyong Islam ay galing dito. Ang ibig sabihin, kung ang mga Muslim ay nagbibigay galang sa Bibliya na nagpapahiwatig ng kanilang paniniwala dito, bakit hindi kayang gawin ng mismong mga Kristiyano? At, ang pinakamahalaga ay ang uulitin kong paalala na hindi dapat pagtalunan ang “kaalaman” tungkol sa Bibliya…upang sa ganoong paraan man lang ay mabibigyan ito ng respeto!

Do We Really Understand What Our Faith Stands For?

Do We Really Understand
What our Faith Stands For?
By Apolinario Villalobos

The fanatics who aver to be faithful Muslims, the ISIS group, kill people, as though they’re killing chickens. They look at themselves as Islamic messiahs. An elegant lady I know never misses Sunday Mass, but lets out a barrage of ear-splitting cuss as soon as she reaches home just because her housemaid forgot to water her favorite orchid. A Bible-toting house-to-house evangelist, a friend of my kumpare, never speaks to her neighbor, a single mom with three kids, just because the kids have different fathers. And, there’s another friend, a “faithful” born-again Christian who hosts weekly Bible reading in his home, but he never tires of finding faults in everything that his neighbors do, including the officials of the homeowners association of the exclusive subdivision where he lives.

The problem with man is that, he never makes God as the center of his life. For man, God is just among the “must do” in his list of activities. That is why, for the week, only one day, the one allotted for the worship finds man as seemingly “Godly”. And, for the rest of the week, he becomes ruthless in his ways, or to put it mildly, he gets off the track of goodness.

“Inconsistent” best describes man as regards his faith. Such truth is some kind of a pill that is hard to swallow, as the saying goes, but even the pope, himself, Francis, admits to being inconsistent in his faith. No man is born a saint. He may be innocent as an infant, but as he grows, he becomes influenced by his surrounding, and that includes even his parents and siblings.

Man is vulnerable to temptation but such vulnerability should not be made as an excuse to deviate from the Right Way. True faith can be equated with our honest and sincere effort to make God as the center of our life. In other words, there should be a constant awareness of His presence all the time, everywhere. Everything that we do should be God-centered…regardless of our religion.

It is difficult to be consistently and sincerely faithful, but we can try our best, at least. On the other hand, those who do not believe in His existence, should stop blaming Him for every misfortune that befall them.

Biblical Names and their meaning

More Biblical Names and their Meaning
By Apolinario Villalobos

Samuel – God hears
Eleazar – God has helped
Elijah – Jehovah is God
Micah – short for Micalah or Michel (who is like God?)
Zechariah – Jehovah remembers
Salome – female for Solomon
Solomon – peaceable
Deborah – bee
Ester – star
Reuel – God is friend
Jethro – excellence
Belah – destruction
Levi – joined
Asher – happy
Emmanuel – God with us
Babel – gate of God (tower of Babel/Babylon)
Anna – grace
Judith – Judean, Jew
Perez/Peres – to split
Simon – hearing
Zadok – righteous
Saul/Paul – asked of God
Judas – praised
Lebanon – white
Hazel – almond tree
Peor – opening
Euphrates – to break forth
Cyprus – copper
Elizabeth – God is my oath
Jonathan – Jehovah has given
Negeb – dry