The Passage to the Other Life…if indeed, there is one

The Passage to the Other Life

…if indeed, there is one

By Apolinario Villalobos

My experience of a “near- death” was when I rolled down Mt. Hibok-hibok resulting to a series of bumps that my head suffered from the boulders. What I felt was a floating sensation while I was enveloped by a blinding light. I did not see the light at the end of a tunnel as other near-dead claim. When I came to, I found out that it happened in split second…so fast that I did not feel so much physical pain. What pained was my pride.

There are stories about spirits of those who encountered sudden death that still linger at the site of accident. There are also stories of those whose spirits still cling to their worldly wealth. Still, there are stories of those who died without taking the Sacrament of Extreme Unction, so that their spirit kept roaming around to seek help by way of prayers. And, finally, the spirit of those who died without talking to their adversaries to seek forgiveness, are said to be lingering in limbo, waiting for dispensation.

The belief in the afterlife is not universal. Some religions do not advocate such, while some even claim rebirth in another body, or reincarnation. Some religions do not believe in hell, hence, for them there is no heaven, too. But some believe in such two eternal destinations of spirits.

Whatever is our belief, it should be noted that there are just two things that we can do in this world: to do good or to do bad. The universal view is that if we do good, we make others happy, and if we do bad things, we make others suffer. It is important therefore, that we leave the world with a clean record, by seeking clemency for our wrong deeds while we are still gasping for breath, so that others will not remember us for our bad deeds.

i

Ang Tiwala sa Sarili

Ang Tiwala sa Sarili
Ni Apolinario Villalobos

Kung may isang pinakamalakas na sandata ang isang tao, ito ay ang tiwala sa sarili. Hindi ito pumuputok tulad ng baril, hindi rin sumasabog tulad ng bomba. Hindi ito nakakasugat tulad ng patalim, at lalong hindi ito sibat o palaso na nakakatusok sa katawan.

Mula sa puso, dumadaloy ito patungo sa utak upang gabayan ang tao kung ano ang nararapat niyang gawin sa pagharap sa mga unos ng buhay – mga pagsubok, upang hindi agad tumiklop ang kanyang mga tuhod kung panghinaan siya ng loob.

Pinatunayan ng kasaysayan na kung minsan, hindi kailangang may malaking katawan upang manaig sa katunggali, tulad ni David na isang maliit na tao, subalit dahil sa tiwala niya sa sariling nagbigay sa kanya ng tapang ay napatay niya si Goliath.

May mga tanyag ding lider na maliliit subalit ginagalang ng mga tauhan at kinatatakutan ng mga kalaban, tulad ni Alexander the Great, Hitler at Napoleon Bonaparte, iilan lang na mababanggit ko. Si Ferdinand Marcos ng Pilipinas ay hindi rin gaanong malaki, kaya itsinismis pang gumagamit daw noon ng “elevator shoes” upang mabawasan ang diperensiya ng taas nila ni Imelda. Lahat sila ay may malakas na tiwala sa sarili kaya nagtagumpay sa kanilang mithiin…subalit hindi nga lang para sa kabutihan ng nakararami dahil naging mga diktador, maliban lang kay Alexander the Great.

Si Mother Theresa, na ngayon ay isa nang santa, ay mula’t sapol may malaking tiwala sa sarili dahil alam niyang ginagabayan at inaalalayan siya ng Diyos. Siya ay may taas lang na lampas kaunti sa apat na talampakan na lalong pinababa ng kanyang pagkukuba dahil sa diperensiya niya sa likod. Sa kabila niyan, hindi siya natatakot na pumasok sa mga lugar ng iskwater.

Maraming nagtapos sa kolehiyo na valedictorian o may iba pang mataas na karangalan, subalit dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili ay hindi nagtagumpay sa buhay. Natalo sila ng mga nagtapos kahit sa markang “pasang awa”, subalit may malakas na tiwala sa sarili, kaya malayo ang narating sa buhay.

Yong isang Pilipinang singer na galing sa General Santos, na bilib sa kanyang kahusayan sa pagkanta ay nagpilit na gumawa ng paraan upang makilala. Kaya basta may madaanang libreng videoke sa mall na pwedeng kantahan, banat lang siya ng banat sa pagkanta hanggang sa matiyempuhan ng isang blogger, kaya nai-post siya sa you tube habang bumibirit…naging viral tuloy sa internet. Ngayon, international singer na!

Sa may mga mukhang hindi pang-pelikula o TV, ang kunswelo ay pag-isip na marami ang may ganyang mukhang pambihira. Dapat isipin na kung walang pangit, wala ring maganda o guwapo dahil walang magagamit na batayan o basis. Kaya, dapat ay may malakas na fighting spirit ang lahat ng tao, ano man ang hitsura ng mukha! At isipin lang palagi na walang ginawang pangit ang Diyos. Ang kapangitan ay tao rin ang nagdi-develop tulad ng pagiging korap kung nasa pamahalaan na at nasilaw sa pera, kaya lahat sa pamilya gusto nang maging government official!…yan ang tiwala sa sarili na negative!

Totoong mahirap ding magpakita ng tiwala sa sarili na sa tingin ng iba ay pagiging “presentado” o “presentada”. Kaya ang kailangan talaga upang magawa ito ay magpakapal ng mukha….o mag-santabi muna ng hiya. Dapat nating alalahanin na malaking sagutin sa Diyos ang hindi paggamit ng anumang kagalingang ibinigay niya sa atin, lalo na kung ito ay para rin sa kapakinabangan ng iba. Sa madaling salita…bigyan natin ng pagkakataon ang ating sarili, at huwag tayong madamot sa pakikibahagi ng anumang talento na meron tayo.

Paalala lang: dapat makinig sa sasabihin ng iba na huwag nang maglakas-loob na kumanta halimbawa, kung ito ay makakapagpatilapon lamang ng tutule at makakabasag ng eardrum ng ibang tao, dahil yan ay pananakit na ng kapwa, isang bagay na ayaw ng Diyos na gawin natin!