Ang Buhay sa Lansangan

Ang Buhay sa Lansangan

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung pagmasdan silang pinagkaitan ng rangya

Di maiwasang may maramdaman tayong awa

Nakapaa at nagtutulak ng kariton kung minsan

Basang sisiw naman sila, kapag inabutan ng ulan.

 

Abala palagi sa pangangalakal o sa  pamamasura

Wala sa isip nila ang sumilong upang magpahinga

Habol ay makarami ng mga mapupulot  at maiipon

Hindi alintana pagbabadya ng masamang panahon.

 

Sa mga nadadampot na styrophor galing sa Jollibee

Bigay ay saya dahil may matitikmang tirang ispageti

Kahit iilang hibla lamang na may kulapol pang ketsap

Sa maingat na pagsubo, dama’y  abot-langit na sarap.

 

Gula-gulanit ang suot na kamiseta at nanggigitata pa

Ang damit, kung hindi masikip ay maluwag sa kanila

Kung pantalon naman, walang zipper, at butas –butas

Subali’t hindi alintana, may maisuot lang, kahi’t kupas.

 

Kapos sa mga ginhawa na dulot ay  materyal na pera

Puso namang may nakakasilaw na busilak ay meron sila

Walang hiling kundi matiwasay na umaga sa paggising –

Kahi’t mahapdi ang tiyan dahil sa gutom, di dumadaing.

 

May mga bagay, dapat nating mapulot sa mga ugali nila

Pampitik sa atin upang gumising at magbubukas ng mata

Gaya ng hindi maging sakim at mapag-imbot sa kapwa

Bagkus, maghintay at magpasalamat sa bigay na biyaya!

 

 

 

 

 

Children of Dawn

Happy Children’s Month!

 

Children of Dawn

By Apolinario B Villalobos

I call them children of dawn

Oblivious to the cold

Who on the paved sidewalk

Are peacefully, sprawled.

With empty stomach

They stare at the wave

Of people who rush by,

Inhale the exhaust of cars

And bath in the dust

That the wind sweep to them,

Unmindful still of the heat

That the sun beams

As it reaches its zenith

Signaling the half-day cycle

Of Mother Earth.

Surviving on morsels

Found in garbage bins…

With glee, smiles at found

Unfinished sandwiches

Half- eaten breads

Half- rotten fruits,

Thankful for them

Just like the birds of the sky

And other creatures of the wild –

The fish in the vast oceans

Trees that on polluted air survive,

These children of dawn

Are luckier than most of us –

With innocently sparkling eyes

And simple, yet, virtuous desires!

Gitarang Basag

Gitarang Basag

ni Apolinario Villalobos

Hindi aakalaing ang mataginting na tunog

mula sa tinipang kwerdas ay galing sa isang gitara

na maliban sa kupas ang pintura, basag pa ang mukha.

Sa pagtipa ng matandang bulag pala at pilay

pumapainlalang ang himig ng awit na mapang-akit

sinasabayan kung minsan ng silindro, o di kaya’y paswit.

Mga biyak sa mukha ng gitara ay pinagdikit

halos binalot naman ang tangkay ng tape na plastik

subali’t sa pagtipa ng matanda, animo siya’y nagmamadyik!

Lata na nasa harap niya ay iniitsahan ng barya

may lima, sampu, pero ang papel ay inaabot sa bata-

habang tinatanggap ang pera, mukha niya’y nababalot ng tuwa!

Sa bawa’t tipa ng gitara, mga tao’y napapalingon

napapangiti sa kasiyahan, mayroon din halos maiyak

kaligayaha’y idinaan na lang sa malugod at taos-pusong palakpak!

Kamangha-mangha na ang gitarang halos ay sira na

Nakakagawa ng musika na talaga namang nakakaaliw

Parang tao rin na gusgusin man at sa tingin ay walang pag-asa

Kakikitaan din ng magandang ugali, basta bigyan lang ng tiwala!

Ang Buhay sa Lansangan

Ang Buhay sa Lansangan
Ni Apolinario Villalobos

Kung pagmasdan silang pinagkaitan ng rangya
Di maiwasang may maramdaman tayong awa
Nakapaa at nagtutulak ng kariton kung minsan
Basang sisiw naman sila, kapag inabutan ng ulan.

Abala palagi sa pangangalakal o sa pamamasura
Wala sa isip nila ang sumilong upang magpahinga
Habol ay makarami ng mga mapupulot at maiipon
Hindi alintana pagbabadya ng masamang panahon.

Sa mga nadadampot na styrophor galing sa Jollibee
Bigay ay saya dahil may matitikmang tirang ispageti
Kahit iilang hibla lamang na may kulapol pang ketsap
Sa maingat na pagsubo, dama’y abot-langit na sarap.

Gula-gulanit ang suot na kamiseta, at nanggigitata pa
Kung damit naman, kung di masikip, ay maluwag siya
Kung pantalon naman, walang zipper, at butas –butas
Subali’t hindi alintana, may maisuot lang, kahi’t kupas.

Kapos sa mga ginhawang may dulot ay materyal na pera
Puso namang may nakakasilaw na busilak ay meron sila
Walang hiling kundi matiwasay na umaga sa paggising –
Kahi’t mahapdi ang tiyan dahil sa gutom, di dumadaing.

May mga bagay, dapat nating mapulot sa mga ugali nila
Pampitik sa atin upang gumising at magbubukas ng mata
Gaya ng hindi maging sakim at mapag-imbot sa kapwa
Bagkus, maghintay at magpasalamat sa bigay na biyaya!

Mga Latak ng Lipunan

Mga Latak ng Lipunan

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakikita natin silang palabuy-laboy sa paligid

Ang iba ay halos hubad, mukha’y nanlilimahid

Merong mga paslit, merong halos ay hilahod

Iba ay sa tabi nakasalampak, gutom at pagod.

 

Iba sa kanila, mapalad dahil sa pansing ibinigay

Naabutan ng baryang makislap, o isang tinapay

Meron namang kahi’t anong pilit na pagsumamo

Ang kinalabit ay matigas, parang estatwang bato.

 

Kung unawain, maraming dahilan, ba’t sila ganyan

May pumili ng kawalan ng ambisyon at katamaran

Marami ring naging biktima ng masamang tadhana

Bagay na ‘di man nais, sa kanila’y nagsadlak sa dusa.

 

Mga latak ng lipunan kung ituring ng iba…’di dapat

Sila’y mga tao rin, at kung damdamin, merong sapat

Maraming hindi gusto, itong sa kanila ay nangyayari

Kaya nagpipilit makabangon, nagpipilit na magpursigi.

 

Sa may maalwang buhay na idinulot ng mga tagumpay

Huwag sanang libakin, mga taong animo walang saysay

Huwag sanang duraan at lalong huwag silang pandirihan

Nilalang din sila ng Diyos, at sa buhay ay may karapatan!