The Barangay

The Barangay

By Apolinario Villalobos

 

The grassroots level of government, in particular, the Barangay, is not free from anomalies and corruption because of “familiarity” among officials and staff due to the smallness of community. Many council members may even be blood-related and the staff , especially, the Secretary appointed by the chairman, in most probability could be related to him or a member of the family. This situation definitely breeds abuse and unprofessionalism.

 

Memoranda issued on office protocol and decorum become just “fillers” of bulletin boards where they are displayed….and never heeded. The Secretary, for instance, who is supposed to be the first to report to the office should not log in at past 9:00AM and leave before 5AM!….well, as a niece, for instance of the Chairman, she could very well brag, “what are we in power for?”

 

The Barangay level is where future officials of the country are supposed to learn the rudiments of “public administration”, especially, with the current system that requires regular preparation of reports in “black and white”. But what if the Chairman happened to have just been voted because of his popular image, despite his or her lack of even a high school diploma? That is where the academically- successful members of the Council and the Secretary are supposed to come in to fill the void of the Chairman’s academic inadequacy.

 

The Barangay Chairman should, therefore, learn how to please the Council members and appoint a Secretary whom he could trust with the preparation of documents required of him or her by the next higher level of the LGU – municipality or city. On the other hand, he or she should also learn how to “dance” with the Council members so that he will not be left out in the open. These unfortunate options breed corruption, incompetence, irresponsibility and abuse that will definitely jeopardize the whole barangay, as cover-up of misdoings would surely occur.

 

Many barangays are prevailed upon by their mayors who are also prevailed upon by their governors, and that is how wholesale corruption occurs. Unless the Department of Interior and Local Government Secretary is iron-fisted and courageous, corruption in the government will never be solved….as law makers, themselves, on the upper echelon of the political system of the country have their own issues of the same kind.

 

This is the reason why Duterte keeps on saying that “in his time”, he will do his best to cut corruption…and, after his term, will he still give a damn?….that is a very serious question to tackle, unless Filipinos will cooperate, be vigilant and join hands to support him and choose another leader with the same caliber. Meanwhile, the barangay level should be closely watched…because that is where corruption takes root!

 

Dapat Tanggalin ang Sangguniang Kabataan at Bawasan ang mga Barangay Kagawad

DAPAT TANGGALIN ANG SANGGUNIANG KABATAAN

AT BAWASAN ANG MGA BARANGAY KAGAWAD

Ni Apolinario Villalobos

 

 

HINDI DAPAT MANGGALAITI SA INIS ANG MGA GRUPO AT TAONG DISMAYADO DAHIL SA BALITANG HINDI MATUTULOY ANG ELEKSIYON PARA SA MGA BARANGAY OPISYAL. ALAM NAMAN NILANG MAKAKAAPEKTA ANG ELEKSIYON SA MOMENTUM NG MGA HAKBANG NA GINAGAWA NG GOBYERNO LABAN SA DROGA. ANG PINAPAKITA NILA AY PARANG PAGPAPAHIWATIG TULOY NG KAWALAN NILA NG SUPORTA SA PAGSUGPO SA SALOT NA DULOT NITO.

 

KUNG MAY PROBLEMA SA MGA OPISYAL NG BARANGAY NA PALPAK ANG PERFORMANCE, PWEDE NAMAN NILANG IREKLAMO SA SANDIGANBAYAN. ALAM NAMAN SIGURO NG DILG KUNG ANO ANG GAGAWIN SAKALING MAUBOS ANG MGA OPISYAL NG MGA BARANGAY NA NAGSASABWATAN SA PAGGAWA NG KATIWALIAN.

 

SA GANANG AKIN, KUNG MATULOY ANG ELEKSIYON, SANA AY HUWAG NANG ISAMA ANG SANGGUNIANG KABATAAN (SK)  DAHIL HINDI NAMAN ITO EPEKTIBO. ANG MGA NABOBOTO, KALIMITAN AY ESTUDYANTE KAYA HINDI SULIT ANG SUWELDO SA KANILA DAHIL KAHIT WEEKEND AY HINDI NAGRI-REPORT PARA MAG-TRABAHO, KAHIT MAGWALIS SA PALIGID NG BARANGAY HALL MAN LANG. ANG IBA NAMAN AY MGA ANAK O KAPATID O KAMAG-ANAK NG MGA NAKAUPO SA BARANGAY. ANG MGA PROJECT NA GINAGAWA NILA AY KAYA NAMANG GAWIN NG KAHIT SINONG KAGAWAD, DAHIL ANG MGA ITO AY TUNGKOL LANG NAMAN SA PIYESTA AY SA PALIGA NG BASKETBALL.

 

HINDI DAPAT IDAHILAN ANG “PAGSASANAY” BILANG PAGHANDA SA MAS NAKATATAAS NA PUWESTO KAPAG SILA AY UMABOT NA SA TAMANG GULANG. BINIBIGYAN TULOY NG MASAMANG KAHULUGAN ITONG LAYUNIN, DAHIL  AYON SA IBA, BATA PA LANG AY SINASANAY NA SILANG MAGING KORAP. HINDI KO NILALAHAT ANG MGA BARANGAY DITO DAHIL MAY MGA BARANGAY NA ANG MGA OPISYAL AY MATITINO AT MASIGASIG.

 

KUNG PAKIKIPAG-UGNAYAN DIN LANG SA MGA KAPWA NILA KABATAAN ANG PINAPAGAWA SA SK, ITO AY PWEDE NAMANG I-ASSIGN SA ISANG KAGAWAD DAHIL NOON PA MANG WALA PANG SK, DATI NANG GINAGAWA ITO NG ISANG KAGAWAD. NAGKAROON LANG NG GANITO SIMULA NOONG PANAHON NI MARCOS UPANG ANG ANAK NIYANG SI IMEE AY MAGKAROON DIN NG BAHAGI SA GOBYERNO.

 

KAPAG TINANGGAL ANG SK, ANG BUDGET NA NAKALAAN DITO AY MAGAGAMIT NG BARANGAY SA MAS MAKABULUHANG PROYEKTO. AT, LALONG MADADAGDAGAN ANG BUDGET NG MALILIIT NA BARANGAY KUNG BAWASAN DIN ANG MGA BARANGAY KAGAWAD.

Bacoor City Drainage (Ilog) Hinahayaang Tubuan ng mga Punong Kahoy!

Bacoor City Drainage (Ilog) Hinahayaang Tubuan ng

Mga Punong Kahoy!

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang maliit na sapa o ilog na ito na daanan ng tubig mula sa Dasmariἧas City ay hinahayaang tubuan ng punong kahoy sa gitna pa mismo, at may ilang lumalaki na sa mga gilid. Nakapagtatakang hindi ito napapansin ng mga taga-Barangay Panapaan 6 ganoong malapit lang ito sa Andrea Village 2 at katabi ng malaking tindahan ng isang kilalang brand ng foam at mattress, and Uratex. At ang nakakabahala pa ay lumulusot na ang mga sanga sa mismong screen na nakatakip sa ilog na nasa gilid ng highway. Tumatawid ang ilog na ito sa ilalim ng Aguinaldo highway na sa kaunting ulan ay bumabaha na dahil ang mga daluyan ng tubig na naiipunan ng basurang naging latak at putik ay bumabaw. Ngayong tag-araw, mapapansin ang paglitaw ng mababaw na lupang pinakasahig ng ilog na tinubuan na rin ng mga damo!

 

Ang uri ng kahoy na tumutubo sa ilog na nabanggit ay punong-gubat kaya lumalaking di-hamak at nagbabantang bumasag sa narip-rap na gilid. Malamang din na hindi tatagal ay aalsahin na rin ng puno ang nakatakip na screen. Ang pinakamatinding pangamba ay ang pagiging sagabal nito dahil sa mismong gitna ng ilog ito tumubo. Ang hindi maintindihan ay kung bakit hindi ito nire-report ng mga street sweeper sa kinauukulan ganoong tuwing umaga silang nagwawalis sa bahaging ito ng highway na malapit na rin sa SM Bacoor.

 

Ito ang isa sa maliwanag pa sa sikat ng araw na kapabayaan ng mga kinauukulan sa kapakanan ng bayan. Hindi nila “inuugat” o tinitingnan ang mga “talagang dahilan” ng mga problema. Tulad na lang ng mga punong tumutubo sa gitna ng ilog kaya humaharang sa mabilis na pagdaloy ng tubig…nagiging sagabal sila kaya ang mga basura ay naiipon at nagiging bara, dahilan ng mabilis na pagbaha sa mga nasa mababaw na bahagi tulad ng Malumot, Justinville, Luzville, Silver Homes 1 and 2, at Perpetual Village 5 at 7…pati na sa private na sementeryo ng mga Revilla.

 

Saka na lang ba aaksiyon kung tag-ulan na naman? Hindi dahilan ang eleksiyon 2016 upang hindi maaksiyunan ang ganitong problema dahil ang mga sinisuwelduhang empleyado na dapat ay nagtatrabaho ng maayos ay hindi naman nangangampanya. At lalong hindi pwedeng idahilan ang DENR na nagbabawal sa pagputol ng mga puno dahil ang mga nabanggit na tumububong puno ay nagbabadya ng perhuwisyo. Magkapalitan man ng mga opisyal na binoboto, sila ay nandiyan pa rin at inaasahang magtrabaho ng maayos upang masulit ang sinusweldo sa kanila.

 

Huwag itong isisi sa mayor dahil may mga taong nasa ilalim niya na inaasahang mag-asikaso nitong problema.

 

 

 

 

Ang Barangay Real Dos…ng Bacoor City, Cavite

Ang Barangay Real Dos
…ng Bacoor City, Cavite
Ni Apolinario Villalobos

Hindi madali ang mamuno dahil kailangan ang paninimbang upang walang masaktan o magsabing sila ay pinabayaan. Sa isang barangay, halos lahat ay magkakilala, kaya ang turingan ay magkakapamilya, lalo na sa isang maliit na barangay tulad ng Real Dos ng Bacoor, Cavite City.

Ang Barangay Real Dos, ay pinamumunuan ng pinakabatang Chairman sa buong lunsod, si BJ Aganus, at inaalalayan ng may kabataan ding mga Kagawad. Sa kabila ng maliit nilang pondo mula sa buwis na binabahagi ng pamahalaang lunsod ay nagawa pa rin nilang magpatupad ng mga proyekto. Maganda ang nagkaisa nilang panuntunan na hindi dapat patagalin ang paghawak ng pondo hangga’t maaari dahil maraming dapat paggagastusan na kailangan ng mga ka-barangay nila.

Inumpisahan ng bagong grupo ang kanilang mga proyekto sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa homeowners’ association ng Perpetual Village 5 kung saan matatagpuan ang Barangay Hall, sa paglunsad ng mga proyektong pang-kabataan upang magamit ang bagong gawang basketball court. Ibinalik din ang regular na schedule sa paghakot ng basura.

Bumili sila ng bankang gawa sa fiberglass upang magamit sa pag-rescue tuwing may baha; dinagdagan ang bilang ng radio units na mag-uugnay sa mga tanod at opisyal ng barangay; pinalitan ang mga ilaw-kalye na ordinaryong bombilya, ng makabagong LED lights, upang makatipid sa konsumo ng kuryente, at inasahan ding tatagal ang mga ito; nagkaroon din ng libreng gamutan.

Ang mga plastik na mesa na pinapahiram sa mga ka-barangay kung may okasyon ay pinalitan ng gawa sa matibay na stainless steel sheets. Kaya, hindi man sinasadyang maulanan, ang mga mesa ay sigurado nang tatagal. Dinagdagan din nila ang mga trapal na ginagamit lalo na kung may pinaglalamayan.

Ang pinakahuli nilang ginawa ay ang pagpabubong ng nakatiwangwang na lote sa magkabilang gilid ng Barangay Hall. Ang nasa kanlurang bahagi ay nagagamit na ngayon kung may pagpupulong kahit na umuulan at tirik ang araw. Ang silangang bahagi naman ay lalagyan ng mga upuan upang may mapagpahingahan ang mga taong pumipila para sa serbisyo ng barangay health center.

Kinakausap din ni Barangay Chairman Aganus ng personal ang mga pasaway sa barangay, lalo pa at ang iba sa kanila ay halos kasinggulang lamang niya…na epektibo naman, dahil na rin sa pakisama. Walang masamang tinapay para sa Barangay Chairman dahil lahat ay gusto niyang bigyan ng pagkakataon upang magbago, magkaroon ng kabuluhan at respeto sa sarili. Hindi man niya sabihin, makikita sa ginagawa niya na mangyayari lamang ang pagkakaroon ng respeto sa sarili ang isang tao, kung siya ay bibigyan ng pagkakataon at halaga.

Nakakatuwa ring malaman na kahit kapos kung ituring ang allowance ng mga Barangay tanod ay hindi sila naaapektuhan nito. Nakikita kasi nila na lahat silang nasa pamamahala ni Chairman Aganus ay parehong nagsasakripisyo, maipatupad lang ang sinumpaan at itinalagang responsibilidad sa kanila.

Ang nakakatawag ng pansin ay ang pinapairal ng grupo ni Chairman Aganus na “bayanihan spirit”. Sa pamamagitan nito, basta may lumapit sa kanila upang humingi ng tulong, kahit hindi ka-barangay, ay agad nilang inaaksyunan. Maraming beses na ring nahingan ng tulong si Chairman Aganus ng mga hindi taga-Real Dos, upang gumawa ng follow up sa City Hall. Maganda ang patakaran nila dahil hindi naman ito pakikialam sa ibang barangay. Kung hindi kasi sila umaksyon sa mga request ng hindi taga-Real Dos ay lalabas na tinataboy nila ang mga ito…isang impresyon na ayaw nilang mangyari. Ganoon din ang paliwanag ni Chairman Aganus na nagsabing, pinakikiusapan lang naman daw siya, at isinasabay na niya ang mga follow-up sa mga gagawin kung nasa City Hall siya. Kung tutuusin nga naman, magkakasama ang mga magkakatabing barangay sa iisang administrasyon ng Bacoor, kaya hindi magandang nagkakanya-kanya sila sa pagkilos…sa halip ay dapat magtulungan.

Kung ihahambing sa malalaking barangay, masasabing napakaliit ng mga proyekto ng grupo ni Chairman Aganus, subalit, para sa mga taga-Barangay Real Dos, ang mga ito ay napakahalaga. Wala rin naman silang magagawa dahil pinagkakasya lamang nila ang pondong itinatalaga ng pamahalaang lunsod. At, ang pinakamahalaga, ay nagpupursige sila sa abot ng kanilang makakaya.

Pinatunayan ng Barangay Real Dos, na ang matatag na samahan ng mga bumubuo sa isang barangay ang nagsisilbing pinakapundasyon ng isang barangay kahit maliit ang pondo. Malaking tulong nga ang pondo, subalit aanhin naman ito kung pagtatalunan lamang na maaaring humantong pa sa siraan? Ang nagsisilbi namang “pandilig” sa pundasyong ito upang lalo pag tumatag at lumago ay ang katatagan din ng namumuno at mga nakakaganang pagpuna ng ibang tao, lalo na ng mga nasasakupan. Sa huling nabanggit, tanggap naman nila na hindi lahat ay nabibigyan nila ng kasiyahan, subalit wala silang magagawa dahil sa limitasyon ng kanilang kakayahan at pondo.

Yan ang Real Dos….maliit nga siksik naman sa samahan…kapos nga sa budget, mayaman naman sa pagkukusa… mga kabataan nga ang namumuno, puno naman ang mga puso ng pagmamalasakit sa kapwa!

Mga Kuwento tungkol sa Barangay Health Workers

Mga Kuwento Tungkol

sa Barangay Health Workers

ni Apolinario Villalobos

Hindi dapat balewalain ang nakakaawang sitwasyon ng mga barangay health centers ngayon. Sa isang banda ay pwedeng gawin ito ng pamahalaan kung ang layunin nito ay hayaang mamatay ang maraming Pilipino upang mabawasan ang lomolobong populasyon ng Pilipinas. Ganoon lang ka-simple.

May magkakalapit na mga barangay ang naghahati ng serbisyo ng mga health workers na nakatalaga sa kanila sa loob ng isang linggong pagdo-duty ng mga ito. Ito ang remedyong ginagawa ng mga opisyal upang kahit papaano ay makapaglingkod pa rin ang mga health workers sa mga tao kahit lumalabas na overworked na sila. Maganda ang sistema sa punto ng samahan o bayanihan.

Subalit kung bubusisiin, hindi dapat ganito ang nangyayari dahil may karampatang budget namang nakalaan para sa mga health workers na may kanya-kanyang pinangangalagaang barangay. Lumalabas na sa halip na mapunta sa tamang pinaglalaanan ang budget, napupunta ito sa bulsa ng mga tiwaling opisyal. Ibig sabihin, tinitipid ang pera na dapat sana ay magamit sa taong bayan, upang manakaw lang!

May mga health workers na siniswelduhan ng mga local governments na sa aking pananaw ay hindi dapat. Ang budget para dito ay dapat galing sa national agency na DOH. Ang partnership ng DOH at local governments ay dapat limitado sa pagpapatupad ng mga programa. Maliit ang budget ng mga local governments at sila ay may mahahalaga ring pangangailangan. Kung ganito din lang ang sistema, dapat tuluyan nang i-decentralize ang health system at buwagin ang DOH, at italaga ang responsibilidad sa mga local governments na ang budget ay manggagaling sa buwis na awtomatikong kakaltasin sa mga binabayad na buwis.

Sa ganitong paraan, mapagtutuunan pa ng mga local governments ang mga proyekto. Ang mga malalaking ospital ng gobyerno ay pwedeng gawin “self-governing” batay sa kanilang mga patakaran upang mawala ang bureaucracy, ang mga red tapes. Iilan lang naman ang mga ospital na ito. Kung ganito ang mangyayari, wala nang tone-toneladang gamot na bibilhin upang maistak sa mga bodega na hindi naman naipapamahagi ng maayos kaya inaabot ng expiration. Wala na ring kalihim na mag-iisip ng mga animo ay panaginip na proyekto tulad ng “stem cell research”, dahil sa kawalan ng magawa.

Samantala, ang mga kawawang health workers ay nanlalagkit ang katawan dahil sa pawis, at animo ay basang sisiw naman sa ilalim ng ulan, sa pagbabahay-bahay nila upang magpatupad ng mga programa. Dahil sa kagustuhang makapagserbisyo, natitiis nilang mag-abuno ng gastos para sa pamasahe, magbaon ng kanin, kamatis at tuyo o di kaya ay nilagang talbos ng kamote na makakain sa lilim ng puno pagdating ng tanghali, di kaya ay sa karinderya kung meron nito sa paligid upang makahingi man lang ng libreng sabaw. Yong mga assigned sa mga liblib na lugar, halos hindi makalunok ng laway dahil sa nerbiyos habang naglalakad o nakasakay sa habal-habal upang makadaong- palad ang mga taong ni hindi nakakita ng antibiotic o diatab.

Malayo ang DOH ngayon sa DOH noong kapanahunan ng yumaong Juan Flavier. Ang kalihim ngayon, si Ona, ni hindi pa yata nakarating sa mga islang barangay upang makakita ng tunay na kalagayan ng mga taong nangangailangan ng gamot o hindi pa natusok ng hiringelya upang mabakunahan. Pero, marami din naman siyang napasyalan – malalayong bansa, kung saan nakakita siya ng mga high tech na laboratories na nagsasaliksik tungkol sa stem cell!