May Kabuluhan pa ang ang Bangko sa Panahon Ngayon….para sa mga ordinaryong Pilipino?

May Kabuluhan pa ba ang Bangko sa Panahon Ngayon
…para sa mga ordinaryong Pilipino?
Ni Apolinario Villalobos

Nagtatanong lang naman ako, dahil sa kakarampot na kinikita ng mga ordinaryong Pilipino ano pa ang matitira upang maitabi sa bangko? Maaaring ang pakinabang sa bangko ay ang paghawak at paglabas ng mga suweldo ng mga manggagawa. Subali’t ang problema, hindi na rin ligtas ang ginagamit na ATM cards dahil sa mga nagsusulputang iba’t ibang klaseng paraan upang ito ay magamit ng mga tiwaling tao. At ang masakit, naghuhugas- kamay ang bangko kapag nangyayari ito upang makaiwas sa pagbalik o pag-refund ng nawalang pondo ng kliyente. Itinuturo ng bangko ang kontrata sa kanila na pinirmahan ng kliyente, na sa kasamaang palad ay naka-print sa maliliit na titik kaya halos hindi na mabasa!

Dapat ang bangko ay dinideposituhan ng pera ng mga taong gustong maglaan ng maski maliit na halaga pagdating ng panahon ng pangangailangan. Subali’t ang kikitaing interes naman ay kulang pang pambayad sa buwis na pinapataw sa nakadepositong halaga.

Ang gusto lang yata ng mga bangko ay kumita sa pamamagitan ng pagpapautang ng perang nakadeposito sa kanila. Sa ganitong paraan ay kikita sila ng malaki, subali’t ang mga depositor na may-ari ng pera ay nakanganga, dahil kapag binawi na nila ang perang nakatabi, ay halos ganoon pa rin ang halaga.

May Bangko Sentral ang bansa, subali’t inutil naman sa pagbuo ng mga ideya o programa kung paanong matulungan ang mga ordinaryong mamamayan tungkol sa pinag-uusapang bagay. May pamahalaan naman ang bansa, subali’t lalong inutil din pagdating sa ganitong bagay. Ang gustong mangyari yata ng pamahalaan ay maging negosyante ang lahat na Pilipino kaya ang mga pera nila ay dapat gamitin sa pangangalakal. Anong negosyo?…negosyong naka-display sa bilao….o nakalatag sa bangketa? At, paano na ang mga Pilipinong walang gana o kaalam-alam sa pagnegosyo , kaya ayaw magbitaw ng pera sa pangambang ito ay malulusaw lang?

Kaipokrituhan ang kampanya ng pamahalaan at mga bangko na turuang mag-impok sa bangko ang mga kabataan. Bakit hindi amining ito ay panloloko lamang. Paano ngang gaganahan ang mga batang mag-impok sa bangko ganoong wala naman itong halos kikitain? Ang gusto lang ng pamahalaan sa pakikipagkutsaba sa mga bangko ay madagdagan ang pinapaikot na perang nakalagak sa kanila upang may maipautang na papatawan naman ng mataas na interes. Ganoon lang ka-simple.

Kung may ma-bankrupt na bangko, sorry na lang sa mga nagdeposito ng mahigit Php500,000, dahil maggugudbay na sa kanila ang halagang mahigit dito na siya lamang babayaran ng insurance. Paano na ang mga retirees na ang inaasahan ay interes sa naimpok na perang umaabot minsan ng mahigit Php500,000? Siyempre, ang sagot ay hati-hatiin ang halaga sa iba’t ibang bangko upang masunod ang maximum na deposit, subali’t ang malungkot ay wala pang limandaang piso ang kikitain ng bawa’t deposito sa isang buwan!

Ngayon, anong tulong ang nabibigay ng pamahalaan, Bangko Sentral ng Pilipinas, at mga bangko sa mga ordinaryong mamamayan?…may kabuluhan pa ba sila? Ang sagot ay tumataginting na WALA!!!

The Hopeless Saving Effort of the Poor Filipinos

The Hopeless Saving Effort of the Poor Filipinos
By Apolinario Villalobos

The Philippines as a country that belongs to the third world, has nothing to be proud of when it comes to the self-sufficiency of its people. There are strong indications that the Filipinos are far from gaining just a foothold on the edge of this aspiration. While there is an effort on the part of some hardworking Filipinos to become self-made entrepreneur even of the lowest category, external factors are just not on their side. The best investment that a few thousand pesos can give to the aspirant is a round and flat bamboo tray (bilao) of girlie accessories. The aspiring entrepreneur is also constantly haunted by sidewalk clearing agents of the government who drive him away from roadsides and street corners, and whose effort is enhanced by the threat of fine or arrest. The few pesos earned for the day is not even enough to buy three decent meals for a family of four which is the standard size of the Filipino family.

With small-time entrepreneurship out of question, here comes the encouragement of the government to save money in the bank. Some banks even entice kids to start their own savings purportedly, for a “bright future”. In advertisement, the call is very attractive, full of promises. The banks also zero-in to the sector of retirees to-be because of their separation pays in lump sum that sometimes amount to millions of pesos. Lucky are those who bit the bait five or more years ago due to sufficient return in interest , because, today, such topic does not deserve any serious discussion for lack of financial luster.

Today, if one puts a million pesos in a time deposit scheme of five years, it will not even earn one thousand pesos per month. As if the dismal interest is not enough, bank managers, exert much effort in selling the insurance programs of “sister” insurance companies which do not allow approration of dividend. The client must wait until the placement matures after three years or five years or whatever length of coverage.

For the retirees who have been looking forward to live on their savings’ interest in the bank,it is as if the world has closed in on them. A retiree cannot even rely on the interest of a five- million peso time deposit that was long-planned to be used to buy health supplements and regular physical check- ups.Worst, the social security pension, especially, of those who belong to the minimum level is barely enough to cover monthly household expenses.

The poor retiree is left with no recourse, but to spend the hard-earned savings with much cautious calculation so that they will last until the dayhe draws his last breath.