Ang Mga Alahas na Gawa ni Jenny

Ang Mga Alahas na Gawa ni Jenny

Ni Apolinario Villalobos

 

Napansin ko agad ang puwesto ni Jenny (Jennifer Piana), sa idinaos na Trade Fair sa SM Bacoor dahil namumukod-tangi ang kanyang mga produkto. Ito ay mga alahas na yari sa tanso o copper, semi-precious stones at crystals – mga singsing, bracelet, kuwentas, at hikaw. Maganda at pulido o malinis ang pagkakagawa kaya naakit agad akong magpagawa ayon sa naisip kong disenyo para sa isang bracelet na ginamitan ng “Indian jade eye”. Ito ngayon ay ginagamit ko araw-araw, kahit nasa bahay ako.

 

Ang tanso ay kinikilala dahil sa health benefits nito, mula pa noong panahong hindi pa pinapanganak si Hesus. Ito ay itinuturing na gamot laban sa rayuma at arthritis. Ang elementong tanso ay bahagi ng ating katawan dahil kasama ito sa mga dumadaloy sa ating dugo, at iba pa tulad ng zinc, silver, manganese, etc. Katulad ng tanso, ang mga batong matitingkad ang disenyo at kulay ay hindi lang pampalamuti sa katawan bilang alahas ang gamit, dahil nagbabalanse din sila ng enerhiya sa ating katawan. Dahil diyan, ang mga nadiskubreng libingan ng mga tao noong unang panahon, lalo na nang mga namumuno sa kanila, tulad ng pharaoh ng Ehipto ay palaging may mga iba’t –ibang uri ng bato tulad ng jade, agate, quartz, opal, onyx, tektite at mga metal na bagay.

 

Hindi tumatagal ang buhay ng mga mikrobyo sa tanso, kaya noong unang panahon pa rin, ang mga ginagamit na lagayan ng tubig at lutuan, pati ng pagkain ay gawa sa tanso. Dahil dito, marami na ring mga ospital ngayon ang gumagamit ng tansong material na ginawang stainless para hindi mahirap linisin, tulad ng mesa at lababo.

 

Ayon kay Jenny, dati ay taga-benta lang daw siya ng nagawa nang mga alahas na tanso, subalit dahil curious, nanood din daw siya kung paanong gawin ang mga ito. Bandang huli ay nagdesisyon siyang gumawa ng sarili niyang mga alahas upang ibenta sa mga kaibigan at tuwing may mga trade fairs. Umabot sa 12,000 pesos ang una niyang ipinundar para makabili ng mga gamit sa paggawa, pati na ang mga tansong kawad, mga semi-precious stones at kristal.

 

Sa awa naman daw ng Diyos ay nakakaraos siya tuwing sumali sa mga trade fair, kahit medyo may kamahalan ang upa sa isang puwestong maliit na sa tantiya ko ay 3feet by 3feet. Nangangarap si Jenny na sana ay magkaroon ng sariling puwesto dahil tuwing walang trade fair ay home-based lang siya at umaasa sa mga order na papasok sa pamamagitan ng facebook. Ito lang ang pinagkikitaan niya bilang isang single mom ng kanyang lalaking anak na pitong taong gulang.

 

Sa mga oorder ng alahas, makokontak si Jenny sa cellphone number 09064857384. May facebook din siya para sa kanyang mga produkto, i-google search lang ang “faceboo.com/coperasso”.  Pwedeng magpagawa sa kanya ng alahas batay sa sariling design. Pero, sana naman, kung oorder ay damihan na para hindi talo si Jenny kung ide-deliver niya.

Asia United Bank…a Dynamic Plus of the Economic Foundation of Bacoor City

ASIA UNITED BANK…A DYNAMIC PLUS

OF THE ECONOMIC FOUNDATION OF BACOOR CITY

By Apolinario Villalobos

 

A community’s growth is always determined by the economic institutions that are found within its periphery, and foremost among them are the banks, the presence of which implies that it is booming. And, because competition is expected among these institutions, one which has got the most high-tech facility coupled with satisfying service would surely have the clout. In this regard, worth mentioning is the Asia United Bank in Bacoor City, a newcomer in the banking arena that has gained a significant share of the local market since its establishment in 2012. The bank is prominently located at the city’s crossroads, the rotunda from which emanate the southern road that leads to Imus/Batangas, the westbound road that leads to Cavite City, and the southbound one that leads to Las Piἧas and Manila.

Asia United Bank has a reputation of having established the first paperless transaction in the country with the “virtual teller kiosk” in the midst of its system that practically shrinks the time element in the client’s transaction with the bank. The on-line transaction which many clients dread due to the proliferation of hacking is made secure by the bank with its 3-level security password system. Its one-of-a-kind “Bizkit” allow clients to choose which offerings are appropriate for their needs. It has many current products that the Field Sales Officer of the Bank or the OIC/Branch Manager can discuss…all one needs to do is just request for their visit. As can be gleaned from the bank’s “resume”, it is some kind of a “total Filipino bank”.

I had my own encounter with the bank when I decided to let them take care of my meagre savings, a turnover from another bank which they took over. I was totally impressed with the service and such impression has been maintained until today, especially, because of the new and amiable Bacoor branch manager, Ms. Nanette Salvador Quincena. She further cemented my trust in the bank when I observed how her team in the branch – all young, would move with seemingly orchestrated professionalism. During a casual chat with her, she expressed, “…at AUB, we are exhausting all means to tap the local market as we are trying to reach out to the working level of the populace that needs our assistance”…an impressive statement! As my habit, because of the good impression, I decided to write something about this “young and dynamic” bank to express my appreciation.

It is admirable to know that the courage of people behind this institution is an offshoot from pooled brilliant business ideas that started with a biscuit company…the Republic Biscuit Company (REBISCO). So, that’s another success story that can make one recall Lucio Tan’s whose bold diversification emanated from a bank, but still earlier, supposedly, a buy and sell venture. Add to that the story of Henry Sy whose giant business empire grew out of a simple shoes store in Sta. Cruz, Manila.

 

Ika-9 ng Mayo Eleksiyon 2016…at tulong ng BJ Volunteer Team ng Real Dos (Bacoor City)

Ika-9 ng Mayo Eleksiyon 2016

…at tulong ng BJ Volunteer Team ng Real Dos (Bacoor City)

Ni Apolinario Villalobos

 

Tulad ng dati inagahan ko ang pagpunta sa presinto ng botohan para sa barangay Real Dos sa Real Elementary School, upang magmasid. Di tulad ng nakaraang mga eleksiyon na may mga upuan sa labas ng mga kuwarto, nitojg nakaraang eleksiyon ay wala ni isa mang magamit ang mga botante lalo na ang mga senior citizens. Nang magkomento ako, tiyempong may dumaang titser at nagsabing, “hindi pa ho inilalabas”. Subalit sa oras na yon, mag-aalas otso na imposible nang maglabas pa sila ng mga upuan dahil nagdadatingan na ang mga botante. Upang ma-check kung naglabas ng mga upuan, bumalik ako bandang alas-diyes…wala pa rin. Inunawa ko na lang ang mga titser na talagang hindi magkandaugaga sa pag-asikaso sa mga botante.

 

Ang masaklap ay iisang listahan lang ang inilagay sa labas ng bawat kuwarto bilang batayan ng mga botante kung saang cluster sila nakatalaga. In fairness sa mga titser, may ginawa silang numbering system pero hindi rin nasunod dahil sa biglang pagdagsa ng mga botante kaya kawawa ang volunteer na na-assign sa listahan dahil sa sabay-sabay na mga tanong.

 

Mainit sa labas ng mga presinto dahil walang tolda at marami na rin ang nairita dahil hindi makita ang pangalan nila sa listahan. Sa puntong ito, kumilos na ang mga volunteers ng Barangay Real Dos sa pamumuno ng kapitan, si BJ Aganus. Sa labas ng eswelahan na malayo sa mga presinto alinsunod sa batas ng COMELEC, nagtayo ng tolda sa bakuran ng mga Guerrero na nagpaunlak sa paggamit pati ng kuryente para sa laptop.

 

Ang mga taga-Real Dos na nalilito ay ginabayan papunta sa tolda ng Real Dos upang i-double check ang “kinaroroonan” ng kanilang pangalan sa listahan na binigay ng COMELEC. Dahil sa nangyari, hindi na nila kailangang makipagtulakan pa sa labas ng mga voting precinct ang mga botante upang malaman kung saan sila assigned. Ito ang official list na pinamahagi sa mga barangay kung saan ay nakalagay ang pangalan ng mga botante at kanilang presinto. Dahil sa ginawa nina Kapitan BJ, napabilis ang pagboto ng mga taga-Real Dos. Hindi na nila kailangan pang tumayo sa ilalim ng init ng araw habag naghihintay ng pagkakataong matanong ang COMELEC volunteer kung saang presinto nakalista ang kanilang pangalan.

 

Dahil sa ginawa nina Kapitan BJ, nabawasan ang pagkainis ng mga botante. Nagpaliwanag din ang kapitan tungkol sa inasahang dami ng mga botante na dapat ay nagpa-bio sa COMELEC pero hindi nila ginawa kaya ang inasahang numero ay hindi inabot. Dahil sa ginawa niya ay kumalma ang mga botante na kahit papaano ay naunawaan ang mga pangyayari. Nabawasan din ang galit nila sa COMELEC.

 

Ang Tagumpay…(para sa Batch 1973-74, Real Elementary School, Bacoor City, Cavite)

Ang Tagumpay

(para sa Batch 1973-74, Real Elementary School

Bacoor City, Cavite)

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaylan ba masasabi ng isang tao na, “ako ay nagtagumpay”?

 

Kung siya ba ay naging pinuno ng isang bayan?

…nagtapos sa isang kilalang unibersidad

ng pinakamataas na kurso?

…nakapag-asawa at nagkaroon ng mga anak

na naging bahagi ng isang malaking pamilya?

…o di kaya’y naging presidente ng isang kumpanya

kaya sa marangyang buhay ay nagpakasawa?

 

Ang tagumpay ay higit pa sa salapi…

Higit pa sa isang mataas na kurso…

Higit pa sa isang prestihiyosong trabaho…

Higit pa sa isang malaking pamilyang nabuo.

 

Ang tagumpay ay minimithi ng ating puso

Na sa ating nakamit, tayo ay naging kuntento

Dahil lubusang nagamit, biyayang bigay ng Panginoon

At Kanyang susukatin pagdating ng takdang panahon.

 

Pamamahagi rin ito ng biyaya sa mga kapus-palad

Na mula sa kanila ay hindi natin inaasahan ang bayad

Isa rin itong hindi maipaliwanag na nararamdamam

Kapag sa simpleng payo tayo ay mayroong napasaya

Lalo na kung tayo’y nasa tabi’t umaagapay sa kanya.

 

Ang tagumpay ay kasiyahang hindi nasusukat

Lalo pa’t sa panahong ang araw, sa ati’y di na sisikat

Kung kayla’y walang dapat tangisan at pagsisisihan pa

Sa pagdilim ng ating paningin at paghugot ng huling hininga!

IMG7833

 

Ang Pinsan Kong Lumpo Subalit Buo ang Loob at Matibay ang Pag-ibig sa Asawang Nagkasala

Ang Pinsan Kong Lumpo Subalit Buo ang Loob

at Matibay ang Pag-ibig sa Asawang Nagkasala

Ni Fernando  Sagenes

 

Lumpo ang pinsan kong si Soly (Soledad) dahil napinsala ang kanyang gulugod (spine) nang siya ay madaganan ng isang bahagi ng natumbang bahay nila noong bago pa lang silang nagsasama ni Caloy bilang mag-asawa. Sa kabila ng lahat, hindi siya pinanghinaan ng loob, bagkus ay nagsikap siya upang hindi umasa sa tulong naming mga kamag-anak niya. Nagbukas siya ng maliit na tindahan na masuwerte namang lumago kaya mula sa kita ay napaayos nila ang bahay nila sa Vasquez/Arevalo Compound sa Barangay Real 2.

 

Nakabili din sila noon ng sasakyan na ginagamit sa pamamakyaw ng paninda, pati isang  motorcycle na ginamit ni Caloy para sa mabilisang pamimili sa Imus at Zapote. Lalong higit, nakatulong din siya sa mga kapatid niya at iba pang kamag-anak na kinakapos, at ginagawa pa rin niya hanggang ngayon.

 

Sa kasamaang palad, nalihis noon ang landas ni Caloy nang makiapid siya sa ibang mga babae, at ang kasukdulan ay nang hiwalayan niya ang pinsan ko upang pumisan sa pinakahuling babaeng nakilala niya at tumira pa sila sa hindi kalayuan sa amin. Ang bawal na relasyon ay humantong sa paggawa ng hakbang ni Caloy na kamkamin ang bahagi ng conjugal property nila ng pinsan ko. Mabuti na lang at nagkaroon sila ng kasunduan at kasulatan sa Barangay na pumigil sa kanya upang huwag ituloy ang masama niyang balak.

 

Sa loob ng dalawang taon ay talagang nagtiis si Soly at pilit na pinalampas ang lahat ng nangyari, kaya tuloy lang siya sa pagsikap upang mamuhay na wala ang asawa na dapat sana ay umaalalay sa kanya dahil sa kanyang kalagayan. Nariringgan pa rin siya ng malulutong niyang pagtawa kaya bumilib sa kanya ang mga kaibigan at mga kapitbahay na nakakaalam ng mga pangyayari.

 

Subalit, talagang matalino ang Diyos dahil binigyan Niya ng dahilan si Caloy upang gumawa ng desisyon – ang bumalik sa piling ng pinsan ko. Si Caloy ay na-stroke na naging dahilan ng matagal niyang pagkaratay kaya napilitang bumalik sa piling ng pinsan ko. Pinagtiyagaan siyang alagaan nito hanggang siya ay makaraos at kahit papaano ay makatayo at makalakad kahit sa simula ay mahina ang kanyang pagkilos. Ngayon, maliban sa kanyang pagkaputla, malakas na si Caloy na halos hindi na halatang nakadanas ng stroke.

 

Samantala si Soly naman ay tuloy pa rin ang pagiging masayahin. Sa paggising sa umaga, pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili ay pupuwesto na agad sa kanyang tindahan. Sa harap at kanang bahagi niya ay mga nakabiting paninda na halos abot-kamay lang niya, pati ang butas sa screen kung saan ay inaabot ang bayad sa kanya. Sa kaliwang bahagi naman ay ang kalan dahil gusto niyang siya pa rin ang magluto ng pagkain nila. Nang umagang mamasyal kami sa kanya, inabutan naming siyang nagpipirito ng talong at daing.

 

Sa unang reunion naming magkaklase sa Real Elementary School, pinagtiyagaan ko siyang kargahin upang makadalo. Sa kabila ng kanyang kalagayan hindi siya naghangad ng special na attention mula sa mga dumalong kaklase. Normal na normal ang pagtrato namin sa kanya dahil hindi namin siya itinuring na lumpo. Sa katuwaan namin dahil sa matagumpay na pagkikita, nagpasya kaming mag-reunion uli agad, pero sa bahay na niya gaganapin para hindi na siya mahirapan pa. Aayusin na lang namin ang maliit nilang garahe na dating pinaparadahan ng kanilang jeep at motorcycle.

 

Maliban sa pagmamahal ay malaki ang respeto ko sa aking pinsan dahil sa kabila ng kalagayan niya, noong tanungin ko kung mahal pa niya ang asawa niya kahit iniwan na siya nito, ay walang kagatul-gatol na sinabi niyang, “mahal ko pa rin siya kahit ano pa ang ginawa niya dahil asawa ko siya sa mata ng Diyos”. Pinatunayan niya ang matibay niyang pagmamahal nang alagaan niya ang kanyang asawa nang ito ay ma-stroke.

 

 

Fernando Sagenes: Walang Hadlang ang Kagustuhan Niyang Madagdagan ang Kaalaman

Fernando Sagenes: Walang Hadlang

Ang Kagustuhan Niyang Madagdagan ang Kaalaman

Ni Apolinario Villalobos

 

Bago ko nakilala si Fernan ay nakilala ko muna ang kanyang tatay. Ang unang nakatawag sa akin ng pansin nang makilala ko ito, ay ang pagiging tahimik niya. Kilala ang tatay niya sa palayaw na “Adring”, may kaliitan subalit matindi ang pagrespeto sa kanya. Noong iisa pa lang ang barangay Real at nasasakop pa ng Imus, isa ang tatay niya sa mga konsehal. Ngayon, hiwalay na ang barangay namin na naging barangay Real Dos na itinalaga sa teritoryo ng Bacoor, samantalang ang orihinal na Real ay naging Real Uno at sakop pa rin ng Imus.

 

Sa kanilang magkakapatid, pansinin si Fernan dahil sa kanyang salamin kahit noong tin-edyer pa lang siya. Ang impresson tuloy sa kanya ay mukhang may itinatagong talino, at napatunayan kong meron nga nang mabisto kong mahilig palang magbasa. Palagi itong may dalang babasahin, magasin man o maliit na libro na binubuklat niya habang naghihintay ng pasahero sa pilahan ng mga traysikel. Ang pinagkikitaan niya ay pagta-traysikel kahit noong wala pa siyang asawa. Minsan ay nakatuwaan kong tingnan kung ano ang binabasa niya nang maging pasahero niya ako, at nalaman kong lumang kopya pala ng Reader’s Digest.

 

High School graduate si Fernan, subalit pinipilit niyang “habulin” ang mga dapat sana ay natutunan pa niya kung siya ay umabot sa kolehiyo, na hindi nangyari. Sa simpleng paraan na pagbabasa hangga’t may pagkakataon at kung ano man ang mahagilap niya ay pinipilit niyang madugtungan ang naputol niyang pagpupunyagi sa larangan ng kaalaman. Natutuwa siya kapag nakakahiram ng mga aklat lalo na ang mga tungkol sa mga talambuhay, relihiyon at pulitka.

 

Dahil sa kaalaman ni Fernan, siya ay nahirang noon ng barangay bilang Executive Officer nang panahong ang Barangay Chairman ay si Vill Alcantara, at ngayon sa ilalim naman ng bagong Chairman na is BJ Aganus, siya ay nahirang namang Kagawad. Mapagmahal si Fernan sa asawa niyang si Myrna at anak na si Abby na ngayon ay 7 taong gulang at tulad niya ay mahilig ding magbasa.

 

Noon ay natawag niya ang pansin ni Mayor Strike Revilla at Congresswoman Lani Mercado nang lakarin niya ang 8 kilometrong layo mula sa sentro ng Tagaytay hanggang Talisay na nasa dalampasigan na ng lawa ng Taal upang dumalo sa isang mahalagang seminar.  Nanggaling pa siya sa Alfonso kung saan ay may trabaho siya. Dahil madalang ang mga sasakyan, nagdesisyon siyang lakarin ang 8 kilometrong kalsada na puno pa ng mga nakahambalang ng mga nabuwal na puno dahil katatapos lang noon ng bagyo.

 

Nang dumating siya sa pinagdausan ng seminar ay halos nanlilimahid siya sa pagkadikit ng damit sa katawan dahil sa pagtagaktak ng pawis. Ganoon pa man ay lakas-loob siyang pumasok kaya nakaagaw siya ng pansin ng iba pang dumalo sa seminar. Nang tinawag siya sa harap ng mismong mayor ng Bacoor na Strike Revilla upang pagpaliwanagin kung bakit siya na-late sa pagdating, sinabi niya ang totoo kaya buong pagmamalaki siyang pinuri ng mayor sa harap ng iba. Nandoon din ang Congresswoman ng distrito na si Lani Mercado-Revilla na pumuri din sa kanya. Binanggit din ni Fernan na hindi niya naisip na umupa ng sasakyang maghahatid sa kanya kahit hindi niya kabisado ang Talisay, dahil ang laman ng bulsa niya ay Php200 lang. At hindi rin siya nakapag-abiso na mali-late dahil wala siyang cellphone. Sa tuwa ni Mayor Strike Revilla ay ibinigay nito sa kanya ang isa niyang cellphone at dumukot pa ito ng sa bulsa ng sariling pera upang ipandagdag sa Php200 niya.

 

Ipinakita ni Fernan ang pagiging seryoso niya bilang kagawad ng Real Dos kaya kahit anong mangyari ay pinilit niyang matunton ang pinagdausan ng seminar sa Talisay. Alam niya na mahalaga ang makakalap niyang kaalaman na inaasahang ipamamahagi niya sa mga kasama niyang mga opisyal ng barangay.

 

Samantala, ang cellphone na N89 (Nokia) na bigay ni Mayor Strike Revilla ay pinagtitiyagaang ginagamit ni Fernan sa pagbukas ng internet. Maliliit ang mga titik na lumalabas dahil maliit lang din ang screen nito, kaya halos idikit na niya ang kanyang mukha sa screen. Ganoon pa man, dahil sa cellphone ay nadagdagan ang pagkakataong madagdagan ang mga kaalaman ni Fernan tungkol sa mga pangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo at iba pang mga bagay na may kinalaman sa buhay ng tao.

IMG7826

 

 

Fr. Eric I. Santos of the Eastern Catholic Church Preaches Where He is Needed Most

Fr. Eric I. Santos of the Eastern Catholic Church

Preaches Where He is Needed Most

By Apolinario Villalobos

 

Fr. Eric is “Fr. Ericson I. Santos, D.D.”, an Eastern Catholic priest who established an “oasis of faith” in the heart of Malumot, a depressed area of Panapaan 7 in Bacoor City. The young priest has gone through trials that saw him start his spiritual career as an Aglipayan priest.

 

He finished his studies in Batac, Ilocos Norte, and in 1999 was ordained as an Aglipayan priest. His first assignment brought him to Olongapo, particularly, the Sta. Rita parish where he preached until 2004. On that same year until 2008, he covered the whole of Zambales and Cavite. In October of 2008, he was elected as Bishop for southern Tagalog diocese. For his consecration, no less than, Bayani Fernando, the popular head of the Metro Manila Development Authority stood as his sponsor, with Bishop Romualdo Badni officiating. The following year, 2009, he was appointed as Auxiliary Bishop of Zambales.

 

Unfortunately, due to unforeseen circumstances that brought about some enlightenment, Fr. Eric made a crucial decision to join the Holy Eastern Catholic Church, particularly, the Metropolitan See of the Philippines and All Asia. From then on, what he started in Malumot began to prosper as he found the community deserving of such spiritual attention.

 

A young spiritual shepherd at the age of 36, Fr. Eric, has been consistent in his advocacy by attending to the needs of the Catholics around the area, reaching out to them, using a motorcycle. He confides that the spiritual offerings of the faithful are in a way “returned” to them through the affordable improvements of the chapel. He derives his personal financial support from being the chaplain of Bacoor city which makes the government then, afford to extend not only the temporal assistance for the constituents, but the spiritual as well. He became known among the people of Bacoor as the priest who dispenses spiritual help with much ease, in spite of distance and time.

 

When I visited Fr. Eric, it was a Holy Thursday during which I witnessed a “pabasa” in their humble chapel. He was a picture of a “true shepherd” who melds with the faithful around him, in his shorts and t-shirt. While we were conversing, groups of children would stop by to kiss his hand or put it on their forehead as a sign of respect. We had an iced chocolate that he bought in the food stall nearby to counter the terrible heat of the early afternoon sun. Just like any Catholic “father” of the parish, he dreams of having the present chapel renovated for the necessary second floor.

 

Malumot is “catch basin” during flood days since time immemorial as it is situated beside a river that easily gets overflowed. Fr. Eric experienced the waist-deep flood since the first day he lived among the people of this area but his resolve was never deterred. He could have just lived comfortably in any subdivision near the area and just conduct regular service in the chapel, but such decision never entered his mind.

Without saying, his act implies that he should suffer with his flock according to his vow of poverty…indeed, an act of a true Catholic priest or Christian shepherd for that matter. May other Christian leaders emulate your ways, Fr. Eric..or, Bishop Eric!…Bacoor City is fortunate to have you!

 

Bacoor City Drainage (Ilog) Hinahayaang Tubuan ng mga Punong Kahoy!

Bacoor City Drainage (Ilog) Hinahayaang Tubuan ng

Mga Punong Kahoy!

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang maliit na sapa o ilog na ito na daanan ng tubig mula sa Dasmariἧas City ay hinahayaang tubuan ng punong kahoy sa gitna pa mismo, at may ilang lumalaki na sa mga gilid. Nakapagtatakang hindi ito napapansin ng mga taga-Barangay Panapaan 6 ganoong malapit lang ito sa Andrea Village 2 at katabi ng malaking tindahan ng isang kilalang brand ng foam at mattress, and Uratex. At ang nakakabahala pa ay lumulusot na ang mga sanga sa mismong screen na nakatakip sa ilog na nasa gilid ng highway. Tumatawid ang ilog na ito sa ilalim ng Aguinaldo highway na sa kaunting ulan ay bumabaha na dahil ang mga daluyan ng tubig na naiipunan ng basurang naging latak at putik ay bumabaw. Ngayong tag-araw, mapapansin ang paglitaw ng mababaw na lupang pinakasahig ng ilog na tinubuan na rin ng mga damo!

 

Ang uri ng kahoy na tumutubo sa ilog na nabanggit ay punong-gubat kaya lumalaking di-hamak at nagbabantang bumasag sa narip-rap na gilid. Malamang din na hindi tatagal ay aalsahin na rin ng puno ang nakatakip na screen. Ang pinakamatinding pangamba ay ang pagiging sagabal nito dahil sa mismong gitna ng ilog ito tumubo. Ang hindi maintindihan ay kung bakit hindi ito nire-report ng mga street sweeper sa kinauukulan ganoong tuwing umaga silang nagwawalis sa bahaging ito ng highway na malapit na rin sa SM Bacoor.

 

Ito ang isa sa maliwanag pa sa sikat ng araw na kapabayaan ng mga kinauukulan sa kapakanan ng bayan. Hindi nila “inuugat” o tinitingnan ang mga “talagang dahilan” ng mga problema. Tulad na lang ng mga punong tumutubo sa gitna ng ilog kaya humaharang sa mabilis na pagdaloy ng tubig…nagiging sagabal sila kaya ang mga basura ay naiipon at nagiging bara, dahilan ng mabilis na pagbaha sa mga nasa mababaw na bahagi tulad ng Malumot, Justinville, Luzville, Silver Homes 1 and 2, at Perpetual Village 5 at 7…pati na sa private na sementeryo ng mga Revilla.

 

Saka na lang ba aaksiyon kung tag-ulan na naman? Hindi dahilan ang eleksiyon 2016 upang hindi maaksiyunan ang ganitong problema dahil ang mga sinisuwelduhang empleyado na dapat ay nagtatrabaho ng maayos ay hindi naman nangangampanya. At lalong hindi pwedeng idahilan ang DENR na nagbabawal sa pagputol ng mga puno dahil ang mga nabanggit na tumububong puno ay nagbabadya ng perhuwisyo. Magkapalitan man ng mga opisyal na binoboto, sila ay nandiyan pa rin at inaasahang magtrabaho ng maayos upang masulit ang sinusweldo sa kanila.

 

Huwag itong isisi sa mayor dahil may mga taong nasa ilalim niya na inaasahang mag-asikaso nitong problema.

 

 

 

 

JC “Toto” Tiaga-Mariano: Young Athlete with a Big Dream

JC  “Toto” Tiaga-Mariano: Young Athlete with A Big Dream

…and a staunch believer in Jesus

By Apolinario Villalobos

 

At seventeen, JC Mariano, one of the star athletes of Lyceum (General Trias) in Cavite has a big dream – to become an engineer in the field of Information Technology. During the NCAA Season 90 he garnered 3 bronze medals, and for the latest Season 91, he earned 1 silver and 2 bronze medals all in the track and field events. And, for such feat, he profusely thanks his coach, Marc Basuan. Aside from his running prowess, he also dribbles and shoots basketball ball with learned precision. He is a member of the team composed of the youth of Barangay Real Dos of Bacoor City.

 

The afternoon I found my way to the snacks counter of his mother, Arlyn Tiaga who hails from Aklan, “Toto” as JC is fondly called by his family, just arrived from a basketball practice. I was lucky as he came home early that afternoon, and got surprised by the unannounced visit. I found out that he makes it a point to go home early to lend a hand to his mother whose small business is their bread and butter. His mother confided that the snacks counter that she has been tending for more than ten years now is the only source of their financial support. Summer days bring a little more than enough money, as the most popular is “halo-halo” – fruit tidbits in milk and shaved ice, a cooling snack.

 

JC who is a full athletic scholar of Lyceum (General Trias) is in Grade 10. Unlike the other youth of his age, he has no vice and prefers to stay home when there is no practice in their school on the track or basketball at the court of the Perpetual Village 5. He is a “New Christian’ by heart and in action. He confided that Jesus has always been part of his life – his guiding Light. He is serious in his studies that not even the tempting pleasure of bumming around with his buddies could distract him. Without even saying it, his statements imply his big dream which is to lavish his mother with comfort soonest as he starts earning. Her mother from whom he and his brother learned the virtue of discipline has been raising them singlehandedly.

 

During our short talk, JC recalled that he had his first running experience when he was in Grade 6 at the Imus Pilot Elementary School. A teacher who noticed his promising athletic talent assisted him to undergo a tryout for an athletic scholarship when he was about to enter his second year high school at Lyceum (General Trias).  That tryout was impressive because a school representative visited him at home to advice that he passed it and that he was to report for enrollment and training right away. That hard-earned scholarship was the start of his interesting journey as a struggling young student with a big dream. On his third year, Marc Basuan who also has a son on athletic scholarship made him part of the school team for which he served as the official coach.

 

Before we parted, JC confided that, “all the recognition that I have received, I owe to my family and coach, and of course to Jesus…”, who is obviously guiding him while trudging along the road that leads to success. He added,” I will definitely share with others what I have learned from my mentors…that will be the time for passing on the blessing…”  The same thought was also expressed by his basketball coach, Ian Paredes-Atrero, who is likewise, a true “New Christian” by heart and action. As a young man, JC, plays hard and gives his best, but aims high for his future and beloved family….all in the name of Jesus!

 

 

The Day Hector and His Family Helped the Perpetual Village 5 HA President, Louie Eguia

The Day Hector Garcia and His Family Helped the

Perpetual Village 5 HA President, Louie Eguia

By Apolinario Villalobos

 

When the unpaved roads of the Perpetual Village 5 was finally completed, courtesy of the City government of Bacoor City, flaws were discovered such as the low-grade asphalt that was used to fill the gaps of sections, and which practically cracked and broken into pieces in time, and the dangerous wide-gapped corners that endanger maneuvering cars, especially, vans and garbage trucks. Two garbage trucks almost lost their balance while maneuvering the corner along Fellowship and Unity Streets.

 

The anticipated dangers due to the precarious corners were brought to the attention of the contractor when the project was near completion, but to no avail. Understandably, he was constrained by the allocated budget that was allowed only for the approved width, thickness, and length of the roads in the subdivision. Rather than wait for mishaps to occur, the President of the Perpetual Village 5, Louie Eguia, decided to make use of the meager fund of the association.

 

As expected, Hector Garcia and the available members of his family volunteered to help – his wife Angie, daughter Mara, son-in-law Jet, and even the latter’s household “stewardess”, Ting.  From eight in the morning up to almost noon, the small group toiled under the searing heat of the sun. Even Mara who was on day -off and the lean and young “stewardess” Ting, took turns in mixing cement, gravel, and sand. Jet, who just arrived home from an overnight job also shook off the fatigue from lack of sleep. With a wheelbarrow, Hector tediously, made several trips to the Multi-purpose Hall for the pre-mixed cement and gravel, while Louie, though, suffering from skin allergies from the prickly heat, untiringly did his part.

 

I have already blogged the Garcia couple due to their unselfish “habit”, worthy of emulation. The habit practically runs in the family which also contaminated their house help, Ting, whom I lovingly call “the stewardess”. They talk less, but work more, and this habit made them click with the equally man of few words, Louie, their homeowners’ association president.