Anna…ang eleganteng food vendor sa Roxas Boulevard (Manila)

Anna…ang eleganteng food vendor sa Roxas Boulevard

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Masasabi kong elegante si Anna dahil sa sinasabi sa Ingles na “regal bearing” niya habang nagtitinda ng kape, kendi, at mumurahing sandwich sa isang bahagi ng Roxas Boulevard. Lalo akong nagulat nang walang pangingimi niyang sabihin na ang inabot niya ay Grade One. Hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral dahil tumulong siya sa kanyang mga magulang. Isa siyang Tausug, taga-Jolo at ang asawa naman niya ay isang Samal na nagtatrabaho bilang part-time security guard, ibig sabihin, ay “on standby” para magrelyibo o pumalit sa umabsent o aabsent na guwardiya. Lumalabas ang likas na talino ni Anna sa mga sinasabi niya habang nag-usap kami.

 

Una ko siyang napansin nang lumapit siya sa ilang bikers na nagpapahinga at omorder sa kanya ng sigarilyo. Lalong napaaliwalas ng hindi nawawalang ngiti ang likas niyang ganda na pilit lumulutang kahit pinapawisan siya. Kapansin-pansin ang maraming bikers na nagpapahinga at may isang umamin na matagal na nilang suki si Anna sa kabila ng kakaunti nitong paninda dahil mabait daw. Ikinuwento ni Anna na ang ginagamit niyang maliit na kariton ay regalo sa kanya ng isa niyang suking biker.

 

Dahil ang pinag-usapan namin ay tungkol sa buhay-buhay, ini-share niya na sa kabila ng maliit nilang kita, ay napapag-aral pa nilang mag-asa ang dalawa nilang anak…isa sa college at isa sa high school, samantalang ang panganay nila ay may sarili nang pamilya. Nakatulong ng malaki ang mura nilang upa sa bahay kasama ang kuryente at tubig, sa halagang Php2,500, dahil mabait daw ang may-ari. Sa San Andres Bukid sila nakatira na mararating sa loob ng ilang oras na lakaran mula sa Roxas Boulevard. Hindi din daw maiiwasang magalaw niya ang bahagi ng puhunan niya upang magamit kung may emergency, subalit kahit kaunti lang ang paninda ay pinipilit niyang pumunta sa Roxas Boulevard upang magtinda tulad nang Linggong yon nang mag-usap kami.

 

Sa mga Muslim Filipino, ang mga Tausug, tulad ng mga Maranao ay kilala bilang mangangalakal. Sila yong mga dumadayo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na karamihan ay nagtitinda sa palengke at bangketa kahit kakaunti ang kalakal. Mapapansin din na kahit sa iisang bilao lang nakalatag ang mga paninda, ang nagtitinda ay maayos ang bihis. Sa murang edad sila ay sinasanay na sa ganitong uri ng pagkikitaan kaya may mapapansing mga tin-edyer pa lang ay may mga sarili nang puwesto. Matiyaga sila kahit ang kinikita sa maghapon ay barya-barya. Ayon na rin kay Anna, ang gusto nila ay kumita ng maayos upang magkaroon ng tahimik na pamumuhay, dahil ayaw nila ng gulo kaya sila pumunta sa Maynila.

Ripples in the Stream

Ripples in the Stream

 By Apolinario B Villalobos

 

(A special reblog for Anna/oneanna65)

 

I have always been fascinated

by the stream –

mesmerized by the murmur

that the flowing water makes

as a pebble is thrown into it,

and as the current hits a rock,

as if protesting the presence

that hinders

its smooth journey

along the crevice of the earth.

 

The gentle touch of a dragonfly,

the sudden appearance of a fish’s snout,

the splash of swimming children,

the soft touch of a falling leaf,

the sudden gust of wind,

the trickles of incessant rain –

cause the ripples that rupture

the earth’s gently flowing stream.

 

Now that I am old,

I realized

that God has reasons

for  everything,

so He gave us intelligence

to understand them all

without any misgiving.

 

Indeed, just like a stream

that gets dented with ripples,

challenges and trials

make us cry in anguish;

and like a stream

that just keeps on flowing

there is nothing we can do

but go on living…

 

If the stream can keep on flowing,

so should we  –

let our lives flow

along the crevice of destiny.

 

Just like a stream

that joins the rest down its path

giving life along its way

towards the sea,

so must we …

help others with sincerity

as we meld with them

towards our destiny.

 (At 65, Anna lives in pain due to swollen joints and other parts of her body. Fearful to receive radiation and drug prescriptions if she goes to a doctor, she tries her best to make do with natural remedies. Sometimes she does not know if she will ever wake up to another day. But her courage and strong faith in God gives her the strength to draw sustaining breath of life despite the accompanying pain.)