Habang Hindi pa Ulyanin, Pairalin ang Common Sense Bilang Paghahanda sa Pagtanda

Habang Hindi Pa Ulyanin, Pairalin ang Common Sense

Bilang Paghahanda sa Pagtanda

Ni Apolinario Villalobos

 

Kapag umabot na sa retired age na alam na ng lahat kung ano, dapat ang taong tumatanda ay palaging gumamit ng “common sense” habang hindi pa siya ulyanin at kaya pa niyang mag-isip ng maayos. Ang mga sumusunod ay mga suggestions na dapat gawin o pag-isipan bilang paghahanda (pero, take it…or leave it…walang pilitan):

 

  • Para sa mga mag-asawang parehong buhay pa, dapat ay dagdagan pa ang pagiging mabait sa isa’t isa upang ang unang mamatay ay hindi libakin ng naiwang nabuhay na partner tungkol sa mga kaaliwaswasang pinaggagawa nito (namatay). Marami akong nakausap na biyudo at biyuda na sa mismong lamay ng kanilang namatay na asawa ay pinagkukuwento ang mga katarantaduhan nila pero idinadaan sa biro, sabay sabi ng,”parang nabunutan ako ng tinik nang mategok yan (sabay turo sa kabaong)”.

 

  • Maging mabait sa mga anak para pagtanda mo ay may mag-aalaga na mabuti sa iyo, hindi yong hahayaan ka na lang na namamaho o nangangamoy sa isang tabi kung saan ka tumae o umihi, o di kaya ay pakakainin ka ng isdang maraming tinik, etc….bilang ganti sa pagmamalupit at pagpapabaya mo sa kanila. Maraming ganyang uri ng anak ngayon na mas mahal na mahal pa ang gadget kaysa magulang. May nakita akong matandang nanay na halos hindi na makakilos, pero kinakaladkad ng anak sa labas ng bahay upang paliguan, hindi pwede sa banyo sa loob ng bahay dahil baka madumihan ang tiles na sahig! Ang isa ko pang nakita ay isang lola na wala nang ngipin na pinakain ng malaking hiwa ng karne kaya halos mamuwalan ito, pero dahil gutom ay nguya lang siya ng nguya gamit ang mga gilagid (gums) habang pinagtatawanan ng mga anak at apo.

 

  • Magtabi ng pera para sa katandaan at piliin ang anak na mapagkakatiwalaan na siyang mangangalaga sa naipong pera na gagamitin mo pagdating ng panahong hindi ka na makapunta sa bangko. Ang anak na ito rin ang mangangalaga sa iyong mga pangangailangan gamit ang perang inipon mo. Kung walang anak na mapapagkatiwalaan, pumili ng kamag-anak na matagal mo nang kilala at mas maganda ang ugali kaysa iyong mga anak .

 

  • Kung lahat ng mga anak ay suwail, at ang mga kamag-anak naman ay puro mukhang pera kaya walang mapapagkatiwalaan, pumili ng isang “home for the aged” na ang nangangalaga ay mga madre at makipagkontrata tungkol sa balak mong pagtira sa kanila at ang kapalit ay donation mo. Ipaalam o sabihin sa mga mapapagkatiwalaang kaibigan mo at mga anak nila ang iyong ginawa upang pagdating panahon ay mati-check nila kung inaasikaso kang mabuti ng mga madre. Huwag nang asahan ang mga anak at kamag-anak tungkol sa bagay na ito.

 

  • Huwag piliting gawin ang pinagbabawal ng doctor dahil nakakasama sa iyong kalusugan, tulad ng pag-inom ng alak, pagsisigarilyo, pagkain ng mga pagkaing magbibigay ng sakit sa iyo, etc. Pero kung talagang ayaw mo nang mabuhay nang matagal, itodo mo ang pagkain ng mga bawal, magpakalasing at manigarilyo ka rin sa loob ng 24/7. Huwag ka lang magsisi kapag nagkaroon ka ng kanser, o na-stroke kaya nagkandangiwi-ngiwi ang mukha o hindi na halos makalakad, o di kaya ay bumubuga na ng dugo kapag umubo….dahil lumigaya ka naman sa mga bisyo mo!

 

Ang “common sense” ay hindi binibili kundi likas na bahagi ng ating diwa mula pa noong tayo ay ipinanganak at nadi-develop habang tayo ay lumalaki. Nakakatulong sa pag-develop ng common sense ang pagmamasid natin sa ating mga kapaligiran lalo na ang ginagawa ng ibang tao. Kung minsan, nalalaman natin ang ating pagkakamali kung nakita nating ginawa ito ng ibang tao…kaya dapat palaging handa tayong tumanggap ng pagkakamali upang hindi na maulit pa lalo na pagdating ng panahong tayo ay matanda na.

 

Palaging nasa huli ang pagsisisi, pero paano kung hindi na tayo makakilos habang nakahiga, o di kaya ay may Alzheimer’s disease o ulyanin na tayo, kaya makikita na lang tayo na nagtatampisaw sa sariling ihi o naglalamutak ng sariling tae?

A Philanthropist at Quinta Market of Quiapo….Baby “Bicol” Dionisio

A Philanthropist at Quinta Market of Quiapo
…Baby “Bicol” Dionisio
By Apolinario Villalobos

If I am around the Quiapo area and want to partake of my favorite eggplant torte, I would just go to my favorite carinderia (makeshift restaurant) at the Quinta market. The stall is beside the fish section. For more than nine years now, I did not know that the single mom, Baby “Bicol” Dionisio, who is tending the said eatery has been silently enduring trials that have befallen her, as under her care is a hydrocephalic granddaughter. Both sleep in the cramped area behind the counter, among their worldly possessions, and the worst time is during the flood season during which the overflowing murky water from the Pasig River which is a few meters away would flood the whole market for days, reaching up to her ankle, and during some seasons, up to her thigh. In addition to such nuisance is the several decades-old roof that drips rainwater.

I learned about her hydrocephalic granddaughter one morning when I dropped by for my favorite dish, before proceeding to the Hospicio de San Jose beside the Ayala Bridge, and which is just a few hundred meters away. During our animated conversation, she inadvertently mentioned about the child in her care. It came as a surprise. I did not know about her ward as every time I drop by, she was always cheerful. I did not know that in the crib is a handicapped child.

What touches me every time I drop by for my cheap breakfast is her very positive outlook despite her strangling financial needs for the health maintenance of the child. That morning, she told me that she has learned to leave her fate to the Lord, but added that she has never failed to exert much effort in earning for their daily survival by waking up as early as four in the morning to do her purchases and cooking, and since theirs is a public area, staying awake as late as ten in the evening. She also cheerfully mentioned that the child has learned to knock at her crib post to wake her up consistently every morning.

Baby’s daughter, the mother of the child, still has two children in her care and she is also doubling her effort to support them by doing odd jobs. She and her family live in a shanty by the Pasig River with her two other small children. Her husband drives a traysikad or pedaled tricycle. I was even more surprised when Baby pointed at an old man who was sleeping that morning on an old reclining chair in front of her stall. She said, the old man who is past his seventy years, and suffering from the dreaded Alzheimer’s disease is also under her care. As soon as she is free from attending to her customers, she checks the old man. She has no idea about her additional ward’s family. I had no courage to ask her how her caring for the old man started. I find it unethical. For me, what’s important is what is being done at the moment of need.

I did not mention to Baby about the Hospicio as I was not sure if the said institution could take care of semi-invalids such as her old ward. I am resolved, however, to at least try my best in helping her locate the family of the man for his own sake. Most often, victims of Alzheimer’s disease who could not find their way back home are painstakingly searched for by their families.

Baby’s friends in the market would sometimes extend their assistance, although, not regularly, to help lessen her financial burden. Despite her situation that could break the bearing of the weak in body and spirit, she would just smile while attending to her customers, with not a bit of complaint. Due to her very amiable personality, she exudes a warm aura that gives her face some kind of a radiance that veils her real age, making her look like fortyish despite her age of past sixty years. When I asked if it is okey to take her photo with her granddaughter beside the old man, she vehemently refused, but she did not hesitate to give me her real name. I only knew it after more than nine years, during which I would just call her “nene”.

As always, people like “nene” or Baby keeps me going…