Ang Kagitingan ng Babae

Ang Kagitingan ng Babae
Ni Apolinario Villalobos

Kung babasahin ang Bibliya, nakatala doon sa sinasabing alamat ng paraiso, na ang dahilan ng pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos ay babae, si Eba. Kung sinasabi din na silang dalawa ay binigyan ng malayang kaisipan, ang ginawa ni Eba ay ang paggamit nito dahil sa kagustuhan niyang mahigitan ang kaalaman ng Diyos. Masisisi ba natin siya? Kung ang kaisipang ibinigay ng Diyos sa mga una niyang nilalang ay hindi malaya, hindi sana nagpatukso si Eba sa ulupong, at si Adan ay hindi nagpadala sa pangbubuyo ni Eba. Sa ginawa ni Eba, ipinakita niya ang lakas ng kanyang loob na magpairal ng kanyang saloobin, kaya pati ang Manlilikha ay nakaya niyang suwayin. At, kung hindi napalayas ang tatlo (kasama ang ulupong) mula sa paraiso, hindi sana nagkaroon ng pagkakataon ang tao na masubukan ang kanyang katatagan sa harap ng mga pagsubok na ibinigay ng Diyos.

Sa kasaysayan, maraming mga Ebang nagpakita ng kanilang katapangan, katatagan at kagitingan. Unahin na natin si Maria na sinasabing ina ni Hesukristo. Nagpakita siya ng katatagan sa pagharap sa nakasisilaw na anyo ng anghel nang pagsabihan siya nito na dadalhin niya sa kanyang sinapupunan ang manunubos ng mundo. Hindi siya nalito at natakot, sa halip ay tinanggap niya ang anunsyo ng buong puso at katatagan, at sa kabila ng nakatakda nilang pagsasama bilang mag-asa ni Jose.

Marami na rin ang mga naging bayaning babae, at ang pinakamatunog na pangalan ay si Santa Juana (St. Joan), na maski sa kaliitan ay nagawa pa rin niyang pangunahan ang isa sa pinakamadugong pag-aklas laban sa mapanupil na hari noong kapanahunan niya na humantong sa pagsunog sa kanya habang nakatali sa isang tulos. At sa makabagong panahon, ang isa sa pinakarespetadong pinuno ng bansa ay si Indira Gandhi na hanggang ngayon ay itinuturing na simbolo ng talino ng mga kababaehan.

Sa Inglatera, nagkaroon din ng babaeng pinuno, si Margaret Thacher, na kinilala sa kahusayan niya sa pagharap sa mga bantang pinakita ng kalapit nilang mga bansa. Sa Pilipinas, naman ay merong Corazon Aquino na sa kabila ng kakulangan ng kaalaman sa pagpapatakbo ng gobyerno ay buong tapang na umako ng mga responsibilidad sa ngalan ng kalayaan. Sa kasaysayan ng Pilipinas, nababanggit ang kagitinigan ni Gabriela Silang, Teodora Alonzo at marami pang iba, at sa isa pang alamat, si Prinsesa Urduja.

Marami pang mga kwento ng kagitingan ang umiinog sa katauhan ng mga babae, mga matatawag na ring bayani at martir na pilit nilabanan ang lungkot dahil sa pansamantalang pagkakalayo mula sa mga pamilya, kumita lamang ng maayos sa ibang bansa. Sila ang mga binubugbog at pinagsasamantalahan ng mga amo, at kung malasin ay isinasakay sa eroplano bilang cargo dahil nasa loob na ng kabaong, maiuwi lamang sa Pilipinas. Sila ang mga babaeng halos pigilan ang mga kamay ng orasan, magkaroon lamang ng mahabang pagkakataon upang kumita sa pinapasukang beerh house bilang receptionist o mananayaw. Sila ang mga babaeng maghapong nakatayo sa mga mall bilang mga dispatsadura. Sila rin ang mga babaeng hanggang ngayon ay nasa kabundukan at pilit na pinaglalaban ang mga karapatan ng mga inaapi. At sila ang mga babae na halos maputol ang hininga sa pag-ere, mailabas lamang ang isang buhay mula sa kanilang sinapupunan.

Sila ang ating mga anak, asawa, kapatid, pinsan, tiyahin, pamangkin, ina, lola, kapitbahay, kasambahay – mga nilalang na malimit hindi maunawaan, kaya kung minsan, ang tanging paraan upang mabawasan ang sama ng loob, ay ang pag-iyak na lamang. Subali’t hindi na ngayon, dahil unti-unti na ring kinikilala ang kanilang kagitingan at dahil diyan, nagkakaroon na rin ng imahe na dapat igalang.

Mother Earth and Man

Mother Earth and Man
By Apolinario Villalobos

Looking back when time began
God said the words
Giving life to all
That He desired,
The endless expanse of the void
Was filled with motley specks
That moved with harmony –
A prodigious task
Of the Almighty.

A tiny dot in the universe
Mother Earth throbbed with life
As God made her a living sphere
Covered with green and blue
All part of God’s grandiose plan
Done in a few days of divine toil,
Though, He rested finally
Being at last satisfied –
On the seventh day.

Out of a handful dust from her womb
God made Adam, by such name he was called
And with God’s breathe of life
What was once a lump with limbs
Has become like Him in image
And let to roam the Garden of Eden
But then, loneliness soon had its toll
Which when God has perceived –
From Adam’s rib, He made Eve.

Mother Earth now nurtures
Not only lesser creatures
But the pair that God made
In some aspects, in His own image.
A paradise, Eden was supposed to be
But to it, a serpent found its way
Tempting Eve to have a taste of ecstasy
And, no sooner than she did have a bite
She made Adam commit the same depravity!

The blunder made by Adam and Eve
Instigated the misery of Mother Earth
As they opened the floodgate of afflictions
That soon blemished her once pristine face;
Greed and selfishness, for long, led lives –
Cain putting to death his own brother Abel,
And many other stories that are written
On the sacred pages of the age-old Book-
All it needs is for us to give it a serious look.

Warnings that Mother Earth belched
In her effort to wake man up with a jolt
Did not budge him even a single bit
Instead, pride bloated him to the utmost
That, into the fetid air, made him float
And, as he breathes in more turpitudes-
It would be no wonder, when he bursts!

That will be the day when not even time
Shall move its hands as they should be,
That will be the day when not even rain
Shall fall with life-giving sweet droplets,
That will be the day when not even birds
Shall fill the air with their lilting tweets,
And the cool breeze shall no longer blow-
Leaving Mother Earth cloaked in sorrow!