Ang Mga Pulis na Ipinadala at Ipapadala sa Mindanao

ANG MGA PULIS NA IPINADALA

AT IPAPADALA SA MINDANAO

Ni Apolinario Villalobos

 

Ayon sa Philippine National Police, ang mga pinadalang mga pulis at mga ipapadala pa sa Mindanao ay magiging “support” lang daw ng mga taga-roon sa kanilang operation sa pagtugis sa Abu Sayyaf. Mukhang hindi yata maganda ang dating ng ganitong pahayag dahil noon, ang pagpapadala sa Mindanao ay banta ni de la Rosa sa mga tiwaling pulis-Maynila…kaya lumalabas na isang uri ng kaparusahan upang sila ay magbago. Kung hindi sila isasabak sa regular na mga gawain tulad ng operasyon laban sa Abu Sayyaf, lalabas na para lang silang pinagbakasyon, kaya siguradong may maririnig na mga reklamo mula sa mga taga-roong kapulisan na siyang gagawa ng mga “dirty works”.

 

Ang impresyon sa mga pulis-Maynila ay hindi daw sila lumalabas sa initan. Ang iba nga daw ay nahuli pang naglalagay ng “foundation” sa mukha. At, ayon pa rin kay de la Rosa, ang sukatan para malaman kung nagtatrabaho ang isang pulis ay ang kanyang kulay, dahil kung ang balat ng pulis ay may kutis na mala-porselana, ibig sabihin ay nasa loob lang ito ng opisina o di kaya ay nasa lilim kung sakaling nasa “labas” o field. At, dahil naggagalaiti si de la Rosa sa mg “ninja” –  mga pulis Maynila na sangkot sa droga,  sila raw ang mga uunahin. Subali’t bakit bigla yatang nagkaroon ng tono ang mga sinasabi ng PNP?

Ang “Industriya” ng Abuso at Droga sa Pilipinas

ANG “INDUSTRIYA” NG ABUSO AT DROGA SA PILIPINAS

Ni Apolinario Villalobos

 

NOONG MGA PANAHONG WALA PA SI DUTERTE NA ANG PILIPINAS AY NASA ILALIM NG IBA’T IBANG PRESIDENTE, NAMAYAGPAG ANG PAG-ABUSO NG MGA OPISYAL DAHIL NAKITA NILA ANG KALAMYAAN NG MGA NAKAUPO….WALANG POLITICAL WILL.  LUMALA ANG KORAPSYON, PATI ANG MGA DAPAT MAGPATUPAD NG BATAS AY LUMAKAS ANG LOOB NA UMABUSO NA UMABOT PA SA PAGPROTEKTA NG MGA DRUG LORDS. KAYA ANG SABI NI DUTERTE, KAHIT SA ANONG LENGWAHE, ANG TAWAG SA GINAGAWA NILA AY TREASON… ISANG MALAKING PAGTATAKWIL SA BAYAN, SA TIWALA NG MGA PILIPINO. PAGKATAPOS KASI SILANG GASTUSAN NG MGA PILIPINO UPANG MAGING PROPESYONAL, NAKAYA PA NILANG GAWIN ANG PAG-ABUSO.

 

ANG MGA MESSGENGER NG IBANG AHENSIYA NA KAKARAMPOT ANG SUWELDO AY NAKATIRA SA MGA EXCLUSIVE AT HIGH-END SUBDDVISIONS, HINDI BABABA ANG MGA SASAKYAN SA TATLONG PIRASO NA NAKA-DISPLEY SA GARAHE. ANG KUWENTO PA NG MGA KAPITBAHAY AY NAGSISIGA-SIGAHAN SILA GANOONG BISTADO NAMAN KUNG ANONG URI ANG TRABAHO NILA. KINATAKUTAN SILA DAHIL NAGPAPAKITA PA DAW NG BARIL. ANG IBA AY BASTA NA LANG NAGPAPAPUTOK KUNG LASING….PATI ASONG DUMADAAN LANG AY BINABARIL PARA MAIPAALAM SA MGA KAPITBAHAY NA SILA AY MAY BARIL. NAGKAMALI SILA SA PAGYAYABANG DAHIL MISMONG MGA KAPITBAHAY AY TUTUTSO SA KANILA.

 

NOONG MGA PANAHON PA RING YON  NA WALA PA SI DUTERTE, MARAMI ANG MGA NIRE-RAID NA MGA DRUG LABORATORIES, BILYONES ANG HALAGA NG SHABU NA LIBONG KILO ANG DAMING  NASASAMSAM. NABALITA PA NA ANG MISMONG NASA BODEGA NG PDEA NA DAPAT AY MGA EBIDENSIYA DAW AY NABAWASAN. NAGTURUAN, NAGKAIMBESTIGAHAN PERO ANG MGA KASO AY NALUSAW SA KATAGALAN. ANG NAKAPAGTATAKA LANG, TUWING MAY MA-RAID, ANG MGA TAONG NADADATNAN AY MGA HOUSEBOY NA INTSIK NA HINDI MARUNONG MAG-TAGALOG O INGLES, AT ANG MGA DRUG LORD AY “NAKATAKAS”….BAKIT??!!….SA ISANG BANDA NAMAN, ANG MGA NAMUNO SA MGA “RAID” AY NAGING “STARRING” SA MGA BALITA.

 

NANG UMUPO SI DUTERTE BILANG PRESIDENTE AY SAKA NAGLABASAN ANG MGA KUWENTONG NIRE-RECYCLE DAW ANG MALAKING BAHAGI NG NARE-RECOVER NA DROGA. ANG MGA PULIS NA INVOLVED SA RECYCLING AY TINAWAG NA MGA “NINJA”. MARAMING MGA DRUG RUNNER ANG BASTA NA LANG PINAGPAPATAY – SUNUD SUNOD PA, KAYA ANG SABI NG MARAMI, PINATAY DAW SILA PARA HINDI NILA I-PYAET KUNG SINONG MGA PULIS ANG NAG-UUTOS SA KANILA NA MAGBENTA.

 

NANG IHAYAG NI DUTERTE ANG MGA PANGALAN NG MGA HENERAL NA SANGKOT SA DROGA AY KANYA-KANYA SILANG BITAW NG MGA DEPENSA.  YONG ISA AY HINDI NAMAN DAW DIREKTANG INVOLVED SA RAID, PERO ANG HAWAK NAMANG OPISINA AY MAY KINALAMAN SA ANTI-NARCOTIC. YONG IBA NAGSABI NA “MARAMI NGA DAW SILANG NA-RAID” (PAKIBALIKAN ANG IKA-3 PARAGRAPH NA MAY KINALAMAN SA DEPENSANG SINABI NG MGA GENERAL TUNGKOL SA MGA GINAWA NILANG RAID.)

 

NAGLABASAN NA RIN ANG MGA KUWENTO NA DOBLE ANG KITA NG MGA NANGRI-RAID. KINUKOTONGAN DAW ANG MGA DRUG LORDS AT OPERATOR NG MGA LABORATORIES KAYA HABANG HINDI SILA NAHUHULI AY TULOY ANG KITA NILA MULA SA MGA INTSIK NA NAGHAHASIK NG LAGIM SA PILIPINAS….AT SA NARE-RECOVER NA SHABU AY MALIIT NA BAHAGI LANG NIRE-REPORT DAHIL ANG MALAKING BAHAGI AY NIRE-RECYCLE NG MGA “NINJA” SA PAMAMAGITAN NG MGA RUNNERS NA PINAGPAPATAY NA NILA NGAYON PARA HINDI PUMIYAET KAY DUTERTE.

 

YAN DAW ANG LARAWAN NG “INDUSTRIYA” NG DROGA AT ABUSO SA PILIPINAS….LARAWANG GUSTONG WASAKIN NI DUTERTE.

 

 

Ang Kidapawan Massacre at Komento ng mga Taga-Gobyerno

Ang Kidapawan Massacre

At Komento ng Mga taga- Gobyerno

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung ibinigay lang ng gobyerno ang pinangakong bigas para sa mga magsasaka noon pang Enero ng taong ito, hindi sana umabot sa massacre ang pagreklamo nila. Sinasabi ng ibang mga sumali sa rally na pilit silang “hinawi” ng mga pulis upang padaanin ang isang grupo ng nagkamkampanya para sa eleksiyon 2016, kahit may madadaanan naman daw sila, kaya umabot sa karahasan ang dapat sanay ay tahimik na rally. Kaya obvious na ginamit ang “obstruction” upang sila ay gamitan ng dahas.

 

Sinabi ni Alcala, kalihim ng Department of Agriculture na hindi siya naniniwalang naghihirap ang mga magsasaka dahil mura naman daw ang bentahan ng bigas sa Kidapawan. At, sana daw ang ginastos sa paghakot ng mga magsasaka ay ginamit na lang sa pagbili ng bigas. Sa mga sinabi niya ay masusukat ang “katalinuhan” ng mga tao ni Pnoy sa gobyerno. Ito ang mga sagot sa mga sinabi niya:

 

  • Kahit mura ang mga presyo ng bigas sa Kidapawan ay WALA RING PAMBILI ANG MGA MAGSASAKA DAHIL HINDI NGA SILA NAKAPAGTANIM, KAYA WALA SILANG PERA, NA NAGRESULTA SA KANILANG PAGKAGUTOM! May mga balitang marami nang namatay sa bahaging yon ng bansa dahil sa gutom na ang dahilan ay sobrang tag-tuyo….hindi pa ba sapat ang mga ito?

 

  • Bakit pabibilhin ng bigas ang mga naghakot ng mga tao papunta sa rally GANOONG MAY BIGAS NAMAN NA DAPAT AY IBIBIGAY SA KANILA AT KAYA NGA HINAKOT SILA DOON AY UPANG KALAMPAGIN AT PAALALAHANAN ANG GOBYERNO NA NAGBINGI-BINGIHAN!

 

  • Ang sitwasyon sa Kidapawan ay kaiba sa sitwasyon sa Maynila. Ang mga magsasaka doon ay nakatira sa paanan o gilid ng mga kabundukan na kung ilang kilometro ang layo mula sa bayan, at ang iba ay tatawid pa sa mga ilog bago makarating sa bayan. Sa Maynila, ang mga taong hinahakot sa rally ay galing lang sa mga depressed areas o slum na pwedeng maglakad patungo sa pagdadausan ng rally.

 

“Infiltrated” o nahaluan daw ng maka-kaliwa ang rally sa Kidapawan. Ang mga sagot:

 

  • Maski hindi nahaluan ng maka-kaliwa ang rally ng mga magsasaka, hindi pa rin mawawala ang dahilan ng kanilang rally na pagpapaalala sa gobyerno na ibigay ang ipinangakong bigas.

 

  • Tatlong panig ang kinatatayuan ng mga Pilipino: sa “kanan” na maka-gobyerno; sa “gitna” kung saan ang mga nakatayong Pilipino ay nanonood lang at handang lumipat sa “kanan” o “kaliwa”, na kung tawagin sa Ingles ay “fence sitter”; at ang “kaliwa” na kitatayuan ng mga lumalaban sa masamang ginagawa ng gobyerno at tumutulong sa mga inaapi. HINDI MALAPITAN NG MGA INAAPI ANG MGA NASA “GITNA” DAHIL AYAW NILANG MAKIALAM. LALONG HINDI MALAPITAN ANG MGA NASA “KANAN” DAHIL SILA ANG NANG-AAPI. KAYA, ANG NATIRANG PWEDENG LAPITAN AY ANG MGA NASA “KALIWA”.

 

Ang problema sa Pilipinas ay hinihintay pa munang magkaroon ng dahilan ang mga Pilipino upang kusang tulungan ng mga taga-kaliwa,  o lumapit ang mga nasabing inaapi sa mga taga-kaliwa dahil sa kapabayaan ng mga ibinoto at itinalagang mga opisyal. Mangangamkam ang mga opisyal ng mga dapat ay para sa kapakinabangan ng mga Pilipino at kung pumalag at tinulungan ng mga maka-kaliwa ay pagbibintangang mga komunista. Ang mga Pilipinong nangangailangan ay kailangan pang magpakahirap sa rally na umaabot sa massacre upang paalalahanan ang gobyerno sa mga kakulangan nito, pero kung para sa mga kawatang nakapuwesto, ang kaban ng bayan ay open na open – nakatiwangwang!

 

Sa ngayon, dahil eleksiyon, upang ipakita na may ginagawa ang gobyerno sa mga kawatan, hinalungkat ang baul ng mga record ng mga “small time” na mga kasong noon pa dapat nabigyan ng desisyon at biglang “dinesisyunan” at inanunsiyo sa buong mundo. Ang mga pinakabago at mga “big time” na mga kaso naman ng mga taga-administrasyon, lalo na sa pork barrel ay hinahayaan. Nasaaan ang hustisyang sinasabi ng gobyerno?

 

Mga massacre sa Hacienda Luisita (Tarlac-Luzon), Mendiola Massacre (Manila-Luzon) at ngayon, Kidapawan Massacre (North Cotabato- Mindanao)…lahat nang yan ay nangyari sa kapanahunan ng “President Aquino” (Cory at Benigno III). Magkakaroon kaya ng massacre sa Visayas upang makumpleto ang pagdurusa ni “LuzViMinda”?

 

Priests Should Not Assume That Catholics are Stupid

Priests Should Not Assume That Catholics are Stupid

Translated from Tagalog by Perla Buhay
Some priests think that just because they have studied the holy book and the history of the Catholic Church during their seclusion in the seminary, only they have knowledge about these things.  As a result of this erroneous thinking, many priests act as if they were chosen by God and blessed with said knowledge.

 

To face the truth, many people have separated from the Roman Catholic Church after coming to know the “shame” which the Vatican has kept under wraps, especially the despicable sins of some modern priests.  Such priests exhibit their ignorance if they do not realize the power of technology in helping Cathoics unearth information through the internet.

 

In all likelihood, there are many lay Catholics who know more about the history of the Roman Catholic Church than said priests, and therefore the latter should not act all-knowing.  In this day and age, it would be well for priests to be truthful and humble, emulating the ways of Jesus, so that they may at least show that the wrongs committed by certain priests will not be repeated. And what do these priests do instead?  They inflict more shame on the Church, to the extent that the new Pope begins to sound like a broken record, repeatedly reminding the clergy of their duties and responsibilities.  Must they be called names to attract their attention?

 

A priest who runs a parish must show professionalism in the performance of his work; a parish is a community that needs proper and intelligent management.  He must not invoke the idea that the Church is a spiritual realm, just to be able to enforce his authority and impose his “leadership.”  In so doing, the priest is harking back to the times of Padre Damaso of the Spanish era our history.  A priest with a tarnished reputation has no credibility to lead a flock of Catholics; instead of being able to institute reforms, he will do more harm because his reputation will contaminate the community’s image.

 

The Holy Father has the small religious congregations to thank, because they save the day and redeem the Church’s good name. The good works performed by religious groups overshadow the questionable acts done by some parish priests. Undesirable priests can be relocated, but religious groups based in their communities stay on, giving valuable support to replacement clergy. Unfortunately, new priests are not immune to arrogance; within a short time of their arrival, they begin to smell like rotten fish. Modern versions of Padre Damaso!

 

 

(Ms. Perla Buhay is a retired Computer Documentation Specialist, a well-travelled foodie blogger and a spoken language interpreter. She was born and raised in Manila, attended Nazareth (high) School, holds BA and BSE degrees (majors, English and History) from the College of the Holy Spirit in Mendiola, Manila.  After a brief stint as high school teacher with the Division of City Schools, she joined the Bureau of Animal Industry, where she served as Chief Public Information Officer under the late Dr. Salvador H. Escudero III, Director.  Then she won a Rotary International scholarship to pursue graduate education at Oklahoma State University’s School of Journalism and Broadcasting.  Perla resides in California and maintains a small farm in Nueva Ecija.  Check out her foodie blog at AtoZfoodnames.wordpress.com.)

Here’s the original essay in Tagalog, translated by Ms. Buhay into English:

 

Hindi Dapat Isipin ng ibang mga Pari na Tanga

Ang Lahat ng Mga Katoliko

Ni Apolinario Villalobos

 

Akala ng ibang pari, dahil nakapag-aral sila ng mga salita ng Diyos at ng kasaysayan ng simbahang Katoliko sa loob ng kung ilang taon habang nakakulong sa seminaryo, ay sila lang ang may kaalaman sa mga ganitong bagay kaya  kung umasta sila ay aakalain mong sila lang talaga ang mga pinagpala ng Diyos dahil sa kanilang kaalaman.

 

Ang katotohanan ay marami ang tumitiwalag sa simbahang Romano Katoliko dahil naliwanagan sila pagkatapos malaman ang mga kahihiyang pilit itinatago ng Vatican, lalo na ang mga makabagong nakakadiring kasalanan ng ibang pari. Tanga ang mga paring ito kung hindi nila mauunawaan ang tulong na naibibigay ng makabagong teknolohiya sa mga Katolikong nakakakuha ng impormasyon sa internet.

 

Baka mas marami pang alam ang ibang ordinaryong Katoliko tungkol sa kasaysayan ng simbahang Romano Katoliko na hindi pa alam ng karamihan sa mga pari, kaya hindi sila dapat magyabang. Ang dapat gawin sana ng mga kaparian sa panahong ito ay magpakatotoo, magpakabait, magpakumbaba, maging tulad ni Hesus sa ugali, upang kahit papaano ay maipakita nila na ang pagkakamaling nangyari sa nakaraang panahon ay hindi na mauulit pa sa kasalukuyan. Pero ano ang kanilang ginagawa? Mas higit pang kahihiyan ang ibinibigay sa simbahang Romano Katoliko kaya ang bagong santo papa ay parang sirang plaka sa paulit-ulit nitong pagpapaalala sa kanilang mga responsibilidad at obligasyon. Kulang na lang ay murahin sila!

 

Kung may “pinapatakbo” o mina-manage na parukya ang isang pari, dapat ay magpakita ito ng propesyonalismo dahil ang isang parukya ay isang komunidad na nangangailangan din ng “proper and intelligent management”. Hindi dapat gamiting dahilan ang pagka-ispiritwal ng simbahan upang siya ay makapagdikta o magpasunod ng kanyang kagustuhan dahil gusto lang niyang maipakita na siya ang “lider”. Kung ganyan ang ugali niya, aba eh, bumabalik siya sa panahon ni Padre Damaso noong panahon ng Kastila! Wala siyang karapatang mamuno ng isang lokal na simbahang Katoliko ngayon na sirang-sira na ang reputasyon, dahil sa halip na nakakatulong siya upang makapagbago man lang kahit kapiranggot, lalo pa niyang binabahiran ng putik ang imahe nito.

 

Dapat pasalamatan ng santo papa ang mga maliliit na religious organizations sa lahat ng komunidad na siyang sumasalo at nagtatakip sa pagkakamali ng kanilang parish priest. Dahil maganda ang ipinapakita ng mga religious organizations hindi masyadong nahahalata ang mga kamalasaduhang ginagawa ng ibang parish priest. Ang mga parish priests ay napapalitan pagkalipas ng kung ilang taon, subalit ang mga religious organizations ay hindi dahil taal silang taga-komunidad kaya kung tutuusin sila ang nagbibigay ng agapay sa mga bagong naitatalagang parish priest, subali’t dahil sa kayabangan ng iba sa mga ito, kalimitan, ilang buwan pa lang pagkatapos silang maitalaga ay umaalingasaw na agad ang mabantot nilang ugali!….sila ang mga makabagong Padre Damaso!

 

A Closer Look at the Filipino “Nationalistic” Groups

A Closer Look at the Filipino “Nationalistic” Groups

By Apolinario Villalobos

 

Even during the administration of Ferdinand Marcos, there were already problems with China as regards the South China Sea/West Philippine Sea, separatist movements and kidnapping in Mindanao, as well as, with Malaysia as regards Sabah, and most especially, corruption in the government. The same problems were inherited by subsequent administrations. But the “nationalistic” groups were more concerned in shouting invectives against America in front of the US Embassy and in burning effigies of American and Filipino presidents. They did not lift a finger in helping the government in its effort to recover Sabah, and not a single rally was held in front of the Chinese Embassy to express their revulsion over the issue on West Philippine Sea. Not even a question was raised as regards the effectiveness of the military against the separatist movement and kidnappings in Mindanao because of its inadequate facilities due to misused funds intended for its modernization. These groups cannot even lay claim on the success in deposing Marcos, because the religious groups and ordinary citizens were the ones responsible for such success.

 

Despite the open reclamations of China in the West Philippine Sea, these groups were silent, although, belatedly, they somehow held a lightning rally or two, after such, nothing was heard from them again. Despite the ongoing activities of the Abu Sayyaf and separatist groups in Mindanao, they remained silent. The overly grisly Maguindanao and Mamasapano massacres did not entice them a bit to make a move to show their support to the victims. Despite the moving of justice system at a snail’s pace and unabated proliferation of foreign “investors” who are exploiting the natural resources around the country, nothing is heard from them, too.  And despite the blatant control of domestic medium-scale trading in the country by these foreign “investors”, still nothing is heard from these groups.

 

After the announcement of the Supreme Court’ decision favoring the legality of the US military presence in the country, these groups suddenly came to life. They maintain their claim that such decision shall lead to the construction of the permanent US bases in the country when in fact, nothing of that sort is mentioned in the agreement.

 

They claim that the continued presence of the American soldiers in the country will lead to the revival of sex- related industry which is not true. Even without the presence of US bases, there is uncontrolled proliferation of the sex trade via the internet, bars and massage parlors, even in the decent districts of Metro Manila.  But still, if they want, they can knock at the doors of Congress and Senate for laws that shall control this kind of industry, and which should be appropriate for the time. On the other hand, they are supposed to know that even the local government can control such industry. And, just what have they done on the issue of poverty that contributed to the fast growth of such industry in the country? They should caution the sex workers if they are really bent on helping their countrymen involved in sex trade which needs to be treated as a separate issue, instead of using this alibi in pursuing their “nationalistic” objective. They seem to be blind to the fact that various sex deals are flourishing even without the issue on the US military presence in the Philippines due to weak national laws and LGU regulations that reek with corrupt motives.

 

What dedication to advocacy are they talking about when some of them are even holding passports stamped with US visa?  If these groups are really serious in their advocacy, why don’t they hold rallies against the ongoing corruption in the country and the vote-buying, a political tradition that got deeply-entrenched in the Filipino culture? Why don’t they consistently hold rallies for the removal of department secretaries who are being questioned on the issues of smuggling, ghost NGOs, drug trafficking, illegal recruitment, and deplorable state of mass transit facilities such as LRT and MRT, etc. Why don’t they consistently hold rallies for the removal of the president, if they find him to be ineffective just like what was done during the time of Marcos? Why don’t they hold rallies against the unfulfilled promise of the government to modernize the military facilities after prime public properties were sold to foreign investors? Why don’t they picket outside the detention facilities where the Ampatuans are, to show their disgust over the hideous crime that they purportedly committed? These are what the Filipinos want to see and expect from them, as they claim to be “nationalistic” and pro-Filipino.

 

Obviously, the Philippines has been under a long-tested democracy which unfortunately proved ineffective due to its loop-holed system that led to the propagation of various forms of corruption. And, this is what the left-wing groups want to be changed to a more “nationalistic” system. But what do they mean by “nationalistic”?…a communism-inspired system?

 

By the way, I just want to make myself clear that not all nationalistic Filipinos have a communistic mentality.

 

 

Magandang Asal ang Dapat Ipakita ng mga Opisyal ng Gobyerno Upang Sila ay Respetuhin

Magandang Asal ang Dapat Ipakita ng Mga Opisyal

Ng Gobyerno Upang Sila ay Respetuhin

Ni Apolinario Villalobos

Sa nag-viral na video tungkol sa “pagwawala” ng isang babaeng opisyal na taga-NAPOLCOM, na si Anna Paglinawan, at ayon sa balita ay “acting chief” ng Administrative Division ng nasabing ahensiya, marami ang mapupunang blunder o pagkakamali, tulad ng mga sumusunod:

  • Ang “pagwawala” o pag-eskandalo ng babae, na hindi dapat. Nagpakahinahon sana siya at kinausap ang mga sangkot sa kaso, sa loob ng Barangay Hall. Subalit mabuti naman at inamin ng babae na naging emotional siya.
  • Mali ang ginawang pagtapon ng babae sa cellphone ni Kagawad Mike Almanza. Dahil ang pinangyarihan ng insidente ay pampublikong lugar kaya hindi bawal ang kumuha ng video o retrato maliban lang kung may nakapaskel na pagbabawal at galing sa local authority.
  • Hindi dapat nagbitaw ng mga salitang “addict na kagawad” ang babae na ang tinutukoy ay si Almanza dahil hayagang paninirang-puri ito kaya maaari siyang mademanda, maliban lang kung sa oras na yon ay may hawak siyang ebidensiyang magpapatunay.
  • Ang mga pulis na nasa eksena ay mali rin dahil kung hindi sila tinanong ng babae tungkol sa ID nila ay hindi pa nila kinuha upang ipakita. Ang ID nila ay dapat nakadikit palagi sa uniporme nila kung sila ay nagdo-duty. Halatang naunahan sila ng sindak dahil ang babae ay nagpakilalang taga-NAPOLCOM, kaya sa kabuuhan ng video, makikitang wala silang ginawa. Ang lalong nagpasama sa sitwasyon ay ang pagtanggi ng isang “koronel” na kinausap niya ang babae dahil lumalabas  sa video na kausap siya nito sa cellphone. Madalas gamitin ang ganitong style ng mga sinisitang mga matataas na taong may nagawang violation lalo na sa trapiko…gasgas na gasgas na kaya hindi epektibo.

Ang magandang ginawa ng NAPOLCOM ay ni-relieve ang babae sa puwesto habang ginagawa ang imbestigasyon. Subalit malakas ang mga “sigaw” sa social media na dapat daw itong tanggalin agad upang hindi pamarisan. Hindi naman ito puwede dahil may “due process” na dapat sundin batay sa internal administrative policies ng ahensiya at Labor Code ng Pilipinas. Ang malinaw na hindi magandang resulta ng insidente ay pagbigay ng “black eye” na naman sa kapulisan at kay Pnoy. At ang nakapanghihinayang ay ang 27 taon ng babae sa trabaho na mawawalan ng kabuluhan sakaling mapatunayang may pagkakamali siya.  Sa nabanggit na katagalan niya sa trabaho, malamang siya ay magri-retire na. Kaya siya itinalagang “acting” sa isang Division, ay malamang upang gawing regular din talaga para pagdating ng retirement niya ang batayan ng kanyang mga benepisyo at pension ay ang huling mataas na position sa trabaho. Dapat bantayan ang kasong ito.

Maganda ang ginawa ni Almanza na hindi na nakipagbangayan sa babae. Bilang elected na local official, ipinakita rin niya ang kanyang kahinahunan na tulad ng ipinakita ng dalawang pulis.

Maaari namang kontrolin ang hinahon at gumawa ng mga pagkilos na naaangkop sa pangangailangan ng pagkakataon, at ito ay inaasahang gagawin ng mga nasa gobyerno. May mga seminar para dito at malaki ang ginagastos ng gobyerno upang ang mga opisyal at mga empleyado ay maging karespe-respeto sa paningin ng mga mamamayan. Bukambibig sa kapulisan ang “self-control and tolerance” o pagpipigil sa sarili at pagpapaubaya. Sa kaso ng nag-viral na video, nakita ang dalawang katangiang ito sa dalawang pulis na hindi nagri-react sa ginagawa sa kanila ng babae, pati na kay Kagawad Almanza. Ibig sabihin, epektibo nilang nagamit ang natutunan nila sa training at seminar.

Ang babae naman ay hindi nakapagpakita ng pagkontrol sa sarili na inaasahan sa kanya, bilang bahagi ng isang ahensiyang nagsisilbing “Ombudsman” o “Sandiganbayan” ng kapulisan. Ang mga nasa NAPOLCOM ay inaasahang mga piling-piling mga pulis o sibilyang empleyado na malawak ang kaalaman sa pagpapatakbo ng hukbo ng kapulisan. Ang ahensiyang ito ang nagsisilbing “utak” ng nasabing hukbo kung saan ay ginagawa ang mga patakaran. Kaya sana ang pangyayaring napanood sa nag-viral na video ay “isolated case” lamang.

Ang isang government official na alam na rin ng buong Pilipinas na hindi nahihiyang magpakita ng galit subalit tinatanggap ng publiko dahil sa magandang dahilan ay si Mayor Rod Duterte ng Davao City. Hindi siya nagagalit ng walang dahilan at ang pinagbubuntunan ng galit niya ay mga masasamang tao. Kaya siya nagagalit ay hindi siya pinapakinggan ng mga taong binibigyan niya ng babala at pagkakataong magbago…sa halip ay tila sinusubukan pa nila ang kanyang pasensiya kung hanggang saan aabot ito. Walang magawa si Mayor Duterte kundi ang kumilos ayon sa hinihingi ng mga taong tinutukoy, kaya napipilitan siyang dumesisyon ayon sa nararapat – ang ipakita sa mga tiwaling ito kung sino ang tama dahil ang inaalala niya ay kapakanan ng nakararami.

Inaasahang kumilos para sa kapakanan o pangangailangan ng mga mamamayan ang mga nagtatrabaho sa gobyerno lalo na ang mga nakatalaga sa matataas na puwesto, sa paraang karespe-respeto. Ang tawag sa mga taong ito sa Ingles ay “public servants” o “tagapagsilbi sa publiko o mamamayan”. Sinusuwelduhan sila ng mga mamamayan upang magtrabaho ng maayos. Ang masama lang, marami sa kanila na wala naman masyadong binatbat, kundi nakasuot lang ng uniporme ng isang kilalang ahensiya, animo ay presidente na ng Pilipinas  kung umasta.

Ang dapat tandaan dito ng mga ordinaryong mamamayan ay: kung may mga kamag-anak  na may mataas na katungkulan sa gobyerno, huwag nilang ipagyabang at isalang sa kompromiso. At yon namang mga nasa gobyerno lalo na ang may sakit na kayabangan, huwag ipagmalaki ang  mataas na katungkulan nila. Ang pagtawag sa kanila ng mga “inaapi” daw na mga kaanak o kaibigan ay hindi rin nila dapat gamiting  oportunidad o pagkakataon upang makapagyabang.