Reynaldo Torrecampo: Madiskarteng Mekaniko at ang Pag-ibig niya kay Elvira

Reynaldo Torrecampo: Madiskarteng Mekaniko

at ang Pag-ibig niya kay Elvira

 

Ni Apolinario Villalobos

 

Nang pasyalan ko si manong Naldo ay nalaman kong halos malabo na ang kanyang mga mata at tulad ng dati ay mahina pa rin ang kanyang boses kapag nagsalita. Sa pag-uusap namin ay nabanggit niyang una siyang nagtrabaho bilang driver sa Davao City bago kinuha ni Serafin Bernardo na noon ay Vice-Mayor ng Tacurong. Lumipat siya sa pamilya nina Upeng Paciente at Leoncio Yap at dahil hindi naman araw-araw ang kanyang pagmaneho para mag-asawa, siya ibinili ng tricycle. Natuto siyang magkumpuni ng motorcycle kaya tuwing nakakaluwag siya ay umiistambay siya sa mga gasolinahan upang magkumpuni ng mga motorcycle, at ang kita ay iniintriga naman sa mag-asawang employer niya.

 

Mula sa pagkalinga ng mag-asawang Upeng at Leoncio, nalipat naman siya sa pamilya Biῆas na ang negosyo ay pagba-buy and sell ng mais at palay. Tumagal din siya ng ilang taon sa pamilya subalit nang dumating sa Tacurong si Po Ban o mas kilala sa pangalang “Pedro” na kaibigan ng mag-asawang Biῆas, napakiusapan siyang alalayan ito dahil ng nagtayo ng negosyong pagawaan ng commercial vinegar na ang tatak ay “Panay Vinegar”,  at nagdi-distribute din ng mga produkto ng London Biscuit Co. (LONBISCO).

 

Nang mamatay si Po Ban, umalalay muna si manong Naldo sa naiwang pamilya at nagpatuloy sa pagmaneho para sa pamilya na ipinagpatuloy ang negosyo. Subalit dahil mas nakahiligan niya ang bagong natutuhang pagkumpuni ng mga makina ng motorcycle, siya ay nag-resign at nag-full time sa ganitong gawain. Umistambay siya sa isang bahagi ng plaza araw-araw para mag-abang ng mga magpapagawa hanggang sa naging tanyag siya sa buong bayan. Isang pulis ang nagpayo sa kanya na kumuha na ng puwesto kahit maliit upang magkaroon siya ng matatawag na permanenteng “motor shop”, kaya napilitang kumuha ng isang home lot sa Apilado subdivision.

 

Dahil kinilala ang kanyang galling sa pagkumpuni, sinundan siya ng kanyang mga kostumer na lalo pang dumami. Kalaunan ay nakabili na rin siya ng mga makinang kailangan sa uri ng kanyang trabaho, mga sophisticated at imported pa. Bukod sa mga makina, nakabili pa rin siya ng isang kotse. Sa ipinundar na bahay namatay ang una niyang asawa na si Letty. Samantalang ang ibang mga anak na natuto na ring magkumpuni ay nakatulong sa shop.

 

Sa gulang na 73 nang mabiyudo, napagpasyahan niyang mag-asawa uli at ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon ay isang teacher na si Elvira Beligan, na 60 years old nang sila ay magpakasal. Nagtatrabaho si Elvira bilang District Planning Officer ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) at nakatalaga sa Datu Paglas (Maguindanao).  Masayang nagsasama ngayon sina manong Naldo at Elvira na nakitaan ng sipag kaya kung nasa bahay ay halos hindi tumitigil sa pag-asikaso ng iba’t ibang uri ng halaman. Mayroon din silang mga gold fish na pang-good luck.

 

Pinatunayan nina manong Naldo at Elvira na ang pag-ibig ay walang pinipiling gulang o edad. Hindi nakayang hadlangan ng panahon ang pag-usbong ng pag-ibig sa isa’t isa…“harangan man ng mga sibat ang kanilang mga landas patungo sa isa’t isa”….yan ang misteryo ng pag-ibig.

 

 

Advertisements