Mayroon akong Sincere Commitment bilang Blogger kaya Walang Sinuman ang may Karapatan na Tawagin akong Zombie ni Duterte

MAYROON AKONG SINCERE COMMITMENT BILANG BLOGGER

KAYA WALANG SINUMAN ANG MAY KARAPATAN NA TAWAGIN

AKONG ZOMBIE NI DUTERTE!

Ni Apolinario Villalobos

 

HINDI AKO BLOGGER NA BAYARAN AT LALONG MAY SARILI AKONG ISIP. HINDI AKO PANATIKO NA TULAD NG INAAKALA NG IBA. HINDI DAHIL MADALAS KONG I-BLOG SI DUTERTE AY SASABIHIN NA NG IBA NA BULAG AKONG TAGASUNOD NIYA. AT, HINDI SA PAGBUBUHAT NG SARILI KONG BANGKO, MABUTI NGA AT GINAGAMIT KO ANG KAALAMANG BIGAY NG DIYOS KO SA AKIN SA TAMANG PARAAN, HINDI TULAD NG IBA DIYAN NA MASYADONG BILIB SA SARILI DAHIL GRADUATE DAW NG MALAKING UNIBERSIDAD SUBALIT PULPOL NAMAN ANG PANUNTUNAN SA BUHAY DAHIL KUNG ANO ANG MALI AY SIYANG PINAPANIGAN.

 

ANG MGA BINA-BLOG KO AY MGA GOOD POINTS NG MGA TAO, KILALA MAN SILA O HINDI UPANG MAGING INSPIRASYON NG IBA. DAPAT UNAWAIN NA WALANG PERPEKTONG TAO KAYA KUNG HALIMBAWANG SI MARCOS NA NAGING DIKTADOR AY HINDI NAGUSTUHAN NG MARAMING PILIPINO TULAD KO, MERON DIN NAMAN SIYANG GINAWANG MAGANDA PARA SA PAGPAHINAY-HINAY NG PAGKALAT NG DROGA NOONG PANAHON NIYA NANG IPA-FIRING SQUAD NIYA ANG INTSIK NA DRUG LORD SA LUNETA KAYA NAGDULOT NG TAKOT SA MGA KASAMA NIYANG NAGSI-UWIAN SA TSINA!

 

NGAYON, KAHIT HALOS DALAWANG BUWAN PA LANG SA PAGIGING PRESIDENTE AY NASINDAK NI DUTERTE ANG MGA PROMOTOR NG PAGKALAT NG ILEGAL NA DROGA SA BANSA…GOOD POINT NIYA ITO NA GUSTO KO KAYA BINA-BLOG KO SIYA. HINDI KO RIN ALAM KONG SA PAG-USAD NG PANAHON AY KAKIKITAAN SIYA NG BAD POINTS KAYA HINDI RIN MAIIWASANG BATIKUSIN KO SIYA. ANG TURING KO SA KANYA SA NGAYON AY AMPALAYA NA ISANG PAGKAING MAPAIT SUBALIT MAY KATANGIANG PANLABAN SA DIABETES. IBIG SABIHIN, MAPAIT O HINDI MAGANDA ANG DATING NI DUTERTE SA KANYANG MGA DETRACTORS, SUBALIT KITANG-KITA AT MALINAW PA SA SIKAT NG ARAW NA NASINDAK NIYA ANG MGA SALOT NA DRUG PERSONALITIES, LALO PA AT WALA SIYANG SINASANTO NI ISA MAN SA KANILA KAHIT MGA KAIBIGAN NIYA…DAHIL DIYAN AY ITINUTURING KO SIYANG GAMOT LABAN SA DROGA!

 

ANG BINA-BLOG KO AY PURO MGA ORIGINAL VIEWS AT IDEYA KO….NA ANG IBA AY BATAY SA AKING MGA KARANASAN, LALO NA ANG MGA TUNGKOL SA HUMAN VALUES AT MGA TAONG KUNG ITURING NG IBA AY MGA YAGIT….MGA KAIBIGAN KO SILA. HINDI AKO BASTA-BASTA NAGBA-BLOG KUNG HINDI AKO KUMBINSIDO NA MAKAKATULONG ANG MGA ITO SA IBA SA PAMAMAGITAN NG PAGBUKAS NG KANILANG KAISIPAN….SUBALI’T SA BANDANG HULI, GUSTO KO PA RING PAIRALIN ANG KASABIHANG, “TAKE IT OR LEAVE IT”, KAYA WALANG KARAPATAN ANG SINUMANG BUMATIKOS NG PAGKATAO KO DAHIL AYAW NILA ANG BLOG KO. KUNG AYAW NILA NG BLOG KO, KONTRAHIN NILA SA PAMAMAGITAN NG PAGLAHAD NG NALALAMAN NILA….WALANG PERSONALAN….I-SENTRO ANG KOMENTO SA BLOG, HINDI SA BLOGGER! YAN ANG MATALINONG PARAAN! WALANG MASAMA SA PAGKOMENTO LABAN SA BLOG, BASTA SA BLOG LANG. AT, LALONG MABUTI KUNG I-UNFRIEND NA LANG AKO UPANG HINDI NA MAKABASA, PERO HINDI AKO GAGAWA NIYAN DAHIL MATINO AKONG TAO.

 

LAHAT NG NAKIKIPAGKAIBIGAN SA AKIN AY ITINUTURING KONG KAIBIGAN KAHIT GALIT AKO SA KATARANTADUHAN NG IBA SA KANILA. SA ISANG BANDA, HINDI DAHIL GALIT AKO SA ISANG BAHAGI NG PAGKATAO NILA AY MAGAGALIT NA AKO SA KABUUHAN NITO….MALI ANG GANYANG UGALI. PARA SA AKIN, HINDI DAHIL ANG MGA PUNONG HINDI NAKAKAIN NG TAO ANG MGA BUNGA AY DAPAT PUTULIN NA. KAHIT PAPAANO AY NAKAKAIN PA RIN ANG MGA BUNGA NILA NG MGA HAYOP, AT HIGIT SA LAHAT AY NAGBIBIGAY SILA NG LILIM, NAGSISILBI RING DAPUAN NG MGA IBON KUNG SAAN SILA NAGPUPUGAD.

 

ANG MGA NAGAGALIT KAY DUTERTE DAHIL SA PAGMUMURA NITO AT MGA NANGYAYARING PAGPATAY SA MGA DRUG PERSONALITIES ANG MAY MAKIKITID NA PANG-UNAWA! BAKIT HINDI SILA MAG-RESEARCH TUNGKOL SA TAONG IBINA-BLOG KO AT I-COMMENT, HINDI YONG KUNG ANU-ANONG PINAGSASABI NA AMPAW NAMAN? PASASALAMATAN KO ANG MGA IMPORMASYONG IKOKOMENTO TUNGKOL SA “KASAMAAN” NI DUTERTE KUNG MERON MAN. DAPAT ALALAHANIN NA GUSTO NGA NI DUTERTE ANG TRANSPARENCY KAYA SA LEVEL NG EXECUTIVE BRANCH NG GOBYERNO AY MAYROON NANG FREEDOM OF INFORMATION NA WALANG PAGDADALAWANG-ISIP NIYANG INAPRUBAHAN.

 

HINDI MADALI ANG MAG-BLOG DAHIL MARAMI ANG NASASAGASAAN AT NASASAKTAN, SUBALIT ANO ANG GAGAWIN KO KUNG ITO LANG ANG PARAAN UPANG MAKAPAGLAHAD NG KATOTOHANAN AT PAGSUPORTA SA MGA TAONG MAY MAGANDANG LAYUNIN? ILANG BESES NA RIN AKONG NAG-APOLOGIZE UPANG IPAKITA NA HANDA AKONG TUMANGGAP NG PAGKAKAMALI DAHIL TULAD NGA NG SABI KO, HINDI PERPEKTO ANG TAO….KASAMA  AKO DIYAN. AT, AKO AY TAONG MAY MATINONG INTELLECT, HINDI ZOMBIE NA ANG KATINUAN AY NILUSAW NG LASON! HINDI AKO NAKAGAWA NG MAHIGIT 3,000 NA EDITORIALS, POEMS AT MGA TULA KUNG AKO AY ZOMBIE!

 

SA LAHAT NG AYAW KO AY ANG INSULTUHIN ANG KATINUAN NG PAG-IISIP KO DAHIL YAN AY MINANA KO PA SA MGA MAHAL KONG MAGULANG AT NILINANG SA ISANG ESWELAHAN SA MINDANAO NA KAHIT HINDI UNIBERSIDAD O MALAKING KOLEHIYO AY MAY MATATALINONG ADMINISTRADOR AT MGA GURO – ANG PINAGMAMALAKI KONG NOTRE DAME OF TACURONG COLLEGE! PAROCHIAL SCHOOL NGA KUNG ITURING HINDI NAMAN TULAD NG MGA UNIBERSIDAD AT MALALAKING KOLEHIYO NA ANG ILANG NAGTAPOS AY MAYAYABANG AT SAGAD SA BUTO ANG KORAPSYON!…AT, MAKIKITID PA ANG ISIP!…UULITIN KO, IILAN LANG NAMAN SILANG NALILIGAW ANG LANDAS!

 

ANG MGA DIPUTA, GUNGGONG AT INUTIL NA MGA MAPAGKUNWARING KRISTIYANO KUNONG ITO ANG DAPAT MAWALA SA MUNDO….SILANG MGA HINDI MARUNONG MAGHAMBING NG MGA KAPAKANAN!…NA ANG HALIMBAWA AY ANG PAGHAMBING SA IILANG DAANG PINATAY NA MGA PROMOTOR NG ILEGAL DRUG, SA MILYUN-MILYONG KABATAAN AT PAMILYA NA NASIRA ANG KINABUKASAN KAYA KUNG TUTUUSIN AY KASIRAAN NA RIN NG BUONG PILIPINAS DAHIL PATI LIBLIB NA BARANGAY AY INABOT NA RIN NG BISYONG ITO!

 

PARA SA MGA MAHIHILIG SA QUOTES, HINDI BA MAY KASABIHANG, “BEHIND THE STORMY CLOUDS IS A SILVER LINING”? ITO PA ANG IBANG MGA TANONG: HINDI BA BAGONG BUHAY ANG KAPALIT NG PAGHIHIRAP NG ISANG INANG NANGANGANAK?…HINDI BA KUMALAT ANG KRISTIYANISMO DAHIL SA PAGHIHIRAP AT PAGKAMATAY NI HESUS SA KRUS? HINDI BA ANG IBANG GAMOT AY MAPAIT? HINDI BA ANG PALAYAN AY INI-ESPREYHAN NG CHEMICAL NA NAKALALASON UPANG MAPUKSA ANG MGA KULISAP AT DAMO? PAANONG LALAGO ANG MGA GULAY AT BULAKLAK KUNG HAHAYAANG MATALO SILA NG MGA DAMO? ANG PAGHIHIRAP NG PILIPINAS DAHIL SA KRIMEN AT DROGA, NA PILIT WINAWALIS NI DUTERTE UPANG MAGKAROON NG PAGBABAGO AY HINDI NALALAYO SA MGA BINANGGIT KO….KUNG MAUUNAWAAN NG MGA MAKABASA NITO….SANA.