Emmy

EMMY

(For Remedios Japlos-Sagenes)

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakita sa kislap ng iyong mga mata

Ang walang katumbas at nag-uumapaw na sigla

Mula sa iyong puso, pagmamahal ay umaalagwa

Na iyong pinamahagi sa mga kaibiga’t kapamilya.

 

Mataginting mong boses at pagtawa

Pumupunit sa katahimikang nakalukob sa umaga

Ang walis na iyong matiyagang hinahagod sa lupa

Animo’y tinitipang mga kuwerdas ng lumang gitara.

 

Ang yakap mong mahigpit sa mga bata

At kung minsa’y nakakayamot mong mga pagsita

Hindi makakalimutan at hindi mawawala sa diwa

Dahil sila ay magiging walang katumbas na alaala!

 

 

 

(Mula sa nagmamahal na asawa, mga anak, mga apo, mga kapatid, at iba pang mga kamag-anak… at mga kabarkadang madalas tumambay sa ilalim ng mangga.)