Dasal Para sa Bagong Pangulong Duterte at sa Kanyang Working Group

DASAL PARA SA BAGONG PANGULO AT SA KANYANG WORKING GROUP

Ni Apolinario Villalobos

 

Oh, Allah/Dios/Diyos/Bathala…

 

Harinawa ay bigyan Mo ng malakas na katawan at magandang kalusugan si Presidente Duterte upang sa panahon ng kanyang panunungkulan ay matupad niya ang mga ipinangako sa mga Pilipino….

 

Sana ay mapalinaw Mo pa ang kanyang kaisipan sa kanyang pagninilay-nilay upang mabago ang kanyang desisyon para sa bagong Bise-presidente, Lenny Robredo nang sa ganoon ay mapasama siya sa kanyang gabinete o mabigyan man lang ng “special project”…

 

Sana ay pansamantalang itikom Mo ang kanyang mga labi sa mga pagkakataong siya ay nanggigil at gustong magmura dahil sa galit upang walang mamutawing maaanghang na mga salita mula sa mga ito, at nang sa ganoon ay lalo pa siyang maunawaan at mahalin ng mga dating galit sa kanya dahil sa ugali niyang ito…

 

Sana ay isara mo ang kanyang mga tenga sa mga ibubulong ng mga kapalmuks at diputang mga sipsip na naglilipana pa rin sa mga ahensiya ng gobyerno na hindi matatanggal dahil protektado sila ng kanilang eligibility bilang Career Service Officers, at ng Civil Service Code na maraming palpak na probisyong hindi na angkop sa kasalukuyang panahon….

 

Sana ay magabayan Mo ang mga itinalaga niyang mga bagong pinuno ng iba’t ibang ahensiya upang maging epektibo silang suporta niya, at upang mailayo sila sa pang-aakit ng kinang ng salapi…

 

Sana ay ilayo Mo siya sa mga makukulit, maurirat, trying hard, etc. na mga reporter na ang hangad ay makakuha ng scoop kaya paulit-ulit na nagtatanong sa kanya ng mga EXASPERATING QUESTIONS DAHIL AKALA NILA AY BOBO O TANGA ang bagong pangulo dahil isa itong prumdi (from the province)…isang maling akala na talagang MALI dahil estudyante pa lang ang bagong presidente sa San Beda ay alam na niya ang mga pasikut-sikot sa Maynila…

 

Sana ay mabuksan Mo ang kaisipan ng mga Pilipino sa katotohanang kailangan silang lahat ng bagong pangulo….na walang saysay ang kanyang katapangan kung hindi sila makikipagtulungan sa kanya…

 

Sana ay iregalo Mo sa bagong pangulo ang desisyon ng UN Arbitrary Tribunal na papabor sa Pilipinas, sa isyu ng West Philippine Sea.

 

SUMASAMPALATAYA AKO SA IYONG WALANG HANGGANG KAPANGYARIHAN, NGAYON AT HABANG AKO AY NABUBUHAY….AT, ANG MANANAIG LABAN SA LAHAT NG KASAMAAN SA BUONG MUNDO AT SANLIBUTAN AY…. IKAW NAWẲ!