Man’s Inhumanity to Man

Man’s Inhumanity to Man

By Apolinario Villalobos

In the Old Testament, it says that despite Moses’ plea, the king of Edom refused passage to the band of Israelites through Kadesh in the course of their wandering in the desert (Numbers, Chapter 20). History is repeating itself, as lately, some European countries refuse passage to refugees/immigrants on their way to countries that are willing to give them refuge. Some parties are even questioning their status whether refugees or immigrants. Will that matter, especially, as lives are at stake? The two mentioned cases are just classic example of man’s inhumanity to man today!

No question about it…greed is the root cause of all the inhumanities that have taken place in the days of the old and still are happening on earth at this very moment. Such desire is what can be found beyond the line of satisfaction. Survival should have been enough to spell satisfaction, but the hideous side of man most often brings out greed which is oftentimes masked with compassion.

When Spain embarked on a spree of colonization, in which the Philippines was not spared, she brought forth “religion” as the reason – to spread Christianity, in particular, Catholicism. As soon as the cross was firmly planted, the sword followed. In the course of their “spiritual effort”, centuries-old cultures of natives have been replaced with Catholicism which even during that time was already facing insurmountable questions that resulted to schism or division. Opposing natives who refused to give in were systematically eradicated in the name of “God”, when what the missionaries presented to the natives were also paganistic rituals, only using statues with different faces.

When the Americans took over the stranglehold of the Philippines, the same fervor of masked compassion was shown, but this time, democracy was used followed by evangelization of Protestant missionaries. The “assimilation” had a high price as what happened during the time of the Spaniards – death to the defiant natives.

Practically, the whole face of the planet is not only pockmarked with inhumanity, but is practically, denuded by its many forms foremost of which are exploitation and corruption. It has come to a point that survival of the fittest has become the norm of life again, despite his having been “civilized”.

In the African continent, the prevailing force, ISIS, are razing down archaeological landmarks that have been painstakingly preserved as manifestations of man’s intellectual superiority. Villages of the weak suffer the same fate as human occupants and fragile homes are devastated without mercy. Refugees who trek over mountains or brave the ocean squalls are refused passage to friendly countries. And, in Asia, greed of a once dormant country, China, has systematically jumbled the once tranquil setting with its garrulous territorial claims.

For all these injustices, who will pass the judgment? On earth, the man-made United Nations seems helpless and inutile. Man is then, left with nothing else, but the Ultimate Judge whose verdict may, yet to come…

Ang Kapangyarihan ng Pera

Ang Kapangyarihan ng Pera
Ni Apolinario Villalobos

Ang buhay ni Hesus ay tinapatan ng tatlumpong pirasong pilak. Sa halagang yon, siya ay namatay sa krus na paraan niya sa pagligtas sa sangkatauhan. Ibig sabihin, kung hindi dahil sa tatlumpong pilak ay nakasadlak pa rin tayo sa ating kasalanan hanggang ngayon.

Ang kapangyarihan ng pera ay hindi matatawaran. Maraming pamilya ang nabuwag at magkaibigang nagpatayan dahil dito. Mayroon ding napariwara dahil pinagpalit ang kanilang dangal sa kinang nito. Mayroon pang nagsugal ng buhay, makahawak lamang ng ilang bungkos ng salapi. May mga taong dahil nasilaw sa pera ay bumigay kaya nalaman ang tunay na layunin kahit anong pilit nilang pagtatakip dito.

Ang mga bansa ay pinapatakbo ng pera, kaya kung alin sa kanila ang may pinakamarami nito ay itinuturing na makapangyarihan. Sa pamamagitan ng pautang ay natatali nila ang utang na loob ng mahihirap na bansa upang maging kaalyado nila.

Pera ang pinapakilos upang magkaroon ng mga nakamamatay na imbensiyon ng tao. Ito rin ang ginagamit upang masira ang buhay ng dating matitino na nalulong sa bawal na gamot, lalo na ng mga kabataan sa nagsimula ang bisyo sa alak at sigarilyo. Ito rin ang dahilan ng pagiging suwail ng mga anak na dahil hindi masunod ang luho ay natutong maging tampalasan sa kanilang mga magulang.

Subali’t kung iisiping mabuti, ang layunin ng pera ay upang mapagaan ang buhay ng tao, dahil nang nagkaroon siya nito ay hindi na niya kailangan pang magbitbit ng kanyang kayamanan tulad ng bulto-bultong ginto, pilak, alahas, at mga hayop gaya ng ginagawa noong unang panahon. Ngayon, ang kailangan ng tao ay ilang pirasong papel at barya na pera, tseke o credit card, at maaari na siyang mamili o maglakbay.

Hindi dapat isisi sa pera ang mga hindi magandang nangyari sa buhay ng tao. Ang hindi magandang paggamit sa pera ang dahilan kung bakit nasira ang tao.

Ang Survival of the Fittest sa Ibabaw ng Mundo…umiiral pa rin at lalong tumitindi

Ang Survival of the Fittest sa Ibabaw ng Mundo
…umiiral pa rin at lalong tumitindi
ni Apolinario Villalobos

Hanggang sa panahon ngayon, para sa tao, umiiral pa rin ang kalakarang survival of the fittest o matira ang matibay, sa kabila ng mga tinatawag na “sistema” na gumagabay sa sibilisadong pamumuhay. Kahit tayo’y nasa panahon na ng tinatawag na sibilisasyon, nasa paligid pa rin natin ang mga banta na dulot ng iba pang mga nilikhang nasa mababang antas o lebel ng buhay – ang mga mababangis na hayop, at mga pesteng kulisap. Nagbabanta pa rin ang lakas ng kalikasan, at ang pinakamatinding banta ay mula sa kapwa-tao natin mismo.

Ang survival of the fittest ay hindi dapat na pantukoy lamang sa mga hayop na nakatira sa kagubatan at nakikipagtagisan ng bangis sa isa’t isa, upang pagkatapos, ang mananaig ay kakain sa natalo, o mga halamang gubat na nag-aagawan ng sikat ng araw, kaya ang pinakamataas na may pinakamayabong na dahon at sanga ay may malaking pag-asang mabuhay. Ang survival of the fittest ay angkop din sa tao.

Sa sibilisadong mundo ng tao, ang digmaan ay isa lamang sa mga makakapagpatunay kung anong bansa ang matibay. Upang mapatunayan ang lakas, may mga bansang gumagamit ng pinakamalakas at pinakabagong sandata. Gumagamit din sila ng mga istratehiya upang makakuha ng maraming kaalyadong bansa. Ang mga istratehiya ay ginagamit din ng malalaking bansa upang makapanlinlang o makapag-bluff, o hindi kaya ay makapanindak ng maliliit na bansa na balak nilang kontrolin.

Pagdating naman sa ekonomiya, kung anong bansa ang may maraming pera na dinadagdagan pa ng katusuhan, ay siyang may malaking tsansang makakontrol ng mga negosyo sa buong mundo. Ang katusuhan ay ginagamit sa pinapairal na mga patakaran sa pangangalakal, upang maging one-sided ang mga ito at papabor sa malalaking bansa. Dito ay mababanggit ang isyu halimbawa, ang “globalization” na ang mga patakaran ay pabor sa mga malalaking bansa, at sumisira naman sa industriya at agrikultura ng mga maliliit na bansa na nasindak at nalinlang, tulad ng Pilipinas. Subali’t kung minsan, sa bagay na ito, mismong mga opisyal ng gobyerno ay sangkot sa ganitong panlilinlang ng sarili nilang bansa dahil kahit alam na nilang hindi makabubuti ang mga pinasok na kasunduan ay may kabulagan pa rin nilang itinutuloy.

Sa relihiyon, ang tibay at lakas ay pinapakita sa pamamagitan ng sipag at tiyaga sa pangangalap ng mga miyembro. Ang ibang grupo ay bumibili ng airtime sa TV at radyo upang magkaroon ng regular na programa. Ang iba ay nagkakasya sa paglilibot at pagmumudmod ng mga babasahin, na sinasabayan ng pakikibahagi ng mga Salita ng Diyos. Ang ibang grupo na gustong makapagpa-impress agad ay naninira o nanlilibak ng mga kakumpetensiya. Subali’t ang pinakamatinding paraan ay ang ginagawa ng Islamic State group, isang ultra-tradionalist group ng mga Muslim sa Gitnang Silangan na namumugot ng mga kaaway o lumalabag sa mga patakaran nila.

Sa larangan naman ng pulitika, bihirang bansa ang may malinis o hindi korap na sistema. Ang pinakamakatotohanang halimbawa ay ang pulitika sa Pilipinas na sa ngayon ay parang gubat kung saan ay naglipana ang mga halos nauulol sa pagkagahaman na mga pulitiko – nagpapakapalan ng hiya o apog sa mukha. Matira ang matibay – tibay ng sikmurang may halang na bituka….tibay ng hiya dahil kumapal na sa mukha….at tibay ng pagsisinungaling dahil kung magbanggit sila ng mali ay animo nagbabasa ng Katotohanan mula sa Bibliya.

Sa Pilipinas pa rin, pagkatapos ng hagupit ng mga kalamidad, makikita ang mga matitibay – mga nakaligtas, subalit patuloy pa ring hinahagupit ng mga panloloko ng mga taong itinalaga ng gobyerno upang tumulong sa kanila. Ang mga manlolokong ito ang namamahala ng mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa pagpamudmod ng mga relief goods subalit hindi maayos ang pagpapatupad ng mga tungkulin. Ang mga taong nakaligtas sa hagupit ng kalamidad ay hinahagupit rin ng mga pulitikong gumagamit sa kanila upang makapagpalapad ng papel – makapagpakodak habang namimigay kuno ng tulong, o di kaya ay makapagpa-interview sa mga reporter upang makaipon ng puntos na kailangan nila pagdating ng eleksiyon.

Pero hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sa harap ng mga pangyayari, dahil kung matibay ang pananampalatayang nakatanim sa ating puso, hindi naman siguro tayo pababayaan ng Nag-iisang pinakamakapangyarihan sa lahat. Ang nakikita at nadadanasan nating mga pangyayari ay hanggang sa ibabaw lamang ng mundo…at magtatapos din sa ibabaw ng mundo dahil may hangganan. Subali’t ang tibay na ipapakita ng may masidhing pananampalataya sa Kanya ay panghabang-buhay….walang hangganan…hanggang sa kabilang buhay!

Naunsiyaming “Pamana” sana…sumabog na parang bomba sa mukha!

Naunsiyaming “Pamana” sana
…sumabog na parang bomba sa mukha!
Ni Apolinario Villalobos

Abut-abot ang gabậ ng presidente. Sa mata ng mga Pilipino ay wala siyang ginawang tama mula pa noong unang araw na pag-upo niya….puro wakal siya….puro dada ng mga talumpating puno ng mga salitang mabalarila. At, dahil pababa na siya sa puwesto, animo ay nag-aapurang magkaroon ng ipapamana niya sa sambayanan. Ang inakala niyang pag-asa na magpapabango ng pangalan niya pati sa mga kaibigan niyang Amerikano ay ang pagkahuli sana ng mga teroristang internasyonal na nagtuturo pa ng paggawa ng bomba na ang ginawang balwarte ay Pilipinas – sa Mindanao. Dahil sa Mamasapano massacre, siya ito ngayon ang parang nasabugan ng bomba sa mukha kaya hanggang ngayon ay walang masabi, tulala pa rin – animo ay asong bahag ang buntot na nakasiksik sa sulok. Kahit hindi pa kasi tapos ang imbestigasyon, malalakas ang mga insidenteng nagtuturo sa kanya bilang promotor ng lahat.

Hindi makakalimutan ng mga Pilipino ang hindi niya pagsalubong sa mga bangkay ng mga bayaning SAF44 na ang ipinalit niya dahil sa pananaw niya ay higit na mahalaga ay ang pagdalo sa pasinaya ng isang pagawaan ng sasakyan. Hindi rin makakalimutan ang pagdating niya ng late sa necrological service para sa mga namatay. Talagang para sa kanya ang mga namatay sa Mamasapano ay walang halaga!

Tulad ni Gloria Arroyo, gumagamit din siya ng mga heneral upang maging panakip-butas…upang hindi umalingasaw ang baho ng bulilyasong nangyari. Ang aga niyang pumuwesto sa Zamboanga, malapit sa pinangyarihan ng massacre sa pag-aakalang “in the bag” na ang mga target na terorista. Sana, sana, sana…kung walang bulilyaso, ilang minuto lang ay puwede siyang lumipad sa Gensan, subalit ang nangyari, daliri ni Marwan ang dinala doon upang i-turn over sa FBI!

Habang kampante sa eroplanong sinakyan pabalik sa Maynila, sa Mamasapano ay naiwan ang mga bangkay ng mga SAF commandos at mga sibilyan na nadamay. Namatay nga ang isa sa mga target na terorista, si Marwan, nakatakas naman si Usman, at ang kapalit ng lahat ay buhay ng 44 na SAF commandos, pagkasugat ng marami pa nilang kasamahan, kamatayan din ng mga sibilyan sa Mamasapano na nadamay sa bakbakan, at pagkasira ng mga pananim na pangkabuhayan ng mga kawawang magsasaka na ngayon ay nakanganga sa nakaambang gutom.

Sa pinakahuling balita, ang pinangakong tulong ng gobyerno sa mga namatayang pamilya ng mga bayaning SAF44 commandos ay hindi pa dumadating. Sinabi ng isang kapamilya ng namatay na ang tanging natatanggap nilang tulong ay galing sa mga naawang nakiramay na mga tao.

Sa pagbaba ni Noynoy Aquino, hindi lang niya babaunin ang mga pagbatikos ng taong bayan, kundi pati na rin ang didikit na parang pagkit sa pagkatao niyang pantukoy na siya ang sumira sa pangalan ng kanilang angkan….at habang buhay na maitatala ang mga ito sa kasaysayan ng Pilipinas!

Sa Amin…sa Mindanao

Sa Amin…sa Mindanao
Ni Apolinario Villalobos

Luntiang kaparangang halos walang hangganan
Kabundukang kahi’t paano’y balot pa ng kagubatan
Mga batis na animo ay musika ang paglagaslas
‘Yan ang Mindanao na ganda’y ubod ng timyas.

Malalagong palay, sa ihip ng hangin ay umiindayog
Mga masisiglang alagang hayop, lahat ay malulusog
Mga halamanang gulay, mayayabong ang dahon
‘Yan ang Mindanao na nabibiyayaan ng panahon.

Maraming katutubo, iba’t ibang makukulay na tribu
Magkakapitbahay ay mga Muslim at mga Kristiyano
Sila’y nagbibigayan, taos-pusong nagkakaunawaan
‘Yan ang Mindanao na may pangakong kaunlaran.

Subali’t kung ang pagkagahama’y biglang umeksena
Ang mga minimithing pangarap, lahat ay nababalewala
Kung bakit naman kasi may mga taong puso’y sakim
At mga adhikaing baluktot na dulot ay paninimdim.

Sa amin sa Mindanao ay masaya at may kasaganaan
Kaya dinayo ng mga tao na ang hanap ay kapayapaan
Nguni’t dahil sa damdaming sakim ng ilang hangal
Nakakabahalang ang tinatamasa ay baka ‘di tumagal!

Mga Trayduran at Sisihan sa Gobyerno…at ang paghugay-kamay na naman ni Pnoy

Mga Trayduran at Sisihan sa Gobyerno
…at ang paghugas-kamay na naman ni Pnoy
Ni Apolinario Villalobos

Ang massacre ng mga pulis sa Mamasapano, Maguindanao, ay nagpapakita nang kaampawan ng liderato ni Pnoy. Hindi buo…hindi matatag…walang laman – puro hangin…ampaw! Mismong kalihim ng DILG at OIC ng PNP ay hindi alam ang isang malaking operasyon na gagawin ng SAF ng PNP dahil ang target ay isang foreign terrorist na wanted din sa ibang bansa. Ang pagsilbi ng mga naipong warrant of arrest ay isang immediate actionable na responsibilidad na may kaakibat na tactical operation, subalit dahil hindi ito pangkaraniwan, dapat pinaalam din kay Mar Roxas bilang kalihim ng DILG at pati sa OIC ng PNP bilang respeto.

Putok ang balitang ang nagmani-obra ay ang suspendidong hepe ng PNP na si Purisima kaya lalong naging naging kwestiyonable ang lahat dahil ginawang tanga ang itinalagang OIC. Kahit wala pang imbestigasyong ginagawa ay malakas tuloy ang hinala ng lahat na ang tagumpay ng operasyon ay magsisilbi sanang “personal vindication” ni Purisima mula sa mga paratang sa kanya. Ang problema, nag-boomerang kaya lalo siyang nadiin…lalong nalubog sa kahihiyan, kung totoo nga ang mga pumutok na balita na ang pinagmulan naman ay isang heneral. Sa nangyari, dawit uli ang BFF ni Purisima na si Pnoy…na may kakambal yatang kamalasan!

Tulad ng inaasahan, tila may sacrificial lamb na umamin – ang director ng SAF. Subalit bakit hindi niya ginawa ito agad upang maiwasan ang mga ispekulasyon? Pwede namang magpatawag siya ng press conference. Ang ginawang paghintay muna ng director na makapagsalita ang pangulo ay nakakapagduda, dahil gusto yata niyang magkaroon sila ng iisang “tono” ng pangulo – walang conflicting statements. Ibig sabihin, magsi-second the motion na lamang ang SAF Director sa anumang sasabihin ng pangulo, na nangyari nga.

Ang nagmukhang tanga na sina Roxas at OIC ng PNP ay nagkakamot ng ulo, ganoon din ang iba pang mga opisyal ng PNP na hindi rin napagsabihan tungkol sa operasyon. Ang masakit, sila ang pinapaharap sa mga press con kaya sisinghap-singhap habang naghahagilap ng isasagot sa mga katanungan. Malinaw pa sa sikat ng araw na sila ay natraidor! Daig pa nila ang taong binaril at duguan na, ay sinisipa pa, dahil siguradong sila ang babagsakan ng sisi. Magastos na naman sa tubig at sabon dahil sa mga hugasan ng kamay sa Malakanyang! Samantala, ang pag-amin ng direktor ng SAF ay hindi pinaniniwalaan.

Dahil malakas ang pagputok ng pangalan niya sa media, dapat kusang lumabas si Purisima at itanggi ang paratang kung walang katotohanan. Pero wala yatang takot at kaba dahil alam niyang as usual, ay ipagtatanggol siya ng kanyang best friend na si Pnoy! Nakakasakit din sa loob na marinig sa pangulong ituring ang massacre na isang “incident” lamang.

Kung may natitira pang pride o pagmamahal sa sarili si Mar Roxas, ang pinakamaganda niyang gawin ay mag-resign, dahil binibitin din lang siya ni Pnoy kahit sa suporta na kailangan niya (Roxas) pagdating ng eleksiyon sa 2016. Kung magbibitiw siya, baka madagdagan pa ang mga supporters niya dahil sa awa.