Ang Nanay naming Matapang at Mahilig Mag-ampon

Ang Nanay naming Matapang at Mahilig Mag-ampon

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang pangalan niya ay Angelica pero ang palayaw niya ay “Ica”. Bunso siya at nag-iisang babae sa kanilang magkakapatid. Mabait siya pero matapang dahil kahit maliit ay marunong humawak ng itak kaya sa palengke noong maliit pa ako, kung saan may puwesto kami ng tuyo pero nalugi kaya nauwi sila ng tatay namin sa paglatag sa lupa ng ukay-ukay, ay pinangingilagan siya.

 

Naalala ko noong nasa Grade 1 ako, nagkagulo sa isang inuman ng tuba malapit sa puwesto namin dahil sa isang lasing na nagwala. Daanan ang puwesto namin papunta sa inuman ng tuba, kaya halos naglaglagan ang mga tuyo dahil sa dagsa ng mga taong nagtakbuhan. Sa inis ng nanay namin, kinuha ang itak na nakatago sa ilalim ng bangko at sinugod ang nagwawalang lasing. Nang makita siya ay parang nahimasmasan dahil kilala pala siya nito. Lalong natakot ang lasing nang makita ang itak na hawak ng nanay namin. Ang may-ari naman ng puwesto ay hindi mahagilap dahil tumakbo daw at nagtago, kaya ang nanay namin ang nag-utos sa lasing na linisin ang mga kalat tulad ng nabasag na mga maliit na garapong kung tawagin ay “Bol” na ginagamit sa pag-inom ng tuba. Ang “Bol” ay tatak ng garapong galing sa America noon at ang dating laman ay minatamis yata. Antigo na ito ngayon at mahal kung bilhin sa antique shop.

 

Nang kumandidato ang nakakatanda niyang kapatid bilang Vice-Mayor, pati ang pamilya namin ay nadamay sa mga intriga. Sa inis niya ay nag-research kung sino ang nagpasimuno ng isang intriga at nang malaman niya ay sinugod sa bahay at hinamon ng away sa kalsada. Binantaan din niyang huwag nang dumaan sa tapat namin at huwag na huwag daw magpakita sa kanya. Nagkaroon ng problema ang intrigera dahil ang bahay namin ay nasa tapat lang ng plasa kaya kung may libreng sine, ay nagtatakip ito ng turban sa ulo at mukha upang hindi makilala ng nanay namin na mahilig ding manood ng libreng sine. Ayaw makialam ng nanay namin sa pulitika at ito ang itinanim niya sa aming isip dahil para sa kanya na naunawaan din namin, sisirain lang ng pulitika ang magandang samahan ng magkakamag-anak at magkakaibigan na ang isip ay nakatuon sa hangad na makaupo sa puwesto sa anumang paraan.

 

Isang gabi ay nakita ko sila ng tatay namin na nagbibilang ng mga lumang pilak na perang Kastila na matagal na nilang naipon. Kinabukasan pinalitan ng kumpare nila ang mga pilak na pera ng bago. Pambayad pala sa naipong utang na dahilan kung bakit wala nang nagdatingang bagong stock ng mga tuyo galing sa Iloilo. Nalaman ko ring marami pala silang pinautang ng paninda na hindi nabayaran kaya nalugi ang negosyo. Sa bagay na ito, hindi ko nakitaan ng tapang ang nanay namin upang maningil dahil sa awa sa mga umutang…mga kapos din daw kasi tulad naming. Hindi nagtagal, ibinenta nila ang puwesto namin.

 

Noong ukay-ukay na ang ibinenta ng magulang namin, sinubukan din nilang dumayo sa ibang bayan. Isang gabing dumating sila galing sa dinayong tiyangge, may kasama silang buntis. Sa kuwentong narinig ko isinama nila ang babaeng nakita nilang palakad-lakad sa palengke ng Tulunan, ang dinayong bayan nang araw na yon, dahil baka daw “ihulog” ng babae ang anak niya. Ang “ihulog” ay “ilaglag”sa Tagalog o sa Ingles ay i-“abort”. Pero dahil bata pa ako ang na-imagine ko ay ang gagawin ng babae na “ihuhulog” ang anak niya sa bangin! Inampon namin ang babae hanggang sa manganak. Nang umabot na ang anak niya sa gulang na apat na taon ay pinayagan siya ng nanay namin na bumalik sa Tulunan.

 

Isang beses naman, nang naghuhugas ako ng mga reject na tuyo upang matanggal ang namuong asin ay may nakita akong batang apat na taong gulang lang yata, umiiyak sa tabi ng public toilet. Nag-iisa lang siya at ayaw sumagot sa mga tanong ko kaya sinundo ko ang nanay ko. Isinama niya ang bata sa puwesto namin at inutusan ang kuya ko na maghanap ng pulis sa palengke upang sabihan na may batang “napulot” at nasa puwesto namin. Hanggang magsara na kami ng puwesto, ay wala pa ring kumuha sa bata kaya isinama na namin sa pag-uwi. Araw-araw siyang isinasama sa puwesto upang makita ng kung sino mang nakakakilala. Nang magdesisyon ang nanay naming ampunin na ang bata ay saka naman siya nakita ng tiyuhin. Sa pag-uwi nila ay sumama kami ng nanay ko at nagdala pa kami ng maraming tuyo upang pasalubong sa mga magulang. Nakatira pala sila sa bulubundukin ng Magon malapit na sa boundary ng South Cotabato, kaya napasabak kami ng “hiking” na inabot din ng ilang oras dahil napakadalang pa ang mga sasakyan noon. Nakabalik kami sa palengke bandang hapon na. Inihatid kami ng tatay ng bata dahil sa bigat ng pinabaon sa aming maraming bayabas at guyabano.

 

Nang umuwi naman ang nanay namin galing sa Bantayan Island (Cebu) mula sa pagdalo sa pista ng nagmimilagro daw na Sto. Niἧo, may kasama siyang isang batang babae na ulila at limang taong gulang. Naging kapamilya namin ang bata hanggang sa siya ay isinama uli sa Bantayan noong mag-sasampung taon gulang na. Hindi na siya naisama pag-uwi ng nanay namin dahil nang makita daw ang bata ng isang tiyahin ay binawi. Wala namang nagawa ang nanay namin kundi ang umuwing luhaan.

 

Hindi lang tao ang nakahiligang ampunin ng nanay namin dahil nang minsang umuwi siya ay may napulot siyang tuta na nangangalkal sa basurahan ng isang bakery na nadaanan niya. Hindi pa ako nag-aaral noon kaya naging kalaro ko ang tuta hanggang sa ito ay lumaki. Ang pinaka-puwesto ng aso tuwing gabi ay ang balkonahe namin. Isang umaga ay nakita namin siyang patay at kagat pa ang leeg ng isang asong patay din at ang bunganga ay umaapaw sa laway, palatandaang ito ay isang asong ulol. Nakaakyat pala sa balkonahe ang asong ulol at kung hindi napatay ng aso namin ay malamang na kami ang nabiktima pagbukas namin ng pinto nang umagang yon.

 

Kung buhay ang nanay namin ngayon, malamang ay naipagpatayo namin siya ng isang maliit na “halfway home” para sa mga gusto niyang ampunin kahit pansamantala, pati na rin siguro ng isang maliit ding “pet shelter”. Pero masaya na rin ako dahil alam kong inampon din siya doon sa “itaas”.

Advertisements

Ang Pagmumura at si Duterte

Ang Pagmumura at si Duterte

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat mag-ingat kahit kaunti si Duterte dahil tumitindi ang smear campaign laban sa kanya. Noon ay ang patagong banat sa kanya laban sa kanyang “pambabae” daw at “salvaging”. Mabuti at siya mismo ay nagsalita na tungkol sa mga bagay na ito at umamin pa, kaya wala nang mauukilkil tungkol sa mga ito upang hantarang ibabanat sa kanya. Isa sa mga tinitingnan ngayon ng mga naninira laban sa kanya ay ang ugali niyang pagmumura. Masama mang banggitin, may ginagamit na mga taga-media ang mga kalaban niya kaya sa isang iglap, kalat agad sa buong bansa kung may masambit man siyang pagmumura. Wala tayong magagawa dahil yan ang kalakaran ng pulitika sa Pilipinas.

 

Ang malas, “tinuka” niya ang pain na tanong tungkol sa pagdating ng santo papa, sa pagsagot subalit may kasamang pagmumura. Pinagpipiyestahan ng mga maninira ang ugali niyang pagmumura at pagiging prangka. Dahil sa ginagawa niyang pagmumura ay nagiging tactless siya.

 

May mga taong naging ugali na ang pagmumura kaya automatiko ang pagsambit ng maaanghang na salita na naging bahagi ng kanyang bokabularyo. Dapat baguhin ang ganitong pag-uugali na hindi man dinidekta ng puso ay masama ang epekto lalo sa mga taong banal kuno pero mahilig namang magbanggit ng “for Christ’s sake” o “for God’s sake” na mas matinding blasphemy at laban sa isa sa mga kautusan sa Ten Commandments. Ang mga banal na ito ay nagsa-sign of the cross pa kapag nakarinig ng masama o nakakita ng masama. Bakit hindi na lang sila maglagay ng busal sa mga tenga o di kaya ay maglagay ng pantakip sa mga mata na ginagamit ng mga kutsero sa kanilang kabayo para diretso ang kanilang tingin kapag naglalakad sa kalye? Pero kung marinig lang sila kung murahin nila ang kapitbahay at kasambahay kahit pa kararating lang nila mula sa simbahan dahil dumalo sa misa……..nakuuuu!

 

Upang maipakita ko ang katapatan sa binabahagi ko tungkol sa pagmumura at upang maging makatotohanan ang mga sinasabi ko, aaminin kong nakikita ko ang sarili ko kay Duterte dahil naging bahagi na rin ng pananalita ko ang pagmumura tulad ng “tangna” na pinaiksing “putang ina”, ang “belatibay” na pinaiksing “latibay” upang hindi masyadong maanghang pakinggan, at ang pabulong na “..hit” na sana ay “shit”, pero hindi pa rin nawawala ang “yodiputa”. Tulad ni Duterte, marami rin ang nagalit at nakadanas din ako ng panlilibak dahil sa pagmumura ko. Ang masakit lang, ang iba pala sa kanila ay matindi naman palang manira ng kapwa!

 

Sa mga naging president ng Pilipinas ang kilala sa pagmumura ay si Manuel L. Quezon na ang ginagamit na kataga ay mula sa wikang Kastila…maraming nagalit sa kanya noon lalo na ang mga kasama niya sa gobyerno na karamihan ay nakatikim ng pagmumura mula sa kanya. May dati akong boss na ang ginagamit na salita ay “Jesus Christ” or “Jessezzzz” sabay hawak sa kanyang noo…at ngayon ay malamang kasama na niya dahil namayapa na siya. Yong isang kaibigan ko naman ay paborito ang “damn you” at “go to hell”, patay na rin siya at malamang ay nandoon na rin siya. Yong isa pa ay “demonyo ka” o di kaya ay “demonyo” lang kung walang kausap pero nadapa o nauntog o may nakalimutan sa bahay.

 

Ang pagmumura ay isang paraan upang lumuwag ang naninikip na dibdib ng isang taong galit. Sa halip na lakas ang gamitin niya sa pamamagitan ng pagsuntok sa kausap o manira ng anumang gamit na mahawakan ay dinadaan na lang niya sa pagmumura.  May nasimulan naman sa Japan na pantanggal ng tension na sanhi ng paninikip ng dibdib, at ito ay ang pagsigaw kahit halos namamaos na. Subalit may paraan na ngayon upang mapalitan ang ganitong uri ng paglabas ng galit, sa pamamagitan ng paghinga ng malalim o “deep breathing”. Sa kamalasan, may isa akong kaibigan na sa sobran galit ay pinilit ang sunud-sunod na deep breathing kaya hinimatay dahil na-choke…kinapos ng hangin! Ayaw kong mahimatay tulad niya.

 

Ang problema sa kultura natin na may pagka-colonial pa rin, kapag ang pagmumura ay ginawa sa English o Kastila, parang wala lang ang epekto, pero kung ang pagmumura ay ginawa na sa Pilipino, ang nakakarinig, lalo na mga banal daw ay para nang natapunan ng ipot ng pusa sa mukha. Hindi ko sinasabing hindi masama ang pagmumura. Subalit dapat ay maghinay-hinay sa paghusga sa mga taong nagmumura. Mabuti nga lumabas ang masamang salita lang mula sa kanya, hindi tulad ng ibang nagbabanal-banalan na ang masamang ugali ay nagkakaugat sa puso nila at diwa kaya habang tumagatal ay yumayabong pa. Ang pagmumura namang inilalabas ay walang pagkakataong yumabong dahil….yon nga, ibinuga na ng bibig!

 

Narinig ang tape tungkol sa pagmumura ni Duterte sa santo papa, kaya malinaw na ginawa nga niya. Isa itong maituturing na “tactlessness” o kawalan ng pasubali o ugaling bara-bara sa salitang kanto….na talagang mali. Subalit si Duterte ay kilala sa paghalo ng mga biro sa kanyang pananalita, kaya malamang, para sa kanya ay joke ang sinabi niya….pero joke na masama o hindi nararapat dahil si Francs bilang pinakamataas na lider ng simbahang Katoliko ay tinuturing na banal kay tinawag na “santo papa”.

 

Kilalal sa pagbiro ang mga Bisaya, na kahit maanghang sa pandinig ay hindi naman bukal sa kalooban ng nagsabi, tulad ng pabirong “gi-atay ka”  o “lilinti-an ka” na ang mga kahulugan ay ayaw ko na lang sabihin. Mabuti na rin ang ginawang pagpuna kay Duterte, para hindi isipin ng santo papa na tino-tolerate ng mga Pilipino ang ganitong ugali…at baka hindi na siya magsalita ng blessing sa Pilipino tuwing mamintana upang magbasbas sa mga taong nag-aabang sa kanya.

 

Pero, sa isang banda, kung papipiliin ako sa pagitan ng isang taong nagmumura subalit ang layunin ay magkaroon ng pagbabago sa isang sistema ng gobyerno na may makapal na kulapol ng korapsyon at may napatanuyan na, at sa isang taong namang dahilan ng kagutuman at kahirapan ng buong bayan dahil sa kawalan ng malasakit, kahit hindi pa nagmumura at animo ay larawan ng pagkabanal at pagka-santo na pagkukunwari lang pala….ang pipiliin ko ay ang nagmumura!

 

Ang ginawa ni Duterte kahit pa maituturing na joke ay patunay sa binitiwan niyang babala noon na kung maging presidente siya ay wala siyang sasantuhin….kaya humanda na sila!

 

Ang Mga Taong Hindi Marunong Mangalaga ng Tulong at Mga Walang Pinag-aralan Subali’t Maayos ang Buhay

Ang Mga Taong Hindi Marunong Mangalaga ng Tulong

At Mga Walang Pinag-aralan Subalit Maayos ang Buhay

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat lang na hindi ibalik sa taong tumulong sa iba ang itinulong niya sa mga ito. Ibig sabihin ang tulong ay hindi dapat ituring na “utang” ng taong tinulungan. Ang dapat gawin ng isang tinulungan ay ipasa sa iba ang tulong na napakinabangan niya. Subalit iba ang usapan kapag ang tinulungan ay hindi marunong mangalaga ng itinulong sa kanya tulad ng mga sumusunod na kuwento:

 

#1…..Tungkol ito sa isa kong kaibigang seafarer, mayroon siyang malaking bahay na hinuhulugan at may dalawang anak na nag-aaral. Noon ay hindi hamak na malaki ang kita niya kung ihambing sa kinikita ng hindi sumasakay sa barko. Ang masama lang ay mayabang siya at galante tuwing magbakasyon at mahilig bumili ng mga bagay na naide-display niya upang masabing marami siyang pera. Kalimitan, makalipas ang dalawang buwang bakasyon, isa-isa na ring nawawala ang mga gamit dahil kung hindi naisanla ay naibenta…at sa akin tumatakbo upang umutang. Palagi ko siyang pinapayuhan, at oo naman siya ng oo. Ngayong nagkaedad, halos wala nang kumpanyang tumanggap sa kanya, kaya  nataranta dahil ang bahay pala ay hindi regular na nababayaran sa SSS kaya malaki ang naipong arrears. Ang anak na babae ay isang teen-aged mom dahil nabuntis high school pa lang, at ang panganay na lalaking anak ay puro tattoo ang katawan at laman ng kalye. Ang asawa naman na suki ng mga parlor ay halos walang expression ang mukha dahil kung ilang beses nang inineksiyunan ng  gamot na pampatanggal ng kulubot, kaya sa biglang tingin ay mukhang tanga. Ilang beses siyang lumapit sa akin upang umutang, subalit nagmatigas ako. Nang magalit, pinaalala ko sa kanya ang mga utang niyang niyang hindi ko nasingil dahil idinaan na lang niya sa “kalimot”.

 

#2…..Isa pa ring kaibigan ang inabutan ko ng tulong na pandagdag sa puhunan niya sa pagba-buy and sell ng mga prutas. Nang lumakas ang negosyo, biglang umarangkada sa pagbukas naman ng isang karinderya dahil naiinggit yata sa mga kaibigang may ganitong negosyo. Minalas sa mga taong tinanggap niya upang tumulong dahil puro kupit ang inabot niya. Wala pang anim na buwan, bumagsak na ang karinderya ay may utang pa siya sa inupahang puwesto. Pinahiram ko pa ng ilang beses subalit hindi pa rin natuto dahil nagbukas uli ng karinderya na talaga namang hindi niya nakokontrol ang pagpatakbo. Lumipas ang isang taon bago kami nagkita uli….balik siya sa wala. Nang subukan niyang “humiram” uli sa akin, tumanggi na akong tumulong. Tulad ng inaasahan ko, nagtampo at nagalit kaya iniwasan na ako.

 

Iba naman ang kuwento ng mga taong nakatira sa bangketa na ang ikinabubuhay ay pamumulot ng mapapakinabangang basura. Yong isang pamilya na naabutan ng pera, bumili agad ng mga scrap na kahoy, tatlong gulong na pang-kariton, mga pako at nanghiram lang ng martilyo, at tulung-tulong silang mag-asawa sa paggawa ng kariton, kaya ngayon ay lalong marami silang nahahakot na papel, lata at bote, kung ihambing noon na sako o malaking plastic bag lang ang gamit.

 

Yong isang pamilyang dating isang kariton lang ang gamit sa pamumulot ng basura, nagkaroon ng isa pa nang maabutan ng tulong, kaya tag-isa na silang mag-asawa ng itinutulak na kariton, at dahil lumaki ang kita, nakaya na nilang mangupahan ng isang maliit na kuwarto…hindi na sila nakikigamit ng kubeta ng restaurant ng Intsik, at hindi na rin natutulog sa bangketa. Nakakaipon na rin sila ng iba’t ibang gamit sa bahay na napupulot sa mga basurahan dahil naikakarga nila ang mga ito sa kariton nila upang maiuwi.

 

Yong mag-asawang matanda na sigarilyo at mga kendi lang ang dating tinitinda sa bangketa, nang abutan ng tulong, nagkaroon ng maliit na mesa, dalawang thermos para sa kape, mga biscuit, at tinapay na idinagdag sa mga itinitinda. Mayroon na rin silang picnic umbrella, pananggalang nila sa init ng araw at ulan. Nang dinagdagan ang puhunan nila, nagtinda na rin ng piniritong isda at kanin na tantiyado nilang mauubos sa maghapon, nalilibre pa ang tanghalian at hapunan nila.

 

Yong mga namumulot lang dati ng mga reject na gulay sa Divisoria, may mga kariton na rin at ang tinitinda ay mga gulay na binibili nila ng maramihan sa mga papauwi nang mga mangangalakal kaya mura nilang nakukuha…nabawasan na ang hirap nila dahil hindi na sila mangangalkal pa at maglilinis ng mga reject na gulay.

 

Kung minsan mahirap unawain ang tao. Kung sino kasi ang may kakayahang pinansiyal ay sila pa yong nagmimistulang kawawa bandang huli dahil sa pinili nilang pagpapabaya sa sarili ganoong may pinag-aralan naman sila na magsisilbi sanang gabay sa paggawa nila ng mga desisyon. At, kung sino pa yong sa tingin ng iba ay walang pag-asa sa buhay dahil mga yagit sa bangketa kung ituring – walang pinag-aralan at ni walang ekstrang damit, ay sila pang nakakaraos dahil sa pagsisikap upang mabuhay ng maayos! Ibig sabihin, hindi kailangang maging titulado ang isang tao upang makagawa ng malinaw na desisyon sa buhay!

Understanding the Filipino Beyond his Penchant for Music and Beauty

Understanding the Filipino

Beyond his Penchant for Music and Beauty

By Apolinario Villalobos

 

According to Osang, the Filipina winner of The Netherland’s first X Factor, Filipinos will no longer be allowed to join singing contests in that country. It could just be a joke of Osang as Filipinos are also known for cracking jokes to spice up interviews. In the field of music, Filipinos are practically known the world over. Many may not be so lucky to garner the title, but still, they can give anxiety to other contestants. A youtube I viewed last year, showed an American telling his viewers, “if you want to hear real singers, go to the Philippines…”. It seems that the Filipino when brought into this world, instead of a pitiful cry, he instead, let out a melodious scream.

 

But the Filipino is more than the musical notes…more than the instruments that he can play. The Filipino in whose veins flow various culture, is first and foremost, God-fearing. Be he a Christian or an Islam adherent, the Filipino’s life revolves around the Most Benevolent. Aside from Roman Catholics that comprise the majority of the population, the Orthodox Catholics, Western-based Christian sects, indigenous Aglipayan and Iglesia ni Kristo, as well as, the typical Filipino Islamic faith, have successfully amalgamated to form a very strong spiritual foundation on which the Filipino proudly stands.

 

Many international beauty titlists are married to Filipinos. Among the most notable is Ms. Armi Kuusela, an early Miss Universe titlist and married to the scion of the prominent Hilario family. When the beauty pageants started many years ago, the Filipina contestant aside from the representative of Thailand are always anticipated to land at least, on the top ten. During the latter years, the Filipina representative persisted, showing her best in the face of stiff rivalry posed by the Latin American beauties. And, just like in international singing competitions, the Philippine representative in several beauty contests that have mushroomed lately always leaves an impressive mark.

 

The Filipino has always been known as “pliant like a bamboo”, a survivor in the right sense of the word. The more than four centuries of Hispanic subjugation followed by those of the short-lived American and Japanese, did not break the Filipino spirit. Although, there was fierce resistance, the Filipino easily swayed with the onslaught of the colonial misfortunes, and fed on the cultural nutrients that they brought. With their passing, the Filipino twanged back to his upright posture – with unblemished and fully intact pride!

 

As a survivor, the Filipino is resourceful. For instance, the two-day old almost molded boiled rice, he can prepare into a delicious snack called, “winilig-wilig pop rice”, after thoroughly washing the almost spoiled precious staple, dried under the sun and fried in coconut oil with sprinkling of brown sugar. Out of the discarded foods from restaurants, called “pagpag”, he can prepare thoroughly-cooked dishes, of course, after equally, thorough washing…although, the sanitation and health agencies do not allow this, for the record. But rather than die of hunger with a gaping mouth and glassy stare, or allow his guts to be punctured by acidic intestinal fluid, the Filipino can courageously take this last resort! If other nationalities can eat deadly scorpion, drink blood of the cobra, and swallow live wriggling baby octopus, why can’t the Filipino partake of left-over food cooked thoroughly?

 

The young Filipino could cross a swinging bamboo bridge, or swim across a swirling river to attend his classes, in a school, several hills away from his home. He can walk kilometers of distance under the scorching beating of the sun just to occupy his seat in a crowded classroom, or study his lessons under a tree while his stomach grumbles for having nothing, not even a sip of coffee for breakfast. For the duration of his school year, he can also wear the same white shirt and a pair of khaki pants that he immediately washes as soon as he reaches home. He can mumble a thankful prayer for a half-cup of burnt rice salvaged from the bottom of the pot, drenched with a little water and sprinkled with salt.

 

Part of the Filipino’s discipline is the caution from his parents to behave and show his best self when there are visitors, as well as, clean the house very well, so as not to displease them. This he does with utmost obedience. And, additionally, to always give the visitors the best part of the chicken when they are invited over for dinner. All these the Filipino does as he is used to sacrificing for others.

 

The Filipino is a practical human being, as he is willing to accept what is realistically on hand. He does not vie for what is impossible because he is easily pleased. He has an easy smile and with an ever-ready hearty laughter for anything funny, even if it pertains to him, though, with limitation that borders on respect.

 

The Filipino loves food! There is only the problem with identity because many preparations are tagged with foreign names, especially, Hispanic. Nevertheless, they are concocted with ultimate patience and diligence inherited from his ancestors. This love for food can be observed during fiestas and other special occasions such as Christmas, birthday, baptismal, and wedding parties, or even last dinner for a wake.

 

Understanding the Filipino beyond his love for music and beauty, will make one appreciate how this guy who belongs to the brown race has survived the waves of corruption that besets his country!

 

Claudio…..for Claudio Estante

Claudio
(for Claudio Estante)
By Apolinario Villalobos

Just when others quiver at the sight of a coming storm
Tremble at the sound of a deafening thunder
Give way to the gusty wind of a swirling typhoon
This man stayed put with eyes never blinking –
With courage, he stayed amidst life’s turmoil;
All the way, this man stood tall.

He worked without expecting so much to gain
But trusting and loyal friends surrounded him till end
For how can one be not drawn to his radiant smile
And teasing twinkle of eyes that mirrored his soul ?
This man, indeed, friends will never forget
As even in a milling throng, he stood out tall.

The few miles of his life, he took with careful stride
Knowing that someday come what may, he’ll call it quits
He’ll face the day and reckoning will be made
Hence, just when the light of his life started to flicker
He prepared for the day he’s been waiting;
So even in silence his innocent smile did not leave his lips
For at the pearly gate as he shall wave to all –
He shall do it proudly while standing tall.

(Claudio Estante initiated the operation of the Department of Social Welfare in Tacurong in the mid-70’s during which the encounters between the Christian Ilagas and Muslim Black Shirts were at their worst. He spearheaded the distribution of relief goods throughout the province with Tacurong as the base. Tacurong which was then a struggling municipality during that time was under the mayorship of Jose Escribano. When he retired, Mr. Estante organized the senior citizens of the city. He was at the helm of the organization until he finally rested in July 5, 2012.)

Ang Barangay Real Dos…ng Bacoor City, Cavite

Ang Barangay Real Dos
…ng Bacoor City, Cavite
Ni Apolinario Villalobos

Hindi madali ang mamuno dahil kailangan ang paninimbang upang walang masaktan o magsabing sila ay pinabayaan. Sa isang barangay, halos lahat ay magkakilala, kaya ang turingan ay magkakapamilya, lalo na sa isang maliit na barangay tulad ng Real Dos ng Bacoor, Cavite City.

Ang Barangay Real Dos, ay pinamumunuan ng pinakabatang Chairman sa buong lunsod, si BJ Aganus, at inaalalayan ng may kabataan ding mga Kagawad. Sa kabila ng maliit nilang pondo mula sa buwis na binabahagi ng pamahalaang lunsod ay nagawa pa rin nilang magpatupad ng mga proyekto. Maganda ang nagkaisa nilang panuntunan na hindi dapat patagalin ang paghawak ng pondo hangga’t maaari dahil maraming dapat paggagastusan na kailangan ng mga ka-barangay nila.

Inumpisahan ng bagong grupo ang kanilang mga proyekto sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa homeowners’ association ng Perpetual Village 5 kung saan matatagpuan ang Barangay Hall, sa paglunsad ng mga proyektong pang-kabataan upang magamit ang bagong gawang basketball court. Ibinalik din ang regular na schedule sa paghakot ng basura.

Bumili sila ng bankang gawa sa fiberglass upang magamit sa pag-rescue tuwing may baha; dinagdagan ang bilang ng radio units na mag-uugnay sa mga tanod at opisyal ng barangay; pinalitan ang mga ilaw-kalye na ordinaryong bombilya, ng makabagong LED lights, upang makatipid sa konsumo ng kuryente, at inasahan ding tatagal ang mga ito; nagkaroon din ng libreng gamutan.

Ang mga plastik na mesa na pinapahiram sa mga ka-barangay kung may okasyon ay pinalitan ng gawa sa matibay na stainless steel sheets. Kaya, hindi man sinasadyang maulanan, ang mga mesa ay sigurado nang tatagal. Dinagdagan din nila ang mga trapal na ginagamit lalo na kung may pinaglalamayan.

Ang pinakahuli nilang ginawa ay ang pagpabubong ng nakatiwangwang na lote sa magkabilang gilid ng Barangay Hall. Ang nasa kanlurang bahagi ay nagagamit na ngayon kung may pagpupulong kahit na umuulan at tirik ang araw. Ang silangang bahagi naman ay lalagyan ng mga upuan upang may mapagpahingahan ang mga taong pumipila para sa serbisyo ng barangay health center.

Kinakausap din ni Barangay Chairman Aganus ng personal ang mga pasaway sa barangay, lalo pa at ang iba sa kanila ay halos kasinggulang lamang niya…na epektibo naman, dahil na rin sa pakisama. Walang masamang tinapay para sa Barangay Chairman dahil lahat ay gusto niyang bigyan ng pagkakataon upang magbago, magkaroon ng kabuluhan at respeto sa sarili. Hindi man niya sabihin, makikita sa ginagawa niya na mangyayari lamang ang pagkakaroon ng respeto sa sarili ang isang tao, kung siya ay bibigyan ng pagkakataon at halaga.

Nakakatuwa ring malaman na kahit kapos kung ituring ang allowance ng mga Barangay tanod ay hindi sila naaapektuhan nito. Nakikita kasi nila na lahat silang nasa pamamahala ni Chairman Aganus ay parehong nagsasakripisyo, maipatupad lang ang sinumpaan at itinalagang responsibilidad sa kanila.

Ang nakakatawag ng pansin ay ang pinapairal ng grupo ni Chairman Aganus na “bayanihan spirit”. Sa pamamagitan nito, basta may lumapit sa kanila upang humingi ng tulong, kahit hindi ka-barangay, ay agad nilang inaaksyunan. Maraming beses na ring nahingan ng tulong si Chairman Aganus ng mga hindi taga-Real Dos, upang gumawa ng follow up sa City Hall. Maganda ang patakaran nila dahil hindi naman ito pakikialam sa ibang barangay. Kung hindi kasi sila umaksyon sa mga request ng hindi taga-Real Dos ay lalabas na tinataboy nila ang mga ito…isang impresyon na ayaw nilang mangyari. Ganoon din ang paliwanag ni Chairman Aganus na nagsabing, pinakikiusapan lang naman daw siya, at isinasabay na niya ang mga follow-up sa mga gagawin kung nasa City Hall siya. Kung tutuusin nga naman, magkakasama ang mga magkakatabing barangay sa iisang administrasyon ng Bacoor, kaya hindi magandang nagkakanya-kanya sila sa pagkilos…sa halip ay dapat magtulungan.

Kung ihahambing sa malalaking barangay, masasabing napakaliit ng mga proyekto ng grupo ni Chairman Aganus, subalit, para sa mga taga-Barangay Real Dos, ang mga ito ay napakahalaga. Wala rin naman silang magagawa dahil pinagkakasya lamang nila ang pondong itinatalaga ng pamahalaang lunsod. At, ang pinakamahalaga, ay nagpupursige sila sa abot ng kanilang makakaya.

Pinatunayan ng Barangay Real Dos, na ang matatag na samahan ng mga bumubuo sa isang barangay ang nagsisilbing pinakapundasyon ng isang barangay kahit maliit ang pondo. Malaking tulong nga ang pondo, subalit aanhin naman ito kung pagtatalunan lamang na maaaring humantong pa sa siraan? Ang nagsisilbi namang “pandilig” sa pundasyong ito upang lalo pag tumatag at lumago ay ang katatagan din ng namumuno at mga nakakaganang pagpuna ng ibang tao, lalo na ng mga nasasakupan. Sa huling nabanggit, tanggap naman nila na hindi lahat ay nabibigyan nila ng kasiyahan, subalit wala silang magagawa dahil sa limitasyon ng kanilang kakayahan at pondo.

Yan ang Real Dos….maliit nga siksik naman sa samahan…kapos nga sa budget, mayaman naman sa pagkukusa… mga kabataan nga ang namumuno, puno naman ang mga puso ng pagmamalasakit sa kapwa!

Ang Tungkulin at Responsibilidad

Ang Tungkulin at Responsibilidad
Ni Apolinario Villalobos

Ang tungkulin ay hindi na dapat inuutos pa at ang responsibilidad ay may kaakibat na pananagutan sa lahat ng ginagawa ng isang tao. Bilang isang matalinong nilalang, alam ng bawa’t tao na kasama ang dalawa sa anumang pinasukan at inako niya.

Sa isang trabahong pinasukan halimbawa, alam ng isang tao kung ano ang mga dapat asahan sa kanya kaya may tungkulin siyang tuparin ang mga ito. Nakapatong sa kanyang balikat ang pagpapatupad ng mga ito sa abot ng kanyang makakaya, subalit kung siya ay mabigo, dapat siyang managot – yan ang responsibilidad.

Sa ibang bansang Asyano tulad ng Korea at Japan, ang dalawang nabanggit ay itinuturing na mitsa ng buhay at ang katumbas ay kahihiyan. Kapag nabigo sa mga ito ang mga tao doon, itinutulak sila ng kahihiyan upang wakasan na ang kanilang buhay. Para sa kanila, ang kabiguan sa mga ganoong bagay ay duming didikit sa kanilang pagkatao habang buhay at ang makakapaghugas lamang ay kamatayan.

Sa Pilipinas, iba ang kalakaran at nangyayari, lalo na sa gobyerno. Kung may mga palpak na pangyayari, lahat ng sangkot ay nagtuturuan. Mayroon pang mga walang takot sa pagbanggit sa Diyos na saksi daw nila sa pagsabi nilang wala silang kasalanan. Pati ang kalikasan ay binabanggit, kaya tamaan man daw sila ng kidlat, talagang wala silang bahid ng kasalanan. Mabuti na lang at wala sa mga “matatalinong” ito ang nagdidiin ng kanilang sinabi ng, “peks man”!

Ang mga halimbawa ng mga problema na idinaan sa turuan ay ang Mamasapano Massacre, usad-pagong na pag-rehabilitate ng mga biktima ng typhoon Yolanda, nakawan sa kaban ng bayan, ang pinagkakaguluhang West Philippine Sea, ang nawawalang pondo ng Malampaya, ang mga problema sa LRT at MRT, at mga sunog na ang pinakahuli ay nangyari sa Valenzuela (Bulacan), sa Gentex na pagawaan ng tsinelas. Lahat ng mga sangkot na tao at ahensiya ay ayaw umamin ng kasalanan. Matindi talaga ang sakit ng Pilipino na “feeling linis syndrome” o FLD!

Sa mga pangyayaring nabanggit, malinaw na walang maayos na koordinasyon na pinapatupad. Ang mga ahensiya at mga tao sa likod nila ay nagkukumahog upang makakuha ng credit kung sakaling tagumpay ang mga ginagawa nila, subalit, mabilis ding mambato ng sisi sa iba kung sila ay nabigo.

Sa isang banda naman, ang presidente ng Pilipinas ngayon ay walang humpay ang pagbato ng sisi sa nakaraang administrasyon dahil sa mga kapalpakang dinadanas ng kanyang pamumuno, ganoong ang problema niya ay ang mga taong itinalaga niya sa puwesto, na ang iba ay matagal nang dapat niyang tinanggal subalit hindi niya ginawa.

Sa panahon ngayon, maraming mga magulang ang hindi nakakatupad ng kanilang mga tungkulin sa kanilang mga anak na lumalaking suwail. Ang sinisisi nila ay ang mga makabagong teknolohiya kaya nagkaroon ng internet, at mga barkada ng kanilang mga anak. Yong ibang magulang naman, taon-taon ay naglilipat ng anak sa iba’t ibang eskwelahan dahil palpak daw ang mga titser. Kung tumingin lamang sa salamin ang mga magulang, makikita nila ang kanilang pagkakamali dahil dapat ay sa tahanan nagsisimula ang paghubog ng kabataan. Ang eskwelahan at mga titser ay tumutulong lamang.

Marami na kasing magulang ngayon na mas gusto pang makipagsosyalan sa mga kumare o umatend ng ballroom dancing, makipag-inuman sa mga kabarkada, makipag-shooting, makipag-weekend motoring, atbp., kaysa makipag-bonding sa mga anak. Ang dinadahilan nila ay ang kapaguran sa paglilinis ng bahay, pagluluto, paglalaba, pagpasok sa trabaho, overtime sa office, atbp – kaya kailangan nilang magpahinga naman! Kung hindi ba naman sila nuknok ng ka…ngahan!… papasok-pasok sila sa ganoong sitwasyon, pagkatapos ay sisisihin ang pagod! Kung honest sila, dapat ay sisihin din nila ang libog ng katawan! Sa ginagawa nila, mga anak nila ang kawawa!

Dapat isipin ng isang tao kung kaya niya ang mga tungkulin at responsibilidad sa papasukan niyang sitwasyon. Ang kailangan niya ay katapatan sa sarili, hindi ang nagpapalakas ng loob na, “bahala na”.