Sa Pagsapit ng Valentine’s Day

Sa Pagsapit ng Valentine’s Day

Ni Apolinario Villalobos

 

Marami ang excited sa pagsapit ng Valentine’s Day

May nagbabadyet na ng panggastos come what may

Pagdiriwang na halaw sa nakaugalian ng mga pagano

Na nagpaigting naman sa pagkakaisa ng mga Kristiyano.

 

Maraming alamat ang nakatha dahil sa araw ni Kupido

Na ang gamit sa pagbuklod ng two hearts ay isang palaso

May kapilyuhan pa mandin kung ito’y kanyang pakawalan

Tungo sa mga pakay na pusong, kung tusuki’y dalawahan.

 

Si lalaki, kalimitan ay bulaklak ang bigay kay gandang babae

Subali’t may iba namang can afford kaya ang bigay, tsokolate

Ang ibang kapos, wala mang maiabot ay nakakaisip ng gimik –

Ito’y pagsuyong may kasamang init ng yapos at tamis ng halik.

 

Isang beses isang taon kung itong inaasam na araw ay sumapit

Isang araw ng pag-ibig, ng mga puso at  yakap na napakahigpit

Pero tanong ng ilan, baki’t hindi gawing araw-araw na lang ito?

Upang ang magsing-irog hindi na pasulyap-sulyap sa kalendaryo!

images (3)

 

 

Ano Ba Talaga ang Pag-ibig?

Ano Ba Talaga Ang Pag-ibig?

By Apolinario B Villalobos

 

 

Mula pa noong panahong nauna

Ang pag-ibig ay sinisimbolo na ni kupido

Isang  anghel na laging tangan ay pana

Nakaumang sa magsing-irog

At handang magpakawala ng palaso

Na siyang tutusok sa mga puso

Magpapatibok sa mga ito ng mabilis

Hudyat na nabaon na ang pag-ibig

At handang bigkasin ng kanilang bibig.

 

Marami na ang namatay dahil sa pag-ibig

Marami na rin ang nasiraan ng bait

Marami  rin ang napariwara

Kaya  sa murang gulang ay nagsama

Nagpadami ng supling sa mundong ibabaw

Naging  palamunin at sa kalye’y pakalat-kalat

Walang direksyon ang buhay nguni’t

Kung umasta sila akala mo’y sikat –

Mga katawang nanlilimahid sa gulanit na damit.

 

Masarap ang umibig kung isip ang magpapanaig

At hindi damdamin na malayo sa utak

Na siyang dahilan ng masakit ng pagbagsak

Kapag natauhan sa bulag na dikta ng damadamin

Na kung umiral ay animo ulap sa kalawakan –

Natatangay ng hangin at hininigop ng init

Patungo sa mga palanas na tigang

Naghihintay na kahi’t ambon ay mabiyayaan

O di kaya’y hamog sa magdamag o kinaumagahan.

 

Di dapat umasa ng kung anu-ano na dala ng pag-ibig

Dapat hintaying kusang ialay ng taong nakakadama nito

Dahil pagkasiphayo lamang ang idudulot sa umaasa

Kung hindi dumating ang minimithi
Na nakikimkim ng damdaming kimi;

Dapat ding likas na maipakita sa mga kilos

Ang marubdob na nadarama ng isang umiibig

Huwag hintaying hingan ng kanyang irog

Ng mga bagay na sa harap niya ay dapat idulog.

 

Banal ang tunay na pag-ibig

Ito ay hindi libog na sa isang saglit

Kakawala sa katawang nag-iinit;

Kaakibat nito’y pagtatanging di nagdududa

At turingang may respeto sa isa’t isa,

Ang  bawa’t tibok ng puso para sa iniirog

Dapat ay laging dumadaan  sa utak

Nang sa gayon, lahat ng naipapakita sa kilos

At nasasambit ng bibig ay napag-iisipang lubos.

4531054-two-isolated-heart-on-a-white-background-3d-image