Ang namumukod-tanging katangian ng pulitika sa Pilipinas ay pagiging marumi nito. Ang mga kandidato ay nagbabatuhan ng mga putik. Kaya may kasabihan sa Pilipinas na kung ayaw mong mabisto ang katauhan mo ay huwag kang pumasok sa pulitika. Ang dahilan noong-noon pa ng mga pulitiko, na “pagtulong sa kapwa” ang dahilan ng pagpasok nila sa pulitika ay pinagtatawanan na ngayon. Sinasabi pa ng iba na ang pulitika ay isa sa mga larangan kung saan ay yayaman ang isang tao – na unfair naman sa mga talagang walang intensiyong mangurakot….ng malaki. Tanggap naman ang 10% na komisyon na ang tawag noon pa man ay “for the boys”, na ayaw pa ngang tanggapin ng iba dahil nakakahiya sa sinumpaan nilang tungkulin. Ang masama lang kasi sa ibang nanalo at nakaupo na sa puwesto, hindi lang 70% ang gustong kurakutin, kundi 100% dahil ang project ay hanggang papel lang!
Hindi sana umabot sa hamunan ang dalawang kandidato sa pagka-pangulo ng bansa kung hindi sana pinakialaman ni Roxas ang nananahimik na Davao City. Alam naman niyang alagang-alaga ito ni Duterte pati na ng mga Davaweἧo, pati ng mga taong nakatira sa mga bayang nakapaligid dito. Kung papansinin, nagpakumbaba pa nga si Duterte nang punahin ang pagmumura niya at tinanggap pa ang “lecture” ng Obispo sa Davao City. Ito ay pakita lang na okey sa kanyang punahin ang mga personal niyang pagkakamali sa mata ng mga moralista, pero ang kantihin ang inaalagaan niyang katahimikan sa Davao na kung ilang taon din niyang nilinis at pinatahimik ay maituturing na “below the belt”.
Nang gantihan naman ni Duterte si Roxas tungkol sa nakakadudang pag-graduate niya sa hindi naman gaanong kilalang eskwelahan sa Amerika, pumalag din siya. Ngayon ay nagsisisi siya dahil pati ang kredibilidad niya sa larangan ng edukasyon na isa sa mga pinagmamalaki niya ay nalagay sa balag ng alanganin. Dahil sa panggagalaiti niya, marami tuloy ay nagsasabing baka nga totoong hanggang kodakan lang ang pag-graduate niya sa Amerika.
Ang daming maaaring ipaliwanag ni Roxas sa mga tao upang magkaroon ng linaw ang mga isyu na may kinalaman din sa sinasandalan niyang presidente ng Pilipinas…bakit hindi na lang niya dito ituon ang kanyang effort sa pangangampanya? Bakit kailangang siraan pa niya si Duterte na nananahimik na nga? Mag-concentrate na lang sana siya sa “tuwid na daan” na pinangako niyang ipagpapatuloy, para marami pang mahatak kung sakali. Huwag na niyang pakialaman si Duterte na ang kapalaran ay nasa kamay ng COMELEC. Sa ginagawa niya, halatang ninenerbiyos siya dahil malakas ang hatak pareho ni Duterte at Poe. Mukhang pumalpak na naman ang campaign machinery na tumutulak kay Roxas.
Sa interbyu kay Duterte sa isang radio station sa Manila tungkol sa kanyang pagkandidato, nakiusap siya sa mga sumusuporta sa kanya na maging mahinahon at itigil na ang pagbabanta ng “rebolusyon” kung siya ay ma-disqualify. Bukambibig niya ang pagtanggap ng disqualification kung ito ang desisyon ng COMELEC, kaya sinabi pa niya na kung maaari ay ituon din ng mga sumusuporta sa kanya ang atensiyon nila sa ibang mga kandidato, upang makapili sila ng karapat-dapat kung sakali ngang siya ay ma-disqualify. Pinapakita ni Duterte na hindi siya sakim, dahil ang gusto lamang niya ay maging realistic ang mga supporter niya batay sa mga umiiral na sitwasyon. Sa isang banda, malinaw pa rin ang pahayag niya na hindi siya umuurong sa pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas.
Though how Progressive a Country is, there will always be
Poverty because of Corruption
By Apolinario Villalobos
Perfection should be ruled out in the reckoning of a progressive country, because there will always be poverty due to corruption somewhere in the system of governance. In other words, the glitter of progress cannot hide poverty. For ultra-progressive countries, the signs may be insignificant as they try to blend with the glamour of urbanity. But in other countries, especially, the third-world, the signs are very prevalent, so that there is always a massive effort to cover them up occasionally, literally, as it is done every time there are special occasions such as visits of foreign dignitaries. This practice is successful in the Philippines.
Practically, poverty is the shadow of progress, and literally, too, as where there are looming high-rise buildings that are pockmarks of progress, not far from them are slums or homeless citizens who huddle together under bridges and nooks. These are misguided citizens who flock to the cities after selling their homestead, that have been farmed for several generations, to deceitful land developers, at a measly price. These are the urban squatters willing to be relocated but found out that the promised “paradise” do not even have a deep well so they go back to their sidewalk “homes”. These are contractual workers who have no job securities as they earn only for five to six months, after which they leave their fate to luck while looking for another job.
How does corruption ever be involved in the sad fate of the exploited? Simply, by the government’s negligence in providing decent relocation sites with job opportunities and basic facilities to those uprooted from their city abodes for more than so many years; by its cuddling of the spurious contractualization perpetrated by greedy employers; by its failure to guide and protect the rights of farmers who sell their rice fields to subdivision developers at measly prices that are not even enough to sustain them for six months; by its failure to provide the citizens with the basic necessities as funds are allowed to be pocketed by corrupt officials; and practically by looking the other way despite the availability of laws against vote buying.
Third- world country leaders should stop using the word “progressive”, but instead they should use “surviving” to describe their respective economy. If a country’s economy cannot sustain, much less, provide a “comfortable life” to majority of its citizens, then it is still “ailing”…hence, expect poverty to be trailing behind, just a few steps away from the pretentious allegations!
Mga Trayduran at Sisihan sa Gobyerno
…at ang paghugas-kamay na naman ni Pnoy
Ni Apolinario Villalobos
Ang massacre ng mga pulis sa Mamasapano, Maguindanao, ay nagpapakita nang kaampawan ng liderato ni Pnoy. Hindi buo…hindi matatag…walang laman – puro hangin…ampaw! Mismong kalihim ng DILG at OIC ng PNP ay hindi alam ang isang malaking operasyon na gagawin ng SAF ng PNP dahil ang target ay isang foreign terrorist na wanted din sa ibang bansa. Ang pagsilbi ng mga naipong warrant of arrest ay isang immediate actionable na responsibilidad na may kaakibat na tactical operation, subalit dahil hindi ito pangkaraniwan, dapat pinaalam din kay Mar Roxas bilang kalihim ng DILG at pati sa OIC ng PNP bilang respeto.
Putok ang balitang ang nagmani-obra ay ang suspendidong hepe ng PNP na si Purisima kaya lalong naging naging kwestiyonable ang lahat dahil ginawang tanga ang itinalagang OIC. Kahit wala pang imbestigasyong ginagawa ay malakas tuloy ang hinala ng lahat na ang tagumpay ng operasyon ay magsisilbi sanang “personal vindication” ni Purisima mula sa mga paratang sa kanya. Ang problema, nag-boomerang kaya lalo siyang nadiin…lalong nalubog sa kahihiyan, kung totoo nga ang mga pumutok na balita na ang pinagmulan naman ay isang heneral. Sa nangyari, dawit uli ang BFF ni Purisima na si Pnoy…na may kakambal yatang kamalasan!
Tulad ng inaasahan, tila may sacrificial lamb na umamin – ang director ng SAF. Subalit bakit hindi niya ginawa ito agad upang maiwasan ang mga ispekulasyon? Pwede namang magpatawag siya ng press conference. Ang ginawang paghintay muna ng director na makapagsalita ang pangulo ay nakakapagduda, dahil gusto yata niyang magkaroon sila ng iisang “tono” ng pangulo – walang conflicting statements. Ibig sabihin, magsi-second the motion na lamang ang SAF Director sa anumang sasabihin ng pangulo, na nangyari nga.
Ang nagmukhang tanga na sina Roxas at OIC ng PNP ay nagkakamot ng ulo, ganoon din ang iba pang mga opisyal ng PNP na hindi rin napagsabihan tungkol sa operasyon. Ang masakit, sila ang pinapaharap sa mga press con kaya sisinghap-singhap habang naghahagilap ng isasagot sa mga katanungan. Malinaw pa sa sikat ng araw na sila ay natraidor! Daig pa nila ang taong binaril at duguan na, ay sinisipa pa, dahil siguradong sila ang babagsakan ng sisi. Magastos na naman sa tubig at sabon dahil sa mga hugasan ng kamay sa Malakanyang! Samantala, ang pag-amin ng direktor ng SAF ay hindi pinaniniwalaan.
Dahil malakas ang pagputok ng pangalan niya sa media, dapat kusang lumabas si Purisima at itanggi ang paratang kung walang katotohanan. Pero wala yatang takot at kaba dahil alam niyang as usual, ay ipagtatanggol siya ng kanyang best friend na si Pnoy! Nakakasakit din sa loob na marinig sa pangulong ituring ang massacre na isang “incident” lamang.
Kung may natitira pang pride o pagmamahal sa sarili si Mar Roxas, ang pinakamaganda niyang gawin ay mag-resign, dahil binibitin din lang siya ni Pnoy kahit sa suporta na kailangan niya (Roxas) pagdating ng eleksiyon sa 2016. Kung magbibitiw siya, baka madagdagan pa ang mga supporters niya dahil sa awa.