The Stupid Surveys

The Stupid Surveys

By Apolinario Villalobos

 

Nowadays, there are so many surveys conducted by various survey firms which are of course paid for by parties that will benefit from the “expected” favorable results. Big companies, political units and even nations spend so much money for the flattering and self-serving favorable results. Surveys can be effective only if the whole targeted responders are captured, but if not even 1% of the total has been interviewed for their views…then, the survey results should better be told to the Marines!

 

How can for instance a survey, give assurance that a certain candidate will surely win during an election when the majority of the voting population has not been interviewed? To top it all, their assurance is based on a further confusing mathematical formula. So, there’s the trick – the more confused the ordinary citizens become, the better for these survey firms to insist that they are right, and the more that they make their clients happy. They want the ordinary citizens to believe that the results are products of “highly intelligent” surveys…conducted by “intelligent” people!  While some surveys are based on personal views and opinions, others are on perception which make the results more “imagined”….unrealistic. Simply stated, how can a personal view become representative of the rest, opinions as truthful, and perception as generally realistic?

 

The way I see it, these surveys are the workings of “research” firms that have run out of anything to do and clients who trust them. They have come up with this novel idea that can flatter egoistic groups that we call business firms, political groups, educational institutions, and governments. These surveys are also the result of the marketing strategies that need to be updated to make them attractive to clients. Schools want to attract enrollees, business firms want more clients, political groups want more donors and followers, and governments want a “third opinion” that would qualify their claim for success in their administration…all selfish objectives which at the end are supposed to be satisfied with self-serving survey results, that would later find their way in advertising spaces!

 

What the clients should do, instead of squandering millions in surveys for self-serving results, is require their advertising agencies to gather hard data from records that are available, to support their contentions. The truthful and realistic information shall no longer cause a single eyebrow to be raised every time the reports are splashed on the front pages of dailies, as well as, broadcasted on air lane and TV screen….at least, the doubting Thomas can be directed to the records on file.

Advertisements

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Ilang buwan pa lang ang nakararaan, laglag-bala ang mainit na isyu. Ang mahigpit na pag-kontrol sa mga airport upang maiwasan ang pagpuslit ng mga deadly ammunition ay okey na sana subalit nasilipan ng butas ng ilang tiwali sa airport dahil sa paniniwala ng mga Pilipino sa bala bilang agimat. Dahil sa katiwalian na iyan, maraming tanga at may matigas na ulong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil napigilan sa pagsakay sa eroplano dahil lamang sa iisang balang nakita sa kanilang bagahe. Maraming tangang Pilipino ang umaming nagdadala talaga ng bala sa abroad upang pananggalang daw nila laban sa pag-aabuso ng employer. May mga natanggal na ring mga inspector ng bagahe dahil kahit obvious na talagang walang laman ang bala dahil ang tinuturing na agimat lang talaga ay ang tansong basyo, pinagpipilitan pa rin na “deadly ammunition” daw ito. Bakit nga naman nila palalampasin ang pagkakataon ganoong, ang “pakiusapan” ay may presyong mula 2 thousand hanggang 8 thousand pesos???!!!

 

Sa pinakapangit na airport pa rin sa buong mundo, ayon sa survey – ang Manila International Airport Terminal 3, laglag-kisame naman ang isyu. May nasugatan, banyagang turista pa, mabuti na lang at hindi nasaktan ang kanyang asawang Pilipina at anak. Nag-apologize ang manager ng airport subalit hindi pa rin ito sapat. Bago nangyari ang paglaglag ng kisame sa coffee shop, ay nagkaroon na rin ng laglagan bago pa man binuksan para sa operasyon ang Terminal 3, at nang nag-ooperate na, nagkalaglagan pa rin ng dalawang beses. Ibig sabihin, ang diperensiya ay ang mahinang “original” na kisame o suporta nito, kaya siguradong ang bagong kisameng ikakabit ay madadamay. “It’s more fun in the Philippines” pa rin kaya ang sasabihin ng pinakahuling nasaktan na turista?

 

Nilaglag ni Aquino si Purisima kung kaylan sobra na ang alingasaw ng amoy ng “teamwork” nila. Nilaglag din ng administrasyon si Vitangcol ang sinasabing palpak at nangurakot sa mga deals at management ng MRT, pero under investigation, as usual, at pinagduduhan pa . Latest kay Vitangcol: humihingi ng tulong sa PAO para bigyan ng libreng abogado! Ang kakapalan nga naman ng mukha kung umiral! Yan ang problema sa mga tauhan ni Pnoy, ginagawang tanga ang mga Pilipino….gusto ba namang magkaroon ng abogadong ang nagpapasuweldo ay taong bayan na sinasabing niloko niya! Walang delikadesa!

 

May mga laglagan na rin sa pulitika bago sumapit ang election 2016. Nilaglag ni Pnoy Aquino si Mar Roxas nang i-veto niya ang batas para sa dagdag na 2 libo sa pension ng mg SSS retirees. Sa mga hindi nakakahalata, binago ni Roxas ang kanyang political ad dahil sinimplehan lang, walang music background, at ang dialogue tungkol sa tuwid na daan ay dinugtungan niya ng “pupunuan ko kung may kakulangan, iwawasto ang mali, at hindi ako nagnakaw….”. Malinaw na patutsada kay Pnoy na mula’t sapul ay walang bilib sa kanya. Nilaglag din daw ni Escudero si Grace Poe subalit deny to death naman siya sa isang interview…pero truthful ba siya?

Mga Lubak at iba pa…sa Tuwid na Daan

Mga Lubak at iba pa…sa Tuwid na Daan

ni Apolinario Villalobos

 

Maihahalintulad ang buhay sa binabagtas na daan

Maaring ito ay tuwid, liku-liko, paahon o palusong

Sa araw-araw nating pamumuhay sa mundong ito

Bumabagtas tayo ng daan…hindi alam saan patungo.

 

Sa pakikibaka sa buhay ay para rin tayong tumatahak

Ng daan na hindi lang baku-bako dahil sa mga lubak

Marami ring mga sagabal – mga bato at minsa’y tinik

Na kung di maiwasa’y magdudulot ng sugat…masakit.

 

Kung minsan naman, ang daang tinatahak ay liku-liko

Para ring buhay na maraming dinadaanang pagsubok

Kung minsan ay mga pasakit na pabigat sa ating balikat

Na kailangang tiising pasanin, kahi’t dusa ang kaakibat.

 

Minsan nang may taong nag-anyaya, samahan daw siya

Sa pagbagtas sa tuwid na daa’t sinabi pa niyang nakangiti

Pangako’y puno ng kaginhawahan sa buhay, animo totoo

Subali’t kalauna’y nabatid, daa’y may lambong na siphayo!

 

Ang daa’y diretso nga, nguni’t tadtad naman ng mga lubak

Marami ring bato, tinik ng mga damo, ipot, at kung ano pa

Marami na ngang sagabal, umaalingasaw pa sa kabantutan

Kaya sa pagbagtas nitong daan daw niya, sinong gaganahan?

 

Hindi na lang sana siya nangako, dahil lahat ng daa’y masukal

Maraming sagabal dahil ito ay parang buhay, hindi matiwasay

Upang makaraos, depende na sa pagkapursigido ng isang tao

Kaya, kung Diyos nga ay hindi nangangako ng tuwid na daan –

…ito pa kayang isang tao na wala pang napatunayan?

 

Ang Kawawang Kalagayan ng Maraming Pensiyonado ng Social Security System (SSS) ng Pilipinas

Ang Kawawang Kalagayan ng Maraming Pensiyonado

ng Social Security System (SSS) ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Kawawa talaga ang kalagayan ng karamihan sa mga pensiyonado ng Social Security System (SSS) ng Pilipinas. Sa isang banda, ang hindi kawawa ay ang mga dati nang may kaya sa buhay bago nagtrabaho at ang mga namuno sa SSS mismo na milyon-milyon ang sweldo. Ayon sa balita, ang SSS ay may 7 Senior Vice-Presidents at 16 Vice-Presidents. Ang mga sweldo at bonus nila ay milyon-milyon din daw, pati ang mga allowances na kasama ang gastusin para sa mga alagang hayop o pet at grocery. Wala ring aalalahaning problema sa pensiyon ang mga kurakot na opisyal ng gobyerno dahil kapag nag-retire na ay siguradong milyon-milyon  na rin ang naipon nila na kayang ipamana maski sa mga apo sa tuhod.

 

Samantala, ang mga nag-retire nang mga miyembro ng SSS ay nagtitiis sa barya-baryang pensiyon. Nauunawaan naman ang sistemang binabatay ang pensiyon sa buwanang naiambag ng miyembro, kaya mayroong nagpepensiyon ng minimum na mahigit lang ng kaunti sa isang libo kada buwan dahil sa ikli ng panahon ng pag-ambag at kaunting halagang naiambag. May iba pang batayan sa pagminuta o pag-compute ng pensiyon kaya lumalabas na ang iba, kahit ang dating trabaho ay foreman ng mga kargador sa pantalan ay mahigit sampung libo ang pensiyon kung ihambing sa ibang manager na mahigit lang sa 7,000 pesos.  Ang masakit nga lang ay ang katotohanang nagpabaya ang SSS sa paglikom ng mga naiambag ng mga empleyado na kinaltas ng kanila-kanilang switik na mga employer kaya hindi lumalago ang pondo upang maging batayan sa pagpalaki rin ng pensiyon ng mga retirado. Kadalasan din, ang mga aktibo pa sa trabaho ay hindi rin malapag-loan dahil hindi nire-remit ng kanilang switik na employer ang kanilang contribution. Ayon sa balita ay wala pang 40% ang pinakahuling nalikom ng ahensiya batay sa kabuuhan ng mga miyembro, na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 31milyon.

 

Nangangamba daw ang SSS dahil pagdating ng 2029 ay maaapektuhan ang pondo kung ibibigay sa 2milyong pensiyonado ang 2 libong pisong dagdag sa bawat pensiyon kada buwan kaya hindi inaprubahan ni Pnoy Aquino. Ayon naman sa gumawa ng panukala sa Kongreso na si Cong. Colmenares, dapat nga raw ang minimum na pensiyon ngayon ng retiradong miyembro ay 7,000 pesos. Marami daw namang paraan upang mahabol ang pagpalago ng pondo nito, tulad ng nabanggit nang  pagpapa-ibayo pa sa paglikom ng mga ambag, at pag-streamline o pagbawas ng mga “top-level managers” na malamang ay nagkakapareho o nag-ooverlap  ang mga responsibilidad. At lalong higit ay ang pagbawas ng mga nakakalula nilang allowances at mga bonus!

 

Sa Pilipinas, ang mga retirado ay hindi nabibigyan ng pagkakataong maging empleyado pagtuntong ng ika-60 na taong gulang. Ang may gulang na 40 nga ay itinuturing nang “overaged” ng ilang employers. May iilang nai-extend ang trabaho subalit hindi na regular ang status nila kundi “Consultant” hanggang umabot sa gulang na 65, kaya ang turing sa suweldo nila ay “Consultancy fee” na wala na ring benepisyo tulad ng allowances na kung tawagin ay “perks”. Ito yong mga nasa “senior management level” na ang saklaw ay mula manager hanggang Senior Vice-president, pero ang mga performance bago mag-retire ay namumukod-tangi, o yong may mga dating responsibilidad na napakahalahaga sa pagpapatakbo ng negosyo o opisina. Ang mga nasa supervisory at rank-and-file level naman ay napakanipis ang pag-asang ma-extend bilang “Consultant”. Ang matindi pa, malimit ay hindi agad naibibigay ang retirement o separation pay kaya ang pag-follow up lang at pamasahe ay problema din. Dahil sa mga nabanggit, pagkatanggap ng separation pay o pensiyon ay makakaltasan na agad ng pambayad sa mga inutang na pamasahe at panggastos sa pamilya nang panahong nagpa-follow up ang nag-retire!

 

May nakausap akong retirado na ang ginagawa ay hinahati ang tabletang gamot na nireseta ng doktor upang tumagal kaysa naman daw mawalan siya ng maiinom dahil hindi kasya ang kanyang pensiyong pambili. Ang iba naman ay hindi na komukunsulta sa doktor kahit masama ang pakiramdam dahil mababawasan ang badyet na pambili ng pagkain. Ang iba pa ay dalawang beses na lang kumakain sa isang araw, at sa halip na isaing ang bigas ay nilulugaw na lang. Nang tanungin ko kung bakit minimum lang ang pensiyon nila, ang sagot sa akin ay dahil hindi permanente ang trabaho nila noon, mabuti nga daw at nakumpleto pa nila ang pag-ambag sa SSS hanggang sa sila ay mag-retire. Hindi naman daw sila nagkulang ng pagpursige sa paghanap ng trabaho subalit talagang wala daw silang makita noong kalakasan pa nila. May mga retirado akong nakausap na nagsabing kapag namamasyal sila sa park o mall ay may bitbit silang mga shopping bag na malaki o backpack para lagyan ng mga junks na mapupulot, lalo na plastic na bote ng mineral water o lata ng soft drinks dahil kahit papaano ang maliit na kita sa mga ito ay nakakatulong din.

 

Sa mga mauunlad na bansa, kahit malaki  ang kaltas sa suweldo ng mga empleyado para sa buwis at ambag sa social security ay sigurado naman ang mga benepisyo nila dahi ang pagpapa-ospital, gamot, at pagpapa-aral sa mga anak ay libre. Ang ibang hindi gaanong maunlad na bansa naman ay maliit ang kinakaltas sa suweldo para sa buwis at social security, na ang pinakamalaki ay hindi umaabot sa 20%, subalit magaganda pa rin ang kanilang mga benepisyo. Sa Pilipinas naman, ang kinakaltas sa suweldo ng mga empleyado ay mahigit 30% subalit wala halos katumbas na matinong benepisyo. Ito yata ang sinasabi ng pangulo ng bansang si Benigno S. Aquino III na “matuwid na daan”….at saan naman patungo?….sa pagkagutom?

 

Mahirap talagang magkaroon ng presidenteng hindi nakadanas ng kahirapan sa buhay. Ang problema sa pensiyon ng SSS ay dumaan din sa ilalim ng nakaraang mga administrasyon, at lalong lumala sa panahon ni Pnoy Aquino ngayon. Kung sa halip na puro sisi ang ginagawa niya sa nakaraang administrasyon ay nagpakasipag na lang siya bilang presidente, sana kahit kapiraso ay may maipagpasalamat sa kanya ang mga Pilipino.

 

A Closer Look at the Filipino “Nationalistic” Groups

A Closer Look at the Filipino “Nationalistic” Groups

By Apolinario Villalobos

 

Even during the administration of Ferdinand Marcos, there were already problems with China as regards the South China Sea/West Philippine Sea, separatist movements and kidnapping in Mindanao, as well as, with Malaysia as regards Sabah, and most especially, corruption in the government. The same problems were inherited by subsequent administrations. But the “nationalistic” groups were more concerned in shouting invectives against America in front of the US Embassy and in burning effigies of American and Filipino presidents. They did not lift a finger in helping the government in its effort to recover Sabah, and not a single rally was held in front of the Chinese Embassy to express their revulsion over the issue on West Philippine Sea. Not even a question was raised as regards the effectiveness of the military against the separatist movement and kidnappings in Mindanao because of its inadequate facilities due to misused funds intended for its modernization. These groups cannot even lay claim on the success in deposing Marcos, because the religious groups and ordinary citizens were the ones responsible for such success.

 

Despite the open reclamations of China in the West Philippine Sea, these groups were silent, although, belatedly, they somehow held a lightning rally or two, after such, nothing was heard from them again. Despite the ongoing activities of the Abu Sayyaf and separatist groups in Mindanao, they remained silent. The overly grisly Maguindanao and Mamasapano massacres did not entice them a bit to make a move to show their support to the victims. Despite the moving of justice system at a snail’s pace and unabated proliferation of foreign “investors” who are exploiting the natural resources around the country, nothing is heard from them, too.  And despite the blatant control of domestic medium-scale trading in the country by these foreign “investors”, still nothing is heard from these groups.

 

After the announcement of the Supreme Court’ decision favoring the legality of the US military presence in the country, these groups suddenly came to life. They maintain their claim that such decision shall lead to the construction of the permanent US bases in the country when in fact, nothing of that sort is mentioned in the agreement.

 

They claim that the continued presence of the American soldiers in the country will lead to the revival of sex- related industry which is not true. Even without the presence of US bases, there is uncontrolled proliferation of the sex trade via the internet, bars and massage parlors, even in the decent districts of Metro Manila.  But still, if they want, they can knock at the doors of Congress and Senate for laws that shall control this kind of industry, and which should be appropriate for the time. On the other hand, they are supposed to know that even the local government can control such industry. And, just what have they done on the issue of poverty that contributed to the fast growth of such industry in the country? They should caution the sex workers if they are really bent on helping their countrymen involved in sex trade which needs to be treated as a separate issue, instead of using this alibi in pursuing their “nationalistic” objective. They seem to be blind to the fact that various sex deals are flourishing even without the issue on the US military presence in the Philippines due to weak national laws and LGU regulations that reek with corrupt motives.

 

What dedication to advocacy are they talking about when some of them are even holding passports stamped with US visa?  If these groups are really serious in their advocacy, why don’t they hold rallies against the ongoing corruption in the country and the vote-buying, a political tradition that got deeply-entrenched in the Filipino culture? Why don’t they consistently hold rallies for the removal of department secretaries who are being questioned on the issues of smuggling, ghost NGOs, drug trafficking, illegal recruitment, and deplorable state of mass transit facilities such as LRT and MRT, etc. Why don’t they consistently hold rallies for the removal of the president, if they find him to be ineffective just like what was done during the time of Marcos? Why don’t they hold rallies against the unfulfilled promise of the government to modernize the military facilities after prime public properties were sold to foreign investors? Why don’t they picket outside the detention facilities where the Ampatuans are, to show their disgust over the hideous crime that they purportedly committed? These are what the Filipinos want to see and expect from them, as they claim to be “nationalistic” and pro-Filipino.

 

Obviously, the Philippines has been under a long-tested democracy which unfortunately proved ineffective due to its loop-holed system that led to the propagation of various forms of corruption. And, this is what the left-wing groups want to be changed to a more “nationalistic” system. But what do they mean by “nationalistic”?…a communism-inspired system?

 

By the way, I just want to make myself clear that not all nationalistic Filipinos have a communistic mentality.

 

 

The Vicious Cycle of Progress and Poverty

The Vicious Cycle of Progress and Poverty

By Apolinario Villalobos

 

Poverty is a mean excuse to do things for easy money by the weak in spirit. But the strong are ready to go hungry in the name of ideals and principles. The exploiters use poverty in blackmailing the unfortunates, one result of which is the dirty election due to rampant vote buying.

 

Exploitation of the illiterates and impoverished also result to virtual land grabbing because they are made to “sell” their ancestral domains to rich real estate developers at below  the decent value level. As subdivisions, golf courses and resorts sprout, the displaced former landowners and the fortune-seekers from other parts of the country huddle in not so far depressed areas with many of them working as low-waged employees of the mentioned business institutions that sprouted.

 

Poverty is the corner where the impoverished are pushed to make a choice between death and survival. Also, when the government alleges progress, poverty trails a few steps behind. Along this line, poverty breeds animosity in a community, especially, on matters of politics. In this regard, while some members of the community are ready to sell their soul for a few pesos in exchange for their vote, others are steadfast in protecting theirs which has always been viewed as a “sacred” right. Even some of the clerics of the Catholic Church have joined the confusion by counseling their members to accept the bribe but vote according to their conscience.

 

As soon as the corrupt candidates are finally put in place, thanks to the rampant vote-buying, in no time at all, they start to engage in schemes designed to insure the “return of their investment”. Projects that involve infrastructures are conceived, supposedly to carry on the “progress”…the bigger project, the better, as assurance for fat commissions. The worst scheme is connivance with non-governmental organizations for ghost projects. While all these things are going on, the suffering constituents see around them towering manifestations of progress in the shadow of which, they cringe in poverty.

 

Progress and poverty are the two forces that push each other to create the never ending loop that goes round and round…a never-ending cycle that plagues the people of the third-world countries such as the Philippines, and the culprit are the “investors” – exploiting nations that promise comfort in exchange for “developments”. Yet, despite the prevailing realities of the time, the rest of third-world nations still bite the bait.

Mga Inaasam na Pagbabago ng Gobyerno at mga Ahensiya Mula sa Taong 2016

Mga Inaasam na Pagbabago ng Gobyerno

At Mga Ahensiya Mula sa Taong 2016

Ni Apolinario Villalobos

 

SANA AY…

 

  • TANGGALIN ANG MGA INUTIL NA NAMUMUNO SA MGA AHENSIYA. HINDI SILA KAKULANGAN DAHIL MGA WALANG ALAM NAMAN TALAGA AT NAITALAGA LANG DAHIL MAY KAPIT SA PRESIDENTE. HINDI BALE NANG MGA OFFICER-IN-CHARGE ANG MAIIWANG MAMUMUNO, SIGURADO NAMANG MGA CAREER SERVICE OFFICERS AT TALAGANG MAY ALAM SA PAGPAPATAKBO NG MGA AHENSIYA.

 

 

  • BUWAGIN ANG COMMISSION ON HUMAN RIGHTS AT ILIPAT ANG BUDGET NITO SA PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) UPANG MADAGDAGAN ANG MGA ABOGADONG LIBRE ANG SERBISYO. MARAMI PANG IBA….

 

 

  • PAIRALIN ANG KOORDINASYON SA PAGITAN NG MGA AHENSIYA DAHIL MAYROONG HALOS MAGKAKAPAREHO ANG MGA RESPONSIBILIDAD TULAD NG HUMAN SETTLEMENTS, DEPARTMENT OF HUMAN RIGHTS, PUBLIC ATTORNEYS OFFICE, DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE (KUNG HINDI MABUBUWAG). KADALASAN KASI, SA DIYARYO LANG SILA NAGKAKAALAMAN NG MGA GINAGAWA KAYA KUNG PANG-PUBLICITY AY NAGKAKASAPAWAN AT KUNG MAY BULILYASO AY NAGTUTURUAN.

 

 

  • TANGGALIN ANG INCENTIVE SA MGA AHENSIYA NA MAY KINALAMAN SA PAGTITIPID UPANG MAY MAGAMIT SA BONUS NG MGA EMPLEYADO. BISTADO NA KASI NA MARAMING AHENSIYA NA SINASAKRIPISYO ANG MGA PANGANGAILANGAN SA OPISINA UPANG MAY MATIPID NA MALAKI AT UPANG MALAKI RIN ANG BONUS. DAHIL DITO, KAHIT MALILIIT NA MGA AHENSIYA NA ANG MGA PANGALAN AY HINDI KILALA AY NATUTO NA RIN SA KATARANTADUHANG ITO.

 

 

  • AYUSIN ANG MGA OPERATIONS MANUAL NG LAHAT NG MGA AHENSIYA NA KUNG ILANG TAON NANG HINDI NA-REVIEW KAYA NAGKAKAPALPAKAN SILA SA OPERASYON. LALONG DAPAT TSEKIN ANG MANUAL NG CIVIL SERVICE COMMISSION, KASAMA NA ANG OFFICIAL NA TALAAN NG MGA PUWESTO UPANG MATANGGAL NA ANG MGA HINDI ANGKOP SA MAKABAGONG OPERASYON.

 

 

  • PALITAN NA ANG OBSOLETE NA BUREAU OF PLANT INDUSTRY NA INUTIL NAMAN DAHIL HINDI NAKAKA-KONTROL NG SMUGGLING NG GULAY. WALA RIN ITONG GINAGAWA UPANG MAKAAGAPAY ANG MGA MAGSASAKA SA MGA MAKABAGONG PARAAN NG PAGSASAKA AT WALA RING GINAGAWANG HAKBANG UPANG MAGKAROON NG KAALAMAN ANG MGA MAGSASAKA SA PAGTANIM NG MGA PRUTAS AT GULAY NG IBANG BANSA TULAD NG TSINA UPANG HINDI NA MAG-ANGKAT PA.

 

 

  • PALITAN NA ANG NAMUMUNO SA NATIONAL FOOD AUTHORITY DAHIL ANG IPINANGAKONG PAGBALIK NG MGA PRESYO NG BIGAS AY HINDI NANGYARI. ANG DATING MAHIGIT 20PESOS LANG NOON NA PRESYO NG MGA COMMERCIAL RICE NA DOMOBLE AT NAGTRIPLE ANG PRESYO, AY GANOON PA RIN HANGGANG NGAYON, MAHIGIT ISANG TAON NA ANG NAKALIPAS. KUNG DATI, ANG JASMINE AT CALIFORNIA RICE ANG MAHAL, NGAYON ANG MAGAGANDANG KLASE NG COMMERCIAL RICE AY MAHIGIT SA 40PESOS ANG HALAGA.

 

 

HIGIT SA LAHAT, SANA SA DARATING NA ELEKSIYON AY MANALO ANG ISANG PRESIDENTE NA HINDI LANG PURO PANGAKO ANG ALAM NA GAWIN.