Ang Mga Sistemang Korap sa Gobyerno ng Pilipinas

Ang mga Sistemang Korap sa Gobyerno ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Kamakailan lang ay sinabi ni Secretary Abaya ng DOTC sa isang interview na huwag palaging paandarin ang mga escalator at elevator ng Metro Rail Transit upang hindi sila masira agad dahil sa pag-aagawan sa pagsakay ng mga pasahero. Ano kaya ang pumasok sa utak niya at sinabi niya ito? Kaya nga naglagay ng mga ganoong pasilidad ay upang magamit ng mga pasahero dahil kasama ang mga ito sa binabayarang pamasahe. At, lalong kailangan ito ng mga may kapansanan, matatanda, at buntis na pasahero. Para makumpleto ang mga “maganda” niyang panukala, sana ay sinabi na rin niyang huwag palaging ipagamit ang mga kubeta upang hindi pumanghi o bumaho!…yan ang Departmet of Transportation and Communication!

 

Talagang matindi ang virus ng korapsyon sa mga opisina ng gobyerno. Dahil sa kagustuhan din ng mga ahensiyang magkaroon ng malalaking bonus na binabatay sa natipid na pondo ay pinagpipilitan nila ang pagtitipid kahit hindi dapat, kaya ang mga bakanteng puwesto ay hindi nilalagyan ng bagong empleyado upang makatulong sana sa pagpabilis ng serbisyo nila. Ang ibang mga gamit sa opisina ay hindi binibili, at kung bilhin man, ay pinipili nila ang pinakamura kaya mahina ang uri. Halimbawa, ang stapler, kapag bumagsak sa sahig ay siguradong warat agad – sabog! Ang mga ballpen ay yong uri na sandaling gamit lang “naglalaway” na o kumakalat ang tinta kaya nakakadumi ng daliri at papel. May mga “pinapatay” na linya ng telepono upang makatipid, kaya hirap sa pagkontak ang taong bayan, at tinitipid din ang langis ng mga service cars kaya hindi nakakapagtupad ng mga responsibilidad.

 

Karamihan sa mga proyekto ng gobyerno ay magandang-maganda sa simula dahil kailagan para sa mga photo opportunities, pero makalipas ang ilang buwan at taon ay nanlilimahid na, tulad ng LRT at MRT, pati mga gusali. Ang mga concrete divider-cum-planter sa ilalim ng LRT sa simula ng operasyon ay may mga tanim, pero ngayon, ang nasa bahagi ng Baclaran at Pasay ay naging basurahan, at ang nasa bahagi naman ng Maynila ganoon din dahil ang ginawang pagpaganda noon ni Atienza ay hindi naipagpatuloy ng pumalit na si Lim, dahil hinayaang mamatay ang mga tanim. Ngayon ay tinatamnan uli sa ilalim ng administrasyon ni Estrada, subalit marami ang nagdududa dahil siguradong hindi rin tatagal.

 

Ang mga makukulay na poste ng ilaw sa kahabaan ng Roxas Boulevard, dahil gawa sa plastic, ngayon ay nanlilimahid na kung hindi man basag. Ganoon din ang nangyari sa mga ilaw ng mga tulay sa Quiapo at Sta. Cruz sa Maynila. Makulay sana sila subalit maigsi ang buhay, kaya hantarang hindi pinagplanuhang mabuti kung anong materyal ang nararapat upang tumagal. Hindi na kailangang ipaliwanag pa ang mga kalsadang maya’t maya ang pag-repair dahil obvious na mahina ang timpla ng semento at aspaltong ginamit. Paano nga namang pagkikitaan palagi kung matibay at tatagal ang mga ito ng maraming taon?

 

Noong panahon ni Gloria Arroyo ay sinisita niya ang ahensiyang nakatalaga sa paglinis ng mga estero, kaya kumikilos sila. Ngayon dahil walang pakialaman ang presidente, ang mga duming naipon sa mga estero ay  animo kalsada na dahil tumigas na ang makapal na basurang naipon at ang iba ay tinubuan pa ng damo!

Ganyang-ganyan ang nangyayari sa kawawang Pilipinas…naiipunan ng basurang dulot ng korapsyon. Ang sistemang tumigas na sa kapal ng korapsyon ay hindi na makagalaw, kaya mahirap baguhin.

 

 

Ang Talumpati ni Pnoy Aquino sa Mamasapano Massacre Anniversary (25 January 2016)

Ang Talumpati ni Pnoy Aquino sa

Mamasapano Massacre Anniversary (25 January 2016)

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagsalita ni Pnoy Aquino sa anibersaryo ng pagpatay sa SAF44 ngayong araw, 25 ng Enero, ay kung ano-ano na namang matulaing kataga ang binitwan niya. Kaylan kaya titigil ang presidente sa ganitong gawain na bistado namang puro buladas lang? Hindi makakalimutan ang mga binitiwan niyang mga pangako lalo na ang “tuwid na daan”, noong nangangampanya pa lang siya, hanggang sa siya ay umupo na. Pati ang mga “pangako” para sa mga pamilya ng mga pinatay na SAF44 ay hindi pinatawad ni Pnoy dahil sa mga bulilyaso na naman.

 

Ayon sa tatay ng isang pinatay na SAF, iilan lang sa mga pinangakong benepisyo ang kanilang natanggap. Ang pabahay ay maliit at nasa isang liblib na panig ng Laguna at hindi mararating kung walang sariling sasakyan. Ang isang benepisyo para sa dependent ay tahasang sinabi ng pamunuan ng PNP na hindi pwedeng ibigay dahil lampas na sa minimum na gulang ang tinutukoy na dependent, subalit sana ito ay ginawang exemption na lang, dahil gagamitin sa isang hindi pangkaraniwang sitwasyon…subalit hindi nangyari, sa kabila ng pangako ni Pnoy.

 

Hindi makalimutan ang hindi niya pagsalubong nang dumating ang mga labi ng SAF44, pagkatapos ay sasabihin niyang dadalhin daw niya hanggang sa hukay ang sakit na dulot ng nangyari na gusto pa niyang ituring na isang “insidente” lamang, at hindi “masaker”? Dahil sa kasanayan na niyang magbigkas ng mga kasinungalingan, akala niya lahat ng mga sinasabi niya ay totoo….napaniwala niya ang sarili sa ganito. Subalit hindi tanga ang taong bayan upang paniwalaan ang mga sinasabi niya.

 

Upang mabawasan ang bigat ng kanyang mga pagkukulang bilang presidente ay panay paninisi ang ginagawa sa nakaraan administrasyon ni Gloria Arroyo na nagpamana daw sa kanya ng mga kapalpakan. Bakit hindi na lang niya ituwid kung may mali at punan kung may kakulangan, sa halip na siya ay magdadakdak na hindi gawain ng isang lalaking tao, lalo pa at ayon sa kanya ay  “ama” siya ng sambayanang Pilipino? Ang salitang “ama” ay nanggaling din sa kanya dahil sa kahiligan yata niya sa tula, subalit hanggang turing na lang ito, dahil hindi nga niya pinapakinggan ang kanyang mga “boss” na taong bayan, ang bago na namang turing na “ama” pa kaya? Hindi lang tahasang pagbibingi-bingihan ang kanyang ginagawa, kundi pati na rin ang pagbubulag-bulagan, at lalo pa ang pagmamaang-maangan kaya marami tuloy ang nagtatanong kung may presidente ba ngayon ang Pilipinas.

 

Ang pinakamagandang magagawa ni Pnoy upang makabawi sa mga kahihiyan ay huwag nang mangako at bawasan ang paggamit ng mga matalinghagang salita sa kanyang mga talumpati. May panahon pa naman siya upang mabago kahit kapiraso ang pagtingin sa kanya ng sambayanang Pilipino at makakuha uli ng respeto…yan ay kung pakikinggan niya ang mga matitino niyang taga-payo, lalo na ang mga “boss” niya.

Ang Kawawang Kalagayan ng Maraming Pensiyonado ng Social Security System (SSS) ng Pilipinas

Ang Kawawang Kalagayan ng Maraming Pensiyonado

ng Social Security System (SSS) ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Kawawa talaga ang kalagayan ng karamihan sa mga pensiyonado ng Social Security System (SSS) ng Pilipinas. Sa isang banda, ang hindi kawawa ay ang mga dati nang may kaya sa buhay bago nagtrabaho at ang mga namuno sa SSS mismo na milyon-milyon ang sweldo. Ayon sa balita, ang SSS ay may 7 Senior Vice-Presidents at 16 Vice-Presidents. Ang mga sweldo at bonus nila ay milyon-milyon din daw, pati ang mga allowances na kasama ang gastusin para sa mga alagang hayop o pet at grocery. Wala ring aalalahaning problema sa pensiyon ang mga kurakot na opisyal ng gobyerno dahil kapag nag-retire na ay siguradong milyon-milyon  na rin ang naipon nila na kayang ipamana maski sa mga apo sa tuhod.

 

Samantala, ang mga nag-retire nang mga miyembro ng SSS ay nagtitiis sa barya-baryang pensiyon. Nauunawaan naman ang sistemang binabatay ang pensiyon sa buwanang naiambag ng miyembro, kaya mayroong nagpepensiyon ng minimum na mahigit lang ng kaunti sa isang libo kada buwan dahil sa ikli ng panahon ng pag-ambag at kaunting halagang naiambag. May iba pang batayan sa pagminuta o pag-compute ng pensiyon kaya lumalabas na ang iba, kahit ang dating trabaho ay foreman ng mga kargador sa pantalan ay mahigit sampung libo ang pensiyon kung ihambing sa ibang manager na mahigit lang sa 7,000 pesos.  Ang masakit nga lang ay ang katotohanang nagpabaya ang SSS sa paglikom ng mga naiambag ng mga empleyado na kinaltas ng kanila-kanilang switik na mga employer kaya hindi lumalago ang pondo upang maging batayan sa pagpalaki rin ng pensiyon ng mga retirado. Kadalasan din, ang mga aktibo pa sa trabaho ay hindi rin malapag-loan dahil hindi nire-remit ng kanilang switik na employer ang kanilang contribution. Ayon sa balita ay wala pang 40% ang pinakahuling nalikom ng ahensiya batay sa kabuuhan ng mga miyembro, na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 31milyon.

 

Nangangamba daw ang SSS dahil pagdating ng 2029 ay maaapektuhan ang pondo kung ibibigay sa 2milyong pensiyonado ang 2 libong pisong dagdag sa bawat pensiyon kada buwan kaya hindi inaprubahan ni Pnoy Aquino. Ayon naman sa gumawa ng panukala sa Kongreso na si Cong. Colmenares, dapat nga raw ang minimum na pensiyon ngayon ng retiradong miyembro ay 7,000 pesos. Marami daw namang paraan upang mahabol ang pagpalago ng pondo nito, tulad ng nabanggit nang  pagpapa-ibayo pa sa paglikom ng mga ambag, at pag-streamline o pagbawas ng mga “top-level managers” na malamang ay nagkakapareho o nag-ooverlap  ang mga responsibilidad. At lalong higit ay ang pagbawas ng mga nakakalula nilang allowances at mga bonus!

 

Sa Pilipinas, ang mga retirado ay hindi nabibigyan ng pagkakataong maging empleyado pagtuntong ng ika-60 na taong gulang. Ang may gulang na 40 nga ay itinuturing nang “overaged” ng ilang employers. May iilang nai-extend ang trabaho subalit hindi na regular ang status nila kundi “Consultant” hanggang umabot sa gulang na 65, kaya ang turing sa suweldo nila ay “Consultancy fee” na wala na ring benepisyo tulad ng allowances na kung tawagin ay “perks”. Ito yong mga nasa “senior management level” na ang saklaw ay mula manager hanggang Senior Vice-president, pero ang mga performance bago mag-retire ay namumukod-tangi, o yong may mga dating responsibilidad na napakahalahaga sa pagpapatakbo ng negosyo o opisina. Ang mga nasa supervisory at rank-and-file level naman ay napakanipis ang pag-asang ma-extend bilang “Consultant”. Ang matindi pa, malimit ay hindi agad naibibigay ang retirement o separation pay kaya ang pag-follow up lang at pamasahe ay problema din. Dahil sa mga nabanggit, pagkatanggap ng separation pay o pensiyon ay makakaltasan na agad ng pambayad sa mga inutang na pamasahe at panggastos sa pamilya nang panahong nagpa-follow up ang nag-retire!

 

May nakausap akong retirado na ang ginagawa ay hinahati ang tabletang gamot na nireseta ng doktor upang tumagal kaysa naman daw mawalan siya ng maiinom dahil hindi kasya ang kanyang pensiyong pambili. Ang iba naman ay hindi na komukunsulta sa doktor kahit masama ang pakiramdam dahil mababawasan ang badyet na pambili ng pagkain. Ang iba pa ay dalawang beses na lang kumakain sa isang araw, at sa halip na isaing ang bigas ay nilulugaw na lang. Nang tanungin ko kung bakit minimum lang ang pensiyon nila, ang sagot sa akin ay dahil hindi permanente ang trabaho nila noon, mabuti nga daw at nakumpleto pa nila ang pag-ambag sa SSS hanggang sa sila ay mag-retire. Hindi naman daw sila nagkulang ng pagpursige sa paghanap ng trabaho subalit talagang wala daw silang makita noong kalakasan pa nila. May mga retirado akong nakausap na nagsabing kapag namamasyal sila sa park o mall ay may bitbit silang mga shopping bag na malaki o backpack para lagyan ng mga junks na mapupulot, lalo na plastic na bote ng mineral water o lata ng soft drinks dahil kahit papaano ang maliit na kita sa mga ito ay nakakatulong din.

 

Sa mga mauunlad na bansa, kahit malaki  ang kaltas sa suweldo ng mga empleyado para sa buwis at ambag sa social security ay sigurado naman ang mga benepisyo nila dahi ang pagpapa-ospital, gamot, at pagpapa-aral sa mga anak ay libre. Ang ibang hindi gaanong maunlad na bansa naman ay maliit ang kinakaltas sa suweldo para sa buwis at social security, na ang pinakamalaki ay hindi umaabot sa 20%, subalit magaganda pa rin ang kanilang mga benepisyo. Sa Pilipinas naman, ang kinakaltas sa suweldo ng mga empleyado ay mahigit 30% subalit wala halos katumbas na matinong benepisyo. Ito yata ang sinasabi ng pangulo ng bansang si Benigno S. Aquino III na “matuwid na daan”….at saan naman patungo?….sa pagkagutom?

 

Mahirap talagang magkaroon ng presidenteng hindi nakadanas ng kahirapan sa buhay. Ang problema sa pensiyon ng SSS ay dumaan din sa ilalim ng nakaraang mga administrasyon, at lalong lumala sa panahon ni Pnoy Aquino ngayon. Kung sa halip na puro sisi ang ginagawa niya sa nakaraang administrasyon ay nagpakasipag na lang siya bilang presidente, sana kahit kapiraso ay may maipagpasalamat sa kanya ang mga Pilipino.

 

The Brewing Trouble between Iran and Iraq will Definitely Crunch the Philippine Economy

The Brewing Trouble between Iran and Iraq

Will Definitely Crunch the Philippine Economy

By Apolinario Villalobos

 

A statistician’s mind is not needed to understand the negative effect of the trouble between Iran and Iraq to the Philippine economy which is founded on her export of labor to other countries, especially, the Middle East. Even a simple pedestrian will not think deeply what the OFW Filipinos will do in beleaguered Iran and Iraq now that they are at war with each other. Rather than be trapped, they will of course come home – back to joblessness. Worse, the government has not even decided on putting a stop, albeit, temporarily to deployment of OFWs to those countries. As usual, the government waits until the situation becomes uncontrollable and millions will be spent again for the hasty evacuations, and for failures, expect finger-pointing….again.

 

The government is inutile such that it has not come up with fallback programs for situations like this. What OWWA offers as its livelihood program in the form of loan is not reliable. A success story from this venture is yet to be heard or read or viewed.

 

The agriculture sector which should have been given attention very long time ago yet, is practically gasping for breath. Literally, it is dying, as the once rice and corn fields are converted now into golf courses and subdivisions. Had these lands been preserved, they could have been used as fallbacks for displaced OFWs. In the first place, the reason why they left the country is to seek a greener pasture, as they say, because they are exploited by loan sharks that control the price of their farm products. This fact is known even by a high school student. Why can’t the appropriate government agency or agencies do something about this problem?

 

Self-reliance in agriculture has never been in the priority list of the government. A very clear manifestation of this negligence is the unabated importation of agricultural products from other countries. And, the situation is aggravated by smuggling that further chokes the local farmers. There is no effort in improving the agricultural products such as vegetables and rice to make them competitive with those from other countries. Ironically, the International Rice Research Institute (IRRI) the cradle of knowledge for high-tech rice production is located in the Philippines, particularly, Los Baἧos, Laguna, where rice technicians of other countries learn the rudiments of high-tech rice farming. Yet, the Philippines imports rice from the countries of these foreign scientists!

 

Trading as a gainful venture in the country is left in the hands of foreign businessmen whose stalls cram the mushrooming malls. What is left to the Filipinos are the “bilao and bangketa” business, in which merchandise are patiently arranged in piles in the round bamboo winnower and sidewalk, or the “sari-sari store”, a hole-on-the-wall “grocery”. And, this is what the OWWA expects the displaced OFWs would do with their pittance capital that it loans to them.

 

It is a shame that despite the availability of funds that were exposed to have been just pocketed by the corrupt in the government, the Filipinos are left with nothing, especially, for the so-called new heroes of Philippine economy, the OFWs.

 

Expect again the Philippine government to promise labor contracts sought from other “safe” countries…but for how long will this exportation of labor go on? Why can’t the government do something about the home-based industries and revive agriculture which was the country’s primary revenue earner? Is corruption blocking the way?….your answer is good as mine!

 

 

Though how Progressive a Country is, there will always be Poverty because of Corruption

Though how Progressive a Country is, there will always be

Poverty because of Corruption

By Apolinario Villalobos

 

Perfection should be ruled out in the reckoning of a progressive country, because there will always be poverty due to corruption somewhere in the system of governance. In other words, the glitter of progress cannot hide poverty. For ultra-progressive countries, the signs may be insignificant as they try to blend with the glamour of urbanity. But in other countries, especially, the third-world, the signs are very prevalent, so that there is always a massive effort to cover them up occasionally, literally, as it is done every time there are special occasions such as visits of foreign dignitaries. This practice is successful in the Philippines.

 

Practically, poverty is the shadow of progress, and literally, too, as where there are looming high-rise buildings that are pockmarks of progress, not far from them are slums or homeless citizens who huddle together under bridges and nooks. These are misguided citizens who flock to the cities after selling their homestead, that have been farmed for several generations, to deceitful land developers, at a measly price. These are the urban squatters willing to be relocated but found out that the promised “paradise” do not even have a deep well so they go back to their sidewalk “homes”. These are contractual workers who have no job securities as they earn only for five to six months, after which they leave their fate to luck while looking for another job.

 

How does corruption ever be involved in the sad fate of the exploited? Simply, by the government’s negligence  in providing decent relocation sites with job opportunities and basic facilities to those uprooted from their city abodes for more than so many years; by its cuddling of the spurious contractualization perpetrated by greedy employers; by its failure to guide and protect the rights of farmers who sell their rice fields to subdivision developers at measly prices that are not even enough to sustain them for six months; by its failure to provide the citizens with the basic necessities as funds are allowed to be pocketed by corrupt officials; and practically by looking the other way despite the availability of laws against vote buying.

 

Third- world country leaders should stop using the word “progressive”, but instead they should use “surviving” to describe their respective economy. If a country’s economy cannot sustain, much less, provide a “comfortable life” to majority of its citizens, then it is still “ailing”…hence, expect poverty to be trailing behind, just a few steps away from the pretentious allegations!

 

 

 

Naisahan ni Duterte ang mga Detractors sa Pag-amin ng mga Ginawa Niya…hindi siya Plastic tulad ng Iba!

Naisahan ni Duterte ang Mga Detractors niya sa Pag-amin

ng mga ginawa niya…hindi siya plastic tulad ng Iba!

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pinakahuling sinabi ni Duterte, walang kagatul-gatol na inamin  niyang nagkaroon siya ng iba pang asawa at dinispatsa niya ang mga masasama. Ano pa ngayon ang uukilkilin sa pagkatao niya dahil ang mga bagay na ito ang mga pinag-iinitan ng mga mapagkaunwari niyang detractors na kalaban sa pulitika?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na ang mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay ay hindi niya itinuring na “kabit” kundi napamahal din sa kanya kaya hindi niya pinabayaan sa pamamagitan ng kaya niyang sustento kahit maliit lang…o ang ibang mga opisyal ng gobyernong nakaupo ngayon na maipakita lang na kunwari ay “macho” ay kung sinu-sino ang pinapalabas sa media na “kabit” nila… o lalo na yong mga walang konsiyensiyang pagkatapos buntisin ang nagsmasahe sa kanila sa massage parlor o nai-table sa beer house ay basta iiwanan, o di kaya ay makapagsustento lang ng malaki sa kerida ay nangungurakot sa kaban ng bayan?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na umaming nagdispatsa ng mga salot sa lipunan na maski ilang ulit nang ikinulong ay nakakalabas pa rin dahil sa piyansa ng mga big time financiers nila, kaya nakakapangholdap pa rin at nakakapagbenta ng droga na ikinasasama ng mga kabataan (take note: hindi sapat na “umamin” kaya guilty na siya, dahil legally ay wala pang napatunayang may dinispatsa siya, at malamang ay “good riddance” pa para sa mga kaanak ng mga dinispatsa na nakabistong sila ay masama talaga kaya hindi na nagreklamo pa)…o ang mga magnanakaw na mga opisyal na hindi na nakaisip na dahil sa ginagawa nila ay marami ang nagugutom at naghihirap, sa pamamagitan ng mga ghost projects at paggamit ng mga ghost NGO o di kaya ay pakikipagsabwatan sa mga ito?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na upang ma-monitor ang nangyayari sa lunsod na kanyang pinamumunuan (Davao City) ay nagmaneho din ng taxi sa gabi upang personal na makita ang tunay na sitwasyon…o, ang mga walanghiyang opisyal ng gobyerno na bahagi na ng pagkatao nila ang pagsisinungaling at pagmamagaling, ganoong kaya lang naman nasa katungkulan ay dahil sa dinadala nilang apelyido…o yong ni hindi nakaranas na maipit ng trapik sa EDSA…o nakatikim ng NFA rice?

 

Iba ang sitwasyon ng Davao kung ihambing sa ibang bayan o lunsod. Pinagtataguan ito ng mga taong tumatakas sa batas dahil may ginawang kasalanan sa kung saan mang lalawigan, bayan, o lunsod na nakapaligid ditong pinanggalingan nila. Pinamumugaran din ito ng mga NPA, lalo na sa Agdao isang slum area na nasa tabing- dagat, na kung tawagin noon ay “Nicaragdao”. Ang mga nakatira sa Davao ay nabibilang sa iba’t ibang kulturang Pilipino,  tulad ng Maranao, Maguindanao, Tausug, Badjao, mga tribu ng Lumad, at mga dayo galing sa Visayas at Luzon – lahat sila ay dapat pakisamahan at asikasuhin ng patas. Hindi din nalalayo ang sitwasyon ng Davao sa iba pang lugar na may mga drug pusher. Ngayon, hindi man 100% na tahimik o crime-free ay masasabing kontrolado na nang umupo si Duterte bilang mayor. Ang dating magulong Agdao ngayon ay tahimik na…panatag na ang kalooban ng mga naglalakad sa lunsod kahit hatinggabi…walang manlolokong taxi driver.

 

Walang mawawala kay Duterte kung ipilit ng administrasyon na i-disqualify siya na halata naman kahit pa sabihin ng Malakanyang na hindi sila nakikialam sa desisyon ng COMELEC. Hindi na tanga ang taong-bayan upang hindi masakyan ang mga sinasabi ng grupo ni Pnoy. Ayaw lang ng taong bayan na magkaroon uli ng mga marahas na pagkontra dahil wala din namang magandang mangyayari, tulad ng nakakahiyang resulta ng “EDSA People Power”, na bandang huli ay halos isumpa ng mga taong nagising sa katotohanan. Hindi bulag ang taong-bayan upang hindi makita ang mga nilangaw na selebrayson ng people power kuno na ito, dahil ang mga dumalo ay mga kamag-anak ng mga Aquino at mga crony nila na lumipat lang mula sa kampo ni Ferdinand Marcos noon, kaya hanggang Ayala lang sila tuwing mag-celebrate.

 

Natataranta ngayon lahat ng nasa oposisyon dahil biglang sumirit ang popularidad ni Duterte at naungusan niya ng milya-milya si Poe, isang araw lang pagkatapos niyang magdeklarang tatakbo sa pagka-pangulo. Malas na lang ng mga huling nag-over the bakod dahil mismong si Duterte ang umayaw sa kanila. Natataranta sila dahil inamin ni Duterte na walang problema kung si Bongbong Marcos ang ka-tandem niya, na alam ng lahat, na ang hatak ay “solid north”, at malaki-laki ring bahagi ng Visayas at Mindanao. Hindi maikakaila na marami pa ring namamayagpag na Marcos loyalist groups.

 

Baka sabihin ng mga detractor ni Duterte na hindi siya maka-Diyos. Tamaan na ng kidlat ang magsabi niyan, lalo na ang mga nakaupo ngayon sa puwesto! Sila ang hindi maka-Diyos na dapat ay tusukin ng kidlat dahil nasilaw sa perang ninakaw nila sa kaban ng bayan at hindi na nagsawa sa mga oportunidad na halos wala na yatang katapusan sa pagdaloy at tinatamasa nila habang sila ay nasa kapangyarihan!

 

Bilang huling hirit, baka naman sabihin ng mga desperadong mapanira na hindi macho si Duterte o di kaya ay anak ito ng pari o di kaya ay anak sa pagkakasala ng isang artista, o ng isang na-rape na madre o di kaya ay kapatid sa labas ni Ferdinand Marcos sa labandera nila, para lang may mabanggit. Ang pinakamagandang gawin sana ng mga nagmamagaling pero kuwestiyonable din naman ang pagkatao ay magpaka-disente na lang sa pangangampanya…huwag ipaling ang mga sinasabi sa mga personal na bagay. Sa halip, sana ang gawin ng mga nangangampanya ay magpaliwanag tungkol sa mga plano nilang gagawin kung sakaling manalo, tulad ng sinasabi palagi ni Duterte kung ano ang gagawin niya sa mga drug lords, mga nagnanakaw sa kaban ng bayan, etc! Huwag silang magpakita ng mala-demonyong ugali at pagkagahaman sa puwestong inaasam ngayon pa lang, kahit hindi pa tapos ang 2015!

Ang Moralidad at Mga Moralista sa Bansang Pilipinas

Ang Moralidad at Mga Moralista

Sa Bansang Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang moralidad ay isang prinsipyo na may kinalaman sa pagiging tama o mali ng isang gawain batay sa itinakda ng batas o simbahan, kaya hindi ito dapat limitado sa gawaing may kinalaman lamang sa sex. Ang pagnanakaw, pagpatay dahil sa masamang dahilan, pagsisinungaling, panlalamang ng kapwa, paninira ng kapwa, at iba pang maling gawain ay maituturing na mga imoral. Ang  kabaligtaran naman ng mga nabanggit ay may kinalaman sa kabutihan at itinuturing na moral. Sa ganang ito, hindi lang ang mga taong may mahigit sa isang asawa kung siya ay Kristiyano, halimbawa, ang maituturing na imoral dahil sinusuway niya ang itinuturo ng simbahan, kundi pati na rin ang mga taong nanlalalamang ng kapwa at lalo na ang mga opisyal na nagnanakaw sa kaban ng bayan na naging sanhi ng kahirapan ng maraming mamamayan. Ang huling nabanggit na imoralidad ay ang pinakamasidhi dahil hindi lang isa, dalawa, o tatlong tao ang napaglalangan at naapi, subalit milyon-milyon!

 

Walang namumukod-tanging tao na walang bahid ng imoralidad, lalo na sa panahon ngayon. Patunay dito ang nagpuputukang mga isyu tungkol sa imoralidad mismo ng mga namumuno sa mga simbahan, lalo na ang paglipana ng mga korap na opisyal sa mga pamahalaan ng anumang bansa.

 

May mga taong marami ang kerida o kabit at hindi nila itinuturing na “asawa” kundi “parausan” lamang ng kanilang kalibugan….YAN ANG IMORAL! At lalong imoral na gawain ang pag-abandona sa mga ito dahil hindi man lang nila binibigyan ng sustento, at hindi kinikilala ang bunga ng kanilang kalibugan.

 

Bakit binabatikos ng mga “moralista” ang isang taong may tatlong asawa, ganoong umamin naman sa ginawa niya at hindi naman tumatalikod sa responsibilidad, subalit ayaw naman nilang pamukhaan ang mga opisyal ng bayan na hayagang nagsisinungaling, nagpapabaya sa gawain, lalo na ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan, at  may gana pang ipagmalaki ang yamang galing sa masama? Dahil ba kapartido nila?

 

Huwag nang magmaang-maangang banal ang mga taong nagdadalawang mukha o nagdodoble-kara dahil lang sa ambisyong may kinalaman sa pulitika. Alam naman nilang masama ang tinutumbok ng tinatahak nilang daan tuwid man ito o liku-liko.  Ang isang taong nagmamalinis ay hindi dapat pumasok sa larangan ng pulitika na animo ay isang maputik na kwadra ng mga hayop. Wala silang karapatang bumatikos sa mga kalaban na tingin nila ay may masamang ugali dahil ang mga kasama nila sa partido mismo, kung hindi man kasingsama ng binabatikos nila ay lalong higit pang masama.

 

Ang hirap sa mga nagmamaang-maangang taong pumasok sa pulitika na tutulong daw sa bayan ay tumitingin pa sa malayo upang makakita lang ng taong imoral daw, samantalang pinaliligiran na sila ng mga taong hindi lang simpleng imoral subalit sagad sa buto ang pagka-imoral! Nagkakabanggaan pa nga sila ng mga balikat dahil natataranta na kung ano ang gagawin dala ng nerbiyos at baka matalo!

 

 

 

Malaking Sakripisyo ang Maging Chairman o Maging Iba Pang Opisyal ng Maliit na Barangay Tulad ng Real Dos (Bacoor City)

Malaking Sakripisyo ang Maging Chairman O Maging  Iba Pang Opisyal

ng Maliit na Barangay Tulad ng Real Dos (Bacoor City)

ni Apolinario Villalobos

 

Hindi nakakapagpayaman ang maging opisyal ng isang maliit na Barangay, na ang pinaka-kunsuwelo ay kasiyahan namang nararamdaman dahil sa tulong na naibibigay sa mga ka-barangay.

 

Matapat na sinabi sa akin ni Barangay Chairman BJ Aganus (Real Dos, Bacoor City) na sa wala pang dose mil niyang suweldo, ang kabuuang sampung libo lamang ang kinukubra niya. Ang butal ay “iniiwan” niya sa pondo ng Barangay upang magamit na pandagdag sa mga gastusin tulad ng para sa kuryente at iba pa na wala sa regular payroll na binadyetan, subalit kailangan upang mapaganda ang operasyon nila. Ganoon din ang ginagawa ng mga Kagawad ng Barangay na kusang nag-aambagan din sa kabila ng kaliitan ng kanilang allowance. Hindi nila alintana ang sakripisyong nabanggit dahil nababawasan naman ng suportang binibigay ng kani-kanilang pamilya sa pamamagitan ng lubus-lubusang pag-unawa.

 

Ang nanay ni Kapitan BJ na si Aling Sofie ay umaming sa kabila ng katungkulan ng kanyang anak,  silang mag-asawa ay tumutulong pa rin dito. Isang umagang napadaan ako sa bahay nina Kapitan BJ ay natiyempuhan ko si Aling Sofie na nagpaunlak sa request kong samahan ako sa kagagawa pa lang, pero kulang pa rin sa gamit, na Multi-Purpose Hall ng Real Dos. Bilang isang ina, natutuwa siya na nagkaroon ng bunga ang katututok ng kanyang anak sa City Hall, upang magkaroon ng Multi-purpose Hall ang Barangay, kaya kahit sabihin pang damay siya sa sakripisyo ng anak ay okey na rin sa kanya. Natiyempuhan din namin ang “volunteer” na si Aling Amparing na siyang naglilinis ng kapaligiran ng Multi-Purpose Hall, kasama na ang basketball court na nasa harap nito. Wala siya ni pisong kabayaran, subalit dahil nakita niya ang kabuluhan ng maliit na gusali ay hindi siya nagpatumpik-tumpik sa pagkusa ng tulong sa abot ng kanyang makakaya na paglilinis tuwing umaga.

 

Nadagdagan din ang mga street lights sa Barangay Real Dos dahil na rin sa “pangungulit” ni Kapitan BJ sa city government, kahit pa ang naging resulta ay dagdag-bayarin sa kuryente na maituturing na malaking kabawasan sa budget ng barangay. Subalit naalala ko noong nabanggit niya na mas mabuti daw na nakikita ng mga taong nagagastos sa maayos ang pera ng barangay, kaysa naman daw nakatabi lang. Ibig sabihin, hindi baleng sagad ang gastos basta napapakinabangan naman agad ng mga tao ang pinagkagastusan.

 

Ipinapakita ng Barangay Real Dos ang kahalagahan nito bilang matatag na pundasyon ng lunsod ng Bacoor sa pamamagitan ng maayos na pamamalakad. At, pinapakita ring lalo ng mga opisyal ng nasabing barangay na hindi totoong lahat ng nagsisilbi sa bayan o sa madaling salita ay mga opisyal ng gobyerno ay korap…dahil sila mismo ay abunado at naghihirap. At, alam ko ring marami pang Real Dos sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na sumasagisag sa tunay na kahulugan ng “tamang paninilbihan sa bayan”.

Imposible ang Pagbabago Kung Ang Mga Balakid ay Kaalyado ng Namumuno

Imposible ang Pagbabago

Kung Ang Mga Balikid ay Kaalyado ng Namumuno

Ni Apolinario Villalobos

Nagsisimula ang lahat ng kahirapan sa pagpapatupad ng mga panununtunan tungo sa pagbabago, kung ang mga taong itinalaga ng namumuno upang umalalay sa kanya ay pinagkakautangan niya ng loob. Hindi niya basta maaalis sa puwesto kahi’t hantaran na ang pagka-inutil at pagkatiwali ng mga ito. Kapag ganito na ang situwasyon, anumang galing ng namumuno, ang mga inutil at tiwali niyang alalay ay humihila sa kanya upang hindi siya makausad…sa halip na makatulong, nagiging mga pabigat ang mga kaalyado niya.

Ang mga alalay na inutil at tiwali ay hindi lang mistula, kundi talagang balakid sa patuloy na pag-usad tungo sa kaunlaran kahit na ang namumuno ay nakikitang may masidhi at tapat na adhikain. Kadalasan nakikitaan sila ng matinding kayabangan dahil ang isinasangkalan nila ay ang “amo” nilang namumuno, at pakiramdam nila ay hindi sila matitinag sa kanilang kinalalagyan. Dahil sa ganitong sitwasyon, nababalewala ang mga nakatala sa nakaraan na magagandang bagay tungkol sa pinagmulan ng pinuno. Wala ring magagawa ang pagiging matalino nito.

Kung hindi magawan ng paraan ng namumuno na mabuwag ang mga balakid, lumalabas na siya ay mahina din, hindi marunong makipaglaban, hindi marunong mangatawan ng responsibilidad para sa nakararami. Dahil damay na rin ang namumuno, lumalabas na may sabwatan sila ng kanyang mga kaalyado sa mga pangyayaring hindi maganda sa bayan, tulad ng pangungurakot sa kaban ng bayan at hindi pagtagumpay ng mga proyekto. Pati ang pagkatao ng namumuno ay nakakalkal upang hanapan ng butas. Napapansin tuloy ang mga kahinaan niya na sana ay pinalalampas na lang ng taong bayan.

Ang gagawin na lang ng namumuno ay humanap ng paraan upang hindi sumingaw ang baho ng kanyang administrasyon kaya, magkukumahog siya sa pagtakip. At, ang pinakahuling paraan ay ang pananatili niya sa poder …subali’t ang tanong ay “hanggang kaylan siya mananatili upang mailigtas sa mga kaso ang kanyang mga kaalyadong malinaw namang may mga dapat panagutan”…at pati na rin siya?