Baclaran Creek: Ugly Stain on the Philippines’ Tourism Image

Baclaran Creek: Ugly Stain on the Philippines’

Tourism Image

by Apolinario Villalobos

 

Nothing can be one hundred percent clean, sanitized, germ-free, well-kept, etc., to show a pleasant image. But in exerting an effort for such end-result, consistency should be exercised, as failure to do so could be tantamount to being negligent.

 

Among the ugliest manifestation of the Philippine government’s negligence and inconsistency is the creek at Baclaran which is fringing the northern edge of the purported “business-tourism showcase” of Metro Manila – the cornucopia of condominium buildings, malls, office buildings and the supposedly biggest casino in Asia. Practically, the creek that serves as the catch basin-cum-open drainage of Pasay and Paraἧaque that flows out to the Manila Bay, shows it all. How can the Department of Tourism proudly declare that Manila is a clean city with the obnoxious filth floating on the stagnant creek in all its obnoxious glory greeting the arriving tourists from the airport on their way to their hotels along Roxas Boulevard? Is this progress as what the Philippine president always mumbles? How can such a short strip of open drainage not be cleaned on a daily basis, just like what street sweepers do to the entire extent of the Roxas Boulevard?

 

It has been observed that every time a government agency’s attention is called for not doing its job well, it cries out such old lines, as “lack of budget” and “lack of personnel”. But why can’t they include such requirements every time they submit their proposed budget? In the meantime, as regards the issue on the maintenance of the city waterways, national and local agencies throw blames at each other, trying to outdo each other in keeping their hands clean of irresponsibility and negligence!

 

During the APEC conference which caused the “temporary” bankruptcy of commercial establishments in Pasay and Paraἧaque, as well as, local airlines and lowly vendors by the millions of pesos, the creek was almost “immaculately” clean with all the floating scum scooped up and thrown somewhere else. But as soon as the delegates have left, the poor creek is back to its old self again – gagged with the city denizens’ filth and refuse.

 

Viewing the Baclaran creek is like viewing the rest of the waterways around Metro Manila, including Pasig River, as they are all equally the same filthy picture of neglect, irresponsibility and inconsistency of government concern! One should see the nearby creek at Pasay where the Pumping Station is located, with an “island” that practically developed out of silt, garbage and clumps of water lily! Some days, the short length of artificial creek is skimmed with filth to make it look clean, but most days, it is neglected.

 

In view of all the above-mentioned, why can’t the national and local government agencies concerned co-operate and do the following?

 

  • REQUIRE the daily cleaning of the creek by assigning permanent “brigades”, just like what they do for the streets. If there are “street sweepers”, why can’t there be “creek scoopers” and “dredgers”?

 

  • REQUIRE the vendors with stalls along or near the creeks to maintain the cleanliness of their respective periphery so that they are obliged to call the attention of irresponsible pedestrians who do not show concern. Each stall must be required to have a garbage bag or bin, as well as, broom and dust pan. Their negligence in carrying out such obligation should be made as a basis in revoking their hawker’s permit.

 

  • REQUIRE government employees with sanitation responsibilities TO GO OUT OF THEIR OFFICES AND DO THEIR JOB, and not just make reports to the City Administrators based on what street sweepers tell them.

 

  • DREDGE the creek regularly on a yearly basis, not only when flooding occurs during the rainy season, which is a very repugnant reactionary show of concern on the part of the government. The yearly dredging of the waterways would eventually “deepen” them to accommodate more surface water during the rainy season, and even bring their bed back to their former level.

 

The costly effort of the national government in putting on a pleasant “face” for Manila every time there is an international event, as what happened during the APEC conference, may elicit sympathy and grudgingly executed cooperation, but there should be consistency in it….otherwise, it would just be like sweeping the house, only when visitors are expected, or worse, sweeping the dirt to a corner to hide them.

 

Cooperation between the government authorities and the citizens is necessary. However, as there is a clear indication that the concerned citizens, such as vendors and pedestrians, lack discipline, the government should take necessary steps in imposing measures to ensure their cooperation, albeit by coercion, so that whatever sanitation projects may have been initiated can be consistently maintained, for the benefit of all.

 

If littering on the ground can be prohibited with appropriate penalty, why can’t the same be done for the sake of the waterways? If ever local government units have passed such measures why can’t they be imposed authoritatively and consistently?

 

photo0029photo0027photo0026

Ang Cebu Pacific at Philippine Airlines

Ang Cebu Pacific at Philippine Airlines

Ni Apolinario Villalobos

Ang mga kaibigan ko na nakadanas ng serbisyo ng Cebu Pacific ay hindi makaiwas sa pagbanggit na walang binatbat daw ito pagdating sa kalidad ng serbisyo, lalo na sa pag-asikaso ng mga pasahero kung ihambing sa Philippine Airlines. Sa sakit ng mga pagmumura nila sa Cebu Pacific ay ako ang parang nanliliit dahil may mga kaibigan akong nasa payroll ng nasabing airline. Tulad ko, sila ay galing din sa Philippine Airlines. Yong mga nakakaalam tungkol dito ay nagtataka kung bakit wala man lang daw halos kapirasong sistema ng PAL na ginaya para sa kapakanan ng magandang serbisyo.

Personally, ang unang napuna ko sa Cebu Pacific noon pa man ay ang paggamit nila ng deceptive an advertisement dahil sa pag-anunsiyo nila ng mga pamasahe na wala pang isandaang peso, pero pagpunta ng pasahero sa ticket office ay saka sila sasabihan na may babayaran pa palang iba, kaya lumalabas na halos regular tiket pa rin ang nabili nila. Sa Philippine Airlines, malinaw na sinasabi ang pamasahe kaya kung bumaba man ay naikukumpara agad sa regular na pamasahe, at pagpunta ng pasahero sa ticket office para bumili ay hindi sila inaatake sa puso sa pagkabigla tulad ng nadadanasan sa Cebu Pacific. Ang sabi ko naman, yong walang panlilinlang na pag-anunsiyo ng PAL ay totoo, pero yong tungkol sa atake sa puso, baka hinimatay lang ang pasahero pagkatapos niyang magmura.

Noong sa Davao ako, at habang nagtsi-check in sa counter ng PAL, natanaw ko sa hindi kalayuang counter ng Cebu Pacific ang isang babaeng inobligang tumuntong sa timbangan ng mga bagahe upang malaman ang kanyang bigat. Nagulat ako. Ang alam ko, napakaselang bagay ang bigat ng babae…ni hindi dapat pag-usapan. Sa tagal ng pagtrabaho ko sa PAL, wala akong nalamang pagtimbang sa pasahero. Ang mga eroplano ngayon, hindi tulad ng mga sinaunang pampasaherong eroplano, ay may “allowance” o kaluwagang inilalaan para sa mga inaasahang extrang bigat ng mga pasahero at para sa computation ay may nakalaang “constant” na bigat nila batay sa dami ng mga upuan. Sa ginawa ng taga-Cebu Pacific, naisip ko tuloy na baka may balak silang magsiksik ng mga bagahe at cargo na magreresulta sa overweight, kaya bilang paniguro ay tinitimbang pati ang mga pasahero. Naawa ako sa mga pasaherong tinimbang dahil nagmistula silang baboy na binibenta sa katayan! Bakit kasi hindi na lang singilin ng excess baggage…

Pumutok noon ang isyu sa pagwala ni Raymart Santiago at Claudine Barreto sa airport ng Manila pagdating nila mula sa Boracay. Hindi daw naisama sa nai-check in nilang mga bagahe ang isang bag kung saan ay inilagay nila ang mga gamot at iba pang gamit ng kanilang mga anak. Hindi daw sila sinabihan sa Boracay na io-off load ang nasabing bag, dahil kung sinabihan sila, malamang ay pinalitan nila ng iba ang nasabing bag, o di kaya ay nagbayad na lang sila ng excess baggage. Sa pagreklamo nila, walang manager o supervisor na humarap, hanggang napasok sa eksena si Tulfo. Sa Philippine Airlines, SOP na pag may reklamo, supervisor agad ang haharap dahil may mga desisyong kailangang gawin agad-agad.

Marami pang mga hindi daw makataong ugali ang mga taga-Cebu Pacific, sabi yan ng mga kaibigan ko…pero sabi ko, hindi naman siguro. Subalit nang magkaputukan ng sunud-sunod na bulilyaso tulad ng flight cancellations at flight delays nila noong nakaraang bisperas ng pasko 2014…sabi ng iba pang nakadanas ng mishandling din, sobra na daw ang pagkagahaman nila sa pera dahil sa ginawang overbooking. Inaakala daw ng Cebu Pacific na “maluwag” ang gobyerno sa kanila kaya sila nakakalusot, kaya ganoon na lang ang wala nilang pakundangan sa pag-overbook ng mga flights. Ibig sabihin, malakas ang loob nila…matapang. At, wala rin daw silang common sense dahil alam nang peak season ay bakit kukunti ang mga tao nila sa mga check- in counter. Sabi ko hindi naman siguro….ayaw kong maghusga dahil may mga balita naman sa diyaryo, TV at radyo na naririnig, kaya bahalang maghusga ang iba. Alam naman ng mga tao kung ano ang ugaling sakim sa salapi, mukha na singkapal ng tabla, at pusong singtigas ng bakal!

Basta ang alam ko, sa PAL, tutok ang mga supervisor kung peak season at hindi talaga bumibitaw sa mga problema hangga’t hindi nabibigyan ng solusyon. Wala silang pinapabayaang umiiyak na pasaherong naiwanan ng flight. Nagbibigayan din ang mga front liners ng PAL, o yong assigned sa mga check-in counter at ticket offices, sa pagbakasyon kung peak season upang masigurong hindi nawawalan ng mag-aasikaso sa mga pasahero.

Malaki daw talaga ang kaibahan ng Cebu Pacific sa Philippine Airlines. Sa pangalan daw kasi, ang dala lang ng Cebu Pacific ay “Cebu”, kaya kesehodang mabulilyaso ang mga serbisyo nila, dahil Cebu at mga Cebuano lang naman ang mapupulaan. Pero sa Philippine Airlines, buong Pilipinas at lahat ng Pilipino ang dala, kaya ingat na ingat ito. Sabi ko hindi naman siguro…yon nga lang, sa PAL, bahagi na ng tradisyon nito ang “total passenger care”…kaya walang kaplastikan ang serbisyo nito sa kabuuhan.

Sa lahat ng bagay na ating ginagawa, palaging mayroon tayong pagkakataon upang mamili para sa ating kapakanan. Sa pagpili, mayroon tayong sinasakripisyo. Halimbawa, tulad ng murang bigas na hindi mabango at hindi maalsa, at kung minsan ay malabsa kung hindi maingat ang pagkasaing. Sa pagbili ng murang damit, huli na natin nalalaman na umuurong pala ang tela, maliban pa sa kulay na nanghahawa kung mabasa. Meron ding pagkaing bangketa na mura nga ay barubal naman ang pagkaluto kaya nagreresulta sa pagkakaroon natin ng hepataytis. Ang gumagabay sa paggawa natin ng desisyon ay mga kaibigan batay sa kanilang karanasan, at sarili mismo nating katinuan batay na rin sa ating karanasan.

Ngayon, sa kabila ng mga sariling karanasang kahindik-hindik at mga kuwentong nakakarindi ng utak, ay uulitin pa rin natin ang paggawa ng isang bagay….ayaw ko na lang banggitin ang isang salita na aangkop sa katigasan ng ating ulo! Marami namang pagpipilian…..ganoon lang.