Ang Kawalan ng Disiplina sa mga Kalye ng Pilipinas at Mga Panukalang Hindi Naipapatupad ng Maayos

Ang Kawalan ng Disiplina sa mga Kalye ng Pilipinas

at Mga Panukalang Hindi Naipapatupad ng Maayos

Ni Apolinario Villalobos

 

Lahat ng gumagamit ng kalye ay dapat disiplinado, subalit dahil sa kawalan ng tiyaga, at ugaling palusot ng karamihan sa mga Pilipino, maya’t maya na lang ang mga napapabalitang disgrasya – nabundol na pedestrian, bumaligtad na sasakyan, nagbanggaang mga kotse o trak, nabanggang motorsiklo, at ang pinakamatindi ay bugubugan o patayan ng ayaw magbigayang driver…pati ang alagad ng batas na nagpapatupad ng mga patakaran ay sinasapok din ng mga mayayabang na driver. Sa panig naman ng mga nagpapatupad, nandiyang sila ay pinaparatangang nangongotong!

 

Ang problema naman kasi sa mga gumagawa ng plano ng kalye ay hindi iniisip ang kanilang ginagawa. Ang mga pedestrian overpass ay napakalayo sa mga nakasanayan nang babaan ng mga tao, kaya kaysa mag-overpass pa na kalahating kilometro ang layo sa isang waiting shed, nagbabakasakali na lang ang mga apuradong mananawid sa animo ay pakikipag-patintero sa mga motorista habang tumatawid sa kalsada. Noong panahon ni Cory Aquino ay nagsulputang parang kabute ang mga waiting shed na halatang pinagkitaan ng mga tiwaling kongresista at senador dahil ang karamihan sa mga pahingahang ito ay nagkakahalaga ng isang milyon.  Kung saan saan na lang sila inilagay, basta maibalandra lang ang pangalan ng mga tiwaling opisyal na ito na nag-donate daw, ganoong pera ng bayang pinagkurakutan naman ang malinaw na ginamit . Makaraan ang ilang taon, pinagbawal na ang pag-abang ng mga sasakyan sa mga overpass na ito at wala man lang directional sign kung saan dapat mag-abang ang mga pasahero. Na-expose pa sila sa init at ulan…samantalang ang mga korap na mga kumitang opisyal ay abot-tenga ang ngisi dahil sa laki ng mga nakurakot.

 

Sa panahon ngayon, nauso ang paggamit ng motorsiklo, kaya nagpasiklab ang noon ay pinuno ng MMDA na si Tolentino sa pagtalaga ng mga “motorcycle lanes” sa iilang lugar. Subalit dahil matigas ang ulo ng mga nagmamaneho ng mga motosiklo ay hindi rin ito nasunod dahil tuloy pa rin ang animo ay ahas na palusot-lusot nila sa trapiko. Bandang huli, ang mga lanes na ito ay nawala. Naglagay din ng yellow lane para sa mga pampasaherong bus, subalit dahil ayaw pumila ng karamihan ng mga bus driver na nag-uunahan sa pagdampot ng pasahero ay hindi rin ito nasunod. Maliit lang din ang multa kaya malakas ang loob ng mga bus driver na sumuway.

 

Naglagay ng mga plastic barrier sa mga main road tulad ng EDSA, at tulad ng dapat asahan, dahil sa ugali ng karamihan sa mga Pilipino na reklamador, ay tila nabuhusan ng malamig na tubig ang proyekto. Ang matindi pa, tinatanggal ng mga sira- ulong motorista ang mga barrier kung walang traffic enforcer na nagbabantay lalo na sa dis-oras ng gabi. Ganito rin ang nangyari sa pagsara ng ibang U-turn slots upang tumuloy-tuloy sana ang takbo ng mga sasakyan at upang mapigilang makasagabal ang mga lumilikong sasakyan sa daloy ng trapiko. Inereklamo ito ng mga motoristang nagmamadali at ang gusto ay mag U-turn agad sa unang butas na makikita.

 

Malinaw na kahit anong batas –trapiko ay hindi maipapatupad ng maayos sa Pilipinas, maliban na lang sa loob ng Subic Business and Commercial Center na dating US base sa Olongapo. Ang napapansin pa ay may mga Pilipino na kahit nangungupahan lang ng kuwarto ay may sariling kotse, kaya ang ginagamit nilang garahe ay kalye. Yong mga nakatira sa subdivision na “row housing” ang tinitirhan na walang garahe ay ganoon din ang siste – sa kalsada ang paradahan kaya ang masikip na kalyeng pinagpipilitang two-way ay naging one-way. Yong mga nasa subdivision pa rin nakatira subalit sa “single detached” na bahay nakatira o simpleng bungalow kaya may garahe pero para sa iisang sasakyan lang, ay gumagamit din ng kalye para sa pangalawa at pangatlong sasakyan na nakuha sa hulugan nang napakamura. Sa halagang thirty thousand pesos kasi ay may pang-down payment na at ang buwanang hulog ay ten thousand lang, kaya maski call center agent o ordinaryong empleyado ay kaya nang bumili ng kotse.

 

May panukala noon pa mang panahon ni Marcos tungkol sa pag-kontrol ng pagbili ng mga sasakyan subalit hindi na ito naipapatupad ng maayos. At may mga batas ding ginawa para sa mga paggamit ng motorsiklo, subalit ganoon din ang nangyayari – walang maayos na pagpapatupad.

 

Ang tanong ko….yon nga lang simpleng non-smoking sa mga public transportation lalo na sa mga jeepney ay hindi tinutupad ng mga driver at pasahero, at lalong hindi naipapatupad ng mga pulis-trapiko, ang mga patakaran pa kaya upang lumuwag ang trapiko at maiwasan ang mga sakuna? ….only in the Philippines yan!

 

 

The Animosity Between the Philippine Military and National Police

The Animosity Between

the Philippine Military and National Police

by Apolinario Villalobos

 

The professional jealousy between the Philippine National Police (PNP) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) is very obvious. No amount of cover-up can hide it. I have talked to a retired military officer and he told me that there is a popular impression in the AFP that the police is apparently pampered not only on the aspect of pay but benefits as well. My friend added that while the AFP soldiers who are exposed to the elements and danger of fired bullets from the enemy line in the field, the police field personnel comfortably commute to their posts on expensive motorcycles or stay in air-conditioned offices.

 

On the other hand, when I talked to a police friend, he told me that compared to the military, they are more “professional”, as they are degree holders, some even are lawyers, so they deserve appropriate compensation.

 

The Mamasapano massacre is one instance during which this animosity was manifested. Although, on papers, the two national security agencies are supposed to be “closely coordinating” with each other, in actual practice, there is much to be perceived. The two parties practically pointed accusing fingers at each other, for alleged negligence that led to the gruesome massacre of SAF44 at Tocanalipao, Mamasapano, Maguindanao Province (Mindanao). Until the re-opened Mamasapano hearing in the Senate has finally wrapped up, late in the afternoon of 27 January, 2016, the AFP and PNP are viewed as far from being reconciled.

Nagiging OA ang mga Militanteng Grupo…nakakawalang ganang panigan tuloy!

Nagiging OA ang mga Militanteng Grupo

…nakakawalang ganang panigan tuloy!

ni Apolinario Villalobos

 

Malaking bagay ang nagagawa ng mga militante sa pagpapaliwanag ng mga bagay na nangyayari sa ating bansa, sa iba’t ibang larangan lalo na sa ekonomiya at pulitika. Kung baga ay sila ang tagapag-gising ng mga Pilipino dahil sa ingay na ginagawa nila. Subalit ang magpasimula sila ng karahasan o violence tuwing may rally ay hindi maganda.

 

Ang pinakabagong pangyayaring mababanggit tungkol dito ay ang APEC Summit sa Manila.Sinamahan pa ang mga local na mga militante ng mga kasapakat o kaalyado na galing sa ibang bansa. Hindi nagkulang ang mga local na pamahalaang nakakasaklaw ng mga lugar na kinampuhan ng mga grupong militante sa pagbigay ng kaluwagan. Ang mga ahensiya naman ng gobyerno ay hindi nagkulang sa pagbigay ng paalala, lalo na sa mga schedule ng pagsara ng mga kalsada at babala kung hanggang saan lang dapat ang mga raleyista. Subalit may mga balitang nagpipilit pa rin ang mga militanteng grupo sa pagpapakita ng “tapang” sa pamamagitan ng pagsugod sa hanay ng  mga nakaharang lamang na mga pulis.

 

Ayon sa mga field reporter ng radio, ang mga grupo ng mga militante ang unang nangdadarag o nagpo-provoke sa hanay ng mga kapulisan na humaharang sa kanila sa pamamagitan ng pag-agaw ng kanilang mga truncheon o kalasag at pagtutulak sa mga ito. Mabuti na lang at hindi natitinag ang disiplina ng mga kapulisan na nagpakita ng matinding pasensiya sa kabila ng nakakatulig na pagmumura mula sa mga estudyanteng militante.

 

Narinig ko mismo ang live coverage sa isang pangyayaring pinarinig ng isang AM radio station. Sa background ng coverage ay maririnig ang tilian at sigawan ng mga nagra-rally, na sinisingitan ng komento ng reporter kung paanong itulak ng mga estudyante ang mga pulis na ang iba ay inaagawan pa ng kalasag, subalit nang gumanti ng tulak ang mga pulis, narinig agad ang pagsigaw ng isang estudyanteng: “….hayan mga kababayan, nakikita ninyo ang karahasan ng mga pulis…”. Napamura tuloy ako – pero sa hangal na estudyanteng lider pa man din yata ng grupo. Sila itong nanguna sa pagtulak, pero sila pa ang may ganang magreklamo at magpakita sa taong bayan na sila ay inaapi ng mga pulis!

 

May nagsabi sa akin na karamihan sa mga militanteng grupo sa Pilipinas ay sinusupurtahan ng mga Komunistang lumalaban sa Demokrasya, kaya kung mapapansin, dominante sa mga kulay na ginagamit nila sa mga streamers at banners ay pula, simbolo ng komunismo at sosyalismo. Isa sa mga pinag-aaralan din daw nila ay kung paanong epektibong makadarag o maka-provoke ng mga anti-riot police na humaharang sa kanilang daraanan tungo sa mga bawal na gustong pagdausan nila ng rally, tulad ng harapan ng mga embassy, Mendiola, at Malakanyang. Maituturing na nagtagumpay sila sa pag-provoke kung papaluin na sila ng mga pulis na makukunan ng retrato. Nang mabisto ang strategy nilang ito, gumamit na lang ng water cannon ang mga anti-riot police.

 

Sa ganang akin, hindi masama ang mag-rally pero dapat ay sa tamang paraan,  sa pamamagitan ng pagrespeto sa mga itatalagang alituntunin ng mga ahensiya, lalo na ng mga local na pamahalaang masasakop ng aktibidad. Kung ano ang bawal, dapat ay sundin. Kahit saan ay pwedeng gawin ang rally dahil kokoberan naman talaga ito ng mga reporter ng diyaryo, radio at TV. Kahit halimbawa ay laban sa Kongreso na nasa bandang Quezon City ang rally, ito ay maaaring gawin sa Luneta o Liwasang Bonifacio o sa bakuran ng UP, atbp.  Ang ilalabas naman sa TV, diyaryo at ibo-broadcast sa radio na layunin ay aabot pa rin sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Dahil dito, hindi kailangang mag-provoke ng mga pulis na naatasan lamang na magmintina ng kaayusan at pumigil sa anumang pinsala na mangyayari, upang masabing nagpakita ang mga ito ng “police brutality”. Trabaho lang ang ginagawa ng mga pulis. Maaaring marami rin sa kanila ang galit sa gobyerno pero hindi lang nila mailabas…yan ang dapat ding isipin ng mga nagra-rally.

 

Hindi kailangang sumigaw na ang background ay Congress o Malakanyang dahil ang importanteng malaman ng mga Pilipino ay mensahe ng mga nagsasalita sa rally. Bakit kailangan pang may masaktan o dumanak ng dugo? Paanong papanigan ng maraming Pilipino ang mga bistado nang mga komunistang nagra-rally, kung sila mismo ay naninira ng mga gamit ng mga embassy, plant boxes, poste ng ilaw, nang-aagaw ng truncheon ng pulis na nakaharang lamang sa kanila, at nag-iiwan ng basura mula sa sinunog na mga effigy, at mga balot ng pinagkainan nila, pati mga basyo ng mineral water?

 

Dahil sa hindi magandang gawi ng mga militanteng nagra-rally, ipinapakita nila na kailangan pang maging marahas upang magtagumpay sa pagpaparating ng mga mensahe. May napagtagumpayan ba naman sila? Hindi na ba pwedeng gumamit ng mahinahong paraan? Ang orihinal at tunay na layunin ng rally ay upang magkaroon ng pagkakataon ang mga grupong makapagparating ng kanilang mga hinaing sa mga kinauukulan. Nasira lamang ang layuning ito nang makarating sa bansa ang ideyolohiyang sosyalismo na ang pamamaraan sa pagtamo ng inaasam ay idinadaan sa karahasan.

 

Kawawa ang mga Pilipinong ang kaisipan  ay hindi na nga “nahinog” sa ideyolohiyang Demokrasya na ibinigay ng mga Amerikano, ay ginulo pa ng “Sosyalismo” na talaga namang hindi angkop sa kultura ng mga ito na nakasalig sa mga relihiyong Kristiyanismo at Islam!

 

Kalaban din ako ng korapsyon pero malayo sa isip ko ang patayan o pagdanak ng dugo upang matanggal lamang ito sa gobyerno…

 

Ang Mga Bagay-bagay Tungkol sa Mamasapano Masaker

Ang Mga Bagay-bagay
Tungkol sa Mamasapano Masaker
Ni Apolinario Villalobos

Ang mga malinaw:

1. Matagal na pala ang teroristang bomb maker sa “teritoryo” ng MILF at ang kasama nito kaya siguradong alam ng MILF.
2. Apatnapu’t-apat ang minasaker at marami pang SAF members ang nasugatan.
3. Maraming sibilyan ang nadamay.
4. Nasa “teritoryo” ng MILF ang BIFF kaya lumalabas na para itong kinakanlong, at ang dahilan ay magkakamag-anak daw ang mga miyembro ng MILF at BIFF.
5. Bago pa masuspinde si Purisima ay alam na nito ang mga detalya tungkol sa kinaroroonan ng mga terorista subalit hindi naibahagi sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.
6. Hindi napagsabihan si Mar Roxas bilang kalihim ng DILG.
7. Hindi napagsabihan ang mismong OIC ng PNP.
8. Hindi nakipag-coordinate ang SAF sa MILF sa ginawa nilang operation.
9. Maglulunsad pa ng mga pag-atake ang BIFF na nagsabing hindi sila sasali sa imbestigasyon.

Ang mga katanungan:

1. Bakit hindi hinuli ng MILF at isinurender sa pamahalaan ang mga terorista?
2. Bakit hindi pinapaalis ng MILF ang BIFF na itinuturing ding teroristang grupo, sa “teritoryo nila kahit magkakamag-anak pa ang mga miyembro nila? May ginagawa na bang plano, bilang paghahanda kung napirmahan na ang Bangsamoro Basic Law?
3. Paanong naputol ang koordinasyon na “dapat” sana ay ginawa ng nasibak na hepe ng SAF bago sila nag-operate, kaya tuloy walang alam ang hukbong sandatahan, ang OIC ng PNP at ang kalihim ng DILG?
4. Sino o sinu-sino ang “pumutol” ng koordinasyon?
5. May maganda bang pinangako ang mga “pumutol” sa namumuno ng SAF, kaya ganoon na lang ang sobra-sobrang self-confidence ng nasibak na hepe ng SAF sa interview na ginawa makalipas ang maraming araw pagkatapos ng masaker? Bakit ganoon ka-delay ang interview? Pinag-usapan ba muna ang mga ibibigay na sagot upang may mapagtakpan?
6. Anong ibig sabihin ng ininterbyung taga-sandatahang hukbo ng Pilipinas na parang may kulang sa sinasabi ng “ibang grupo”?…na parang may itinatago?
7. Bakit hindi lumulutang si Purisima upang makatulong sa pagpalinaw ng mga isyu dahil malakas ang ingay sa pagbanggit ng pangalan niya?

Ang mga kawawa:

1. Ang mga pamilya ng mga apatnapu-t apat na miyembro ng SAF at mga nasugatan…ang mga asawang buntis, ang mga batang paslit, ang mga sanggol, etc – lahat sumisigaw sa paghingi ng hustisya.
2. Ang mga nadamay na sibilyan sa pinangyarihan ng masaker.

Ang mga nagmukhang tanga:

1. Si Mar Roxas na kalihim ng DILG.
2. Ang mga taga-hukbong sandatahan ng Pilipinas dahil sinisisi na.
3. Ang OIC ng PNP.

Ang pinagmumukhang tanga ay ang taong bayan….at ang masaya ay MNLF!

Hindi Kawalan si Purisima sa Administrasyon ni Pnoy

Hindi Kawalan si Purisima

Sa Administrasyon ni Pnoy

Ni Apolinario Villalobos

Dahil mismong Ombudsman na ang nagpapasuspinde kay Purisima sa loob ng anim na buwang walang sweldo, nangangahulugang mabigat ang kanyang mga kaso na kinabibilangan ng pagbenta ng kagawaran ng pulisya ng mga AK-47 sa NPA, at paggamit nito ng isang courier agency sa paghatid ng mga lisensiya ng baril sa mga may-ari, na sa simula pa lang ay inalmahan na ng maraming sector.

Hindi kawalan si Purisima sa PNP, ito ang malinaw na pinapakita ng kagawaran sa kabuuhan nito, kahit hindi pa sambitin. Ang sumasampalataya sa kanya ay wala pa nga raw isandaan. Si Purisima ay galing sa “labas” ng PNP. Maraming mga taga “loob” ng PNP ang mas kwalipikadong nakapila na, kaya hindi maikakaila ang lumutang na sama ng loob sa pagkakatalaga sa kanya bilang hepe. Ayon sa karamihan, ang promotion daw niya ay bunsod lang ng pakisama o bayad sa utang na loob ng Presidente, kaya marami daw ang nagulat nang bigla siyang lumutang bilang bagong hepe ng PNP.

Ang PNP na lubog na sa mga kontrobesiya ay lalong nalubog nang pumasok sa eksena si Purisima. Sa simula pa lang ay marami na ang nanawagan para sa kanyang pag-resign, dahil nahalatang wala siyang dynamic leadership na kailangan ng isang “macho” agency na tulad ng PNP. Ni hindi nga narinig ang boses ni Purisima sa loob ng ilang buwan kung may mga katanungan tungkol sa mga hindi magandang pangyayari sa bansa, na dapat ay inaaksiyunan ng PNP. Maraming mga operasyong pumalpak. At ang nagpatindi sa hindi na maganda niyang imahe ay nang bulagain ang taong bayan ng mga nabistong korapsyon na kinasangkutan niya. Sa kabila ng mga mas lalong lumakas na panawagan para sa kanyang pag-resign, kapit-tuko pa rin siya sa pwesto.

Ang kapit-tukong asta ni Purisima sa puwesto ay nakapag-alala sa ginawa rin noon ni Vitangcol na ang hawak naman ay MRT, at tulad ni Purisima ay sinabugan din ng anomalyang may kinalaman sa pangurakot. Bandang huli, si Vitangcol ay binitiwan ng Presidente nang magkaroon ng linaw ang mga bintang sa kanya. Ang nangyari kay Vitangcol ay hindi malayong mangyayari rin kay Purisima, kung magpapatuloy ito sa pagkakapit-tuko sa kanyang pwesto.

Ang hindi makalimutang sinambit ni Purisima noon, tungkol sa maanomalyang paggamit sa courier service na sobra sa doble ang patong at sa kabila ng hindi pa nito otorisado nang panahong nagsimula ito ng operasyon, ay kailangan daw kumita ang mga negosyante….mga negosyante lang kaya ang kumita?

Ang Harap-harapang Pagsisinungaling…daw ni Purisima sa Senado

Ang Harap-Harapang Pagsisinungaling

…Daw ni Purisima Sa Senado

Ni Apolinario Villalobos

Nabunyag na nakipagkita muna si Purisima sa Presidente, pagdating na pagdating niya mula sa Colombia, bago siya humarap sa Senado kahapon. Dahil sa nabistong miting ng dalawa, marami na ang nag-speculate na walang mangyayari sa hearing “in aid of legislation”. Sigurado daw kasing naturuan ng Presidente kung paanong sumagot sa mga tanong at malamang binigyan ang assurance na anuman ang mangyari suportado pa rin niya ito. Ganyan ang sistema ng bagong administrasyon –takipan ng mga mali.

Taas-noong humarap si Purisima at pangiti-ngiti pa, hindi lang mawari kung ngiting aso o ngiting pusa. Sumagot naman sa mga tanong, walang pinalampas, halatang ready, subali’t halatang ang mga ito ay puro hinabi sa mga hibla ng kasinungalingan.

Ang mga isyu at obserbasyon:

  1. Mansyon sa Nueva Ecija. Tama ang sagot niya noon Hulyo sa tanong kung may “pinapagawa” siyang mansion sa Nueva Ecija – wala daw, at pinipilit niya kahapon. Dati na nga namang may nakatayo nang mansion noon pang panahon na yon. Subali’t sumemplang siya sa pagsagot kung paano niya nabili ang property at kung magkano ito dahil hindi angkop sa kinikita nilang mag-asawa. Prime property ito batay sa location at ang mababang presyo ay balot ng mga pagdududa. Ang mansion ay nasa San Leonardo, Nueva Ecija at kumpirmadong pugad o sentro ng huweteng. Ang naisip tuloy ng mga tao ay kung may kapalit bang “goodwill” ang bahay. Matunog ang tanong kung bakit sa kabila ng pagkaroon niya ng mansion sa pugad ng huweteng ay namamayagpag pa rin ito.
  2. Sasakyan na nabili raw sa halagang 1.5M pesos. Marami ang napanganga dahil hindi bababa sa 6Mpesos ang halaga ng nasabing sasakyan. Nabigyan daw siya ng malaking discount. Kaya pinaalalahanan siya ni Senator Grace Poe na ito ay katiwalian. Parang walang epek ang sinabi ng senador. Nakasandal nga naman siya sa pader…Presidente ba naman.
  3. Mga “donasyon” para sa “White House” sa Crame. Kahit nabistong hindi kapani-paniwala dahil sa kawalan ng Deed of Donation mula sa mga donors, hindi pa rin siya natinag, kahit pa na nadagdag sa duda ang huli nang paggawa ng mga Deed of Donation. Sa diretsahang sinabi ni Senator Osmeῆa na hindi kapani-paniwala ang sinabi niya, maaliwalas pa rin ang mukha na talagang nakikitaan ng self-confidence. Sa sinabi ng senador na kung mga donasyon ang tinanggap ng PNP dapat ay ginamit ang mga ito sa PNP Hospital na mas nangangailangan ng tulong, sa halip na ginugol sa “White House”. Ang expression sa mukha ay “parang wala lang”, na animo ay nagsasabi ng “pakialam ko sa ospital”. Wala rin daw siyang design ng “White House”, dahil ang inaasahan lang daw niya ay isang “quarters”. Kaya nang sabihin ng nagtanong na si Senator Osmeῆa na “I don’t believe you”, at dinagdagan pa na kung dog house ang nagawa, okey lang pala sa kanya. Wala pa ring epek sa kapal ng apog ni Purisima! Talagang epektibo ang “pagturo” sa kanya ng kanyang BFF. May binanggit pa siyang “build and transfer” na akala mo ay tumutukoy siya sa isang infrastructure tulad ng MRT at LRT. Nahawa siya sa kahibangan ng nagturo sa kanya!
  4. Ang trucking business. May mga nagsabi na hindi maaaring walang kapalit ang pagkaroon niya ng mga truck na milyones ang halaga. Sabi ng mga reporters, naalala nilang may panahon daw noon na maraming mga truck ang “nahuli” at na-impound dahil kung hindi puslit, ay maraming question sa mga papeles. Pero sa Senado, hindi malinaw ang sagot ni Purisima tungkol sa kung paano siyang nagkaroon ng mga truck. Sa isang banda, ang mga “maalam” na reporters ay maraming “alam”, ayaw lang magsalita dahil wala silang proteksiyon. Binasura kasi ng Presidente ang Freedom of Information Bill!
  5. Ang targeted na satisfied population sa serbisyo nila na 65% lang. Sa tanong ni Senator Poe na bakit hindi gawing 95% man lang, ang depense niya ay, “ibinigay” lang daw sa kanya ang target. Halatang spoon-fed siya bilang hepe ng PNP. Kung hindi nabunyag, pagdating sa singilan na may kinalaman sa performance ng PNP, at ang inabot lang ay 65% o 70%, ay lalabas na successful nga naman sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang pulis. Halatang ang ganitong pananaw o takbo ng diwa ay pinapairal ng “isang tao” na masyadong bilib sa sarili…doon sa itaas!
  6. Ang inaabangang commitment niya kung paanong sugpuin ang katiwalian sa hanay ng kapulisan o sa diretsahang salita ay kung huhulihin ba ang mga tiwaling pulis. Nakakabingi ang sinabi niya na kahit may napapansin silang hindi maganda sa kilos ng mga tiwaling pulis, hindi daw nila masasampahan ang mga ito ng kaso, hangga’t hindi nahuhuli sa akto! Kaya pala naglipana ang mga hulidap at kotongan na big time na! Kailangan pa palang lumaki ang mga kaso na pansin na sa tulong ng media tulad ng nangyari sa hulidap sa EDSA bago kumilos ang kapulisan. Paano kung walang netizen na nakapag-post sa facebook upang maging viral at mapansin ng publiko! Ang sinabi ni Purisima sa Senado ay parang hudyat sa mga nakangising tiwaling pulis na ituloy lang ng mga ito ang kanilang ginagawa – huwag lang pahuli sa media o netizen para hindi malagay sa diyaryo o sa facebook! Malinaw ang kutsabahan sa loob ng PNP! May isang concerned na grupo ang nanawagan na ang mga bagong graduate na pulis ay huwag i-partner sa mga senior na police – may malinaw na mensahe kahit pahapyaw.
  7. Wala si Escudero, ang future groom sa kasal niya sa isang artista na malaki ang agwat edad sa edad niya, at ang future Best Man ay ang Presidente. Naisipan kaya ni Escudero na huwag na lang siyang umatend sa hearing at baka magmukha siyang tanga dahil hindi siya magtatanong sa BFF ng future Best Man niya? Maraming nadisymaya dahil akala ay “matino” si Senator Escudero bilang senador, feeling “intelligent” daw kasi. Sa pagliban niya sa hearing, nakita na ang tunay niyang kulay. Kasama pala siya…!
  8. Si Senator Trillanes, kung magtanong halatang ingat na ingat din. May pinupuntirya kasing mas mataas na puwesto, kaya hanggang ngayon para pa siyang nagsa-shopping ng suporta – gumigitna, feeling safe muna. Kasama rin pala siya…!
  9. Sa tanong ni Senator Poe si Purisima kung ano sa palagay niya ang rating niya batay sa 1-10, walang kagatul-gatol na sinabi niyang 9. Siguro kung sa pagkakataong yon ay kumakain ang senadora, malamang na nabulunan siya! Pigil ang sarili sa paghalakhak, sinabi na lang niya ng diretsahan na “4 ka lang”. Sampal na hindi ininda ni Purisima!
  10. Sinisiraan daw siya (Purisima) upang ang mga naninira sa kanya ay patuloy na makagawa ng katiwalian. May sindikato raw sa Crame at hindi niya hahayaang pigilan siya sa pagpapatuloy ng mga reporma. Familiar ang linyang yan. Ilang beses nang sinabi sa mga pulong, paulit-ulit pa, parang sirang plaka, mabuti na lang hindi binanggit ang mga kapalpakan ng pinalitan niyang hepe. Ang himutok ng isang jeepney driver…haaaay nakwo…gets nyooooh????

Pagkatapos ng hearing sa Senado, kumpirmado na ang wholesale na sabwatan at takipan sa gobyerno…yon na! Kawawa naman ang Pilipinas!

Ang hearing ay gagamitin dawn a batayan sa paggawa ng mga batas upang matigil ang katiwalian sa kapulisan…kaya?

Sa isang banda, masigabo ang palakpakan ng mga nasa Malacaῆan! Diretsong sinabi na suportado nila si Purisima! Malamang ay nagtitilian sila sa isa na namang tagumpay na tinamo ng isang ka-apiran! BFF nga!