Naisahan ni Duterte ang mga Detractors sa Pag-amin ng mga Ginawa Niya…hindi siya Plastic tulad ng Iba!

Naisahan ni Duterte ang Mga Detractors niya sa Pag-amin

ng mga ginawa niya…hindi siya plastic tulad ng Iba!

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pinakahuling sinabi ni Duterte, walang kagatul-gatol na inamin  niyang nagkaroon siya ng iba pang asawa at dinispatsa niya ang mga masasama. Ano pa ngayon ang uukilkilin sa pagkatao niya dahil ang mga bagay na ito ang mga pinag-iinitan ng mga mapagkaunwari niyang detractors na kalaban sa pulitika?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na ang mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay ay hindi niya itinuring na “kabit” kundi napamahal din sa kanya kaya hindi niya pinabayaan sa pamamagitan ng kaya niyang sustento kahit maliit lang…o ang ibang mga opisyal ng gobyernong nakaupo ngayon na maipakita lang na kunwari ay “macho” ay kung sinu-sino ang pinapalabas sa media na “kabit” nila… o lalo na yong mga walang konsiyensiyang pagkatapos buntisin ang nagsmasahe sa kanila sa massage parlor o nai-table sa beer house ay basta iiwanan, o di kaya ay makapagsustento lang ng malaki sa kerida ay nangungurakot sa kaban ng bayan?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na umaming nagdispatsa ng mga salot sa lipunan na maski ilang ulit nang ikinulong ay nakakalabas pa rin dahil sa piyansa ng mga big time financiers nila, kaya nakakapangholdap pa rin at nakakapagbenta ng droga na ikinasasama ng mga kabataan (take note: hindi sapat na “umamin” kaya guilty na siya, dahil legally ay wala pang napatunayang may dinispatsa siya, at malamang ay “good riddance” pa para sa mga kaanak ng mga dinispatsa na nakabistong sila ay masama talaga kaya hindi na nagreklamo pa)…o ang mga magnanakaw na mga opisyal na hindi na nakaisip na dahil sa ginagawa nila ay marami ang nagugutom at naghihirap, sa pamamagitan ng mga ghost projects at paggamit ng mga ghost NGO o di kaya ay pakikipagsabwatan sa mga ito?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na upang ma-monitor ang nangyayari sa lunsod na kanyang pinamumunuan (Davao City) ay nagmaneho din ng taxi sa gabi upang personal na makita ang tunay na sitwasyon…o, ang mga walanghiyang opisyal ng gobyerno na bahagi na ng pagkatao nila ang pagsisinungaling at pagmamagaling, ganoong kaya lang naman nasa katungkulan ay dahil sa dinadala nilang apelyido…o yong ni hindi nakaranas na maipit ng trapik sa EDSA…o nakatikim ng NFA rice?

 

Iba ang sitwasyon ng Davao kung ihambing sa ibang bayan o lunsod. Pinagtataguan ito ng mga taong tumatakas sa batas dahil may ginawang kasalanan sa kung saan mang lalawigan, bayan, o lunsod na nakapaligid ditong pinanggalingan nila. Pinamumugaran din ito ng mga NPA, lalo na sa Agdao isang slum area na nasa tabing- dagat, na kung tawagin noon ay “Nicaragdao”. Ang mga nakatira sa Davao ay nabibilang sa iba’t ibang kulturang Pilipino,  tulad ng Maranao, Maguindanao, Tausug, Badjao, mga tribu ng Lumad, at mga dayo galing sa Visayas at Luzon – lahat sila ay dapat pakisamahan at asikasuhin ng patas. Hindi din nalalayo ang sitwasyon ng Davao sa iba pang lugar na may mga drug pusher. Ngayon, hindi man 100% na tahimik o crime-free ay masasabing kontrolado na nang umupo si Duterte bilang mayor. Ang dating magulong Agdao ngayon ay tahimik na…panatag na ang kalooban ng mga naglalakad sa lunsod kahit hatinggabi…walang manlolokong taxi driver.

 

Walang mawawala kay Duterte kung ipilit ng administrasyon na i-disqualify siya na halata naman kahit pa sabihin ng Malakanyang na hindi sila nakikialam sa desisyon ng COMELEC. Hindi na tanga ang taong-bayan upang hindi masakyan ang mga sinasabi ng grupo ni Pnoy. Ayaw lang ng taong bayan na magkaroon uli ng mga marahas na pagkontra dahil wala din namang magandang mangyayari, tulad ng nakakahiyang resulta ng “EDSA People Power”, na bandang huli ay halos isumpa ng mga taong nagising sa katotohanan. Hindi bulag ang taong-bayan upang hindi makita ang mga nilangaw na selebrayson ng people power kuno na ito, dahil ang mga dumalo ay mga kamag-anak ng mga Aquino at mga crony nila na lumipat lang mula sa kampo ni Ferdinand Marcos noon, kaya hanggang Ayala lang sila tuwing mag-celebrate.

 

Natataranta ngayon lahat ng nasa oposisyon dahil biglang sumirit ang popularidad ni Duterte at naungusan niya ng milya-milya si Poe, isang araw lang pagkatapos niyang magdeklarang tatakbo sa pagka-pangulo. Malas na lang ng mga huling nag-over the bakod dahil mismong si Duterte ang umayaw sa kanila. Natataranta sila dahil inamin ni Duterte na walang problema kung si Bongbong Marcos ang ka-tandem niya, na alam ng lahat, na ang hatak ay “solid north”, at malaki-laki ring bahagi ng Visayas at Mindanao. Hindi maikakaila na marami pa ring namamayagpag na Marcos loyalist groups.

 

Baka sabihin ng mga detractor ni Duterte na hindi siya maka-Diyos. Tamaan na ng kidlat ang magsabi niyan, lalo na ang mga nakaupo ngayon sa puwesto! Sila ang hindi maka-Diyos na dapat ay tusukin ng kidlat dahil nasilaw sa perang ninakaw nila sa kaban ng bayan at hindi na nagsawa sa mga oportunidad na halos wala na yatang katapusan sa pagdaloy at tinatamasa nila habang sila ay nasa kapangyarihan!

 

Bilang huling hirit, baka naman sabihin ng mga desperadong mapanira na hindi macho si Duterte o di kaya ay anak ito ng pari o di kaya ay anak sa pagkakasala ng isang artista, o ng isang na-rape na madre o di kaya ay kapatid sa labas ni Ferdinand Marcos sa labandera nila, para lang may mabanggit. Ang pinakamagandang gawin sana ng mga nagmamagaling pero kuwestiyonable din naman ang pagkatao ay magpaka-disente na lang sa pangangampanya…huwag ipaling ang mga sinasabi sa mga personal na bagay. Sa halip, sana ang gawin ng mga nangangampanya ay magpaliwanag tungkol sa mga plano nilang gagawin kung sakaling manalo, tulad ng sinasabi palagi ni Duterte kung ano ang gagawin niya sa mga drug lords, mga nagnanakaw sa kaban ng bayan, etc! Huwag silang magpakita ng mala-demonyong ugali at pagkagahaman sa puwestong inaasam ngayon pa lang, kahit hindi pa tapos ang 2015!

Nagiging OA ang mga Militanteng Grupo…nakakawalang ganang panigan tuloy!

Nagiging OA ang mga Militanteng Grupo

…nakakawalang ganang panigan tuloy!

ni Apolinario Villalobos

 

Malaking bagay ang nagagawa ng mga militante sa pagpapaliwanag ng mga bagay na nangyayari sa ating bansa, sa iba’t ibang larangan lalo na sa ekonomiya at pulitika. Kung baga ay sila ang tagapag-gising ng mga Pilipino dahil sa ingay na ginagawa nila. Subalit ang magpasimula sila ng karahasan o violence tuwing may rally ay hindi maganda.

 

Ang pinakabagong pangyayaring mababanggit tungkol dito ay ang APEC Summit sa Manila.Sinamahan pa ang mga local na mga militante ng mga kasapakat o kaalyado na galing sa ibang bansa. Hindi nagkulang ang mga local na pamahalaang nakakasaklaw ng mga lugar na kinampuhan ng mga grupong militante sa pagbigay ng kaluwagan. Ang mga ahensiya naman ng gobyerno ay hindi nagkulang sa pagbigay ng paalala, lalo na sa mga schedule ng pagsara ng mga kalsada at babala kung hanggang saan lang dapat ang mga raleyista. Subalit may mga balitang nagpipilit pa rin ang mga militanteng grupo sa pagpapakita ng “tapang” sa pamamagitan ng pagsugod sa hanay ng  mga nakaharang lamang na mga pulis.

 

Ayon sa mga field reporter ng radio, ang mga grupo ng mga militante ang unang nangdadarag o nagpo-provoke sa hanay ng mga kapulisan na humaharang sa kanila sa pamamagitan ng pag-agaw ng kanilang mga truncheon o kalasag at pagtutulak sa mga ito. Mabuti na lang at hindi natitinag ang disiplina ng mga kapulisan na nagpakita ng matinding pasensiya sa kabila ng nakakatulig na pagmumura mula sa mga estudyanteng militante.

 

Narinig ko mismo ang live coverage sa isang pangyayaring pinarinig ng isang AM radio station. Sa background ng coverage ay maririnig ang tilian at sigawan ng mga nagra-rally, na sinisingitan ng komento ng reporter kung paanong itulak ng mga estudyante ang mga pulis na ang iba ay inaagawan pa ng kalasag, subalit nang gumanti ng tulak ang mga pulis, narinig agad ang pagsigaw ng isang estudyanteng: “….hayan mga kababayan, nakikita ninyo ang karahasan ng mga pulis…”. Napamura tuloy ako – pero sa hangal na estudyanteng lider pa man din yata ng grupo. Sila itong nanguna sa pagtulak, pero sila pa ang may ganang magreklamo at magpakita sa taong bayan na sila ay inaapi ng mga pulis!

 

May nagsabi sa akin na karamihan sa mga militanteng grupo sa Pilipinas ay sinusupurtahan ng mga Komunistang lumalaban sa Demokrasya, kaya kung mapapansin, dominante sa mga kulay na ginagamit nila sa mga streamers at banners ay pula, simbolo ng komunismo at sosyalismo. Isa sa mga pinag-aaralan din daw nila ay kung paanong epektibong makadarag o maka-provoke ng mga anti-riot police na humaharang sa kanilang daraanan tungo sa mga bawal na gustong pagdausan nila ng rally, tulad ng harapan ng mga embassy, Mendiola, at Malakanyang. Maituturing na nagtagumpay sila sa pag-provoke kung papaluin na sila ng mga pulis na makukunan ng retrato. Nang mabisto ang strategy nilang ito, gumamit na lang ng water cannon ang mga anti-riot police.

 

Sa ganang akin, hindi masama ang mag-rally pero dapat ay sa tamang paraan,  sa pamamagitan ng pagrespeto sa mga itatalagang alituntunin ng mga ahensiya, lalo na ng mga local na pamahalaang masasakop ng aktibidad. Kung ano ang bawal, dapat ay sundin. Kahit saan ay pwedeng gawin ang rally dahil kokoberan naman talaga ito ng mga reporter ng diyaryo, radio at TV. Kahit halimbawa ay laban sa Kongreso na nasa bandang Quezon City ang rally, ito ay maaaring gawin sa Luneta o Liwasang Bonifacio o sa bakuran ng UP, atbp.  Ang ilalabas naman sa TV, diyaryo at ibo-broadcast sa radio na layunin ay aabot pa rin sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Dahil dito, hindi kailangang mag-provoke ng mga pulis na naatasan lamang na magmintina ng kaayusan at pumigil sa anumang pinsala na mangyayari, upang masabing nagpakita ang mga ito ng “police brutality”. Trabaho lang ang ginagawa ng mga pulis. Maaaring marami rin sa kanila ang galit sa gobyerno pero hindi lang nila mailabas…yan ang dapat ding isipin ng mga nagra-rally.

 

Hindi kailangang sumigaw na ang background ay Congress o Malakanyang dahil ang importanteng malaman ng mga Pilipino ay mensahe ng mga nagsasalita sa rally. Bakit kailangan pang may masaktan o dumanak ng dugo? Paanong papanigan ng maraming Pilipino ang mga bistado nang mga komunistang nagra-rally, kung sila mismo ay naninira ng mga gamit ng mga embassy, plant boxes, poste ng ilaw, nang-aagaw ng truncheon ng pulis na nakaharang lamang sa kanila, at nag-iiwan ng basura mula sa sinunog na mga effigy, at mga balot ng pinagkainan nila, pati mga basyo ng mineral water?

 

Dahil sa hindi magandang gawi ng mga militanteng nagra-rally, ipinapakita nila na kailangan pang maging marahas upang magtagumpay sa pagpaparating ng mga mensahe. May napagtagumpayan ba naman sila? Hindi na ba pwedeng gumamit ng mahinahong paraan? Ang orihinal at tunay na layunin ng rally ay upang magkaroon ng pagkakataon ang mga grupong makapagparating ng kanilang mga hinaing sa mga kinauukulan. Nasira lamang ang layuning ito nang makarating sa bansa ang ideyolohiyang sosyalismo na ang pamamaraan sa pagtamo ng inaasam ay idinadaan sa karahasan.

 

Kawawa ang mga Pilipinong ang kaisipan  ay hindi na nga “nahinog” sa ideyolohiyang Demokrasya na ibinigay ng mga Amerikano, ay ginulo pa ng “Sosyalismo” na talaga namang hindi angkop sa kultura ng mga ito na nakasalig sa mga relihiyong Kristiyanismo at Islam!

 

Kalaban din ako ng korapsyon pero malayo sa isip ko ang patayan o pagdanak ng dugo upang matanggal lamang ito sa gobyerno…

 

Aggressive and Violent islamic Expansionism Poses Threat to World Peace…a caution to the Philippines

Aggressive and Violent Islamic Expansionism

Poses Threat to World Peace

…a caution to the Philippines

By Apolinario Villalobos

There is nothing wrong with all kinds of religion or cults, for as long as tolerance and respect among the faithful are observed. If there is no violent or aggressive attempt of conversion, I do not think that animosity shall be developed among the parties concerned. Conversion should be done “indirectly” – through convincing actions by the advocates, to show others that indeed, their religion is worth embracing. People should be given a liberal option as to what faith they should follow. They should not be intimidated by force, or threatened with the nozzle of a gun.

Special reference is being made to the religious polarization of the world between Christian and Islamic faiths. Tension between the two has slackened after the Crusade era. But, it seems that even religion is following a cycle or giving truth to the adage that history repeats itself, as lately, an aggressive Islamic expansionism is on the rise, spearheaded by its extremist advocates. There is a global attempt today for the “restoration” of Islam as supposedly the world religion, and even an aggressive “expansion”, which to the layman could mean “mass conversion”.

Hugging cyber news pages are European countries that are under the pressure exerted by the influx of Muslim immigrants, purportedly victims of persecution in their countries of origin, particularly, Syria. And, there is even an appeal by the United Nations to the far-off Asian countries to “adopt” some of them. Some European countries, being nearest to the origin of these evacuees were the first to offer succor and accommodated the refugees. Unfortunately, these generous countries are now being rocked with unrest by the same beneficiary of sympathy, in the name of the latter’s Islamic faith. There is even a bold threat by a group of Muslims in Denmark that their host shall become the “first Muslim country in Europe”.

The extremist ISIS group has done more than enough destruction to the historic and Biblical countries that they occupied and fear to the rest that they plan to overrun. Will Europe suffer the same fate, as there could be Islamic terrorists who may have successfully melded with the so-called “refugees” who have been accommodated by sympathetic European countries? From Europe, will masquerading terrorists who may have successfully blended with authentic refugees creep their way towards Southeast Asia to muddle the harmonious and peaceful co-existence of Christians and Muslims?

While the Muslims are aggressive in their attempt to convert others, none of such drive can be observed among the Christians, especially, the Roman Catholics. The publicities being enjoyed by the Vatican because of the controversial new pope, Francis, should not be taken as an attempt to convert. In fact, there is an ongoing cleansing within the Roman Catholic community, as shown by the purging of erring church leaders, as well as, vehement reminders of the pope for his flock to follow the “Christian way”. Nothing about converting Muslims, Protestants, etc. is being done in any way. On the other hand, if the effort of the new pope is viewed by skeptics as a convincing “Christian act” of a Roman Catholic, it is up to them to decide if they want to jump over the fence and join the flock of Jesus.

In the Philippines, particularly, Mindanao, the Muslims and Christians are enjoying a harmonious and peaceful co-existence. The call for autonomy which many Filipinos deemed long overdue is more political and not a matter of religion. In fact, it is expected that the same clamor for political autonomy shall be raised by the rest of the regions as the system has been proved to be effective in the Cordillera Region, although, deemed necessary in the first place, due to the archipelagic make up of the country.

The Philippines is a clear manifestation of harmony if tolerance and respect among people with diverse culture and faith, are observed. In view of the threat that is now rocking some European countries due to aggressive religious assertion by Islamic fundamentalists, Filipinos should be more vigilant and help each other in maintaining a steadfast resistance against any religiously-hooded incursion that could be tainted with evil intent. Filipinos have stood united on a foundation of strongly- welded brotherhood that not even the corrupted political system failed to shake. This fervent show of steadfast conviction should send a warning to the evil-minded around the world, that the Philippines is not a breeding ground for  unrest under the cloak of religion that the misguided extremists plan to foment…as such attempt shall never and ever be tolerated!

Gusto ng mga Pilipino ang Kapayapaan…ang problema ay mga sakim na taong nagsusulong nito, kaya pati ang demokrasya ng bansa ay naaabuso

Gusto ng mga Pilipino ang Kapayapaan …ang problema ay mga sakim na taong nagsusulong nito kaya pati ang demokrasya ng bansa ay naabuso

Ni Apolinario Villalobos

 

Sino ba ang may gusto ng gulo? …ng giyera?…wala! Ang pinagyayabang ni Pnoy na Bangsmoro Basic Law (BBL) na siyang maglalatag ng self-governance ng isang rehiyon, ang Bangsamoro, sa Mindanao na sinasabing tinitirhan ng mga Moro, na hindi naman totoo dahil marami ring mga Kristiyano, ay maganda ang hangarin. Ang nakasira dito ay ang mga probisyon na one-sided na pinipilit palusutin ng mga taong nagsusulong sa mga ito, kaya naging kwestiyonable ang mga intensiyon – kung para ba sa nakararami o para lang sa iilan. Ang lalong nakasama, mismong mga representante ng gobyerno ay sangkot sa pagsulong ng mga nakakapanlinlang na layunin, na kung hindi dahil sa Mamasapano massacre ay hindi nabunyag.

Walang karapatang magyabang si Pnoy na para bang siya lang ang may gusto ng kapayapaan at ang mga tumutuligsa sa kanya at BBL ay gusto ng gulo. Hindi yata siya nakikinig sa mga isinisigaw na ng mga tao, na ang kailangan lang ay tanggalin ang mga probisyong hindi maganda ang layunin at palitan ang mga representante ng gobyerno sa peace panel, lalo na sina Deles at Ferrer. Kung pinipilit ni Pnoy na ayaw ng mga tao sa Mindanao ang BBL, talagang maling-mali siya. Sa uulitin, ang magandang layunin ng BBL ay sinira ni Pnoy dahil nagtalaga siya ng mga representante ng gobyerno na hindi gumawa ng nararapat at nagpipilit ng mga probisyong masama. At ngayon, tila desperado sa pagmamadaling maipasa ito habang nasa puwesto siya dahil ito na lang ang nakikita niyang mag-aangat sa kanya. Subalit nagkamali na naman siya ng pagtantiya dahil hindi na siya ganoon kapani-paniwala at mapagkakatiwalaang tao…sirang-sira na ang kanyang kredibilidad! Paano siyang maging credible kung ang simpleng anti-smoking na tinataguyod ng bansa ay hindi niya masunod dahil siya mismo ay chain smoker?

Ang BBL ay para ding Demokrasya na magandang-maganda ang porma at mga layunin dahil nagsusulong ng kalayaan ng mga taong nasa ilalim nito. Subalit tulad ng BBL na maganda ang layunin, ay nasira dahil sa pang-aabuso. Ang isang halimbawa ng pag-abuso sa demokrasya ay ang mahirap na bansang Pilipinas. Nakakalungkot na sa bansang ito ay talamak ang pag-abuso ng demokrasya sa mahabang panahon, ng mga taong matatalinong bar topnotcher, mga nagtapos sa mga unibersidad at may kursong hindi basta-basta, may angkan na nakatala sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan, at mga tanyag dahil artista, na ibinoto naman ng mga hangal na Pilipinong nagbenta ng kanilang kapangyarihan sa pagpili ng mga pinuno, kaya ngayon ay nakanganga at nagsisisi…pero huli na.

Ang mga inakalang matatalino at may malinis na hangaring mamuno ay mga sakim pala…mga gahaman sa perang hindi nila pinaghirapan! Sa mga kuwentong nabasa ko, ang mga taong nawalan na ng pag-asa at sobra na ang pagka-desperado ay nag-akalang pati kasinungaling sinasabi ay katotohanan!…at ang inakalang tinatawag na “diyos” ay demonyo na pala! Ibig sabihin, ang taong desperado ay nagiging bulag sa katotohanan! May isa ring medical finding na ang sobrang usok ng sigarilyo ay nakakasira ng mata at tenga…lalo na, ng utak…hindi lang ng baga, at nakaka-cancer pa.

Nilulusaw din daw ng usok ng sigarilyo ang “common sense” kaya madalas mawala sa sarili ang adik sa sigarilyo lalo na kung nakatutok ang isip sa computer games, at nagiging manhid pa sa damdamin ng kapwa dahil inaakala niyang siya lang ang may karapatan sa magandang buhay, pero lumalakas naman ang kanyang imagination dahil kung high na high na siya sa usok ay nag-iimagine nang siya by boyfriend ng seksing artista o model….

Dapat Tumahimik si Archbishop Tagle sa issue ng Mamasapano

Dapat Tumahimik si Archbishop Tagle
sa issue ng Mamasapano
ni Apolinario Villalobos

Dapat tumigil na si Obispo Tagle sa pakikisawsaw sa isyu ng Mamasapano. Bilang pinakamataas na opisyal ng simbahang Katoliko, dapat ay tumahimik na lang siya dahil inaasahan siyang nasa gitna. Hayaan na lamang niya ang iba pang mga taga-simbahang Katoliko na hindi naman pinaniniwalaan mula’t sapol.

Hindi pwedeng sabihin ng Obispo na dapat daw ay pagkatiwalaan ang MILF. Dapat maliwanagan ang Obispo na ang kinukwestyon ay ang mga taong namumuno sa MILF, hindi ang MILF bilang grupo. Kilala ba niya ng personal ang mga namumuno sa grupo kaya nagbitaw siya ng ganoong salita? Dahil sa kuwestiyonableng layunin ng mga namumuno, nalagay sa balag ng alanganin ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Marami silang inilagay na mga alituntunin na kuwestiyonable na hindi man lang nasita ng mga representante ng gobyerno na sina Deles at Ferrer – yon ang isyu.

Bakit walang taga-simbahan ng Katoliko sa “prayer meeting” sa Malakanyang noong March 9, 2015? Dapat ang Obispo ay nandoon upang nakapagtanong man lang siya sa ngalan ng kanyang mga “tupa” na galit sa presidente, at upang lalong “tumibay” ang pagkabilib niya sa pangulo na gustong paaprubahan ang BBL na walang babaguhin sa kabila ng nakakalinlang na mga probisyon, kaya labag sa Saligang Batas ng bansa. Nasaan ang Obispo noong March 9, 2015? Hindi ba siya imbitado, dahil wala nang bilib sa simbahang Katoliko ang presidente?

Mabuti pa ang lider ng Jesus is Lord Movement (JILM), na si Villanueva, na maliban sa pag-emcee ay nagbigay pa ng mungkahi na sana ang probisyon tungkol sa religious freedom ay mabigyan ng “ngipin” at “laman” o substance, upang lumabas na hindi lamang ito hanggang sa papel. Sa kasamaang palad, bilang sagot ay binasa lamang ng pangulo ang “preamble” ng BBL na wala namang laman. Kaya tulad ng dati, parang wala ring kinahinatnan ang mahalagang tanong. Ang gusto lang sanang mangyari ni Villanueva ay hindi ma-prosecute ang mga hindi Muslim sa isang region ng mga Moro, lalo na ang mga Kristiyanong misyonaryo at misyonarya. Sa ginawa ng presidente malinaw na hindi ito nagpakita ng pag-alala, na lalong nagpatibay sa paniniwala ng mga nakarinig sa sinabi niya, na talagang wala siyang pakialam kung ano man ang kahihinatnan ng mga gusto niyang mangyari tulad ng pagpapatupad ng BBL.

Paalala lang… isa sa dahilan kung bakit kailangang ma-define na mabuti ang Islamic Region kaya ang pangalan ay “Bangsamoro” ay upang mapaigting pa ang kampanya na “balik-Islam”, isang world-wide movement. Sana ay hindi magkaroon ng negative “religious competition” between Christians and Muslims sa magiging region na Bangsamoro. Ito sa palagay ko ang dahilan kung bakit nagmungkahi si Villanueva ng JILM na dapat specific ang mga provision sa BBL tungkol sa “religious freedom”. At, ito ang hindi naiintindihan ng presidente, ni Ferrer at Deles.

Kung nasa “prayer meeting” si Obispo Tagle, sana ay harap-harapan niyang narinig ang pag-alipusta ng presidente kay Napena nang mistulang duruin niya ito sa pamamagitan ng mga bintang dahil ito raw ang talagang dapat sisihin sa Mamasapano massacre, samantalang ni hindi man lang nabanggit ang best friend nito na si Purisima na nakialam kahit suspendido.

Kung gusto ng Obispo na hindi siya maipit sa palitan ng mga masasakit na pananaw tungkol sa Mamasapano massacre, lalo pa at wala naman siyang masabing malinaw, dapat ay tumahimik na lang siya. Iba ang ginagawa ng Santo Papa na gusto yatang gayahin ng Obispo. Ang Santo Papa ay nagbabahagi ng mga makatotohanang pananaw dahil batay ang mga ito sa mga talagang nadanasan niya. Meron ba siyang mga karanasang tulad ng sa Santo Papa? Kung wala, tumahimik na lang siya, at atupagin ang pagbabago sa simbahang Katoliko upang mabawasan ang mga lumilipat sa mga bagong sektang Kristiyano, lalo na sa Islam, dahil sa panawagang “balik-Islam”.

The Competence of Deles and Ferrer Questioned as Representatives of the Government in the Peace Negotiation with MILF

The Competence of Deles and Ferrer
Questioned as Representatives of the
Government In the Peace Negotiation with MILF
By Apolinario Villalobos

The Senate hearing has enshrouded with question, the competence of Deles and Ferrer as representatives of the government in the peace negotiation with MILF. Senator Cayetano pointed out their failure to take note of the relationship of the MILF with the bomb-making terrorists and the BIFF which it alleges to be a breakaway segment of their group. Ferrer’s defense that such relationship is now history was not acceptable as she cannot refute the fact that the bomb-making terrorists have long-established a discreet stronghold within the territory of the MILF, as shown by incidents that led to the Mamasapano massacre. The terrorists have trained hundreds and are now roaming around Mindanao and other parts of the country, and even have started to sow terror, and although Marwan is allegedly dead, Usman is still free.

Ferrer’s defensive stand in favor of the MILF is very obvious, as if she was part of the MILF party, herself. She exchanged words in a heated argument with Senator Allan Cayetano, instead of accepting their group’s failure to exercise more thoroughness in dealing with MILF, to ensure that the government’s sovereignty is not jeopardized. She was mouthing defensive statements such as their being well-equipped with information gathered by their intelligence mechanism. How then, did they fail to take note that Marwan and Usman who had been entrenched within the territory of MILF were training local terrorists in Mindanao while peace negotiation with the latter (MILF) was going on? They could have called the attention of the MILF to such situation a very long time ago, yet. Their failure to do so, clearly led to the Mamasapano massacre of the 44 and wounding of many others who had no choice but take the risk of arresting the two terrorists. Such unfortunate tragedy could have not happened if only the two ladies indeed, did their best to “negotiate”.

With the full trust given to Deles and Ferrer in forging the peace agreement that is supposed to pave the establishment of the Bangsamoro Basic Law, is the expectation that the expected peace will be achieved for Mindanao and the Philippines. Unfortunately for them, the Senate hearing brought out the flaws in their negotiation. The exposure made many Mindanaoans wary if indeed, the MILF is strong enough to control its subordinates, as well as, resolute and a sincere party to which the Philippine government will entrust the propagation of a lasting peace in Mindanao.

Many are now asking, how well do Deles and Ferrer know Mindanao. Are they from Mindanao, especially, central Mindanao which is the focus of the issue? Did they live for a long period in Mindanao to have at least a breath of the different cultures and religions which are also among the issues, aside from politics? Why were they chosen, instead of the known competent Mindanaoans? Were they chosen because of their “right connections”?

Aside from the looming failure of the lawmakers to pass the BBL, there is now a call for Pnoy to replace Deles and Ferrer as the representatives of the GRP in the peace negotiation with MILF. If this happens, not only one corner will be added to the peace process…and if this happens, Mindanaoans, the ordinary constituents, both Muslims and Christians will just have to endure the prolonged agony brought about by selfishness, arrogance, and greed for power of some individuals!

Ang iba’t-ibang senaryong nagbabanta sa Mindanao at Pilipinas …kung hindi agad magkaroon ng kapayapaan

Ang iba’t-ibang senaryong nagbabanta sa Mindanao at Pilipinas
… kung hindi agad magkakaroon ng kapayapaan
ni Apolinario Villalobos

Dahil sa tindi ng mga kaguluhan at kalituhang nagresulta sa sunud-sunod na bulilyaso ng administrasyon ni Pnoy Aquino, hindi maiwasang maglaro ang imahinasyon ng mga Pilipino, at lalong hindi sila masisisi dahil ang mga nangyayari ay halos nakatuon sa mga maaaring mangyari, tulad ng mga sumusunod:

1. Kung magre-resign o ma-impeach si Pnoy bago sumapit ang pagtatapos ng kanyang termino, mapapasama sa kanyang pagbaba ang mga sinasabing kakutsaba niya na sina, Abad, Purisima, Alcantara, at Soliman. Kakaharapin nila ang malalaking kaso na ihahain ng iba’t ibang grupo. Maiiwan si Laila de Lima na tingin ng iba ay manipis lang ang mantsa ng katiwalian sa pagkatao nito, pero, dahil sa delikadesa ay maaaring mag-resign din. Ang makikinabang sa ganitong senaryo ay si Binay dahil bilang Bise-Presidente, siya ang papalit kay Pnoy….lalong dusa ang madadanasan ng mga Pilipino. Pagkakataon nan i Binay na magpakitang gilas sa taong bayan, na kailangan niya dahil sa may pagkadesperado niyang kagustuhang tumakbo bilang presidente.

2. Kung magtutuloy-tuloy ang mga protesta sa kalye ng Maynila at iba pang malalaking lunsod laban sa pamahalaan, subalit hindi pa rin magre-resign si Pnoy, mawawalan ng saysay ang kanyang basbas sa 2016 eleksiyon na hinihintay ni Roxas. Aalukin ni Binay si Roxas ng puwesto sa line-up niya sa 2016 bilang Bise-Presidente at kakagatin naman ni Roxas dahil desperado siyang maupo maski Bise-Presidente man lang.

3. Kung hindi na talaga mapigilan ang mga pagprotesta ng mga Pilipino na ang mga dahilan ay katiwalian sa pamahalaan ni Pnoy Aquino at kahinaan nito sa pagpapatakbo ng gobyerno, gagamitin itong dahilan ni Estrada na tumakbo bilang Presidente at makakalaban niya si Binay. Ang mangyayari ay pagpili ng mga Pilipino sa wikang Ingles na: choice between the devil and the deep black sea…oopps!, deep blue sea pala. Magpi-feeling savior si Erap na magsasabing tatapusin na niya ang problema sa Mindanao tulad ng pagkubkob sa Camp Abu Bakar, noong panahon niya.

4. Kung hindi matutuloy ang inaasam na pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) bago bumaba si Pnoy dahil dumadami ang kumakalas na mga kongresista sa pagsuporta dito, magkakaroon ng ugnayan ang MILF, BIFF, at MNLF. Gagawa sila ng compromise agreement at idadahilan na lang ang magkapareho nilang Islamic cause, kaya balik sila sa original na adhikain na pagtiwalag sa Pilipinas upang magkaroon ng sariling bansa ang mga Muslim. Lalawak ang gusto nilang masakop na hindi saklaw sa mga pinag-usapan sa BBL. Napatunayan kasi na mahina ang leadership ng MILF,at iiral ang kagustuhan ng BIFF at MNLF, at nahalata rin ng tatlong grupo na animo ay takot ang pamahalaan sa pakikidigmang harap-harapan.

5. Kung magsanib-puwersa ang MILF, BIFF at MNLF, maaaring humingi ang mga ito ng tulong sa Malaysia na may katuwaang papasok sa eksena dahil magkakaroon na ito ng pagkakataong tanggalin nang tuluyan ang pagbawi ng Pilipinas sa Sabah. Malinaw na ito pa rin ang hangad ng Malaysia kahit pa sabihing mediator ito sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao kaya hindi isinama dito ang claim ng Pilipinas sa Sabah. At maaari pa ring isali ang Bangsamoro sa federal government ng Malaysia. Dahil ayaw mapahiya ng liderato ng MILF, lahat ay gagawin nila para lang masabing nagtagumpay sila sa ngalan ng kapayapaan.

6. Kung magkakaroon ng cover-up sa gagawing imbestigasyon ng maraming grupo sa Mamasapano Massacre na magiging dahilan ng iba’t ibang resulta, lalabo ang pagkakaroon ng hustisya para sa mga namatay at nasugatan. Dahil dito ay magkakawatak-watak ang PNP at AFP. Magkakaroon na naman ng kudeta at maaaring magtagumpay dahil kasama na ang mga kapulisan sa aaklas.

7. Kung sa gitnang Mindanao ay mabubuhay na naman ang nakalimutan na sanang hidwaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim, magkakaroon ang mga apektadong lugar ng mga teritoryo ng MILF, BIFF at MNLF. Makikisakay na rin sa kaguluhan ang Abu Sayyaf. Gagawing sentro ng mga terorista na gumagalaw sa Asya ang Mindanao. Dahil dito, mabubuhay na naman ang mga grupong Kristiyano na lumalaban sa adhikaing isinusulong ng Bangsamoro.

8. Kung titindi ang naghalu-halo nang kaguluhan ay lalong mamamayagpag ang pagnegosyo ng bawal na gamot sa Pilipinas, lalo na at napatunayan ang kaluwagan ng mga batas at patakaran laban dito, kaya kahit sa loob ng mga kulungan nakakapagpatuloy sa pagnegosyo ang mga nakakulong nang mga drug dealers. Mamamayagpag din ang extortion ng maliliit na grupo na ang iba ay na-train na sa paggawa ng bomba, pero ang pinakamalaking extortion group ay Abu Sayyaf pa rin. Mindanao ang gagawing balwarte ng mga terorista na kikilos sa buong Asya!

Sa alin man sa mga nabanggit na senaryo, malinaw na ang talo ay mga Pilipino sa kabuuhan, Muslim man o Kristiyano, lalo na at nakasentro ang mga kaguluhan sa pagmintina ng kabuuhan pa rin ng Pilipinas kahit na may Bangsamoro na. Kawawa sina Fatima at Maria…sina Abdullah at Juan dahil sa kasakiman ng iilan!

Dahil sa mga kaguluhang nangyayari at mga agam-agam na hindi nagpapatulog ng mahimbing sa mga Pilipino…sino ang may sala, o sinu-sino sila? Ang sagot diyan ay ang palasak sa Ingles na: your guess is as good as mine!

A Fearful Prediction on the World’s Course

A Fearful Prediction

on the World’s Course

by Apolinario Villalobos

At the rate the pockets of unrest are scarring the face of the earth, horrendous sentiments have practically overcame the peoples of different nations. The overzealous races even think of the events as premonitions of the Biblical Armageddon.

The African continent has long been rocked with unrests, and so are parts of Europe. The Asian regions are not free from bickering among neighboring countries over disputed parcels of maritime territories, and even the country of Uncle Sam, long known as the cradle of democracy is not without its share of bombings.

European countries have come together to meld themselves into the European Union (EU). In Asia, there is the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) over which hovers “big brother”, China. In the Middle East, there is the Organization of Islamic Conference (OIC). Left out are the weak black African nations, the Judaic country of Israel, and Japan that still manifest unwavering faith in the United Nations.

With the emergence of China as an economic giant, and which wisely makes use of such reputation to its advantage, the US and other traditionally strong nations, wisely maintain their safe perch on the fence, as they gawk at events around them. The US lives up to its reputation as champion of democracy by meddling in the affairs of the exploited countries, and in so doing, drags along willing allies. China, on the other hand, stealthily and discreetly impresses its mark of economic hold throughout the world which is dangerously polarized between the haves and the haves not, while concentrating its focus in Asia – an open land of opportunities where labor can be had for a pittance, where natural resources are ready for the taking, and worse, where lives wallow in poverty.

It will not be long, for the earth to be finally sliced like a cake into portions that represent blocks of the African countries, Islamic countries, European countries, north and south American countries, mainland Asian countries, and Southeast Asian countries….with the weak coming under control of the strong. If Israel fails to choose which group to join, it may again suffer the wrath that caused the dispersal and persecution of its people, although, the US has proved to be a dependable protector, but for how long?

The world is undergoing a cleansing. Aside from the man-made calamities – wars that systematically wipe out helpless populations, it is also periodically ravaged by natural catastrophes such as, typhoons, floods, earthquakes, and plagues. Lethal bombs that can zero-in to their targets, thousands of miles away can be launched by countries that are driven by maniacal desire to rule the world. Technology has made another world war that may ensue, sophisticated, sweeping and short-lived, as warring countries can pelt each other with remote-controlled bombs that can practically wipe out cities in minutes.

It seems, the world is taking a course fated with man’s self-destruction elicited by his greed.