John Awatin Walks 1 Kilometer to Serve as Lay Minister

John Awatin Walks 1 kilometer

to Serve as Lay Minister

by Apolinario Villalobos

 

John Awatin lives one kilometer away from the parish church of the Saint Martin de Porres located at Panapaan, Bacoor, and he walks to and from the said church as a Lay Minister. He has been doing the said sacrifice when he was taken in as such in June 6, 2014. But before that, he has been jobless for one year. He did not pursue his seafaring career that gave him ample monthly wage for eight years, due to seizures. Until today, he suffers from ticking of left eye. Fortunately, his seizures are already under control.

 

He was a hardworking guy since he was young, helping their mother do household chores and even going to the market on weekends. He learned how to cook and took charge of the laundry, too…all these he did, being the eldest among the brood of four. Unfortunately, both their parents left them while they were still young.

 

His parents were from Camiguin Island in Mindanao. Both of them were hardworking, a trait which he and his siblings inherited. At a young age, he settled down with Sheena who is now working with the YMCA-Manila. They are happy today with their four “angels” – Sheen, Sean, Nash, and Hans.

 

When John was rejected by manning agencies for seafarers due to his ailment, he was, as expected, so downhearted that he became reclusive. His seizures worsened so that there were times that he would just fall during attacks, despite which he persisted in attending Sunday Mass with his wife. The drugs he took did not help much as he was also emotionally affected. It was at this instance that Jun Kamatoy, a Lay Minister serving at the Saint Martin de Porres parish, thought of convincing him to become a Lay Minister to keep his mind busy.

 

Neighbors were sort of curious how such a guy who suffers from seizures and with a very minimal “exposure” to religious activities could possibly assist the priest during Mass. Practically, Jun Kamatoy risked his credibility when he assured the parish priest that John would be a good Lay Minister. True enough, after passing his orientations with flying colors, he proved his worth for such a religious obligation.

 

As he had no “decent” clothes to wear, Jun Kamatoy also gave him several pairs of pants and undershirts, as well as, a pair of shoes, while Emma Duragos, a crusader of the Holy Face, gave him white long-sleeved shirts, courtesy of her son. A neighbor also gave him another pair of shoes and two more pairs of pants.

 

Since the first day of his service as a Lay Minister, nobody among his neighbors knew that he was walking his way to the church, as well as, in going back home, except when the weather is so bad that he had to take a jeepney. The distance he covers both ways are two kilometers. I found this out myself when I saw him trekking one early morning to the church, while I was on a jeepney on my way to Baclaran. One time, too, I saw him walking under the sun still in his white long sleeved shirt on his way home.

 

When I had the chance to talk to him, I asked about his seizures and he told me that his condition has been fast improving and he feels that he would finally overcome it, although, I have observed that the ticking of his left eye is still very evident. He also keeps himself busy by attending to the needs of their children, humbly accepting his role as a “houseband”. He cooks for them and does the rest of the chores at home. We never mention God or Jesus in our conversations, although, deep in my mind and heart, I know that John is a manifestation of another miracle. At 43, John is a picture of contentment and happiness….

 Awatin Family John Sheena

 IMG7235

Ang Hindi Ko Makalimutang Tatay Namin

Happy Fathers’ Day!

Ang Hindi ko Makalimutang Tatay Namin
Ni Apolinario Villalobos

Simple lang ang buhay namin noon. Nagtitinda ng tuyo ang aming mga magulang hanggang sa ito ay nalugi. Bumigay ang maliit na puhunan dahil sa laki ng aming pamilya. Mula noong nasa grade one (walang pang prep noon) hanggang grade five ako, dama ko ang saya ng pamilya namin. Yon nga lang, lahat kami ay walang baon pagpasok sa eskwela.

Tuwing uuwi ang tatay namin, palagi siyang may pasalubong na saging. At kung isda namang nakatuhog sa yantok (rattan) na panali (wala pang supot noon) ang inuuwi, palagi namang tilapia na siyang pinakamura. Siya na rin ang naglilinis at nagluluto. Dahil sa kamahalan ng isdang dagat, lumaki akong hindi ko sila “nakilala” kaya hanggang ngayon ay wala ako ng sinasabing “acquired taste” para sa mga sariwang isdang dagat. Ang kilala ko lang noon na isdang dagat ay nasa lata – sardinas. Maliban sa tilapia, ang binibili ng tatay ko ay bangus na nagkakamurahan kung hapon na, pero dahil sa dami ng tinik kaya mahirap kainin, nagkasya na lamang ako sa sabaw.

Walang bisyo ang tatay namin, hindi tulad ng nanay namin na nagnganganga. Ang kinatutuwa ko pa ay ang pagtabi niya para sa akin, ng mga diyaryong pinangsapin sa mga kahon ng tuyo. Napansin kasi niya na matiyaga kong binabasa ang mga ito kahit malakas ang amoy…inuuwi ko pa at itinatago sa ilalim ng kama. Dahil sa ginagawa ko, pingot naman ang inaabot ko sa ate namin. Tumigil lamang siya sa pagbulyaw nang magwala ako dahil sinunog niya ang “collection” ko. Natakot yata nang pinagtutumba ko ang mga silya, kaya tumakgo siya sa palengke upang manghingi sa ibang nagtitinda ng tuyo…pampalit sa mga sinunog niya!

Noong hindi pa ako nag-aaral, tuwang-tuwa ang tatay ko sa mga isinusulat kong mga salita sa lupa gamit ang maliit na sanga ng kaimito, na kinokopya sa kung anumang babasahin na mahagilap ko. Ang una kong isinulat noong tatlong taon pa lang daw ako ay “Purico”, isang brand ng mantika na uso noon. Yon kasi ang gamit namin sa pagluto kaya nababasa ko ang nakasulat sa kartong pambalot. Nasundan ito ng mga pangalan ng mga kapatid ko, kaya palaging puno ng mga isinusulat ko ang lupa sa bakuran namin. Mabuti na lang at wala pa noong spray paint, dahil baka pati dingding ng bahay ay hindi ko pinalampas!

Pinagtatanggol niya ako kapag pinapagalitan ako ng nanay namin, tuwing umuwi akong maraming sugat dahil sa pag-akyat sa mga puno ng prutas ng mga kapitbahay. Dahilan niya, inuuwi ko naman daw ang mga prutas para sa mga kapatid ko. Ganoon din kapag naghahakot ako ng mga supot na plastic na napupulot ko mula sa basurahan ng isang bakery, dahil ginagamit ko ang mga ito bilang pang-cover ng libro. Dahilan niya, pati naman daw mga kapatid ko ay nakikinabang. Naigagawa ko rin kasi sila ng raincoat, mula sa mga pinagtagpi-tagping mga plastic. Ang hindi lang niya matanggap ay nang mag-uwi ako ng maliit na ahas na iniligtas ko sa pananakit ng ibang bata…noon na siya nagalit sa akin.

Noong nasa kalagitnaan ako ng grade six, nalugi ang negosyo namin. Gamit ang maliit na puhunang natira, nagtinda ng ukay-ukay ang nanay namin. Ang tatay naman namin ay naging kargador ng mga kaibigan niyang may puwesto sa palengke. Mula madaling-araw hanggang hapon siyang nakaistambay sa dati naming puwesto at naghihintay ng tawag kung may gagawin. Ganoon siya katiyaga. Kung minsan dinadalhan ko siya ng tanghalian. Ganoon pa man, hindi ko narinig na nagreklamo ng pananakit ng katawan ang tatay namin.

Nang panahong nangangargador siya, napadalas ang pakisama niya sa mga kumpareng nagbigay ng trabaho sa kanya, kaya natuto siyang uminom ng alak. Hindi kalaunan, dahil sa kahinaan ng katawan, bumigay ang kanyang atay dahil sa kanser. Mula noon, nagtiyaga na lamang siya sa pagdungaw mula sa bintana habang minamasdan akong nagwawalis sa aming bakuran at nagsusulat sa lupa. Pumanaw siya noong nasa kalagitnaan ako ng Grade Six.

Sa kanya ko natutunan ang ugaling hindi pagpili ng gawain, basta marangal. Nalaman ko sa isang matandang kamag-anak na naging kaminero o basurero din pala siya noong nanliligaw pa lang siya sa nanay namin, kaya pala galit sa kanya ang ibang tiyuhin namin sa ina. Palagi niyang sinasabi na ang kita ay nakakatulong kaya hindi dapat ikalungkot kung ito ay maliit. Nakakatulong din ang kasiyahan sa ginagawa upang matanggap ng lubos ang isang gawain, ano man kababa ito… ganyan daw dapat ang panuntunan sa buhay.

Hindi nakatapos ng elementarya ang tatay namin, subalit pinagmamalaki namin siya. Ang turing ko sa kanya ay higit pa sa isang doktor o abogado, o sa isang Presidente man ng kung anong bansa pero tanga naman, o Bise-presidente ng kung anong bansa din, pero kurakot naman!

Sa panahon ngayon, lalong umigting ang respeto at pagmamahal ko sa tatay namin. Hindi ko siya ipagpapalit sa ibang tatay ngayon na mayaman nga at kilala sa lipunan, subalit ang pangalan ay kakambal naman ng kahihiyan…walang maski kapirasong dangal!

Ang Aming Nanay….

Ang Aming Nanay…
Ni Apolinario Villalobos

Nakagisnan ko na ang bisyo ng aming nanay na pagnganga. Sa gulang niyang wala pang limampu, naipanganak niya kaming labing-isang magkakapatid, subalit siyam lamang ang buhay. Bihira siyang magsalita, at sa kanilang dalawa ng aming tatay siya ang taga-disiplina sa amin. Sa aking paningin, siya ay matapang at napatunayan ito nang minsang sugurin niya ang puwesto ng larong “pool”, yong parang bilyar, subalit flat na bilog na kahoy ang tinutumbok ng tako. May nagsumbong kasing naglalaro doon ang isa kong kuya sa halip na pumasok sa eskwela. Pagpasok daw niya ay kumuha agad siya ng tako at hinataw ang kuya ko, at nang mabali ito, kumuha pa raw ng isa at iwinasiwas sa ibang mga nandoon na hindi alam kung saan susuling, habang minumura ang may-ari ng puwesto. Pinasara daw niya ang puwesto subalit sa awa sa may-ari ay pinabuksan din makalipas ang ilang araw.

Ang una naming pagtatalo na umabot sa pagpingot niya sa magkabila kong tenga ay nang tumanggi akong magsuot ng ukay-ukay na long sleeves at puting polo shirt, na dahil may pagka-synthetic ang material ay mainit sa katawan. Ayaw ko ring isuot ang malaking sapatos at maluwag na pantalon ng kuya ko. Ang okasyon ay ang pag-akyat ko sa stage upang masabitan ng ribbon na pang-third honor noong ako ay grade three. Pinagyabang niya ako sa mga bumabati sa kanya, na ikinainis ko rin, dapat daw kasi ay first honor ako, pero dahil kamag-anak namin ang teacher, binigay na lang sa akin ang third honor para walang masabi ang ibang magulang.

Nang malugi ang negosyo naming tuyo at daing, nagtinda siya ng ukay-ukay na ang tawag noon ay “relip” mula sa salitang “relief” dahil nga naman ang mga damit ay “relief goods” na donasyon galing Amerika at unang ibinagsak noon ng mga tiwaling negosyante sa palengke ng Bambang sa Sta. Cruz, Manila. Kumalat ito hanggang Baguio na nadagdagan ng mga surplus galing naman sa Subic (Olongapo) at Clark (Pampanga). Ang mga artista at singer noon ay may mga suking tindero at tindera na alam ang mga style na gusto nila, kaya kung may bubuksang mga bundle, inuuna nilang pinipili ang para sa mga ito. Ang nanay ko naman ay sa Bambang lang kumukuha dahil nandoon ang suki niyang puwedeng utangan.

Dahil sa negosyo naming ukay-ukay, lahat ng damit namin ay galing na dito. Pinagtitiyagaan niyang i-alter ang mga damit upang magkasya sa amin. May mga suki siya na pinapatawag sa akin tuwing may bagong bundle siyang bubuksan upang una silang makapamili, at ang matira ay binebenta sa palengke at idinadayo pa sa mga tiyangge ng ibang bayan. Gumigising siya at ang kuya kong hinataw niya ng tako, madaling araw pa lang upang umabot sa trak na naghahakot ng mga “volantero”, tawag sa mga dumadayo sa tiyangge ng ibang bayan. Hindi ko sila nakitang humigop man lang ng kape bago umalis, dala ang malalaking sako ng ukay-ukay. Sumasabay sa kanila ang tatay namin sa pag-alis ng bahay upang mag-abang sa palengke ng mga kalakal na kanyang mahahakot bilang kargador, na naging trabaho niya nang malugi ang negosyo namin.

Dahil sa laki ng pamilya namin, kahit anong sipag ng aming magulang ay hirap kaming makaangat sa buhay. Ang unang bumigay ay ang aming tatay na dahil siguro sa sama ng loob ay natutong uminom na nagpadali sa kanyang buhay, kaya namatay sa sakit na kanser sa atay.
Sa kabila ng lahat hindi pa rin sumuko ang aming nanay na tumira sa bukid upang makasama sa mga kamag-anak na nagsasaka, kaya napasabak naman siya sa pagtanim ng palay, mais, at pag-ani na rin ng mga ito. Nagbukas din siya ng maliit na tindahan na ang mga paninda ay pinapautang niya at ang bayad ay mais o palay, hindi pera. Ganoon ka-diskarte ang aming nanay. Tuwing Sabado naman ay binibisita ko siya at dahil kapos sa pamasahe, sinasabayan ko ang ang pagsikat ng araw kung lakarin ko ang ilang kilometrong layo mula sa aming bayan, hanggang sa bukid na tinitirhan niya. Lakad din ang ginagawa ko kung ako ay uuwi na sa bayan, madaling araw pa lang ng Lunes upang maghanda sa pagpasok sa eskwela.

Noon ko napansin ang madalas na pagtali ng nanay namin ng malaking panyo sa kanyang sikmura. Akala ko ay normal lang yon tuwing umaga. May iniinda na pala siyang sakit na nagpapahirap sa kanya dahil sa kirot na naging sanhi pa ng kanyang pagsusuka kung minsan. Dahil sa kakapusan ng pera, sa arbularyo siya dinadala ng mga kapatid ko kung atakehin siya ng sakit.

Isang hapong umuwi ako mula sa eskwela, sinalubong ako ng kalaro kong kapitbahay namin na nagsabing kailangan ko raw magmadali upang “umabot pa ako”. Hindi ko siya naintindihan, subalit pagdating ko sa amin, nagulat ako dahil maraming tao, yon pala, kararating lang ng kapatid ko kasama ang bangkay ng aming nanay na natuluyan habang ginagamot ng arbularyo. Nasa kalagitnaan ako ng first year high school noon, at wala pang isang taon ang nakalipas nang mamatay ang aming tatay. Namatay ang nanay namin sa sakit na kanser sa matris.

Bilang paggunita sa Buwan ng mga Ina, itong payak na pag-alala lamang ang kaya kong magawa dahil hindi ko naman kayang ibalik ang kanyang buhay upang maski papaano sana ay maipatikim ko sa kanya bilang ganti, ang ginhawang bunga ng kanyang pagsisikap katuwang ang aming tatay.

Sa isang banda, ang panawagan ko naman sa mga mambabasa na may mga magulang pa, kahit tatay o nanay man lang…mahalin ninyo sila….dahil sila ang bukod-tanging kayamanan sa ating buhay na walang katumbas…o di man, ay buhay lamang natin ang katumbas. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayo sa mundong ito….

Prayer for ALL Mothers…

Happy Mothers’ Month/2015

Prayer for ALL Mothers…
By Apolinario Villalobos

Most Benevolent Creator of all things in the vastness of the universe
and controller of their destiny,
To you we pray…

For all the mothers that You brought forth on the face of the earth –
They that walk the ground, crawl and slither, swim in the ocean
and slice the air with their flight,
Grant that they be safe and healthy at all times
that they can give warmth and milk to their offspring,
Grant that they be well-concealed and distanced
from the sight and reach of predators,
Grant that they be spared
from hunger and thirst
that their offspring can suckle from them the juice of life
though trickles they may be
that they live on to gasp for breath;
For those whose offspring came out of brittle eggs,
Grant that their wings be strong
to protect their brood from the whipping wind,
from incessant patter of rain and scorching heat;
Grant that their mates fly home safe
with worms and morsels in their beak
for the helpless and fragile chicks in their nest;
We thank You Lord, for the life that you gave,
We thank, too, the mothers for their love
and warm care that they give
even in the face of death….

Amen!

Sa Pagsalpukan ng Iresponsableng Magulang at Suwail na Anak

Sa Pagsalpukan ng Iresponsableng Magulang
At Suwail na Anak….
Ni Apolinario Villalobos

Pangalawang beses na itong pagsabi ko na swertihan ang pagkakaroon ng mapagmahal at responsableng magulang, o anak na mabait at hindi makasarili, ibig sabihin ay uliran at hindi suwail. Hindi na kailangang magtaas ng kilay ang mga magulang at anak sa pagbasa ng titulo dahil talaga din namang hindi lahat ng magulang ay 100% na responsable, ganoon din ang mga anak na hindi lahat 100% ay uliran. Ang blog na ito ay tungkol sa Pilipinong pamilya lamang.

Batay sa kultura ng Pilipino ang mga magulang ay inaasahang mapagmahal at responsable upang maging matatag ang tahanan. Ang mga anak naman ay inaasahang maging huwaran sa pagsunod sa magulang, kaya dapat ay mabait at hindi makasarili.

Subali’t sa panahon ngayon, hindi na ito kadalasang nangyayari dahil sa dami ng impluwensiyang nasasagap ng pamilyang Pilipino. May nababasang balita tungkol sa magulang na nagbubugaw ng anak o nagsasalang dito sa sex video upang pagkitaan. May mga kuwento rin tungkol sa mga anak na sa murang gulang ay sumasagot sa magulang o di naman kaya ay nagmumura pa. May mga magulang na nagtatapon ng anak sa basurahan o nagpa-flush ng bago pa lamang panganak o fetus, sa inuduro. Meron ding mga anak na nang magkaroon ng sariling pamilya, ang sariling magulang ay hinayaan na lang na lumaboy sa kalye at mamulot ng basura upang mabuhay.

May mga responsableng magulang na kahit anong gawin upang mahubog sa kabutihan ang anak, talagang walang kinahihinatnan ang pagod dahil malakas ang pagkontra sa kanila. Kung lumaki na ang mga anak na suwail ay halos sipain pa sila ng mga ito palabas ng bahay. Sa ganitong sitwasyon, ang magulang na hindi nakakatiis ay nagiging kawawa kapag matanda na dahil hindi makakaasang aalagaan sila ng kanilang anak. May mga nakausap akong matatandang namumulot ng basura upang mabuhay dahil sa kamalasan nilang pagkaroon ng mga anak na suwail, kaya nagtitiis na lamang sila sa pagtira sa bangketa.

May mga anak din na uliran sa kabaitan, subali’t ang mga magulang naman ay iresponsable at gumon sa mga bisyo, kaya pati sila ay naipapahamak. Sa pamilyang ito nagkakaroon ng bugawan ng anak upang kumita ang magulang. Sa mga ganitong sitwasyon, kadalasan, ang mga anak na hindi makatiis ay naglalayas na lamang at nakikisasama sa ibang bata na may kahalintulad na kuwento ng buhay. Sila ang mga nagugumon sa pagsinghot ng rugby, at kalaunan ay natututong magbenta ng sarili o magnakaw upang mabuhay.

Ang matinding sitwasyon ay kung parehong may mga kasalanan ang mga magulang at anak tulad ng nakita ko sa isang pamilya sa isang barangay na madalas kong pasyalan. Ang mga anak ay puro batugan. Paggising, ay cellphone agad ang inaatupag. Nagsilakihan silang ni hindi nakahawak ng walis nang may kusa, dahil kailangang utusan pa ng magulang, at sumunod man ay animo nilamukos ang mukha dahil sa pagsimangot. Ang mga magulang naman ay masosyal at ayaw patalo sa mga kapitbahay pagdating sa mga kagamitan, dahil ayaw paawat sa pagbili ng mga gamit, kahit hindi kailangan. Dahil sa pagsalpukan ng hindi kagandahang ugali ng pamilya, umaga pa lang ay nabubulahaw na ang malalapit na kapitbahay dahil sa kanilang pagsasagutan.

Ang basag na relasyon ng magulang at anak ang isa sa mga dahilan kung bakit ang lipunan ay tuluy-tuloy sa pagbulusok, habang nawawalan ng kabuluhan. Hindi lahat ng Pilipino ay may iisang pananaw at panuntunan sa buhay. Ang iba, kahit walang laman ang tiyan ay okey na, makapagsamba man lang. Subalit may iba ring dahil sa gutom ay nawawala sa sarili kaya hindi lang pamilya ang nabubulyawan, kundi pati na ang Diyos ay pinagdududahan na rin. Idagdag pa dito ang mga impluwensiya ng teknologhiya at ibang kultura, at lalo na ang kapabayaan ng pamahalaan, kaya kung wawariin ay halos wala nang masusulingan ang Pilipino.

Sa puntong ito dapat ipasok ang pakikialam sa ating kapwa nang may kabuluhan. Ang pakikialam ay hindi lamang pagpayo kung ano ang tama, kundi ang pagpapakita sa pamamagitan ng kinikilos natin na maaaring tularan. Ang isa pa ay ang pakikialam sa pamamagitan ng tulong na abot-kaya. Huwag nang hangaring makatulong ng malaki kung ang kaya ay para sa isa, dalawa o tatlo lang…dahil kabawasan din sila kahit papaano, sa hanay ng mga nangangailangan.

Angelica…for Gelic Secades

Angelica

(for Gelic Secades)

By Apolinario Villalobos

I can never get tired of writing stories of struggling people as I know that by doing so, they can inspire others. One of these is the story of Angelica or Gelic to friends and family. Growing up in a home that lacks even a thin swab of luxury, she did not experience a pampering love which her playmates experienced from their parents. But for her, to have loving parents and a younger sibling to play with was more than enough.

She had her dreams of working abroad but financial difficulties denied her such opportunity. After her unsuccessful marriage got shattered, she decided to bring her son up without help from her estranged husband. Just like other single moms, she did her best by making do with available jobs until she finally found one that fit her qualifications as a nurse. Fortunately, her son grew up with a responsible mind coupled with determined effort to be serious with his studies. Her son understood that her salary is barely enough to make both ends meet, so to speak. He therefore, endeavoured to study hard to earn credits for tuition discounts.

A lot of sacrifice was done by both the mother and son by scrimping on expenses for the unnecessary “luxuries” – things that a growing child needs. The best time for bonding for them was on weekends when Gelic’s son has no classes, and he would spend the whole day at her workplace, poring over textbooks and work on his assignments. From the office, the two would kill time by window shopping in a nearby mall followed by a shared cheap snack.

No words were uttered by Gelic to her son when she made a resolution that all her life, she will work for his sake. No word was also mumbled by her son as a promise that he will do his best to excel in his studies. Actions were enough for them to understand each other’s purpose. No conditions were asked by them from each other, in exchange for the unspoken promises. For more than ten years, this kind of unconditional love between mother and son went on. Gelic sacrificed her own love life by not entertaining suitors. Her son likewise did not squander precious time in the company of buddies, but instead, preferred to stay home to study.

Through high school, Gelic’s son did not complain when he was made to bring cooked food to school instead of pocket money for recess and lunch breaks. He rarely got hold of cold cash. Birthdays are celebrated with a home-cooked extra viand and Christmas present is limited to the most minimally-priced item from bargain counters. Their way of life is characterized by scrimping to the maximum to be able to survive decently.

Gelic’s son will be graduating from college in a year’s time. Looking ahead to the sweet fulfilment of her dream, she could only profusely thank the Lord that the constant guidance she always pray for, has been lighting their way as they struggled on. Gelic did not waver in showing her faith despite the emotionally devastating challenges that almost shattered her life. She has survived with her son, proving that strong faith can indeed, save us from utter misery.