Ang Lumang Kuwento ni Franklin Bucayu…malabong bumenta

Ang Lumang Kuwento ni Franklin Bucayu
…malabong bumenta
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagkukuwento ni Franklin Bucayu, ang Direktor ng Bureau of Corrections, tungkol sa mga kapalpakan at kahihiyang tinatamasa ng Bureau ay itinuturo niya ang kanyang sarili. Nakikita sa ginagawi niya ang ugali ng mga taga-gobyernong retirado at binigyan ng bagong trabaho. Sanay na kasi sila sa paghugas ng kamay at magturo ng iba kung may mga bulilyaso. Dapat mabuksan na ang mga mata ng mga kinauukulang may kinalaman sa ganitong klaseng pagtatalaga.

Matagal na palang alam ni Bucayu ang mga kapalpakan ng Bureau ay kung bakit hindi siya nagsumite ng mga rekomendasyon. Ngayong nagkakaputukan ang mga bulilyaso ay saka siya nagsalita tungkol sa mga naobserbahan niya noon pa daw at itinuturo ang gobyerno sa pagsabing “institutional” ang mga diperensiya ng Bureau. Sino ba ang namumuno nitong palpak na institution, di ba siya?…eh, di siya ang may kasalanan! Ni isang kapirasong papel na kinasusulatan ng kanyang rekomendasyon ay wala siyang maipakita…puro siya dakdak! Ibig sabihin, wala talaga siyang ginawa!

Bistadong hindi siya lumalabas sa kanyang opisina upang mag-inspeksiyon at tinatanggap na lamang kung anong report ng mga nasa ibaba niya ang isusumite sa kanya. Hindi man lang siya nag-effort upang i-verify kung totoo ang mga report. Ngayong may mga bulilyaso, puro siya turo sa mga subordinates niya. Malakas pa ang loob sa pagsabi na lingid sa kanyang kaalaman ang mga nangyayari, bagay na pag-amin niya na wala siyang silbi bilang pinuno ng Bureau of Corrections!

Tumigil na siya sa pagpa-interbyu dahil alam na din naman ng mga Pilipino na naghuhugas lamang siya ng kamay. Dapat mag-resign na lamang siya upang maski papaano ay hindi na madagdagan pa ang kahihiyang lumalagapak sa kanyang mukha!

Walang Patawad and Curruption sa Pilipinas…pati sa kulungan ay talamak

Walang Patawad ang Corruption sa Pilipinas
…pati sa kulungan ay talamak!
Ni Apolinario Villalobos

Sa Pilipinas lang nangyayari na ang corruption ay talamak din mismong sa loob ng bilangguan at sa pambansang piitan pa! Talagang masama magkaroon ng halimbawa, na parang wala lang kung ipamayagpag. Dahil mismong mga nakakataas na hantarang bistado na ay nakikipaglaban pa sa kanilang pagka-inosente, naisipan na rin ng mga nasa mababang hanay na gumaya!

Ang mismong Presidente ng Pilipinas ay may bahid na ng corruption batay na rin sa mga sinasabi ng Supreme Court, at damay din ang ilan niyang kalihim. Sinundan ng mga senador na bawa’t isa ay may dapat ipaliwanag na kwestiyonableng transaksyon gamit ang kani-kanilang pork barrel fund. Sumunod ay ang mga nasa Kongreso na nilahat na rin dahil pa rin sa pork barrel. Sa ilalim nila, ay may mga lokal na opisyal na hindi nagpatalo sa pangurakot, pati na ang maliliit na mga kagawaran.

Kaya pati ang hindi inaasahang pambansang piitan ay binubulok na rin ng corruption! Ang institusyong ito ang dapat magpapatino sa mga nagkasala sa lipunan subalit mismong sa loob nito ay may nangyayari palang katiwalian! Nang magsalita ang mga dating opisyal ng Bureau of Corrections ay nalamang matagal na raw palang nangyayari ang corruption sa piitan kaya gumawa sila noon ng mga hakbang at nagbigay ng mga suhestiyon, subalit kahit kapiranggot na suporta ay wala silang nakuha sa mga nakatataas sa kanila. Nagkatanggalan na lang ng mga namumuno dito ay wala pa ring nangyari na umabot pa sa puntong pati drug laboratory daw ay meron na rin ang pambansang piitan. Lumakas kasi ang loob ng mga sangkot na bilanggo, kaya tuloy lang ang ligaya para sa kanila!

Kung may raid mang ginawa kaya nabisto ang mga hi-tech at maluluhong tirahan ng mga bigtime drug lords sa maximum security compound, hanggang kaylan mapapanatili ang ganitong pagmamanman upang tuluyang maayos ang mga kalakaran? Baka ningas-kugon na naman!

The Philippine Justice System, Lawyers, and General State of Rehabilitationn Facilities

The Philippine Justice System, Lawyers

and General State of Rehabilitation Facilities

Ni Apolinario Villalobos

A crucial change in the life of a man may be caused by being at the right place at the right time or by having guts to face odds rejected by others. For the lawyer in particular, these are what he needs to prosper with his profession. Too much risk is involved with the thought, “now or never”, that serves as the force that pushes the desirous lawyer towards his ambition to be recognized.

“Sensation” is the keyword for the success of a lawyer. This is the reason why, a lawyer always aspires to handle a case that hugs the limelight, never mind if it seems a losing one due to glaring evidences against the client. The more controversial the case is, the better for the lawyer, because he will benefit from the attention that his client will get.

As dictated by the law books, no person is guilty unless proven beyond doubt. This is the reason why the eyes of the Lady Justice are covered because before the court, both victim and the aggressor are equal, and each side should present convincing evidences to win the case. Woe then, to the innocent client who can only afford an inexperienced lawyer with limited references. On the other hand, the obviously guilty party easily avoids conviction with the help of well-paid “expert” and “seasoned” lawyers.

Philippine prisons are filled to the rafters with erroneously convicted victims of injustice due to their inability to get the right lawyer to defend them, and worse, inability to get one due to their poverty. Despite this glaring defect in the justice system of the Philippines that contributes to the bursting of rehabilitation facilities, the national government remained inept…reacting only when scandals erupt, such as the affluent lifestyle of convicts at the maximum security section of the National Bilibid Prison (NBP) in Muntinlupa which has become an embarrassing national issue.

The rest of rehabilitation facilities, except for penal farms, are in the same situation. Practically all of them suffer from want of decent sanitation facilities. Inmates take turns in sleeping on the floor, while the rest remain on their feet for the rest of the night. Diseases add to the miseries of the inmates, with some, not yet convicted. And the food rations are far from decent.

Rich inmates buy their comfort by bribing corrupt jail guards and officers. Drug trafficking is still operated by drug lords from the maximum security section of the national penitentiary, and prostitution proliferates with the blessing of the paid jail guards. It is only in the Philippines where one can find detention cells inside maximum security section yet, of the national penitentiary, furnished akin to a richy home, complete with spa, jacuzzi, home theater, and aircon units.

When Kabungsuan Makilala, a jail guard of the Bureau of Correction, exposed the anomalies inside the national penitentiary, nothing came out of information extracted from him. A minor change in guards was implemented to show that something is being done. Afterwards there was a deafening lull within the Department of Justice.

It was only when a committee of Congress charged with the programs for the country’s rehabilitation facilities exposed their shock on the state of the national penitentiary, did the Department of Justice (DOJ) again made noise, most especially, because the modernization budget of the facilities is at stake. When the Senate stepped into the picture, the DOJ showed its most convincing move by launching “surprise” inspections, but without de Lima having made threats against the NBP officials on TV, thereby, broadcasting their moves!

Finally, despite the scandalous discoveries made lately, the DOJ statements as regards its plans to rid the country’s rehabilitation facilities of corrupt officials and lower ranking employees are still wanting of sting. With the budget for the modernization of the country’s rehabilitation facilities already in the bag, one can’t help but expect many pockets to bulge.

NAKAKAHIYA!…Dahil sa Kapalpakann ng Bureau of Corrections, pinagtatawanan ng Buong Mundo ang Pilipinas

NAKAKAHIYA!…

Dahil sa Kapalpakan ng Bureau of Corrections

Pinagtatawanan ng Buong Mundo ang Pilipinas!

Ni Apolinario Villalobos

Pinapalala lamang ng kasalukuyang Director ng Bureau of Corrections na si Franklin Bucayo ang palpak na katayuan ng nasabing kagawaran habang nagbibigay siya ng pahayag sa mga interview. Sa unang interview pa lamang sa kanya noon bilang reaksyon niya sa nadiskubre ng nag-inspeksiyon na mga senador ay puro pambobola na ang kanyang mga sinabi dahil siguro inaakala niyang bobo ang mga sumusubayby sa issue.

Sa pinakahuli niyang interview pagkatapos ng operation ng DOJ at PDEA sa National Bilibid Prison (15 December), ay “inaako” niya ang pangunguna sa nasabing operation, ganoong ito ay sa initiative ng DOJ. Kaya nga pumasok sa eksena ang DOJ at humingi na ng tulong sa PDEA ay dahil walang nagawa si Bucayo sa kabila ng kung ilang buwang palugit na ibinigay sa kanya. Wala nang ginawa si Bucayo ay nang-agaw pa ng credit!

Sa bibig ni Bucayo mismo ay lumabas ang impormasyon na nag-iinspeksiyon lamang siya kung may mga kaguluhang nangyayari. Ang isa pang dahilan kaya hindi niya regular na nai-inspection ang maximum security compound ay dahil sa lawak ng kulungan, at maraming pasikut-sikot kaya nakaliligaw. Wala siyang dahilan na hindi pag-ukulan ang pag-iinspeksyun dahil sa loob din naman siya ng compound nag-oopisina. Dahil sa mga sinabi niya, parang siyang isda na nahuli o nabingwit dahil sa bibig niya. Dahil sa pagmamagaling niya, hindi niya naisip na ipinagkanulo niya ang kapalpakan ng kanyang pamumuno!

Nakakatawa pa ang pagrerekomenda niya ng mga patakaran, ganoong ang mga ito ay siya niyang mga dapat ginawa o ginagawa bilang hepe ng kagawaran! Gusto niyang palabasin na may laman din pala ang isip niya subalit mali naman ang diskarte niya. Baka kaya siya nagrerekomenda ay gusto niyang si de Lima ang magpatupad ng mga ito!

Marami na siyang dapat ginawa mula pa noong unang araw pa lamang ng kanyang pagkatalaga na ang dahilan ay mismanagement din ng pinalitan niya. Dapat noon pa man ay gumawa na siya ng mga hakbang batay sa mga problemang pinaputok noon ni Kabungsuwan Makilala, subalit nagsayang siya ng panahon mula noong unang araw na pag-upo niya hanggang ngayon. Kung talagang may laman ang mga sinasabi niya sa mga interview, dapat nagpakita siya ng mga plano niya o mga rekomendasyon na nakasulat – in black and white, sa mga reporter! Hindi yong salita siya ng salita ng harap pa mismo ng kamera kaya nagmumukha siyang katawa-tawa. Kung naka-black and white ang mga sinasabi, hindi masasabi ng mga tao na wala siyang ginawa, sa halip ay susuportahan pa siya dahil hindi pinansin ang kanyang mga isinumite kung kanino man…subalit talagang hanggang salita lang siya. At, lalo sanang hindi siya masisisi ngayon.

Maaalala na noong pumutok naman ang isyu tungkol sa paglabas-labas ni Leviste sa kanyang kulungan ay pumunta pa si Miriam Santiago sa NBP at ang unang hinanap ay ang “operating manual” subalit wala silang nailabas na updated. Ibig sabihin hanggang ngayon ang mga security measures nila ay outdated! At sila ay nag-ooperate lamang sa mga paisa-isang memo na iniisyu kung kinakailangan. Dapat ang puntong yon ang pinagtuunan ng pansin ng bagong Director dahil ang mga patakaran ang siyang gagabay sa kanya sa pagpapatakbo ng national penitentiary.

Ang planong modernisasyon ng NBP ay noon pa pinag-uusapan, maraming taon na ang nakalilipas at may napirmahan na ngang batas para dito at anumang oras ay maglalabas na ng budget, kaya hindi dapat akuin na naman ni Bucayo. Kasama sa modenisasyon ang pagtataas ng sweldo ng mga kawani at pagpatayo ng mas malaking national penitentiary. Ang mga ito ang binabanggit ni Bucayo na “sana” daw ay mangyari. Ang hirap sa kanya, papasok sa isyung ito na tapos na, at wala pa siyang kinalaman. Kaya ang mga inaasta niya ay malinaw na nagpapakita ng kawalan niya ng kaalaman sa pagpapatakbo ng isang kagawaran. At dapat lang na LAHAT mga kasalukuyang kawani lalo na ang mga namumuno ay hindi makinabang sa mga benepisyo na ibibigay ng bagong batas para sa modenisasyon ng NBP.

Ang dapat kay Bucayo ay patawan ng kasong administratibo dahil sa kapabayaan, batay sa prinsipyo ng “command responsibility”. Isa si Bucayo sa mga patunay na hindi lahat ng mga retired general ay maaasahan sa pagpapatakbo ng mga ahensiya na nangangailangan ng bruskong namumuno….dapat ay may talino rin. Ang lahat ng mga nakatalaga sa NBP ay dapat tanggalin at suspindihen habang may imbistigasyong ginagawa. Maaari silang palitan pansamantala ng mga military police upang mawala ang “familiarity” sa mga nakakulong.

Dahil sa mga nakakahiyang anomalya na kinasasangkutan ng Bureau of Corrections, napatunayan na hindi epektibo ang mga retiradong opisyal ng military o police sa pagpapatakbo nito. Ang mga detinado sa NBP ay mga taong napariwara ang buhay, nagkasala sa lipunan, hindi nakipag-away sa giyera. Kaya sila ipinasok sa kulungan ay upang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang magbago at sa paglabas nila ay maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa.

 

Ang kailangang mamumuno sa Bureau of Corrections ay may alam sa “office management” upang makagawa ng mga alituntuning maayos at pang-sibilyan, at lalong dapat ay may alam din sa sikolohiya o psychology. Ang mga kulungan ay hindi military camps kaya dapat itigil na ng mga presidente ng Pilipinas ang pagtalaga ng mga retired generals ng military o police para sa pamunuan nito. Dapat ang mga italagang mamumuno ay mga taong nakakaunawa sa mga taong ang takbo ng isip ay dapat maibalik sa katinuan upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan.

 

Dapat ituring na leksiyon ang anomalya sa national penitentiary at ang parusa sa mga nagkamali ay dapat mabigat upang maging babala sa ibang mga empleyado ng gobyerno na korap at pabaya sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin!

Ang Mga Kahihiyang ng National Bilibid Prison at Cebu City Jail

Ang Mga Kahihiyan ng National Bilibid Prison

At Cebu City Jail

Ni Apolinario Villalobos

Hindi maiwasang mainis ng mga sumusubaybay sa eskandalong nangyayari sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, na nadagdagan pa ng kahalintulad na eskandalo na inabot naman ng Cebu City Jail. Hindi nahiyang magsabi ang NBP Superintendent na si Roberto Rabo sa harap ng kamera na hindi niya alam ang nangyayari sa loob ng NBP, ganoong ang mga tirahan ng mga drug lords na nakakulong ay nandoon lang, hindi naman nakatago, kaya walang dahilan upang hindi niya makita. Malas lang niya dahil pumutok sa media kaya nabunyag din ang kanyang kapabayaan.

Ipinakita sa TV ang mga hi-tech na gamit sa loob ng tirahan ng mga drug lords na hindi aakalaing mga “selda” pala sa loob ng national penitentiary. May nasamsam ding kilo-kilong shabu, pera, mga cellphone at baril sa mga selda. Subalit sa kabila ng nakakahiyang pagbubunyag, nagpakita pa si Rabo ng pagkagulat! Aba, eh di, natapalan pala ang kanyang mga mata! At, para na rin niyang sinabi na hindi siya lumalabas sa opisina niya upang mag-inspeksiyon kung minsan man lang, o di kaya ay wala man lang siyang ginawa sa kabila ng pagsabog ng eskandalo pagkatapos mag-inspeksiyon ang mga senador ilang buwan na ang nakaraan. Dapat siyang mag-resign dahil sa hantarang kapabayaan.

Hindi dapat mag-atubili ang Department of Justice sa pagtanggal agad ng mga taong hayagang sangkot sa anomalya, mula sa pinakamababang empleyado hanggang sa pinakamataas. Halatang ang umiiral na kalakaran sa NBP ay “palakasan” at “lagayan”. Kailangang magkatanggalan kahit na magsagawa pa sila ng isang mas malalim na imbestigasyon.

Tulad ng rekomendasyon noon ni Senadora Grace Poe, dapat LAHAT ng empleyado ay suspindihin at palitan ng bago. Ang mapapatunayang walang sala ay ilipat sa ibang detention facilities ng Bureau of Correction sa ibang panig ng bansa, at ang mga mapatunayan namang nagkasala ay dapat na tuluyang tanggalin, lalo na ang Director o Superintendent. Dapat magkaroon ng leksiyon dahil sa kapalpakan sa pamamalakad ng mga kulungan sa bansa upang maipakita na may pangil ang mga batas na pinaiiral.

Kung ano ang gagawin sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa ay dapat gawin din sa Cebu City Jail. Ito na ang pagkakataon ni de Lima na magpakitang gilas sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin bilang kalihim ng Hustisya upang makabawi sa mga kahihiyang inaabot ng kanyang kagawaran.