Ang Laptop Kong Bungi…ka-partner ko sa pagbatikos at pagpuri

Ang Laptop Kong Bungi

…ka-partner ko sa pagbatikos at pagpuri

Ni Apolinario Villalobos

 

Wala siyang teklado para sa letrang “M” subalit subok ang tibay dahil kahit bahayan ng langgam ang mga kalamnan ay hindi sumusurender maski pa maghapong gamitin. Ilang taon din siyang nagtiis sa pagtipa ko sa teklado ng kanyang mga letra at simbolo, yon nga lang, pagdating sa bunging bahagi para sa letrang “M” ay kailangang maingat ang aking pagpindot. Malaki ang utang na loob ko sa laptop na ito dahil lahat ng mga saloobin ko ay kinakaya niyang ipunin…i-absorb, kaya siguro kung mayroon lang siyang bituka baka palagi siyang nagsusuka, o di kaya kung may puso, ay matagal na siyang na-heart attack. Kahit halos mamuwalan na siya sa mga pinapakain kong nakakasuka at nakaka-heart attack na mga isyu, ay hindi siya nanghihina man lang.

 

Ang problema lang ay ang colonial niyang mentality dahil may mga salitang Pilipino na pinagpipilitan niyang baybayin sa Ingles kaya kailangan kong basahin nang paulit-ulit ang mga naisulat niya upang ang “namin” ay hindi maging “naming”, o di kaya ang “hindi maging” ay hindi maging “hind imaging”, ang “letra” ay hindi maging “letre”, at marami pang ibang salitang Pilipino na tinatarantado niya….sutil kasi.

 

Minsan ko na rin siyang nadunggol dahil sa sobrang antok nang bumagsak ang noo ko sa kanya, subalit hindi siya nagreklamo kahit sa pamamagitan ng pag-kuryente man lang sa akin. Nalaman kong nasaktan ko siya nang maramdaman ko sa aking pisngi ang kanyang pag-overheat makalipas ang dalawang oras ng pagkakatulog. Literally, I slept on my laptop! Siguro kung nakakatawa lang ang butiki ay hinalakhakan na ako dahil sa hindi kalayuan ay may nakita akong dalawa na halos hindi gumagalaw dahil siguro nagulat, pero nagpulasan nang tiningnan ko sila ng masama.

 

Hindi mitsa ng buhay ko ang aking mahal na laptop dahil old-fashion siya, luma na kasi, kaya kahit bitbitin ko siyang hubad, ibig sabihin ay hindi nakalagay sa bag, walang magkaka-interes. Parang babae rin na dahil naitatago ng pagka-old fashion ang kanyang ganda, siya ay malayo sa posibilidad na magahasa! Kaya ang mga babae ay hindi dapat magpakita ng motibo o pag-anyaya upang magahasa…magpaka-simple o magpaka-old fashion din kahit minsan….maliban na lang ang mga desperada!

 

Para ring tao ang aking laptop na nag-undergo ng operasyon at pagtapal dahil marami na rin siyang diperensiya maliban sa pagkabungi. Ang dating ayaw pumermanenteng pagtayo ng screen kaya nilalagyan ko pa ng suporta sa likod, ay naremedyuhan ng isang doktor ng mga laptop – may ginalaw sa kasu-kasuan o joints nito kaya nakakatayo na ngayon nang tiyeso. Ang dating sugat sa gilid dahil nabasag ay natapalan na rin ng karton kaya ngayon ay buo na siya – good as new!

 

Ang kuwento ng laptop ko ay maihahalintulad din sa kuwento ng alagang hayop na pinagkakautangan dapat ng loob ng nag-aalaga dahil sa dulot nilang therapeutic relief, o di kaya ay iba pang bagay na napakinabangan para sa araw-araw na pamumuhay. May utang na loob tayo sa kanila. Hindi sila dapat binabale-wala nang basta-basta pagkatapos pagsawaan o kapag nagkaroon ng bago, lalo na ngayong pasko.

 

Hindi din dapat ganyan ang mag-asawa na pagkalipas ng maraming taon ay basta na lang makaramdam ng pagkasawa sa isa’t isa, kaya nagkakanya-kanya na sa pagrampa upang maghanap ng ibang mapagparausan. O di kaya ay ibang mga anak na pagkatapos iluwal ng ina at palakihin ng ama ay walang pakundangan kung sila ay balewalain o ikahiya sa ibang tao dahil walang pinag-aralan o di kaya ay hindi maganda o guwapo tulad ng mga magulang ng mga kaibigan nila, o di kaya ay amoy pawis dahil sa pagtinda sa palengke, hindi tulad ng magulang ng classmate nila na nagtatrabaho sa aircon na opisina.

 

Pairalin natin ang utang na loob. Magbago tayo….bilang pasalubong sa bagong taong 2016!

laptop kong bungi

 

 

 

Baclaran Creek: Ugly Stain on the Philippines’ Tourism Image

Baclaran Creek: Ugly Stain on the Philippines’

Tourism Image

by Apolinario Villalobos

 

Nothing can be one hundred percent clean, sanitized, germ-free, well-kept, etc., to show a pleasant image. But in exerting an effort for such end-result, consistency should be exercised, as failure to do so could be tantamount to being negligent.

 

Among the ugliest manifestation of the Philippine government’s negligence and inconsistency is the creek at Baclaran which is fringing the northern edge of the purported “business-tourism showcase” of Metro Manila – the cornucopia of condominium buildings, malls, office buildings and the supposedly biggest casino in Asia. Practically, the creek that serves as the catch basin-cum-open drainage of Pasay and Paraἧaque that flows out to the Manila Bay, shows it all. How can the Department of Tourism proudly declare that Manila is a clean city with the obnoxious filth floating on the stagnant creek in all its obnoxious glory greeting the arriving tourists from the airport on their way to their hotels along Roxas Boulevard? Is this progress as what the Philippine president always mumbles? How can such a short strip of open drainage not be cleaned on a daily basis, just like what street sweepers do to the entire extent of the Roxas Boulevard?

 

It has been observed that every time a government agency’s attention is called for not doing its job well, it cries out such old lines, as “lack of budget” and “lack of personnel”. But why can’t they include such requirements every time they submit their proposed budget? In the meantime, as regards the issue on the maintenance of the city waterways, national and local agencies throw blames at each other, trying to outdo each other in keeping their hands clean of irresponsibility and negligence!

 

During the APEC conference which caused the “temporary” bankruptcy of commercial establishments in Pasay and Paraἧaque, as well as, local airlines and lowly vendors by the millions of pesos, the creek was almost “immaculately” clean with all the floating scum scooped up and thrown somewhere else. But as soon as the delegates have left, the poor creek is back to its old self again – gagged with the city denizens’ filth and refuse.

 

Viewing the Baclaran creek is like viewing the rest of the waterways around Metro Manila, including Pasig River, as they are all equally the same filthy picture of neglect, irresponsibility and inconsistency of government concern! One should see the nearby creek at Pasay where the Pumping Station is located, with an “island” that practically developed out of silt, garbage and clumps of water lily! Some days, the short length of artificial creek is skimmed with filth to make it look clean, but most days, it is neglected.

 

In view of all the above-mentioned, why can’t the national and local government agencies concerned co-operate and do the following?

 

  • REQUIRE the daily cleaning of the creek by assigning permanent “brigades”, just like what they do for the streets. If there are “street sweepers”, why can’t there be “creek scoopers” and “dredgers”?

 

  • REQUIRE the vendors with stalls along or near the creeks to maintain the cleanliness of their respective periphery so that they are obliged to call the attention of irresponsible pedestrians who do not show concern. Each stall must be required to have a garbage bag or bin, as well as, broom and dust pan. Their negligence in carrying out such obligation should be made as a basis in revoking their hawker’s permit.

 

  • REQUIRE government employees with sanitation responsibilities TO GO OUT OF THEIR OFFICES AND DO THEIR JOB, and not just make reports to the City Administrators based on what street sweepers tell them.

 

  • DREDGE the creek regularly on a yearly basis, not only when flooding occurs during the rainy season, which is a very repugnant reactionary show of concern on the part of the government. The yearly dredging of the waterways would eventually “deepen” them to accommodate more surface water during the rainy season, and even bring their bed back to their former level.

 

The costly effort of the national government in putting on a pleasant “face” for Manila every time there is an international event, as what happened during the APEC conference, may elicit sympathy and grudgingly executed cooperation, but there should be consistency in it….otherwise, it would just be like sweeping the house, only when visitors are expected, or worse, sweeping the dirt to a corner to hide them.

 

Cooperation between the government authorities and the citizens is necessary. However, as there is a clear indication that the concerned citizens, such as vendors and pedestrians, lack discipline, the government should take necessary steps in imposing measures to ensure their cooperation, albeit by coercion, so that whatever sanitation projects may have been initiated can be consistently maintained, for the benefit of all.

 

If littering on the ground can be prohibited with appropriate penalty, why can’t the same be done for the sake of the waterways? If ever local government units have passed such measures why can’t they be imposed authoritatively and consistently?

 

photo0029photo0027photo0026

Ang Mga Brodkaster sa Radyo

Ang mga Brodkaster sa Radyo
Ni Apolinario Villalobos

Kung minsan, hindi malaman kung seryoso ang ilang brodkaster sa radyo kapag tumalakay sila ng mga maseselang usapin. Kung hindi kasi nasusundan ng halakhak ay hagikhik ang kabuntot ng kanilang mga sinasabi. Hindi ko lang alam kung live ang mga hagikhik at mga halakhakan. Nakakadismaya ang ginagawa nilang ito dahil iisipin ng mga nakikinig na walang katotohanan ang kanilang sinasabi o biro lang. Kung broadcasting style man nila ang mga iyon… hindi maganda ang dating sa mga nakikinig.

Yong isang narinig ko, sa simula ng talakayan, akala ko ay ramdam na ramdam niya ang mga sinasabi laban sa mga Binay, subalit biglang narinig ang hagikhik pagkatapos niyang magsalita. Yong isa naman, akala mo ay pastor sa pagdiin ng mga sinasabi, subalit biglang may maririnig na halakhakan pagkatapos, ganoong ang pinag-uusapan ay tungkol naman sa isyu ng West Philippine Sea. Kung recording man ang hagikhik at halakhakan na pang-background lang, hindi maganda ang epekto. Mas maganda nga sana kung wala nang background kung nag-eeditorialize na sila para maliwanag na maunawaan ang kanilang mga sinasabi. Ang habol kasi ng mga nakikinig ay ang laman ng kanilang mga tinatalakay, hindi ang music o kung anumang background.

Sa mga programa namang may pagka-public service, kung magsalita na ang humihingi ng tulong lalo na sa paghanap ng mga nawawalang mahal sa buhay, nagpapa-background pa ng music na malungkot. Gusto yata ng anchor ng programa na umiyak ang mga nakikinig! Bakit kailangan pang may umiyak kung tutulong lang din naman sila? Para bang kung walang iyakan ay walang epek ang programa nila. Napaka-cheap na style!

Yong isang brodkaster pang isa, napakatapang sa pag-atake sa isang dating mayor na iniimbistigahan, subalit nang makausap na nito “on air” ang abogado ng nasabing mayor, biglang natamimi! May mga magkatandem pa na hindi nahihiyang magparinig sa mga binabanggit nilang mga tao at food establishments na hindi daw nila tatanggihan kung ano mang meryenda ang ipapadala. May mga humihingi pa ng pasalubong sa mga binabanggit pa rin nilang tutungo sa ibang bansa. Ang iba pang hinihingi “on air” ay mga libreng tiket sa concert, lalo na noong may mga laban si Pacquiao. Nawalan tuloy ng “sophistication” ang trabaho ng brodkaster dahil sa ginagawa nila.

Ang mas lalong nakakahiya ay ang naririnig “on air” na side comments nilang maaanghang tungkol sa mga mismong kasama nila. Sa ginagawa nilang ito, para bang ginagamit nilang panakot ang pagsasalita nila sa radyo dahil naririnig sila sa buong bansa o mundo, kaya hindi sila pwedeng salingin ninuman.

Ang pagiging brodkaster ay isang biyaya, dahil dekada kung minsan ang binubuno upang makapagsalita lang sa mikropono o maghatid ng balita mula sa kung saang lupalop. Dapat itong gamitin upang makatulong, hindi upang makapang-abuso ng kapwa. At dahil itinuturing silang instrumento sa pagpapalaganap ng mga impormasyon, dapat hindi nila pinaglalaruan ang mga tagapakinig, na ibig sabihin, kung seryoso ang tinatalakay, dapat seryoso rin ang kanilang paraan sa pagpapaabot ng mensahe, walang halong halakhak o biro.