Ang Dalawang Uri ng Problema

Ang Dalawang Uri ng Problema

Ni Apolinario Villalobos

 

Problema ng iba’y kung anong ihahalo

Sa isang kilong karne

Samantalang ang iba…hapon na subalit

Hindi man lang nakainom ng kape.

 

Problema ng iba’y kung saan kakain

Sa Jollibee ba o MacDo

Samantalang ang iba…hanggang tanghod

ang magagawa’t laway ay tumutulo.

 

Problema ng iba’y ‘di bago ang celfon

Nahihiya sa mga kaibigan

Samantalang ang iba…isang pares na tsinelas

Ay naituturing nang isang karangyaan.

 

Problema ng iba’y saan magbabakasyon

Sa Hongkong ba o Amerika

Samantalang ang iba…malaking problema na

Ang baon at pamasahe patungo sa opisina.

 

Problema ng iba’y luma na raw ang kotse

Dapat palitan, at nakakahiya

Samantalang ang iba…wala man lang sapatos

Na magagamit sa pagpasok sa eskwela.

 

Problema ng iba’y wala daw laptop o tablet

Kailangan daw sa school nila

Nguni’t ang iba …ballpen man lang at papel

Pati notebook ay punit, ni textbook ay wala.

 

Bakit hindi muna tumingin ang iba sa paligid –

Silang nagsasabing kapos daw sa pera?

Bulag ba sila o manhid…walang pakiramdam?

O talagang sagad sa buto ang pagkaganid nila!

Ang Laptop Kong Bungi…ka-partner ko sa pagbatikos at pagpuri

Ang Laptop Kong Bungi

…ka-partner ko sa pagbatikos at pagpuri

Ni Apolinario Villalobos

 

Wala siyang teklado para sa letrang “M” subalit subok ang tibay dahil kahit bahayan ng langgam ang mga kalamnan ay hindi sumusurender maski pa maghapong gamitin. Ilang taon din siyang nagtiis sa pagtipa ko sa teklado ng kanyang mga letra at simbolo, yon nga lang, pagdating sa bunging bahagi para sa letrang “M” ay kailangang maingat ang aking pagpindot. Malaki ang utang na loob ko sa laptop na ito dahil lahat ng mga saloobin ko ay kinakaya niyang ipunin…i-absorb, kaya siguro kung mayroon lang siyang bituka baka palagi siyang nagsusuka, o di kaya kung may puso, ay matagal na siyang na-heart attack. Kahit halos mamuwalan na siya sa mga pinapakain kong nakakasuka at nakaka-heart attack na mga isyu, ay hindi siya nanghihina man lang.

 

Ang problema lang ay ang colonial niyang mentality dahil may mga salitang Pilipino na pinagpipilitan niyang baybayin sa Ingles kaya kailangan kong basahin nang paulit-ulit ang mga naisulat niya upang ang “namin” ay hindi maging “naming”, o di kaya ang “hindi maging” ay hindi maging “hind imaging”, ang “letra” ay hindi maging “letre”, at marami pang ibang salitang Pilipino na tinatarantado niya….sutil kasi.

 

Minsan ko na rin siyang nadunggol dahil sa sobrang antok nang bumagsak ang noo ko sa kanya, subalit hindi siya nagreklamo kahit sa pamamagitan ng pag-kuryente man lang sa akin. Nalaman kong nasaktan ko siya nang maramdaman ko sa aking pisngi ang kanyang pag-overheat makalipas ang dalawang oras ng pagkakatulog. Literally, I slept on my laptop! Siguro kung nakakatawa lang ang butiki ay hinalakhakan na ako dahil sa hindi kalayuan ay may nakita akong dalawa na halos hindi gumagalaw dahil siguro nagulat, pero nagpulasan nang tiningnan ko sila ng masama.

 

Hindi mitsa ng buhay ko ang aking mahal na laptop dahil old-fashion siya, luma na kasi, kaya kahit bitbitin ko siyang hubad, ibig sabihin ay hindi nakalagay sa bag, walang magkaka-interes. Parang babae rin na dahil naitatago ng pagka-old fashion ang kanyang ganda, siya ay malayo sa posibilidad na magahasa! Kaya ang mga babae ay hindi dapat magpakita ng motibo o pag-anyaya upang magahasa…magpaka-simple o magpaka-old fashion din kahit minsan….maliban na lang ang mga desperada!

 

Para ring tao ang aking laptop na nag-undergo ng operasyon at pagtapal dahil marami na rin siyang diperensiya maliban sa pagkabungi. Ang dating ayaw pumermanenteng pagtayo ng screen kaya nilalagyan ko pa ng suporta sa likod, ay naremedyuhan ng isang doktor ng mga laptop – may ginalaw sa kasu-kasuan o joints nito kaya nakakatayo na ngayon nang tiyeso. Ang dating sugat sa gilid dahil nabasag ay natapalan na rin ng karton kaya ngayon ay buo na siya – good as new!

 

Ang kuwento ng laptop ko ay maihahalintulad din sa kuwento ng alagang hayop na pinagkakautangan dapat ng loob ng nag-aalaga dahil sa dulot nilang therapeutic relief, o di kaya ay iba pang bagay na napakinabangan para sa araw-araw na pamumuhay. May utang na loob tayo sa kanila. Hindi sila dapat binabale-wala nang basta-basta pagkatapos pagsawaan o kapag nagkaroon ng bago, lalo na ngayong pasko.

 

Hindi din dapat ganyan ang mag-asawa na pagkalipas ng maraming taon ay basta na lang makaramdam ng pagkasawa sa isa’t isa, kaya nagkakanya-kanya na sa pagrampa upang maghanap ng ibang mapagparausan. O di kaya ay ibang mga anak na pagkatapos iluwal ng ina at palakihin ng ama ay walang pakundangan kung sila ay balewalain o ikahiya sa ibang tao dahil walang pinag-aralan o di kaya ay hindi maganda o guwapo tulad ng mga magulang ng mga kaibigan nila, o di kaya ay amoy pawis dahil sa pagtinda sa palengke, hindi tulad ng magulang ng classmate nila na nagtatrabaho sa aircon na opisina.

 

Pairalin natin ang utang na loob. Magbago tayo….bilang pasalubong sa bagong taong 2016!

laptop kong bungi

 

 

 

Magpapasko pa naman!…nakakahiyang expression ng mga Pilipino

Magpapasko pa naman!

…nakakahiyang expression ng mga Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat ay isama ng mga moralista ang pagbawal sa paggamit ng expression na “magpapasko pa naman” na tumutukoy kay Hesus, tuwing may kalamidad na mangyari bago sumapit ang “pista” na ito. Halatang ang habol lang talaga sa pistang ito ay mga kasiyahang dulot ng bonus, pagkain, gifts, Christmas lights, simbang gabi, caroling, etc.

 

Tuwing may kalamidad na nangyayari bago magpasko, ang mga naaawa sa mga nasalanta ay nagsasabi ng nabanggit na expression dahil siguro iniisip ng mga “naaawa” na ito, na mami-miss ng mga nasalanta ang mga kasiyahan, at hindi dahil bertdey ito ni Hesus… isang isyu ding kinukuwestiyon. Bakit hindi na lang dumamay at magbigay ng tulong dahil kailangan ng mga nasalanta at hindi dahil sa kung anu-ano pang dahilan tulad ng pasko?

 

Ang sabi ng mga researchers, ang talagang bertdey ni Hesus ay sa unang linggo (week) ng Abril. Ginamit ng mga matataas na opisyal ng simbahang Katoliko na mga Romano ang Disyembre dahil dati na itong ginugunita ng mga pagano sa Roma…isang makamundong pista na puno ng mga kasiyahang nakikita sa pagbaha ng pagkain, alak, at kalaswaan. Ang talagang orihinal na ginugunita ng mga Hudyo noon pa man ay ang araw ng pagbinyag kay Hesus na nakatala sa mga sinaunang records na ang iba ay inilagay sa Bibliya. Walang binabanggit ang Bibliya tungkol sa eksaktong bertdey niya. Ang sinasabi lang ay panahon ng pag-census ng mga Hudyo kung kaylan ay nataon sa pagpanganak kay Hesus. Ang census na ito ang ginawang batayan ng mga mananaliksik upang matukoy ang “panahon” at ang buwan batay sa kalendaryong pinagamit ng Roma sa mga nasasaklaw ng Kristiyanismo.

 

Sa makabagong panahon, maski sinong bata ay umaasam ng mga regalo tuwing sasapit ang pasko dahil ito ang itinanim sa isip nila ng mga nakakatandang Romanong Katoliko. Inaasahan nila ang paglundo ng mesa sa bahay dahil sa dami ng pagkaing idi-display. Ang mga tin-edyer naman ay excited sa pagsapit ng simbang gabi dahil magkakabandingan na naman sila ng mga kabarkada, at ang iba naman ay magliligawan – sa labas ng simbahan. Ang mga talagang isip at asal demonyo ay may lakas ng loob pang magsuot ng mga damit na kung hindi manipis ay may plunging neckline naman, at ang lalong malaswa ay ang pagsuot nila ng short shorts na nagdi-display ng maitim naman nilang kuyukot! Ang iba naman ay magdi-displey ng mga alahas na tulad ng ginagawa nila sa pagdalo ng misa kung araw ng Linggo.

 

Ang isa pang itinuro ng simbahang Romano Katoliko upang mapilitang magsimba araw-araw ang mga kasapi ay ang pagbuo ng siyam na araw upang matupad daw ang kanilang mga hiling! Hindi ba ito katarantaduhan….dahil wala naman yan sa Bibliya? Ang dapat na itinanim sa mga kasapi ng simbahang Romano Katoliko ay ang sakripisyo na kaakibat sa pagdalo sa misa tuwing madaling araw o gabi, upang pagdating ng talagang “kapanganakan” ni Hesus, ay hindi nakakahiyang humarap sa kanya….hindi yong hihiling ng kung anu-ano para sa sarili na kalimitan naman ay pera. Pati ang mga prutas na kung ilang piraso na puro bilog ay kasama din sa kinalolokohan ng mga Pilipino…pero ito ay paganong paniniwala naman ng mga Intsik na isinabay sa pasko at bagong taon dahil nakita ng mga taong ito ang malaking kikitain na resulta ng panloloko nila…mga negosyante kasi!

 

Bakit hindi sundin ang panawagan ng mismong santo papa na si Francis na sa paggunita ng “kapanganakan” ni Hesus, dapat ay iwasan ang pagiging materialistic?…dahil ba marami ang gustong magpakita ng karangyaan? Bakit pa ituturing ng mga Katolikong “tatay” nila si Francis kung hindi rin lang siya pakikinggan?…dahil ba sagad-buto na ang kanilang pagiging makasarili?

 

At, kung seseryusuhin na talagang “bertdey” ni Hesus ang isi-celebrate bakit hindi sa isang araw lang – ang pinaniniwalaang December 25? …dahil ba ginagamit ito bilang dahilan upang mag-celebrate ng mga makamundong bagay na orihinal na ginagawa ng mga pagano sa Europe?

 

Pinagmamalaki ng mga Pilipino ang “pinakamahabang pasko” sa buong mundo, pero kung talagang iisipin ang diwa ng pasko…ang kahabaang ito ay dapat ikahiya dahil sa kahirapang dinadanas na ng mga Pilipino at kalagayan ng Pilipinas! Nakakahiyang Setyembre pa lang ay hindi na magkandaugaga ang karamihan sa paglagay ng mga palamuti na para bang “mauubusan na ng pasko”. Kanya-kanya ang mga lunsod at bayan sa pagtayo ng mga giant Christmas tree pati mga lugar kung saan ay may mga kalakalan tulad ng malls. Ang maririnig sa radio ay mga kantang pang-krismas. Ang nakikita sa mga TV screens ay mga pagkaing mararangya na pang-pasko, etc….hanggang Enero ito. Habang nangyayari ang mga nabanggit , marami namang mga Pilipino ang halos hindi makakain ng kahit isang beses sa isang araw. Ang iba, makakain lang ay namumulot ng mga tira-tira sa basurahan.

 

Ang mga Pilipinong ayaw tumingin sa katotohanang ito, simple lang naman ang mga sagot: “kasalanan ko ba kung naghihirap sila at kaya naming gumastos?”, o di kaya ay, “kasalanan nila kung bakit sila naghihirap, dahil tamad sila!”….masasabi bang tamad ang isang taong nauulanan na’t lahat at halos malapnos na ang balat dahil sa init ng araw ay nangangalkal pa rin ng basura?

 

Peace to all!!!!

 

We Blame Everybody, but Ourselves

We Blame Everybody, but Ourselves

By Apolinario Villalobos

I have to mention again that every time we point an accusing finger to others, the three other fingers are pointing at us. For every fault, we have the habit of blaming it on others, but forgot that we may be faulted, too, for what we are accusing others.

For the heavy traffic for instance, all motorists blame the government and its concerned agencies. But they forgot about their car collections and fleet of expensive cars so that each member of their family drives one. They forgot that because of vanity, or just the sheer of showing off a little opulence despite just renting a room, they buy cars and park them on streets. They forgot that they do not observe traffic rules, thereby adding to the chaos and confusion, further resulting to the unmoving traffic. They forgot that their cars are the old type that conk out without warning in the middle of the street. They forgot that they give grease money to corrupt traffic enforcers, at times.

Motorists blame the government for the incessant rising of fuel prices. But they forgot that buying cars and motorcycles that made them suffer the consequence was their choice, not anybody else’s. They forgot that they were tempted by the low down payments offered by the wise salesmen, so they bit the bait.

For the perpetual flooding of the streets, city dwellers blame the government, yet, they forgot that they are also guilty of dumping garbage just anywhere when there is an opportunity. They forgot that they do not recycle plastic materials so that these will not add up to accumulated garbage. They forgot that they practically let everything – fish bones, veggie scraps, rice, etc. down the drain when they prepare their meals and when washing dishes. They forgot that they dump garbage-filled shopping bags in any open manhole that they can find on their way to the office. They throw garbage along freeways as they cruise along on their car, or into the Pasig River and its tributaries that flow to Manila Bay. They also forgot that they remove manhole covers during flood to allow the fast flow down them – with garbage!

For the landslides in the countryside resulting from the denuding of forests, affected people blame the corrupt stakeholders and financiers of illegal logging concessions, some of whom are government officials. They forgot that they are employed by these unscrupulous people as chainsaw operators and haulers of logs down the streams to the lowlands, practically, every able member of their family floating with logs to pick up points. They, who live in huts under the heavy foliage of forest trees, even get angry at the site of people from the Bureau of Forestry, and who walk over their “kaingin” to serve them notice of desistance.

For corruption in the government, Filipinos condemn the officials, the lawmakers. But the big question is, “who installed them in their positions by virtue of suffrage?” Whose hands were greased with cold cash in exchange for their sacred votes?

Weird daw ako….awwww, c’mon….unique at kamangha-mangha siguro, pwede pa!

Weird daw ako….awww, c’mon!
…unique at kamangha-mangha siguro, pwede pa!
Ni Apolinario Villalobos

Nang minsang may sinamahan akong mga kaibigan upang kumain sa isang karinderya pero hindi ko nagustuhan ang mga naka-display na ulam, humingi na lang ako ng sardinas na nakita ko sa shelf. Humingi din ako ng maraming siling labuyo na sinabay ko sa pagsubo ng pagkain. Sabi ng isa naming kasama, weird daw ako. Noong isang beses naman na kumain ako sa karinderyang magsasara na, dahil wala nang ulam akong inabutan at pati ang kanin ay tutong na lang, inorder ko na lang din ang tutong at humingi ng catsup para pang-ulam. Tanong ng anak ng may-ari ng karinderya… “ano yan?”

Gusto ko sanang sabihin noon sa kaibigan ko na, “kung hindi mo kayang kumain ng sardinas at sili, ako kaya ko, kaya bumilib ka na lang”. Pati yong anak ng may-ari ng karinderya na ayaw maniwalang kinain ko ang tira nilang tutong na karaniwan na nila sigurong tinatapon ay gusto ko sanang barahin ng tanong na, “mayaman ba kayo?”, pero nagpigil na lang ako, dahil kapag pinagsalitaan ko sila baka talagang lalabas ang tunay na pagka-“weird” ko!

Paano na lang kung malaman nilang ang saging na hinog ay sinasawsaw ko sa toyo?…ang abukado ay winiwisikan ko ng suka at sinasabayan ko ng sibuyas kung kainin , sa halip na lamasin sa asukal, gatas, at lalagyan pa ng yelo?…at ang piniritong sunny side up na itlog ay winiwisikan ko ng patis o sukang maanghang?…at wala akong ganang kumain kung walang sili na talagang pinanggigigilan kung nguyain upang sumarap ang sinusubo kong pagkain?…ang kape ay nilalagyan ko ng kending maanghang na “snow bear”, pulbong sili, cinnamon, at luyang dilaw…o di naman kaya ay dinurog na nilagang kamote? Baka himatayin sila!

Sa isyu ng sandwich, ang ibang Pilipino, kung sa bahay ay ayaw kumain ng tinapay na pinapalamanan ng gulay. Pero, bakit sa Jollibee at MacDo, kumakain sila ng tinapay na may kamatis, sibuyas at letsugas? Siguradong ang reaksyon dito ng mga nagpipilit na class sila ay ang pagsabi na tinatabi nila ang mga gulay. Sino ngayon ang “weird”? Di ba yan ay isang weird na kaipokrituhan? Paano na kaya kung ang ipapalaman sa tinapay ay tortang talong o ginisang kamatis at sibuyas o ginataang kalabasa o beko?…o di kaya ay catsup lang? …sigurado, may sisigaw ng, “yuck!!!”

Sa isyu naman ng ispageti, ang alam lang na sarsa ng ibang Pilipino ay yong may karne. Para sa kanila kung hindi karne ang sauce, hindi ito ispageti. At kapag tomato sauce lang o sariwang kamatis at sibuyas o laman- dagat tulad ng hinimay na piniritong galunggong, sea shells o sea weeds, o di kaya ay hinaluan ng pinakbet, o ginisang sardinas, lalo na ng hinimay na piniritong tuyo, o di kaya ay giniling na talbos ng kamote at malunggay na isang uri ng pesto sauce, o di kaya ay winisikan ng ginisang bagoong isda….siguradong magiging weird na itong pagkaing Italyano para sa kanila! Ang noodles na ispageti ay parang kanin, kaya pwedeng sabayan ng kahit na anong ulam, pwede nga kahit brown sugar o molasses lang. Ang ibang Pilipino nga naman, nanggaya lang ng pagkaing banyaga na akala nila ay class…palpak pa!
Kung mimili sa ukay-ukay o department store, ang una kong pinupuntahan ay ang section ng mga naka-sale at kung wala akong magustuhan, saka ako pumupunta sa regular section. Weird daw ako dahil may pera naman na magagastos, bakit ko pipigilan ang sarili ko? Yong kaibigan kong unang nagsabi nito ay madalas umutang sa akin dahil wala sa ayos kung magbadyet. Binara ko siya ng simpleng payo lang naman na: “kung ako ikaw, titingnan ko muna ang kakayahan ko sa paggastos bago mamili, at hindi yong makapamili lang ay uutang dahil hindi kaya ng bulsa”. Sa awa ng Diyos, hindi pa rin nagbago…manhid yata!…yan ang “weird!

Minsan pa rin, may naisama akong kaibigan sa Baseco Compound (Tondo). Bago kami pumasok sa mga iskenita, winarningan ko siya na huwag niya akong tawagin sa tunay kong pangalan dahil iba ang ginagamit ko sa lugar na yon. Nandilat ang mga mata niya, sabay tanong ng bakit daw, may dugtong pang “ang weird mo…wanted ka ba?”. Nang ipaliwanag ko na pulitiko at artista lang ang nagbo-brodkast ng pangalan sa ibang tao for obvious reason, hindi niya ako naintindihan. Nang dinagdagan ko ng, “ hindi kailangang malaman ng tinulungan kung sino ang tumulong”, lalo siyang nahilo. Mula noon hindi ko na siya isinama, at baka lalong mahilo sa mga kutos ko dahil pasaway lang!

Maraming bagay na ginagawa ang iba, na hindi ginagawa o hindi kayang gawin ng iba. Subali’t hindi nangangahulugang sila ay “weird”, na tulad ng tawag sa akin ng kaibigan ko. Negative kasi ang dating ng salitang “weird”. Puwede pa sigurong sabihin na “naiiba, unique” o “nakakamangha” dahil ang dating ng mga salitang yan ay may kaakibat na pagkabilib.

Sa buhay naman ng tao, kung mahirap siya at may kakaibang gawi, tinatawag na “weird”, pero kung mayaman, ay sinasabing may sariling “statement”. Para bang, kapag mahirap ang isang taong hindi diretso ang tingin, tawag sa kanya ay duling o sulimpat, pero kung mayaman, ang tawag ay banlag at ini-Ingles pa na “slanting eyes”. Kung mahirap na tao ang may galis, ang tawag sa kanya ay galisin, pero kung mayaman, siya ay may “allergy” lang, kahit para nang mapa ang eczema at nagnanaknak na ang balat sa kapal ng galis. Sa isa pa ring sakit sa balat ng mahirap, ang nagsusugat at nagnanana na, kung tawagin ay bakukang, pero kung sa mayaman, ang tawag ay “skin eruption”!

Kung mahirap ang tao, ang tawag sa mabaho niyang hininga ay mabahong hininga talaga o bad breath, kung mayaman, ini-Ingles sa mahirap intindihin na “halitosis”, kaya sa mga hindi alam ang meaning, bago nila malaman, halos himatayin na sila kung nabugahan na ng toxic breath ng mayamang kaibigan. Ang tawag sa taong mahirap na may maitim na balat ay “ulekba” o “negro”, pero kung mayaman, ang tawag ay “sun tanned” o “golden brown”. Ang taong mahirap na maputla ang kulay ay tinatawag na kulay-patay o sakitin, pero kung mayaman, tinatawag na “kulay porselana” (porcelain). At, kung payat ang mahirap, tawag sa kanya ay “tisiko” o my TB, di kaya ay “bangkay”, pero kung mayaman, tawag sa kanya ay sexy o slim!

Sino ngayon ang “weird”…na ayaw magpakatotoo?

Fast Car

Fast Car

By Louie John M. Salda

Scarlet-red rays of sunlight in the late afternoon,

driving the long concrete highway alone.

As I look around the sides of that long and twining road,

I remember the memories of the past that have been withered and died.

Not looking at the speed, I am indeed driving a fast car,

minding only myself, driving like crazy, I’m reckless, I don’t care.

As I go meter by meter, tears fall down from my eyes,

I don’t know why it’s happening to me, until I find myself lost in space.

I ignore every momentum of silence,

continuously driving until I reach that certain place.

But it seems that destiny would not take me there,

Unless, I would lost sight of that place and reflect before getting there.

I stop, I went out of the car and gaze into the night,

Feeling the cold breeze and holding my hands so tight.

I stare and look at the stars that shine so bright,

Feels like I’m one of them that gives others light.

What a wonderful way to realize that the memories of the past had helped me,

In ways that sometimes my mortal heart and mind failed to conceive.

It is indeed me, someone who keeps on battling the roads of life,

Me as the real me who never ceases to appreciate and welcomes challenges that brought by this so called life.

Like a fast car, I was not able to appreciate life before,

For I think it’s easy and for I have everything I asked for.

Suddenly destiny took its flight,

And life itself had taught me lessons and reasons to fight.

Thinking of my life before that defines the meaning of sadness and melancholy,

I felt like giving up, but with faith and trust to myself,

I fully understand the true meaning of bliss and harmony.

It is the true meaning of life! Life,,, life,,, life,,,

I say hello now to the new me!

And now I will greet new mornings with confidence,

with good disposition, with brighter outlook and complacency.

It was indeed a long drive inside my car,

And I already reach that place from afar.

I promise not to drive that fast,

for its more relevant to be calm and steadfast.

Someday I will be in the place,

living in prosperity and peace.

I will now drive my way home with glee,

And I thank God for everything he gave me.