Ilang buwan pa lang ang nakararaan, laglag-bala ang mainit na isyu. Ang mahigpit na pag-kontrol sa mga airport upang maiwasan ang pagpuslit ng mga deadly ammunition ay okey na sana subalit nasilipan ng butas ng ilang tiwali sa airport dahil sa paniniwala ng mga Pilipino sa bala bilang agimat. Dahil sa katiwalian na iyan, maraming tanga at may matigas na ulong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil napigilan sa pagsakay sa eroplano dahil lamang sa iisang balang nakita sa kanilang bagahe. Maraming tangang Pilipino ang umaming nagdadala talaga ng bala sa abroad upang pananggalang daw nila laban sa pag-aabuso ng employer. May mga natanggal na ring mga inspector ng bagahe dahil kahit obvious na talagang walang laman ang bala dahil ang tinuturing na agimat lang talaga ay ang tansong basyo, pinagpipilitan pa rin na “deadly ammunition” daw ito. Bakit nga naman nila palalampasin ang pagkakataon ganoong, ang “pakiusapan” ay may presyong mula 2 thousand hanggang 8 thousand pesos???!!!
Sa pinakapangit na airport pa rin sa buong mundo, ayon sa survey – ang Manila International Airport Terminal 3, laglag-kisame naman ang isyu. May nasugatan, banyagang turista pa, mabuti na lang at hindi nasaktan ang kanyang asawang Pilipina at anak. Nag-apologize ang manager ng airport subalit hindi pa rin ito sapat. Bago nangyari ang paglaglag ng kisame sa coffee shop, ay nagkaroon na rin ng laglagan bago pa man binuksan para sa operasyon ang Terminal 3, at nang nag-ooperate na, nagkalaglagan pa rin ng dalawang beses. Ibig sabihin, ang diperensiya ay ang mahinang “original” na kisame o suporta nito, kaya siguradong ang bagong kisameng ikakabit ay madadamay. “It’s more fun in the Philippines” pa rin kaya ang sasabihin ng pinakahuling nasaktan na turista?
Nilaglag ni Aquino si Purisima kung kaylan sobra na ang alingasaw ng amoy ng “teamwork” nila. Nilaglag din ng administrasyon si Vitangcol ang sinasabing palpak at nangurakot sa mga deals at management ng MRT, pero under investigation, as usual, at pinagduduhan pa . Latest kay Vitangcol: humihingi ng tulong sa PAO para bigyan ng libreng abogado! Ang kakapalan nga naman ng mukha kung umiral! Yan ang problema sa mga tauhan ni Pnoy, ginagawang tanga ang mga Pilipino….gusto ba namang magkaroon ng abogadong ang nagpapasuweldo ay taong bayan na sinasabing niloko niya! Walang delikadesa!
May mga laglagan na rin sa pulitika bago sumapit ang election 2016. Nilaglag ni Pnoy Aquino si Mar Roxas nang i-veto niya ang batas para sa dagdag na 2 libo sa pension ng mg SSS retirees. Sa mga hindi nakakahalata, binago ni Roxas ang kanyang political ad dahil sinimplehan lang, walang music background, at ang dialogue tungkol sa tuwid na daan ay dinugtungan niya ng “pupunuan ko kung may kakulangan, iwawasto ang mali, at hindi ako nagnakaw….”. Malinaw na patutsada kay Pnoy na mula’t sapul ay walang bilib sa kanya. Nilaglag din daw ni Escudero si Grace Poe subalit deny to death naman siya sa isang interview…pero truthful ba siya?
When I took the LRT to Sta. Cruz on the morning of January 10, 2016, I noticed that the driver was not making announcements about precautions and as we were approaching stations as part of their standard operating procedure. Instead of the announcement via the PA system, the security guard on board was making the announcement to the highest level of his voice that he could muster. I presumed the driver was not in the mood or just plain lazy, until I finally drew enough courage to ask the security guard why it was so. He told me that the PA system of the train I have taken was kaput…broken…wrecked, defunct – for several days.
While the LRT management may treat such breakdown a trivial matter, for the commuters, especially, those who are new in Manila, it is not. The announcement being made as the train approaches each station is an important information for the local and foreign visitors who are taking the “risk” of riding the LRT train despite the discouraging forewarnings from the media about its frequent breakdown. Without the announcement, those who are not familiar with the stations along the route must crane their neck to have a glimpse of the station signboard or ask other passengers, otherwise, they might overshoot their destination.
The joke today is that, if one plans to take the LRT or its “sister train of anguish”, the MRT, he or she must have an “allowance” of at least two hours. The two hours are for the trek along the rails to the nearest station when the train suddenly comes to a grinding stop….yes, grinding because of the frightening “metal to metal” screeching sound of the wheels. When there’s a downpour, pity are those without umbrella. When the sun is generous with its scorching rays, pity are those without the same contraption for shade.
The elevators are still out of order. The escalators are still resting. The toilets are still padlocked, except for one or two. But, fortunately, the employees are doing their best to be nice with their ever ready smile and uncomplaining stance even when four or five passengers one after another pay in crispy one thousand peso bill. These are the people in the lower rung of operation who are trying make up for the handicaps of the LRT system. Meanwhile, those at the top, including the DOTC secretary, Emilio Abaya, are so embarrassingly naïve to the situation that noisy calls for their resignation fall to deaf ears….theirs and those of the president of the nation, Benigno S. Aquino III.
Ang LRT ay ginawa noong panahon ni Marcos. Hanggang ngayon, ilang dekada na ang nakalipas ay wala halos narinig na aberyang nangyari sa pagpapatakbo nito. Ang MRT ay ginawa noong panahon ni Gloria Arroyo. Iilang taon pa lang ang nakalipas, nakakapanindig-balahibong mga aberya na ang sunud-sunod na nangyari at nangyayari na ang iba ay magkasunod sa iisang araw. Ang sabi ng marami, noong panahon ni Marcos, takot ang mga opisyal na gumawa ng katarantaduhan kaya magaganda at de-kalidad ang mga proyekto. Isa lang daw kasi ang korap. Subalit pagkapatalsik kay Marcos, nawala na ang takot ng mga opisyal kaya nagkanya-kanya na ng pangungurakot na ang direktang naapektuhan ay ang kalidad ng mga proyekto – isa na diyan ang MRT.
Nitong huling mga araw, naglabasan ang mga kuwento tungkol sa mga imported na materyales pangkonstruksiyon na mahina ang klase. Nariyan ang yero na animo ay cardboard sa kalambutan at bakal na kahit sa tagal ng pagkakatambak ay “lumiliyad” sa kalambutan. Isa sa mga “sakit” ngayon ng MRT ay ang pagkakaroon ng lamat ng mga riles na bakal, kaya kamakailan lamang ay kailangang paigsiin ang oras sa pagpapatakbo nito upang magkaroon ng panahon sa pagkumpuni ng riles tulad ng pagputol ng bahagi na may lamat upang mapalitan ng bago. Ang nakakabahala dito ay hindi na buo ang riles kaya mas lalong malaki ang posibilidad na ito ay maghiwalay sa dugtungan at mangyari ang pagkadiskarel ng mga bagon! Paano na kung sa pagkadiskarel ng mga bagon ay nahulog pa ang mga ito?
Ang tanong ngayon ay kung bakit hindi iginaya ang sistema ng MRT sa maayos na sistema ng tumatakbo nang LRT, lalo na sa klase ng materyales at disenyo upang “nagkakahiraman” ang mga ito ng mga kailangang piyesa, at upang ang pagmintina ay hindi mahirap. Hindi dapat idahilan ang bidding na dapat ay mababa dahil ang nakasalalay ay ang pangmatagalang paggamit at buhay ng mga mananakay.
Kamakailan pa rin ay nagkaroon ng isyu tungkol sa pangungurakot daw ni Vitangcol na dating namuno ng MRT, kaya tuloy nahantad na ang dahilan ng paghihingalo ngayon ng mass transport system na ito ay ang walang takot na pangungurakot!
Sa ngayon pinapatakbo ang MRT kahit may agam-agam pa rin upang kahit papaano ay maibsan ang problema sa pagbiyahe ng mga taga-Manila. Subali’t hanggang kaylan sila pahihirapan ng pag-alala na anumang sandali ay may sakunang mangyayari sa kanila….na sana ay huwag naman?
(LRT – light rail transit; MRT – metro rail transit)