Herson Magtalas: High School Graduate pero Nakapagpatapos ng Dalawang Kapatid sa Two-Year Courses

Herson Magtalas: High School Graduate pero Nakapagpatapos

Ng Dalawang Kapatid sa Two-Year Courses

Ni Apolinario Villalobos

 

Nang araw na nakita at nakausap ko si Jaime Mayor, ang matapat na kutsero sa Luneta na iginawa ko ng tula, may lumapit sa akin, si Herson Magtalas. Siya pala ang Checker/Operations Coordinaor nina G. Mayor. Mabuti na lang at nakipag-usap siya sa akin dahil hindi ko nakausap nang matagal si G. Mayor sa dami ng mga turistang gustong sumakay sa kanyang karetela dahil Linggo noon. Pinatunayan ni Herson ang mga nabasa ko noon sa diyaryo tungkol sa pagkatao ni G. Mayor.

 

Napahaba ang aming usapan hanggang nagtanong ako kung may pamilya na siya. Sinabi niyang binata pa siya sa gulang na 28 na taon. Hindi pa raw siya mag-aasawa hangga’t hindi nakatapos sa pag-aaral ang kanilang bunso. Sa sinabi niya, naging curious ako kaya tumuloy-tuloy ang tanong ko tungkol sa kanyang buhay. Napag-alaman ko na pagka-graduate niya sa high school, hindi na siya nagpatuloy sa pag-aaral, sa halip ay nagtrabaho siya upang makatulong sa kanyang mga magulang. Nang panahong yon ay kutsero na sa Luneta ang kanyang tatay at ang kanyang nanay ay nasa bahay lang. Apat silang magkapatid at siya ang panganay.

 

Lahat ng pagkakakitaan ay pinasok niya tulad ng pagtitinda ng barbecue sa bangketa, pagpapadyak ng traysikel. Sinuwerte siyang makapasok sa factory sa sahod na 150 pesos/araw. Sa pagawaang yon ng damit siya natutong manahi. Sa kahahanap niya ng kanyang kapalaran, napadayo siya sa Laguna, kung saan ay nagtrabaho naman siya bilang machine operator ng Asia Brewery na ang sahod ay 280 pesos/araw. Nang lumaon pa ay napasok naman siya sa isang restoran bilang kitchen helper na ang sahod ay 300 pesos/araw. Naging salesman din siya ng Shoemart (SM) sa sahod na 380 pesos/araw. Nang napasok siya bilang pahinante o helper ng delivery van ay saka pa lang siya nagkaroon ng minimum na sahod. Tumuloy- tuloy ang pagtanggap niya ng minimum na sahod hanggang sa paglipat siya sa isang printing shop bilang taga-limbag o printer ng mga nakasubo sa computer.

 

Ano pa nga ba at lahat ng kaya niyang pasukan ay sinusubukan ni Herson na ang hangad ay magkaroon ng maayos na sahod dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa kanyang mga magulang upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang nakakabatang tatlong kapatid. Nang makapasok siya sa Castillan Carriage and Tour Services bilang Checker/ Operations Coordinator ay pumirmi na siya dahil sa ahensiyang ito rin nagtagal ang kanyang tatay bilang “rig driver” o kutsero, at dahil na rin sa magandang sahod at kabaitan ng may-ari.

 

Unang napagtapos ni Herson ang nakababata sa kanya, si Herneἧa na ang linya ng trabaho ngayon ay Accounting. Sumunod naman si Heycilin na ngayon ay may magandang trabaho sa isang restaurant. Ang bunso nilang kapatid, si Homer, 16 na taong gulang ay nasa first year college at kumukuha ng Information Technology (IT). Sa pag-uusap nilang tatlong magkakapatid, napagkasunduan nilang four-year course na ipakuka kay Homer dahil kaya na nilang tustusan ito.

Sa pangunguna niya, napaayos na rin nila ang kanilang tinitirhan sa Caloocan na dati ay maliit kaya halos hindi sila magkasyang anim. Bilang panganay ay inuuna niya ang kapakanan ng kanyang mga kapatid bago ang sa kanya. Binalikat na niya ang ganitong tungkulin dahil nagkaka-edad na rin ang kanilang mga magulang. Subalit inamin niyang hanggang ngayon ay nagku-kutsero pa rin ang kanyang tatay upang hindi lang manghina dahil nasanay na sa pagbanat ng mga buto.

 

Ang paglalakbay ni Herson sa laot ng buhay ay pambihira dahil sa murang gulang ay napasabak na sa lahat ng mga pagsubok na angkop lamang sa mga nakakatanda. Sinabi niyang mula’t sapol ay wala na siyang inisip kundi ang kapakanan ng kanyang mga magulang at mga kapatid. Ni wala siyang pagsisisi o pagkalungkot kahit pa nilaktawan niya ang dapat sana ay panahon ng kanyang kabataan. Sa pag-uusap namin ay ilang beses niyang binanggit na ayaw niyang madanasan ng kanyang mga kapatid ang kanyang pinagdaanan kaya siya nagsikap. Mabuti na nga lang daw at ang bunso nila ay nakikipagtulungan naman kaya masikap sa kanyang pag-aaral. Ang ikinatutuwa pa niya, likas yata ang talino sa makabagong teknolohiya dahil kahit first year college pa lang ay nakakapagkumpuni na ng computer.

 

Larawan ng kasiyahan si Herson habang nag-uusap kami. Marami pa sana akong itatanong subalit dahil ayaw ko siyang masyadong maabala ay nagpaalam na ako subalit, nangakong mag-uusap pa kami tungkol sa operasyon ng kanilang opisina na ayon sa kanya ay marami na ring natulungan, at ang pinaiiral sa mga empleyado ay katapatan tulad ng ginawa ni Jaime Mayor na hindi nasilaw sa salaping naiwan ng turistang Pranses na naging pasahero niya.

Herson Magtalas 2

 

 

 

Ang Hamunan nina Roxas at Duterte ay Pagpapakita ng Maruming Pulitika sa Pilipinas

Ang Hamunan nina Roxas at Duterte

ay Pagpapakita ng Maruming Pulitika sa Pilipinas

ni Apolinario Villalobos

 

Ang namumukod-tanging katangian ng pulitika sa Pilipinas ay pagiging marumi nito. Ang mga kandidato ay nagbabatuhan ng mga putik. Kaya may kasabihan sa Pilipinas na kung ayaw mong mabisto ang katauhan mo ay huwag kang pumasok sa pulitika. Ang dahilan noong-noon pa ng mga pulitiko, na “pagtulong sa kapwa” ang dahilan ng pagpasok nila sa pulitika ay pinagtatawanan na ngayon. Sinasabi pa ng iba na ang pulitika ay isa sa mga larangan kung saan ay yayaman ang isang tao – na unfair naman sa mga talagang walang intensiyong mangurakot….ng malaki. Tanggap naman ang 10% na komisyon na ang tawag noon pa man ay “for the boys”, na ayaw pa ngang tanggapin ng iba dahil nakakahiya sa sinumpaan nilang tungkulin. Ang masama lang kasi sa ibang nanalo at nakaupo na sa puwesto, hindi lang 70% ang gustong kurakutin, kundi 100% dahil ang project ay hanggang papel lang!

 

Hindi sana umabot sa hamunan ang dalawang kandidato sa pagka-pangulo ng bansa kung hindi sana pinakialaman ni Roxas ang nananahimik na Davao City. Alam naman niyang alagang-alaga ito ni Duterte pati na ng mga Davaweἧo, pati ng mga taong nakatira sa mga bayang nakapaligid dito. Kung papansinin, nagpakumbaba pa nga si Duterte nang punahin ang pagmumura niya at tinanggap pa ang “lecture” ng Obispo sa Davao City. Ito ay pakita lang na okey sa kanyang punahin ang mga personal niyang pagkakamali sa mata ng mga moralista, pero ang kantihin ang inaalagaan niyang katahimikan sa Davao na kung ilang taon din niyang nilinis at pinatahimik ay maituturing na “below the belt”.

 

Nang gantihan naman ni Duterte si Roxas tungkol sa nakakadudang pag-graduate niya sa hindi naman gaanong kilalang eskwelahan sa Amerika, pumalag din siya. Ngayon ay nagsisisi siya dahil pati ang kredibilidad niya sa larangan ng edukasyon na isa sa mga pinagmamalaki niya ay nalagay sa balag ng alanganin. Dahil sa panggagalaiti niya, marami tuloy ay nagsasabing baka nga totoong hanggang kodakan lang ang pag-graduate niya  sa Amerika.

 

Ang daming maaaring ipaliwanag ni Roxas sa mga tao upang magkaroon ng linaw ang mga isyu na may kinalaman din sa sinasandalan niyang presidente ng Pilipinas…bakit hindi na lang niya dito ituon ang kanyang effort sa pangangampanya? Bakit kailangang siraan pa niya si Duterte na nananahimik na nga? Mag-concentrate na lang sana siya sa “tuwid na daan” na pinangako niyang ipagpapatuloy, para marami pang mahatak kung sakali. Huwag na niyang pakialaman si Duterte na ang kapalaran ay nasa kamay ng COMELEC. Sa ginagawa niya, halatang ninenerbiyos siya dahil malakas ang hatak pareho ni Duterte at Poe. Mukhang pumalpak na naman ang campaign machinery na tumutulak kay Roxas.

 

Sa interbyu kay Duterte sa isang radio station sa Manila tungkol sa kanyang pagkandidato, nakiusap siya sa mga sumusuporta sa kanya na maging mahinahon at itigil na ang pagbabanta ng “rebolusyon” kung siya ay ma-disqualify. Bukambibig niya ang pagtanggap ng disqualification  kung ito ang desisyon ng COMELEC, kaya sinabi pa niya na kung maaari ay ituon din ng mga sumusuporta sa kanya ang atensiyon nila sa ibang mga kandidato, upang makapili sila ng karapat-dapat kung sakali ngang siya ay ma-disqualify. Pinapakita ni Duterte na hindi siya sakim, dahil ang gusto lamang niya ay maging realistic ang mga supporter niya batay sa mga umiiral na sitwasyon. Sa isang banda, malinaw pa rin ang pahayag niya na hindi siya umuurong sa pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas.

 

We Never Learn Our Lesson

We never Learn Our Lesson

By Apolinario Villalobos

 

Oftentimes, when we stumble, we grumble and we blame others. We blame the world, even God. But when we succeed we oftentimes forget that we do not only owe to ourselves what we have accomplished. We forgot that we were given the chance by others, although the effort is ours. And, through all the struggles we made, we forgot that there is always His guiding hand.

We are intelligent enough to know that we can be blinded by success. We read stories about it. Yet, some of us persist on doing the same blunder. Some of us cannot keep their feet on the ground. Some thought that they can achieve success on their own, totally forgetting God in the process.

As always, some of us never learn one of the most important lessons in life – that arrogance can blind us to the point of forgetting how we came into this world. Not only some of us betray our fellowmen in the name of greed but forsake our innate faith, as well.