Magkaiba ang Ugali at Antas ng Kaisipan ng mga Tao

Magkaiba ang Ugali at Antas ng Kaisipan ng mga Tao

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi pare-pareho ang ugali at antas ng kaisipan ng mga tao sa mundo. May mga taong tanga, mapanlinlang, oportunista, sutil, mabait, maka-Diyos, maka-Demonyo, korap, atbp. May mga tao ring bobo, hangal, matalino lang, o sobrang talino, atbp. Dahil sa mga kaibahang nabanggit, hindi pwedeng lahat ay maging madre, pari, mayor, governor, clerk, manager, presidente ng kumpanya, presidente ng Pilipinas, senador, doktor, janitor, atbp. At, dahil sa simpleng paliwanag na nabanggit, hindi dapat pagtakhan kung bakit may mga milyonaryo at mahirap, at mayroon ding mga nasa gitna ng lipunan ang kinalalagyan.

 

Ang mga mahihirap ay umabot sa kalagayan nila dahil sa iba’t ibang dahilan, tulad ng:

  • kawalan nila ng pagsisikap dahil sa likas na katamaran
  • nakasanayang umasa sa iba lalo na sa mga kapamilya at kaibigan na may kaya
  • pagiging biktima ng mga manloloko tulad ng mga employer, illegal recruiter, landgrabber at iba pang mga switik sa lipunan
  • pagkapadpad sa slums sa siyudad dahil umiwas sa mga kaguluhan sa probinsiya nila

 

Ang mga mayayaman naman ay umabot sa kalagayan nila dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  • minanang kayamanan mula sa mga ninuno o magulang
  • pagsikap na makaahon mula sa kahirapan kaya umasenso
  • nagtulak ng droga hanggang maging drug lord o drug laboratory operator
  • nag-operate ng huweteng sa kanilang bayan kaya naging milyonaryo
  • naging big- time illegal recruiter
  • naging opisyal ng gobyerno at nangurakot
  • naging big-time holdaper hanggang maging financier ng kidnap-for-ransom gang

 

Kapag naging mayaman ang isang tao, puro papuri ang maririnig tungkol sa kanya kung hindi galing sa masama ang kanyang yaman. Kung bistado namang galing sa masama ang yaman, abot- langit ang pagbatikos sa kanya. Binabatikos din ang mga mahihirap na nakatira sa slums dahil sa kalagayan nilang animo ay manok na nabubuhay sa “isang kahig, isang tuka” na paraan. Idagdag pa diyan ang paninisi sa kanila dahil kung magbuntis o magpabuntis ng asawa ay walang pakundangan kaya ang mga nanlilimahid na mga anak na pakalat-kalat sa kalye ay  animo mga mantas sa mukha ng lipunan.

 

Ang mga yumaman tulad ng mga magnanakaw sa gobyerno, tulak ng droga, drug lord, illegal recruiter, at iba pa, ay may mga karampatang parusa ayon sa batas, kaya kung maayos lang sana ang namamalakad sa gobyerno, sila ay mapaparusahan tulad ng pagkakulong. Subalit, kalat din ang mga kuwentong kung sino pa ang may kaalaman sa mga batas o nagpapatupad ng mga ito, ay sila pang nangunguna sa pagsuway. Ang namumuno naman ay parang taong dayami na panakot sa mga ibon sa palayan – walang kabuhay-buhay at pakiramdam!

 

Hindi dapat basta na lang isisi sa mga mahihirap kung bakit sila nasadlak sa nakakaawa nilang kalagayan ngayon. Ang korapsyon na siyang pinakamalaking dahilan ng lahat ng paghihirap nila ay nagsimula noon pa mang kasibulan ng Pilipinas bilang isang malayang bansa. Marami nang oportunista noon – mga mayayamang asendero na naging opisyal ng bansa, at mga edukadong naging pulitiko na nasilaw sa pera mula sa kaban ng bayan. Yan ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng NPA na ang impluwensiya ay nakarating na sa mga siyudad ngayon, kung saan ay naglipana din ang mga makabagong oportunista. Kaya tulad ng dapat asahan, sumabay sa paglala ng korapsyon sa gobyerno ang kahirapan sa bansa.

 

Ang nakikitang kahirapan at karangyaan ay mga pang-ibabaw lamang na tanawin sa isang lipunan. Hindi magkakaroon ng mga nasabing kalagayan kung walang mga dahilan tulad ng mga nauna nang nabanggit….at ang mga dahilang iyan ang dapat munang tingnan ng isang tao bago magbitaw ng komento na tulad ng:  “nakakasuka at mantsa ng lipunan ang mga slums at mga nakatira sa mga ito”, at “kasalanan ng mga inutil na mga taong yagit na ito kung bakit sila naghihirap”. Dapat isipin ng mga mapangkutya na kung may tamad na mahihirap, mayroon ding ganito sa hanay ng mga mayayaman ngunit hindi lang pansin dahil may pera sila.

 

Isang makapal na libro ang magagawa kung ilalahad ang mga may kinalaman sa kagutuman dahil hindi lang kahirapan ang mauungkat kundi pati mga kadahilanan. Hangga’t maaari ay iwasan sana ng mga “matatalino at masisipag” na magtanong kung bakit ang mga nasa iskwater ay hindi tumulad sa kanila. Kung maligaya na sila sa mataas nilang kinalalagyan at wala silang balak na tumulong sa mga nangangailangan o kung tumulong man ay may kasamang panunumbat, tumahimik na lang sila at iwasang tumingin sa ibaba. Pero, alalahanin nila na may kaakibat na matinding lagapak ang pagbagsak ng isang tao kung siya ay mula sa mataas na kinalalagyan!

Dialogue namin ng isang Makulit na “Kaibigan” tungkol sa Blogging…(ito ang sagot kung bakit may nagba-blog)

Dialogue namin ng isang Makulit na “Kaibigan”

Tungkol sa Blogging

(ito ang sagot kung bakit may mga nagba-blog)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang nakaganda sa ginagawa kong pagba-blog ay nai-exercise nito ang utak ko upang hindi agad ako maging ulyanin. Hindi ko kasi kaya ang mga larong “candy crusher” at crossword puzzle sa cellphone o computer. Ang mga disadvantages naman ay ang pagbalik ng sakit kong carpal tunnel syndrome (CTS) na sanhi ng pamamanhid ng mga daliri ko, pagtaas ng blood pressure kung ang isinusulat ko ay tungkol sa pulitika, at ang pag-isipan akong kumikita sa mga sinusulat ko dahil akala ng iba ay bayaran ako ng ilang pulitiko na may gustong siraing kapwa pulitiko.

 

Ang sumusunod ay dialogue namin ng isang makulit na ay maurirat pa, na akala ko ay isang matalinong “kaibigan”. Naganap ang pag-uusap namin sa kapihan ng isang mall:

 

Makulit:   Pare, balita ko namumutiktik na ang internet sa blog mo.  Nakakainggit ka.

 

Ako:   Eh, di magsulat ka rin.

 

Makulit:   Hindi ko kaya, eh. At alam mo namang hindi ako nag-iinternet o nagpi-facebook. Kaya yon ngang sinasabing pagbukas man lang ng computer sa bahay ay hindi ko alam. Mga anak ko lang ang gumagamit noon. Si Misis nga eh, galit din sa computer. (Naalala kong binanggit nga niya ito noon, kaya mabuti na lang din dahil kung may facebook siya, hindi ko ito maiba-blog).

 

Ako:   Eh, di huwag ka na lang maiinggit sa akin dahil marami ka namang ginagawang pinagkikitaan. Sobrang yaman mo na nga, eh. Sana ay marami ka pang kitain. Pasalamat ka sa Diyos dahil sa grasya.

 

Makulit:   (medyo napangiwi, pagkarinig ng “Diyos”) Siyanga pala, pare, ang sabi nila pinagkikitaan din ang pag-blog. Yong iba alam kong binabayaran upang manira ng ibang tao. (Muntik na akong mabilaukan ng kape sa huling sinabi niya, dahil kulang na lang ay sabihin niyang bayaran ako.)

 

Ako:   Yong iba siguro. Sa kaso ko naman, wala akong pinipili dahil basta may mali, pinupuna ko at hindi paninira yon dahil ang ang sini-share ko ay alam na rin naman ng iba, pero sinasarili lang nila. Hindi ko naman kayang ipunin sa dibdib ang mga dapat kong i-share dahil baka sumabog ako sa sobrang himutok.

 

Makulit:   Paano ang gastos mo sa blogging?

 

Ako:   Mga oras lang yon na nagamit naman sa tama. At least hindi ako basta nakatunganga lang o nangungulit. (Paramdam ang huli kong sinabi upang sana ay tumigil na siya, pero tuloy pa rin.)

 

Makulit:   May banta ka na ba sa buhay?

 

Ako:   Secret. Pero mas malaking banta sa buhay ko ang pagtaas ng blood pressure dahil sa mga taong walang alam gawin kundi mangulit sa akin kaya naiinis ako. (Hindi pa rin niya naramdaman ang pagtumbok na ginawa ko dahil tuloy pa rin siya sa pangungulit.)

 

Makulit:   I-share mo naman yong tungkol sa mga project mo sa mga iskwater.

 

Ako:   Huwag na. Pero kung magdo-donate ka o tutulong sa pagpapa-aral ng mga bata, marami kang malalaman.

 

Makulit:   (Tumahimik siya sandali nang marinig ang mga salitang “donate” at “tulong”). Good luck na lang sa mga project mo, pare.

 

Ako:   (Nakakita ako ng pagkakataong mangulit naman sa kanya.) Hindi pare. Palagay ko bilang kababayang Pilipino dapat tumulong ka rin sa kapwa mo, mabawasan man lang ang “dirty money” mo. (Mabuti na lang hindi naintindihan kung ano ang ibig kong sabihin sa “dirty money”, dahil alam kong may mga illegal siyang transaction kaya biglang yumaman. Akala niya sa “dirty money” ay okey dahil siya ay tinawag ko noong “filthy rich” na okey lang ang ibig sabihin, ganoong sa Pilipino, ito ay katumbas ng “maruming mayaman”.)

 

Makulit:   Next time na lang pare, at good luck uli sa mga ginagawa mo sa mga iskwater. Siyanga pala, si Misis nasa supermarket sa ibaba, pupuntahan ko baka tapos na siyang mamili. Usap na lang tayo uli. (Dali-daling siyang tumayo.)

 

Ako:   Teka pare, ano nga pala ang itatanong mo?

 

Makulit:   Text ko na lang sa iyo.

 

Nagpasalamat ako sa huling pag-uusap namin ng “kaibigan” ko dahil nabisto kong allergic pala siya sa salitang “donate” o tulong, kaya sa susunod, sa simula pa lang ng usapan namin ay pariringgan ko na siya ng mga ganoong salita.

 

Paalala lang sa makakabasa na ang blogging ay hindi palaging pinagkikitaan. Ito ay sakripisyo sa panig ng nagba-blog lalo na kung ang sinusulat niya ay tungkol sa maling nagaganap sa paligid, kaya hindi dapat pag-isipan na ang taong maraming blogs ay marami ding pera. Ang mga nagbaba-blog ay mahilig lang talagang makibahagi ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat ng sanaysay, kuwento o tula. Huwag ding akalaing mayabang ang mga bloggers, dahil kung tutuusin, namemeligro pa nga ang kanilang buhay lalo na kung tungkol sa pulitika ang kanilang sinusulat. Pero bilang dagdag-kaalaman, kumikita lamang ang mga blogger kung papasukan ng advertisements ang kanilang sites, na kalimitan ay tungkol sa fashion, shopping, cooking, travel , sports, at makabagong gadgets. Ang mga blogs ko ay hindi tungkol sa mga nabanggit na paksa.

 

Mga Suhestiyon para sa Kagawaran ng Edukasyon

Mga Suhestiyon para sa Kagawaran ng Edukasyon
Ni Apolinario Villalobos

Kung seryoso ang Kagawaran ng Edukasyon na mabago ang imahe nito na nakulapulan ng bansag na isang korap at pabayang ahensiya, dapat ay magkaroon ang pamunuan ng masusing imbestigasyon tungkol sa mga bagay na bukod sa alam na nila ay alam na rin ng publiko. Maliban pa diyan ang mga sumusunod na suhestiyon:

1.Tanggalin agad at parusahan ang mga mapatunayang tumatanggap ng komisyon mula sa mga publishers ng mga librong workbooks na ginagamit ng mga estudyante at mga guro.

2. Ibalik ang dating sistema sa paggamit ng mga textbook na walang mga bahaging sinasagot ng mga estudyante sa bawat katapusan ng mga tsapter, upang magamit pa uli ang mga ito. Sa ganitong paraan, ang mga hindi nakakabili ng mga libro ay maaaring manghiram sa mga kaklase, at makakatipid pa ng di-hamak na malaking halaga ang gobyerno.

3. Paigtingin ang makabagong paraan sa pagtuturo sa pamamagitan ng agad-agarang paglagay ng mga computer sa mga eskwelahan. Huwag umasa sa mga donasyon dahil kaya naman ang ganitong proyekto kung gagamitin ang napakalaking matitipid sa pagtigil ng pagbili ng mga workbook taon-taon na pinagkikitaan lamang ng mga tiwaling opisyal na kinakasabwat ng mga publisher.

4. Magkaroon ng paraan upang maitaas ang hanay ng mga pinagtuturong mga gurong hindi pa nakakapasa sa licensing exams, upang mabigyan sila ng nararapat at maayos na sahod.

5. Kung may binibigay nang “hazard pay” sa mga gurong nakatalaga sa mga delikadong lugar, dagdagan pa, upang hindi magdalawang isip ang iba pa sa pagtanggap ng ganitong assignment.

6. Magtalaga ng regular na Property Custodian na ang duty ay buong taon, hindi mga buwan ng pasukan lamang, upang masigurong mabantayan ang mga gamit ng eskwela na karaniwang napapabayaan tuwing bakasyon. Aayon ito sa suhestiyon tungkol sa modernisasyon sa pagtuturo, dahil magkakaroon ang mga eskwelahan ng mga computer at iba pang gamit na may kinalaman sa information technology.

7. Magtalaga rin ng regular na Security Officer na buong taon din ang duty, katulad ng sa Property Custodian.

8. Huwag i-asa sa perang donasyon ng PTA ang mga bagay na may kinalaman sa pamamalakad ng eskwelahan. Kung pinagmamalaki ng gobyerno na libre ang pag-aaral ng mga bata, dapat lahat ng bagay na may kinalaman sa ganitong panukala ay libre din. Dapat ang gamit ng PTA ay bilang instrumento lamang para sa masinsing pakikipagtulungan ng mga magulang sa mga namumuno ng mga eskwelahan upang masubaybayang mabuti ang mga bata. Hindi dapat gumagastos ang PTA para sa mga security guard o pagpalinis ng mga kubeta o pagbayad ng mga ilaw. Labas sa suhestiyong ito ang nakaugaliang “Brigada: Balik Eskwela” na boluntaryo lang naman tuwing bago magpasukan, dahil nagpapairal ito ng bayanihan na magandang halimbawa para sa mga kabataan.

9. Suriing mabuti ang mga itinuturong asignatura o subject sa mga estudyante dahil lumalabas na dahil sa dami ay hindi naman naituturong lahat. Ang problemang ito ay lalong nadagdagan ng K-12 program. Dahil sa mga nabanggit, lumalabas na “hilaw” ang kaalaman ng mga estudyante, kaya karamihan sa kanila, grade three na ay hirap pang mag-spell ng mga salita o magbasa nang tuluy-tuloy. At ang matindi ay bobo sila pagdating sa kasaysayan ng Pilipinas dahil, ni hindi man lang nila alam kung sino si Tandang Sora o si Diego Silang o si Sikatuna. Subalit, kung maglaro naman ng computer games, ang bilis ng paggana ng utak nila!

10. Gumamit ng solar power bilang suporta sa modenisasyon ng pagtuturo, sa halip na regular na kuryenteng binibili sa mga cooperative o MERALCO upang makatipid, at magiging modelo pa ang mga eskwelahan sa ganitong adbokasiya.

Dapat tanggapin ang katotohanang hindi naman talaga nagtuturo ang karamihan ng mga magulang sa mga anak nila sa bahay, lalo na kung may mga assignment. Maswerte ang mga estudyanteng ang mga magulang ay may kaalaman sa mga bagong subject na itinuturo ngayon. Pagdating naman sa paggawa ng mga project, karamihan sa mga ito ay mismong mga magulang ang gumagawa. Kaya paggising ng mga anak sa umaga, tapos na ang project na dadalhin na lamang nila sa eskwela. Dapat gumawa ng paraan ang kagawaran upang maituwid ang ganitong maling sitwasyon.

May mga teachers din na umaaming alam nilang hindi man lang nagbubukas ang mga estudyante ng mga libro nila dahil basta tama ang sagot sa mga katanungan sa katapusan ng tsapter, ay pasado na sila. Iba kasi kung bibiglain ang mga estudyante ng mga katanungan sa araw mismo ng test, kaya obligado silang magbasa upang makapaghanda.
Maraming mga estudyante ngayon ang hirap sa pagbaybay o pag-spell ng mga salita, lalo na ang mga Ingles. Magaling lang sila sa pabaklang pag-pronounce ng letrang “R”, na hindi naman itinutuwid ng mga guro, dahil sila mismo ay guilty din.

Mga Kalituhan sa Buhay

Mga Kalituhan sa Buhay
Ni Apolinario Villalobos

Kumplikado ang buhay dahil sa mga kalituhan at hiwagang bumabalot dito. Marami ang hindi maipaliwanag at nagkokontrahan pa ang ibang mga bagay at pangyayari.

Dahil sa pagsulputan ng iba’t ibang grupo ng matatalino, hindi na alam ng isang pangkaraniwang tao kung saan siya sasama. Nandiyan din ang palaging nababanggit na relihiyon. Lahat sila ay itinataguyod ng mga sarili nilang simbahan at nagpipilit pa na tama sila. Sabagay, karapatan nila ang magsabi na tama sila basta hindi lang demonyo ang kanilang sinasamba.

May kalituhan ding nangyayari sa panahon ngayon dahil naman sa hindi na ikinahihiyang alanganing kasarian. Ang talagang matatapang ay nagsasabi na babae sila na nakulong lamang sa katawan ng lalaki, o di naman kaya ay, lalaki sila na nagkamali lang sa pinasukang katawan. Kaya upang mawala na ang kalituhan sa kanilang pag-iisip ay talagang naglaladlad na tulad ng ginawa ni Charisse, Aizza, at Rustom Padilla. Yong may pera ay talagang pinakialaman na ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagpalit ng bahaging pangsekswal.

Sa mga bansang talamak ang corruption, tulad ng Pilipinas, nililito ng pamahalaan ang mga mamamayan tungkol sa maraming bagay. Nandiyan ang magreport ang mga ahensiya ng mga ginawa daw nila na drawing lang pala. Ang masaklap ay kung mismong presidente pa ang may kayabangang magreport tungkol sa mga ito, kaya nagmumukha siyang tanga. Kung minsan ay inaangkin pa ng pamahalaan ang mga proyekto ng mga pribadong NGO. Ang panlilito ay isang paraan ng panlilinlang. Subalit kung alam na naman ng mga nililito ang katotohanan, ang taong nanlilito ay nagmumukhang katawa-tawa.

Tungkol naman sa pagpahaba ng buhay, marami ring kalituhan ang nangyayari. Sinasabing kailangan ng katawan natin ang pagkain, subalit hindi naman pala lahat ng pagkain ay pwede sa lahat din ng tao, dahil sa tinatawag na allergy. May mga taong allergic sa itlog, manok, lamang dagat, gatas, mani, maski gulay! May mga synthetic din na mga gamot ang nawawalan ng bisa kung sasabayan sila ng mga halamang gamot o herbal medicine. At ang mga pagkain ay hindi pwedeng basta-basta lalamunin dahil yong iba ay nakamamatay kung sobra ang ipinasok sa katawan dahil sa sarap…kaya tuloy lumalabas na bawal ang magpasarap!

Ang matindi ay ang kuwento tungkol sa isang tao na dahil sa katatawa ay bigla na lang natumba at namatay! Naisip ko tuloy, pwede ka rin palang mabulunan ng hangin….at bawal din pala ang sobrang masaya!…masalimuot talaga ang buhay, kung sa Ingles ay “life is complicated”, kaya nakakalito!

Don’t Be Flattered by the Praise, nor be Discouraged by a Fault

Don’t Be Flattered by the Praise
Nor Be Discouraged by a Fault
By Apolinario Villalobos

Praise and fault should both be viewed as inspirations. One should not stop where praise is given nor be discouraged when a fault has been committed. It should be remembered that living is a continuous striving for the better. When praise is given, it means that one is being encouraged to aim for a higher level of accomplishment. When one commits a fault, it means that he should employ another means to attain his goal, and not for him to cease from striving.

Satisfaction is never a one hundred percent result based on impression. That is why in competitions there are judges. And, even though there is a so-called unanimous decision from the judges, there are still dissatisfied spectators in the audience. The elected government officials are not given a one hundred percent support by the constituents. Even Jesus did not please every Jew. And, God does not get one hundred percent devotion from His creatures as the world abounds with heretics – the ungrateful ones.

So, the next time you are praised, keep your feet on the ground, and just be nonchalant about it. On the other hand, if you commit a fault, admit it, and exert more effort and do your best the second time around.

On the Value of Books, Magazines, Etc.

On the Value of Books, Magazines, Etc.

By Apolinario Villalobos

I just cannot understand how some people can fail to appreciate the value of books, magazines, etc. just because they are two, three or more years old. For them such materials are already outdated, so they do not deserve appreciation. The fact is, these materials, especially books can be updated but they retain their historical usefulness, hence, never outdated. Books are updated based on the old editions, and this is necessary, as some authors are found to bungle or distort facts, especially, on political issues. One example here is about the first Mass held in the Philippines, whether it was at Massao in Butuan or Limasawa Island in Leyte. The author of the old Philippine history book contended that it was held in Limasawa when his book was published during the administration of Marcos. There was a popular notion that it was done to please the First Lady who is from Leyte. When Marcos was ousted, those who were protesting in silence, took courage and became more vocal about the issue.

Even for scientific and technical books that are supposed to be updated regularly due to the fast turnover of new ideas and discoveries, there is still a need to maintain old editions so that basic information will always be on hand, in case of verification.

The notion that hard copies of books are no longer necessary with the onset of advance technology, is wrong. What the cyberspace keeps in its archives are actually digitized old books and their new editions if there are, for easy reference. Important issues here are the convenience and affordability of access, as not everybody can afford the installation of computers at home or afford the expense for browsing in internet cafes. On the other hand, there are so-called e-books, but such are just “versions” of printed ones. In fact, some authors venture into e-book publication to sell their books on-line which is easier, but still print them later, using earnings money from the viewers of their e-books.

While before, the book was considered as a precious commodity for the acquisition of knowledge, today, book publication is viewed as a very profitable business venture. This is the reason why the questionable Philippine educational system has allowed the “conversion” of text books into workbooks with the insertion of questions and portions for answers at the end of each chapter. This wicked practice of the educational institutions, including government agencies, in connivance with the unscrupulous publishers and agents has made many people shamefully rich on one end, while on the other end, parents and students suffer. In their haste for printing, some books even come off the press with so many errors. The practice no longer made possible the passing on of old books to younger members of the family, as buying new sets with unanswered questions at the end of chapters, has become necessary.

People love trivia. But where do all the information come from? – old books and magazines! Those found in the internet are the upload, patiently done by website owners that earn through ads squeezed in available spaces of their site’s pages, or number of viewers they generate. This is how servers and website owners in the cyberspace earn. Netizens thought that they owe a lot to them, thinking that they are the originators of the information, when all these website owners do is upload information. On the other hand, the servers only provide space for these websites from which they earn enormous income.

I have no quarrel with the servers and website owners, but my effort here is directed at how people have been misled by thinking that because of the computers, hard copies of reading materials have become obsolete or on a kindlier view, unreliable.

Before the onset of the internet, students had no choice but to diligently turn the pages of books to cull the needed information for their theses. They were forced to make summaries or condense sourced materials. But because of the advance technology, some of them just “copy” and “paste” pages from sources in the internet, make minimal revisions, by deleting sentences and paragraphs, then, collate them into a “thesis”. That is the ongoing sad reality.

When I did a job on the side, editing theses of students from a reputable university, I discovered one time, that four drafts were identical word for word – with the same source in the internet. Two other students tried their best to be authentic by jumbling the sequence of paragraphs that they copied and collated. And there’s the story shared by a librarian about two similar theses, but with submission dates of more than ten years apart! They were discovered later when a researcher took note of the similarity and called the librarian’s attention about it. And, there’s a classic story of how the whole content of a thesis reference was peeled off from its cover by a student researcher, and who inserted folded newspapers, afterwards, as replacement to make the reference material look intact when it was returned to the librarian who did not bother to check.

I am not saying that we fill whatever space we have at home and offices with books and magazines and hold on to them till time eternal. What I am trying to share is the restraint that we should observe in disposing books and other reading materials that have outlived their immediate usefulness. What we do not need can be shared, instead of dumping them in garbage bins. What shocked me was when I found two copies of pocket edition of Bible in a box of junk, and worse, a copy of Koran in another junk shop! I found my rare copies of biography of Queen Victoria, “Pepe En Pilar”, and “Codigo Penal” printed in 1870, in a pile of junks sold on a sidewalk.

As a high school and college student in Notre Dame of Tacurong, a parochial school in the far southern province of Sultan Kudarat in Mindanao, I had a grand time poring over the pages of National Geographic, Reader’s Digest, and Encyclopedias in our library, all old editions, solicited by Oblate priests in the United States. Some of them were even dated as early as 1950’s, especially, the Reader’s Digest and National Geographic, but I still enjoyed reading them. We were lucky, as our bespectacled librarian, Leonardo Ninte and his student assistants, carefully, rebound the reading materials, to make them endure regular handling. A good number of shelves in the library were filled with donated books, with only very few important current editions purchased due to the scant fund of the school. Those “outdated” materials helped me a lot in developing my love for reading. Accordingly, if some people who are in charge of libraries today will nurture an attitude of abhorrence to old books, they will eventually deny others the opportunity to earn knowledge from books, be they old or new.

The fast advancing technology on information is proving its great help to mankind. But we should understand that technology in whatever form has limitations. The gadgets we see now as “repository” of information, still need to be fed with basic information by man as basis for their mechanical “intelligent” subsequent actions. Most importantly, what are fed to these machines come from the human brain. These invented and fabricated machines come about as forms of convenience that man seeks tirelessly for his comfort. Man started with barks, leaves, rocks and even pot shards in recording events long time ago. What resulted into modern day codices – books, should therefore be given due respect and importance for all their worth which is fathomless. To tip the balance in favor of these machines as regards the perception on the value of books, therefore, is not fair.

Imitation of Christ: My First Owned Book….from Fr. Robert O. Sullivan, OMI

Imitation of Christ: My First Owned Book

…from Fr. Robert O. Sullivan, O.M.I.

By Apolinario Villalobos

I got the paperback, “Imitation of Christ” when I was in first year high school, as a prize for besting other contestants during the extemporaneous writing in English competition as part of our school’s Foundation Day celebration. It was donated by the school’s Director during the time, an Irish Oblate priest, Fr. Robert O. Sullivan. Unfortunately, its only part that I was able to read was the dedication which said: “Apolinario, be like Christ in any way you can”…with the rest of the pages, I failed to read.

My reading interest during the time was limited to the National Geographic, Reader’s Digest, Hardy Boys series, Philippine Free Press, and occasional encyclopedia about history and geology. As a first year student, I felt I was not prepared to immerse myself into something which I was afraid I might fail to comprehend. I carefully kept and brought the book with me anywhere as far as Tablas in Romblon when I was first assigned there by PAL, as a precious property, until I finally gave it to a childhood buddy, Teddy Lapuz, who was suffering from a failed kidney transplant, and which eventually caused his death later on.

I did not regret giving my book to a dear friend who chose to die alone, or rather in the company of Christ, as he would always tell me when he was still alive. His statement gave me the idea to give him my precious book. I just hope that he was able to read it and blessed by its message. If indeed, he did, what I have missed, has become his spiritual gain.

Despite my missing the content of the book, I love to presume that when imitating Christ’s acts, one should be spontaneous, so that no compulsion is felt. The acts should emanate from the heart. The consciousness about the acts of Christ should form the strong foundation of a person to support his subsequent actions. To do the acts of kindness should not be forced on someone. The act may be inspired by others, or by an experience, if not as an innate desire. And most importantly, to be Christ -like is to be universal in all acts of kindness that knows no barrier. Easier said than done? Not really, because one need not start with something big to do it. All that such act needs is something within the means of a willing and sincere benefactor that can be shared with others – discreetly and unconsciously.

Many people are actually imitating Christ without their knowing it. Ordinary cigarette and candy vendors who give direction to lost pedestrians, are among them. Even the street sweepers, who do their job sincerely, knowing that they get paid out of the hard-earned people’s money. The street is full of modern-day Christs, people who do not think twice before sharing a few coins with a child driven by the pang hunger to beg, a student who helps a fallen old woman, and many others.

I may not have read the book given to me by Fr. Sullivan, but the cover and title are deeply impressed in my mind, reminding me that one need not be rich to be able to share blessings. I realized today, that to be Christ-like is the moving spirit behind the school where I learned the rudiments of Christianity, although, named after His mother…the Notre Dame of Tacurong College, a humble school with a big mission, and which tries to reach out to all, regardless of their religious affiliation.