Marerespeto Lamang ang Isang Bagay Kung Lubos ang Pagka-unawa Dito…ganyan ang dapat gawin sa Bibliya

Marerespeto Lamang ang Isang Bagay

Kung Lubos ang Pagka-unawa Dito

…ganyan ang dapat gawin sa Bibliya

Ni Apolinario Villalobos

 

Matalino talaga ang Diyos. Habang maaga ay naipakita niya na hindi pala malawak ang pang-unawa ni Manny Pacquiao dahil ang isip niya ay naka-kahon lamang o limitado sa mga nakapaloob sa Bibliya na halatang hindi naman niya inunawa na mabuti. Ang Old Testament kung nasaan ang Leviticus ay patungkol sa mga  Israelista noong unang panahon. Ang mga nakapaloob na mga utos ay para sa kanila at angkop sa kapanahunan nila…ngunit may iilan naman na ang “substance” o “essence” ay maaaring gamitin sa makabagong panahon…kaya hindi dapat “literal” ang interpretasyon. Marami ang nasiraan ng isip dahil sa pagkapanatiko sa literal na pagpaniwala sa mga kautusang ito sa Old Testament. Maraming nasirang pamilya sa makabagong panahon dahil ipinagpalit ng isang ama ng tahanan ang kanyang pamilya sa isang kopya ng Bibliya kaya lumayas at “nag-pastor” sa iba’t ibang lugar. Maraming nag-resign sa trabaho at nag-astang “Moses” at nagpastor-pastoran, sumasampa sa mga jeep at bus upang mag-share kuno.

 

Nakakabahala ang ginagawa ni Pacquiao na pagsangkalan sa Bibliya sa pangangampanya upang ipakita sa taong bayan na mabuti siyang tao. Ano ngayon kung naniniwala siya sa Bibliya niya?…ang dami diyang inaalmusal, tinatanghalian, at hinahapunan ang pagsambit sa pangalan ng Diyos, at tuwing araw ng pagsimba ay nasa simbahan din sila, pero magnanakaw naman pala ng pera ng taong bayan! Paano na lang kung manalo siya bilang senador? Gusto ba niyang ipilit sa mga hindi “Born Again Christians” ang nabasa niya sa kanyang Bibliya?

 

Ang isa sa mga totoo na sinasabi sa Bibliya ay darating ang panahon na maglalabasan ang mga hangal na taong nagkukunwaring mga “sugo” ng Diyos at pag-usbungan ng iba’t ibang grupo na nagbabalatkayong “maka-Diyos”…dahil nangyayari na…at may naghuspa pa na ang ibang tao ay masahol pa sa hayop dahil nagkakagusto sila sa isa’t isa!

 

Ang Bibliya ay isang sagradong bagay, ano mang uri ito na ginagamit ng iba’t ibang relihiyon. Ang mga hindi naniniwala ay dapat magpakita man lang dito ng respeto. Ang pag-abuso dito ay isang uri ng pambabastos sa Diyos.

 

May kasabihan sa Ingles na “respect begets respect” at sa Pilipino ay, “ang respeto ay nasusuklian ng respeto”. Dahil diyan, marerespeto pa kaya si Pacquiao dahil mismong Bibliya ay hindi niya nirespeto sa pagbigay ng ibang kahulugan sa mga nilalaman nito?

 

ASAHAN ANG HINDI PAG-RESPETO SA KANYA NG MGA TAONG NADISMAYA SA KANYA SA ARAW NG KANYANG LABAN. KUNG MAY MAG-BOO SA KANYA AY OKEY LANG…HUWAG LANG SIYANG BATUHIN NG KAMATIS HABANG NASA IBABAW NG RING! BILIB SANA AKO SA KANYA…NGAYON AY HINDI NA!

 

 

 

Ang Talumpati ni Pnoy Aquino sa Mamasapano Massacre Anniversary (25 January 2016)

Ang Talumpati ni Pnoy Aquino sa

Mamasapano Massacre Anniversary (25 January 2016)

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagsalita ni Pnoy Aquino sa anibersaryo ng pagpatay sa SAF44 ngayong araw, 25 ng Enero, ay kung ano-ano na namang matulaing kataga ang binitwan niya. Kaylan kaya titigil ang presidente sa ganitong gawain na bistado namang puro buladas lang? Hindi makakalimutan ang mga binitiwan niyang mga pangako lalo na ang “tuwid na daan”, noong nangangampanya pa lang siya, hanggang sa siya ay umupo na. Pati ang mga “pangako” para sa mga pamilya ng mga pinatay na SAF44 ay hindi pinatawad ni Pnoy dahil sa mga bulilyaso na naman.

 

Ayon sa tatay ng isang pinatay na SAF, iilan lang sa mga pinangakong benepisyo ang kanilang natanggap. Ang pabahay ay maliit at nasa isang liblib na panig ng Laguna at hindi mararating kung walang sariling sasakyan. Ang isang benepisyo para sa dependent ay tahasang sinabi ng pamunuan ng PNP na hindi pwedeng ibigay dahil lampas na sa minimum na gulang ang tinutukoy na dependent, subalit sana ito ay ginawang exemption na lang, dahil gagamitin sa isang hindi pangkaraniwang sitwasyon…subalit hindi nangyari, sa kabila ng pangako ni Pnoy.

 

Hindi makalimutan ang hindi niya pagsalubong nang dumating ang mga labi ng SAF44, pagkatapos ay sasabihin niyang dadalhin daw niya hanggang sa hukay ang sakit na dulot ng nangyari na gusto pa niyang ituring na isang “insidente” lamang, at hindi “masaker”? Dahil sa kasanayan na niyang magbigkas ng mga kasinungalingan, akala niya lahat ng mga sinasabi niya ay totoo….napaniwala niya ang sarili sa ganito. Subalit hindi tanga ang taong bayan upang paniwalaan ang mga sinasabi niya.

 

Upang mabawasan ang bigat ng kanyang mga pagkukulang bilang presidente ay panay paninisi ang ginagawa sa nakaraan administrasyon ni Gloria Arroyo na nagpamana daw sa kanya ng mga kapalpakan. Bakit hindi na lang niya ituwid kung may mali at punan kung may kakulangan, sa halip na siya ay magdadakdak na hindi gawain ng isang lalaking tao, lalo pa at ayon sa kanya ay  “ama” siya ng sambayanang Pilipino? Ang salitang “ama” ay nanggaling din sa kanya dahil sa kahiligan yata niya sa tula, subalit hanggang turing na lang ito, dahil hindi nga niya pinapakinggan ang kanyang mga “boss” na taong bayan, ang bago na namang turing na “ama” pa kaya? Hindi lang tahasang pagbibingi-bingihan ang kanyang ginagawa, kundi pati na rin ang pagbubulag-bulagan, at lalo pa ang pagmamaang-maangan kaya marami tuloy ang nagtatanong kung may presidente ba ngayon ang Pilipinas.

 

Ang pinakamagandang magagawa ni Pnoy upang makabawi sa mga kahihiyan ay huwag nang mangako at bawasan ang paggamit ng mga matalinghagang salita sa kanyang mga talumpati. May panahon pa naman siya upang mabago kahit kapiraso ang pagtingin sa kanya ng sambayanang Pilipino at makakuha uli ng respeto…yan ay kung pakikinggan niya ang mga matitino niyang taga-payo, lalo na ang mga “boss” niya.

Magpapasko pa naman!…nakakahiyang expression ng mga Pilipino

Magpapasko pa naman!

…nakakahiyang expression ng mga Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat ay isama ng mga moralista ang pagbawal sa paggamit ng expression na “magpapasko pa naman” na tumutukoy kay Hesus, tuwing may kalamidad na mangyari bago sumapit ang “pista” na ito. Halatang ang habol lang talaga sa pistang ito ay mga kasiyahang dulot ng bonus, pagkain, gifts, Christmas lights, simbang gabi, caroling, etc.

 

Tuwing may kalamidad na nangyayari bago magpasko, ang mga naaawa sa mga nasalanta ay nagsasabi ng nabanggit na expression dahil siguro iniisip ng mga “naaawa” na ito, na mami-miss ng mga nasalanta ang mga kasiyahan, at hindi dahil bertdey ito ni Hesus… isang isyu ding kinukuwestiyon. Bakit hindi na lang dumamay at magbigay ng tulong dahil kailangan ng mga nasalanta at hindi dahil sa kung anu-ano pang dahilan tulad ng pasko?

 

Ang sabi ng mga researchers, ang talagang bertdey ni Hesus ay sa unang linggo (week) ng Abril. Ginamit ng mga matataas na opisyal ng simbahang Katoliko na mga Romano ang Disyembre dahil dati na itong ginugunita ng mga pagano sa Roma…isang makamundong pista na puno ng mga kasiyahang nakikita sa pagbaha ng pagkain, alak, at kalaswaan. Ang talagang orihinal na ginugunita ng mga Hudyo noon pa man ay ang araw ng pagbinyag kay Hesus na nakatala sa mga sinaunang records na ang iba ay inilagay sa Bibliya. Walang binabanggit ang Bibliya tungkol sa eksaktong bertdey niya. Ang sinasabi lang ay panahon ng pag-census ng mga Hudyo kung kaylan ay nataon sa pagpanganak kay Hesus. Ang census na ito ang ginawang batayan ng mga mananaliksik upang matukoy ang “panahon” at ang buwan batay sa kalendaryong pinagamit ng Roma sa mga nasasaklaw ng Kristiyanismo.

 

Sa makabagong panahon, maski sinong bata ay umaasam ng mga regalo tuwing sasapit ang pasko dahil ito ang itinanim sa isip nila ng mga nakakatandang Romanong Katoliko. Inaasahan nila ang paglundo ng mesa sa bahay dahil sa dami ng pagkaing idi-display. Ang mga tin-edyer naman ay excited sa pagsapit ng simbang gabi dahil magkakabandingan na naman sila ng mga kabarkada, at ang iba naman ay magliligawan – sa labas ng simbahan. Ang mga talagang isip at asal demonyo ay may lakas ng loob pang magsuot ng mga damit na kung hindi manipis ay may plunging neckline naman, at ang lalong malaswa ay ang pagsuot nila ng short shorts na nagdi-display ng maitim naman nilang kuyukot! Ang iba naman ay magdi-displey ng mga alahas na tulad ng ginagawa nila sa pagdalo ng misa kung araw ng Linggo.

 

Ang isa pang itinuro ng simbahang Romano Katoliko upang mapilitang magsimba araw-araw ang mga kasapi ay ang pagbuo ng siyam na araw upang matupad daw ang kanilang mga hiling! Hindi ba ito katarantaduhan….dahil wala naman yan sa Bibliya? Ang dapat na itinanim sa mga kasapi ng simbahang Romano Katoliko ay ang sakripisyo na kaakibat sa pagdalo sa misa tuwing madaling araw o gabi, upang pagdating ng talagang “kapanganakan” ni Hesus, ay hindi nakakahiyang humarap sa kanya….hindi yong hihiling ng kung anu-ano para sa sarili na kalimitan naman ay pera. Pati ang mga prutas na kung ilang piraso na puro bilog ay kasama din sa kinalolokohan ng mga Pilipino…pero ito ay paganong paniniwala naman ng mga Intsik na isinabay sa pasko at bagong taon dahil nakita ng mga taong ito ang malaking kikitain na resulta ng panloloko nila…mga negosyante kasi!

 

Bakit hindi sundin ang panawagan ng mismong santo papa na si Francis na sa paggunita ng “kapanganakan” ni Hesus, dapat ay iwasan ang pagiging materialistic?…dahil ba marami ang gustong magpakita ng karangyaan? Bakit pa ituturing ng mga Katolikong “tatay” nila si Francis kung hindi rin lang siya pakikinggan?…dahil ba sagad-buto na ang kanilang pagiging makasarili?

 

At, kung seseryusuhin na talagang “bertdey” ni Hesus ang isi-celebrate bakit hindi sa isang araw lang – ang pinaniniwalaang December 25? …dahil ba ginagamit ito bilang dahilan upang mag-celebrate ng mga makamundong bagay na orihinal na ginagawa ng mga pagano sa Europe?

 

Pinagmamalaki ng mga Pilipino ang “pinakamahabang pasko” sa buong mundo, pero kung talagang iisipin ang diwa ng pasko…ang kahabaang ito ay dapat ikahiya dahil sa kahirapang dinadanas na ng mga Pilipino at kalagayan ng Pilipinas! Nakakahiyang Setyembre pa lang ay hindi na magkandaugaga ang karamihan sa paglagay ng mga palamuti na para bang “mauubusan na ng pasko”. Kanya-kanya ang mga lunsod at bayan sa pagtayo ng mga giant Christmas tree pati mga lugar kung saan ay may mga kalakalan tulad ng malls. Ang maririnig sa radio ay mga kantang pang-krismas. Ang nakikita sa mga TV screens ay mga pagkaing mararangya na pang-pasko, etc….hanggang Enero ito. Habang nangyayari ang mga nabanggit , marami namang mga Pilipino ang halos hindi makakain ng kahit isang beses sa isang araw. Ang iba, makakain lang ay namumulot ng mga tira-tira sa basurahan.

 

Ang mga Pilipinong ayaw tumingin sa katotohanang ito, simple lang naman ang mga sagot: “kasalanan ko ba kung naghihirap sila at kaya naming gumastos?”, o di kaya ay, “kasalanan nila kung bakit sila naghihirap, dahil tamad sila!”….masasabi bang tamad ang isang taong nauulanan na’t lahat at halos malapnos na ang balat dahil sa init ng araw ay nangangalkal pa rin ng basura?

 

Peace to all!!!!

 

Do Not Feel Bad About Unfulfilled Dreams

Do Not Feel Bad

About Unfulfilled Dreams

By Apolinario Villalobos

 

There is a popular adage, “life is what we make it”. All of us have limitations, hence, it follows that the life we live is based on our best effort, but hampered by limitations. We cannot be like what others are. We can strive, yes…but the result may not be the same as what others have accomplished. The problem with some of us is that they dream to be like somebody else which is impossible. Successful people can be looked up to as models or be admired, but cannot be exactly copied.

 

Success is relative. The degree and kind of success varies. In this regard, to avoid getting disappointed, one should accept what he has accomplished based on his capability and just strive a little harder to be able to accomplish more. He should not feel bad, for instance, because he did not become a manager like his friend, or a physician like another friend, or a mayor, etc.

 

Those who develop grudge because of their “failure” supposedly, equate success to fame which is wrong. Others feel that just because they did not become famous like others, they have become a failure. I can say that such kind of feeling is a manifestation of jealousy which breeds grudge….nothing else. Success in life is the happiness and contentment one feels every morning as he wakes up to another day….it is the joy felt in what he does.

 

We should not be occupied with gawking at what others are doing or be jealous with what they have accomplished. Each one of us has a different kind of life to live and concerns much different from the rest. On the other hand, the jealous attitude is most often the result of unnecessary and unhealthy rivalry in offices and other work sites. This is called professional jealousy which affects the operation and atmosphere.

 

Finally, successful people may wonder why some friends have suddenly kept a distance from them for no reason at all that they know of. There is something for these shunned successful people to ponder about…jealousy developed by their friends who have the habit of comparing themselves with others. Such unnecessary feeling made them jealous resulting to grudge that time may not expunge easily. My suggestion: a change in attitude…by being positive in living one’s life….and changing it for the better.

 

Sadyang Hind Ako (Indi Gali Ako)

Sadyang hindi ako

By Louie John M Salda

(Indi Gali Ako)

Translation by ABV

Ang aking lubos na kaligayahan,

ay napalitan ng mapait na karanasan.

Mula ng ako’y iyong iwan at saktan,

ng iyong pusong sadyang salawahan.

(Ang kalipay ko tani nga matuod

Sa mapait nga kalisod ini nalunod

Halin sadtong nagbiya ka sa akon

Daw nadunot na akon tagipusuon!)

Sa tuwing ika’y namamasdan,

bumabalik ang hapdi ng nakaraan.

Pagkat ako’y lubusang iniwan,

sa ere ng walang kaalam-alam.

(Kon kis-a nga indi gid malikawan

Nga makita ka, nagabalik ang tanan

Kay daw sa ano bala ikaw nagbiya

Sa akon nga maskin wala sang sala!)

Tila sadyang mapagbiro ang tadhan,

tayo ay sadyang pinagkikita.

Ngunit puso mo’y walang kasing tigas.

Ni kahit pangalan ko ay di mo mabigkas.

(Masakit kay daw ginahampangan

Ang ginabatyag, sang kapalaran

Kay maskin pirmi pa magkit-anay

Indi ka man lang makasiling “hi!”.)

Hanggang saan susukatin?

Hanggang kailan bubuhayin?

Ang puso kong ikaw lng ang hiling,

Sana pag-ibig ko ay iyong dinggin.

(Ang pagsukat, asta diin makadayon?

Mabuhi pa ayhan ining tagipusuon?

Tagipusuon nga ikaw ang ginapangita –

Tani pamatian mo, akon nga palangga!)

Sadyang hindi ako!

Ang laman ng puso mo!

Ikaw nga ay lubusang ngbago.

Sana’y malama’t maisip mo,

Na ikaw ay minahal ko ng husto.

(Indi gali ako….!

Unod sang kasingkasing mo!

Indi na ikaw ang akon nakilala

Pero itanom gid sa imo hunahuna

Sadto pa, ikaw gid…akon palangga!)